Matapos n'yang makausap si Lianne sa telepono. Dismayado s'yang muling sumakay sa sports car na dala n'ya. Nasa tapat s'ya ng building ng kompanyang pagmamay-ari ng ama ni Lianne at dito naman nagtatrabaho si Lianne. "Damn it!" Mura n'ya ng makasakay sa kotse, sabay hampas sa manibela. Ewan n'ya kung bakit pero nakaramdam s'ya ng inis sa sinabi ni Lianne na Girlfriend duty. Sinabi pa nitong alam na n'ya kung ano ang ibig sabihin nito sa Girlfriend duty. Iniling na lang n'ya ang ulo at pinaharurot na ang kotse. Kagabi matapos n'yang maihatid si Lianne sa bahay ng mga ito at nagtungo naman s'ya sa condo unit n'ya kasama si Kathryn his f*ck buddy. Isa lang si Kathryn na laging handa pag tinawag n'ya. Si Kathryn ang kasama n'ya magdamag at pinagsawa ang sarili sa batang katawan nito. Pero