Gab-7

1694 Words

Kanina pa s'ya nakatitig sa salamin sa may tokador habang sinusuklay ang mahabang buhok. Kanina pa s'ya naihatid ni Gab sa bahay nila. At buhat kanina ay hindi na nawala sa isip n'ya si Gab sa Saavedra. Hindi na nawala sa kanya ang gwapong mukha nito, ang mga labi nitong humalik sa mga labi n'ya. Wala sa loob na napahawak sa mga labi n'ya. Si Gab ang pangalawang lalaking nakahalik sa kanya. Syempre si Glenn ang una ang nobyo n'ya. At ang nangyari kanina ay hindi na dapat maulit pa. May nobyo s'ya at ang paghalik na 'yon sa kanya ni Gab ay isang pagtataksil kay Glenn. Nalungkot s'ya at nagkibit balikat sabay butong hininga at sinulyapan ang cellphone na nakapatong sa tokador. Wala s'ya ni isang text or tawag mula kay Gleen. Baka busy pa ito sa eskwela. Sinubukan n'yang tawagan ang nobyo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD