Gab-5

2149 Words
Huminto ang kotse sa isang Bar. Kumunot ang noo n'ya ng makitang sa Bar s'ya dinala ni Gab Saavedra. Lininga n'ya ang paligid. Isang luxury bar 'yon. Hindi s'ya mahilig sa night life kaya wala s'yang idea kung anong klaseng bar ang pinagdalhan sa kanya ni Gab. "Sa Bar? B akit sa Bar?" Nagtatakang tanong n'ya kay Gab, matapos nitong patayin ang makina ng sasakyan. "This is my place," sagot nito at nauna na sa pagbaba. Inis s'yang sumunod sa pagbaba rito, napalabi s'ya ng makita ang pangalan ng bar. G.S Bar. Baka G.S stand for Gab Saavedra. Sinundan n'ya si Gab papasok sa loob ng luxury bar ni Gab. Hindi n'ya alam na pati bar pala ay pinasok ng negosyo ng mga Saavedra Hindi s'ya nagpupupunta sa mga Bar, kahit noon bahay eskwela lang s'ya, at ngayon naman bahay, trabaho lang s'ya at dahil estundyante pa si Glenn ay malimit naman kung mag date sila at kumain sa labas. Dahil nga busy din ito sa eskwela o kung minsan naman ay ayaw lumabas ni Glenn dahil kulang ang pera nito. Madalas na s'ya ang gumagastos para sa date nila ay hindi 'yon problema sa kanya. Naiintindihan n'ya ang sitwasyon ni Glenn. Isa pa kapag nakapagtapos naman si Glenn babawi daw ito sa kanya. Namangha s'ya pagpasok sa loob ng bar. Maganda at class ang buong paligid, halatang mamahalin at may class. Mukhang pinag-isipan ang bawat detalye sa loob, may kakaibang desenyo sa loob na bumagay sa ambiance nito. Magaling ang architect ng bar. 'Yan ang una n'yang napuna sa loob ng malaking bar. "Do you like the place?" Tanong ni Gab na nasa may bar at kumukuha ng alak. "Is this yours?" Tanong n'ya. At liningon ito. "Yeah," sagot nito. At lumapit sa kinatatayuan n'ya bibit ang dalawang kopita at inaabutan s'ya ng kopita. "Hindi ako umiinom," tanggi n'ya. Hindi naman talaga s'ya umiinom. Kahit si Glenn ang kasama n'ya ay hindi s'ya umiinom. Takot s'yang malasing, baka hindi na n'ya alam ang ginagawa n'ya pag nalasing s'ya, baka hindi n'ya kayang kontrolin ang sarili, although hindi pa naman n'ya nasubukang uminom. "I thought mahilig ka sa party and wild night?" Tanong nito. Nakuha n'yang kaya ganoon ang tanong ni Gab sa kanya ay dahil sa unang damit n'ya kanina. Ganoon kasi sana ang nais n'yang ipakitang image kay Gab, para naman madismaya ito sa kanya. Pero parang wala naman epekto, dahil ang sentro ni Gael ay ang makukuha nitong shares sa kompanya ng mga Saavedra. "Depende sa taong kasama ko," may inis na sagot n'ya, sabay hila ng upuan at naupo. "Bakit mo ba ko dito dinala?" Tanong n'ya at lininga ang paligid. Wala pang tao sa loob halos mga staffs lang na naglilinis. Kung sabagay maaga pa naman. Mamayang gabi palang n'yan ang mga nagpa-party,party. "To talk to you," sagot nito at humila din ng upuan at naupo katapat n'ya. Pinatong ang mga kopita at alak na bitbit sa bilog na mesa. "Isa pa para makatipid na rin kaya dito kita dinala," dagdag nito. "Ikaw magtitipid? Isa kang Saavedra!" sabi n'ya at pinaikot ang mga mata. "Well, like what I've said kanina sa sasakyan," simula nito at pumormal habang nakatingin sa kanya. Naghihintay naman s'ya ng sasabihin nito. "May boyfriend ka right?" Tanong nito. Agad s'yang tumango. "And I don't have a girlfriend, but I have a lots of girls," amin nito. Nagtaas s'ya ng kilay. Wala s'yang pakialam kung araw-araw iba ang babae nito. Tulad ng sinabi nito sa kanya kanina na wala itong pakialam kung iba't ibang lalaki ang samahan n'ya. "But of course, pareho nating hindi masaway ang mga magulang natin. I saw you, you want to be a perfect daugther for you parents," litanya nito at tumingin sa kanya. "And you? Sa itsura mo Gab kayang-kaya mong sumaway sa Papa mo," sagot n'ya. Ang tingin kasi n'ya kay Gab ay ang tipong hindi mapapasunod ng sino man. At alam n'yang kaya nitong sawayin ang kagustuhan ng Papa nito, unlike her. Hindi n'ya magawang sawayin ay saktan ang mga magulang. "To be honest ayokong sumuway," sagot nito. Kumunot ang noo n'ya. "Bakit?" Nagtatakang tanong n'ya. "Well, I like you eh," sagot nito. Nagulat s'ya sa sinagot ni Gab. Anong like naman kaya ang ibig nitong sabihin? Like gawing babae, katulad ng mga girls na tinutukoy nito. "What do you mean you like me?" lakas loob na tanong n'ya. "You, you are beautiful Lianne, sexy too," mabilis na sagot nito at tinignan s'ya sa mga mata na tila inaakit s'ya. Sa dating ni Gab Saavedra ay paniguradong babaero ito, halata sa kilos at pananalita nitong magaling ito pagdating sa babae. Well sa itsura at katayuan naman ni Gab ay paniguradong walang babaing tatanggi rito. Yung bang tipong masulyapan ka lang eh bibigay kana. Isa itong Saavedra kaya hindi na s'ya magtataka. "I have a boyfriend!" Mariing sagot n'ya at nagtaas ng kilay. Hindi s'ya dapat madala sa mga salita ni Gab. "Is that a problem?" "Yes! dahil mahal ko ang boyfriend ko," mariing sagot n'ya. Nakita n'yang ngumisi ito, ngising nakakaloko. "Do love really exist?" He asked. "Kung hindi mo pa nararanasan ma inlove Mr. Saavedra, it doesn't mean na hindi na ito nag e-exist," "Well, why don't you try me, who knows ma in love ka rin sa akin," "What? Never! I have a boyfriend and I love him!" Agad na sagot n'ya. Dahil 'yon ang totoo, hinding-hindi s'ya ma-iinlove sa katulad ni Gab Saavedra. Ang mga tulad ni Gab ay ang sakit ng ulo ng mga katulad n'ya. Ang tipo kasi ni Gab ay mukhang hindi marunong ma inlove at gumamit ng feelings sa mga babae. Ang tipo ni Gab ay tila panay pakikipaglaro lang sa kama ang alam. At hindi s'ya ganoong uri ng babae. Hindi s'ya nakikipag laro lang. "Never say never sweetheart!" Sabi nito, at naramdaman ang kamay nito na humawak sa kamay nya. Mabilis n'yang binawi ang kamay rito. "Never Gab Saavedra! as in never!" nanlalaking mga matang sabi n'ya rito. Ngumiti lang ito, tila hindi naniniwala sa depensya n'ya. "We will see, I'll give you 2 months to fall in love with me Lianne, and once na ma in love ka sa akin, I will make sure you'll beg me to take you in my bed," malisyosong sabi nito. Naningkit ang mga mata n'ya sa malisyosong sinabi ni Gab at marahas na tumayo mula sa kinauupuan. "How dare you?!" Galit na sabi n'ya at umigkas ang kamay n'ya para sampalin ito. Pero bago pa man dumapo ang kamay n'ya sa pisngi nito ay nahuli na ni Gab ang kamay n'ya. "Bitiwan mo ko!" Hiyaw n'ya. Habang mahigpit na hinawakan ni Gab ang kamay n'ya. Marahas na tumayo si Gab mula sa upuan at halos mabalya ang upuang kinauupuan nito sa marahas na pagtayo nito. "Don't you dare hit me Lianne, I will hit you back!" Tagis bagang na sabi nito. Nakaramdam s'ya ng takot sa uri ng tingin nito sa kanya. Galit ito tila galit na galit. Marahil dahil nasagi nya ang ego nito. "Bitiwan mo ko!" Nagtatapang-tapangan na sabi n'ya at pilit binabawi ang brasong hawak nito. "You will be mine soon Lianne. I'm Gab Saavedra remember? What Saavedra wants, Saavedra gets!" Litanya nito na may tonong pagbabanta. Kumunot ang noo n'ya, habang nagpupumilit na mabawi pa rin ang braso mula rito. "Bitiwan mo ko sabi Gab! I don't care who you are! at wala din akong pakialam kung lahat ng gusto mo ay nakukuha mo! But, you will never get me Gab Saavedra! I will never be yours!" Nanggagalaiting sabi n'ya rito. "Really?" Tuya nito, at marahas s'yang hinila sa braso, bumalya s'ya sa matigas nitong dibdib. Tumama ang kamtamatamang laking mga dibdib n'ya sa dibdib nito. "Ouch," tili n'ya. Bago pa n'ya mahulaan ang susunod na mangayayari ay nagyuko na ng ulo si Gab, at naramdaman bigla ang pagsakop ng mga labi nito sa mga labi nya. Natilihan s'ya at nanlaban, pilit kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak nito at sa paghalik nito sa mga labi n'ya. Pero ayaw s'yang pakawalan ni Gab, na lalong pang dinidiin ang paghalik nito sa kanya, at lalong sinisiksik ang katawa nito sa kanya. She struggles trying to free her self from Gab hands. Pareho silang hinihingal ng pakawalan ni Gab ang mga labi n'ya. "Bastos ka!" Hiyaw n'ya at muling akmang sasampalin si Gab nang mahuli nito ang kamay n'ya. "Don't you dare hit me Lianne!" banta nito sa kanya, at basta na lang binitawan ang kamay n'yang nahuli nito. "Ikaw na ang pinaka bastos na lalaking nakilala ko Mr. Gab Saavedra!" Nanggagalaiti sa galit na sigaw n'ya. "I don't care Lianne," Sagot nito at tinapunan s'ya ng masamang tingin. "Makukuha din naman kita. Sooner or later you will be mine, and you will scream my name in my bed," Sabi nito na tila siguradong-sigurado sa mga sinasabi nito. "I have a boyfriend!" Mariing sagot n'ya. "Your boyfriend doesn't deserve you Lianne" Kaswal na sagot nito at naglakad papunta sa may bar. Sinundan n'ya lang ito ng tingin. "And who deserve me? Ikaw ba Mr. Saavedra?" Tuya n'ya rito. Habang taas baba parin ang mga dibdib sa galit rito. "Ours parents both want us to get married," "But, I don't want it!" She said with gritted teeth. Lumapit s'ya kay Gab sa may bar habang nagsasalin ito ng alak sa kopita. "Hindi n'yo ko mapipilit pag ayaw ko. And like what I just said, I have a boyfriend and I love him so much!" pagdidiin n'ya kay Gab. "Did he love you too?" Tanong nito. Bago nilagok ang alak sa kopita. Hindi s'ya agad nakasagot sa tanong nito. Alam n'yang mahal s'ya ni Glenn, laging sinasabi ni Glenn na mahal s'ya nito. At mahal n'ya si Glenn, nagmamahalan sila. "Of course he love me!" Taas noong sagot n'ya. "I don't buy that Lianne," Nakangising sagot nito at muling sinalinan ng alak ang hawak na kopita nito. Kumunot ang noo n'ya dahil tanghaling tapat tila nagpapakalasing ito sa alak. "Stop drinking will you!" Pigil n'ya rito. Magmamaneho pa ito mamaya para ihatid s'ya. "Why? concern ka?" Nakangisi pa rin tanong nito at inalukan s'yang uminom. "Hindi ako umiinom kapag hindi ko kilala ang kasama ko!" Ismid n'ya. Pero ang totoo hindi s'ya umiinom. "Come on, Lianne, kilala mo ko of course. Magiging asawa mo ko," "In your dreams Mr. Saavedra!" Hiyaw n'ya. "Kung dito mo lang pala ako dadalhin at manonood lang ako sa pag-inom mo, I guess i uwi mo na lang ako!" "Buong araw tayong magkasama ngayon Lianne, gaya ng gusto ng Papa mo. He wants me to get to know you, kaya ka n'ya pinapa date sa akin," Litanya nito at nakaramdam s'ya ng hiya. Dahil tila ang Daddy pa n'ya ang gumagawa ng paraan para sa kanila ni Gab. "Nakilala mo na ko. At worst hinalikan mo pa ko sa 1st date na sinasabi mo!" Taas kilay na sabi n'ya. "As if naman na hindi ikaw ang nag enjoy sa halik na 'yon," "Of course not! Hindi ako kailan man mag e-enjoy sa halik na galing sa iyo! I will never enjoy a kiss from someone like you Gab Saavedra. Cause I have a loving boyfriend and-" "Is he a good kisser?" Putol na tanong nito sa sasabihin pa sana nya. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at binitawan ang kopita. Humakbang ito palapit sa kinataayuan nya. "Is he a good kisser huh Lianne?" He asked again while looking at her eyes. "Why are you asking that stupid question" Tanong n'ya at nakaramdam ng pagkailang. "Once na maging akin ka Lianne, ipapakita at ipaparamdam ko sa iyo ang bagay na hinding-hindi mo mararamdaman sa boyfriend mo. I promise to f*ck you until you are senseless and beg me to stop," Litanya nito na naghatid ng kilabot sa buong katawan n'ya. Naramdaman ang init na gumuguhit sa katawan n'ya pababa. Mabilis nyang tinulak ito para makalayo ng bahagya rito. "Ikaw na ang pinaka bastos na nakilala ko!" "Well, I'm sorry ang bastos na ito ay magiging asawa mo sa ayaw at sa gusto mo," Magaspang na sagot nito. "Never in your wildest dreame Saavedra!" Galit na sabi n'ya at mabilis na tumalikod at naglakad palayo. "Where are you going?" "Away from you!" hiyaw n'ya at nagtuloy sa paglalakad palapit sa pintuan. "Lianne!" Tawag nito sa kanya at naramdaman ang pag pigil nito sa braso n'ya ng maabutan s'ya malapit sa may pintuan. "Ano ba!" Hiyaw n'ya at winaksi ang brasong hawak ni Gab. "We are on a date, baka nakakalimutan mo," paalala nito. "I'm done here!" Galit na sabi n'ya at sinipa sa paa si Gab. Nagulat ito sa ginawa n'ya at nabitawan ang braso n'ya. "Hey!" at tinaas ang paang nasaktan. Napangiwi ito at lihim naman s'yang natuwa. "Go to hell Mr. Saavedra!" Taas kilay na sabi n'ya at mabilis na naglakad palabas ng bar nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD