Inis na inis s'yang pumanhik sa silid n'ya, matapos ang eksena nila ni Gab sa swimming pool. She can't believe na nahawakan s'ya kaagad ng Gab na 'yon, while she was wearing her two piece. Si Glenn nga never pa s'yang nahawakan ng ganoon at lalong never pa s'yang nakita ni Gleen in her two piece at itong si Gab Saavedra. Agad-agad.
"Kainis talaga!" Inis na maktol n'ya at binagsak ang pangupo sa kama. Nagbuga ng hangin para i relax ang sarili sa inis na nararamdaman kay Gab Saavedra.
Sinusundo s'ya ni Gab, kung saan sila pupunta ay hindi n'ya alam. Basta gaya ng sabi ng Daddy n'ya ipapasyal s'ya ni Gab Saavedra para lalo pa silang magkakilala nito. Bagay na kinaiinisan n'ya. May nobyo s'ya si Glenn kaya imposibleng sumunod s'ya sa gusto ng ama na makipag mabutihan kay Gab Saavedra at soon ay ma e-engage sila at magpapakasal. Ganoon lang ba kadali 'yon? May karelasyon na s'ya at nais na rin nilang magpakasal ni Glenn basta maka graduate lang si Glenn sa medisina ay magpapakasal na sila nito.
"Well, sisirain ko ang plano nila ng Daddy ko" sabi n'ya at inis na tumayo mula sa kama. Maghahanda na s'ya ng sarili. Ipapakita n'ya kay Gab Saavedra kung sino si Lianne Gomez. Ipapakita n'ya na isa s'yang malaking disappointment, para tigilan na s'ya nito. Na hindi s'ya pwede iharap sa pamilya nito at lalong lalo ng hindi s'ya karapat-dapat maging Mrs. Saavedra.
"Ayokong maging Mrs. Saavedra!" Dabog na sabi n'ya.
Matapos ang halos trenta minutos na pagbibihis at pag-aayos ng sarili, sinipat-sipat n'ya ang sarili sa whole lenght mirror sa loob ng silid. Lihim s'yang napangiti. Pinili kasi n'yang isuot ang medyong revealing na damit, 'yun bang tipong mag ba-bar s'ya, may pagka wild ang dating. Alam n'yang pwedeng ika dismaya ni Gab Saavedra ang wild na pananamit n'ya. At 'yon ang nais n'yang mangyari ang madismaya sa kanya si Gab.
Lihim s'yang napangiti habang nakatitig sa salamin. Pinili n'ya ang maong shorts, short na halos sakto lang natatakpan ang dapat takpan. At puting crop top, at itim na boots.
Tila sya teenager sa ayos n'ya, bagay naman sa kanya ang suot n'ya. Masyado nga lang sexy at revealing.
Hindi na s'ya naglagay ng ano man sa mukha. Para naman hindi masyadong magandaan sa kanya si Gab Saavedra. Nais lang n'yang ipakita kay Gab kung paano s'ya kunwari manamit para madismaya ito sa kanya.
Pagbaba n'ya ng hagdan walang tao sa sala. Wala roon si Gab kung saan n'ya ito iniwan kanina.
"Saan naman kaya nagpunta ang lalaking 'yon?" Tanong n'ya at may narinig na nagtatawanan sa may labas ng pintuan sa likod kung saan ang daan papuntang swimming pool. Siguradong ang ama n'ya ang tumatawa. Bakit nakakasiguro na ba ang mga ito sa panalo nila? Hindi pa naman s'ya pumapayag at may nobyo s'ya.
Inis s'yang lumabas ng pintuan at nakita nga ang ama at si Gab na nagtatawanan. Kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito ay hindi n'ya alam, at wala s'yang balak alamin pa, dahil hindi s'ya interesado.
"Dad," tawag n'ya sa ama. Agad namang lumingon ang ama at unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi nito ng makita ang suot n'ya. Ilang beses sinuri ng ama ang suot nya, lalo na ang maiksing shorts n'ya.
Kitang-kita n'ya ang paglalim ng kunot sa noo ng Daddy n'ya. Tumikhim ang ama, habang matalim na nakatingin sa kanya. Nasira na n'ya ang mood ng ama.
"Lianne!" Matigas na tawag ng ama sa kanya. A
"What are you wearing?" Tanong ng ama. Napansin din n'ya ang pagsulyap sa kanya ni Gab. Wala naman s'yang makitang pagkadisgusto kay Gab sa suot n'ya. Tila nga natuwa pa ito sa suot n'ya. Hindi nakaligtas sa kanya ang pasimpleng pagsuri ni Gab sa kabuuan n'ya.
Nagtaas s'ya ng kilay. Kung ang ama n'ya nainis n'ya sa suot, mukha si Gab ay nasiyahan yata. Nagkibit balikat s'ya at binalik sa ama ang atensyon.
"Short and blouse," sagot n'ya sa ama.
"Excuse me Gab," paalam ng ama kay Gab.
"Kakausapin ko lang sandali ang anak ko,"
"Go ahead Mr. Gomez," sagot ni Gab at muli syang sinulyapan. Pinaikot n'ya ang mga mata kay Gab at sumunod sa ama sa loob ng bahay.
"Lianne! ano yang suot mo?" galit na tanong ng ama.
"Ano po bang mali sa suot ko?"
"Halos litaw na ang kaluluwa mo ah?! hindi naman ganyan ang suot mo pag kayo ng lalaking 'yon ang lumalabas!" Sabi ng ama na may himig galit.
Alam n'yang si Glenn ang tinutukoy na lalaking 'yon ng ama, sadyang ayaw lang nitong banggitin ng ama ang pangalan ni Glenn.
"Daddy, hindi po s'ya si Glenn" inis na sagot n'ya.
"Lianne!" Sigaw ng ama na pumuno sa buong sala. Napapitlag s'ya at nakaramdam ng takot sa ama. Bihira s'yang pagtaasan ng boses ng ama.
"Magpalit ka Lianne!" Matigas na utos ng ama sa kanya at masamang tingin ang pinukol sa kanya.
Bumuntong hininga s'ya at padabog na tumalikod. Mula noon hanggang ngayon sumusunod parin s'ya sa ama. Ewan n'ya pero hindi s'ya makasaway sa ama. Natatakot s'ya sa ama.
Inis s'yang bumalik sa silid at nagpalit ng damit. Alam n'yang nais ng ama na magpalakas sa Gab Saavedra na 'yon. Kaya nais nitong maging presintable s'ya sa harapan ng Gab na 'yon. Samantalang s'ya nais n'yang ma dissapoint sa kanya ang binatang Saavedra na 'yon, para ito na mismo ang umatras sa gusto ng mga magulang nila. Ang itsura ni Gab Saavedra ay imposibleng walang babae ito, sigurado s'yang maraming babae ito. At siguradong sasakit lang ang ulo n'ya kung papatulan n'ya ang isang tulad ni Gab na halata sa mukha ang pagka babaero at habulin ng mga babae. Tipo bang papalit-palit ng babae kada gabi.
Pinili n'yang isuot ang kaswal na jeans at blouse, not showing too much skin. tulad ng gusto ng ama. But still she looks sexy and stunning kahit sa simpleng suot lang.
Pagbaba n'ya nasa sala ang ama at si Gab. Nag-uusapn ang mga ito, at masaya nanaman ang ama. Nakangiti nanaman ito. Liningon s'ya ni Gab. Wala s'yang kangiti-ngiti rito. Nakitang n'yang lumalim ang ngiti ng ama. Ibig sabihin pasado na ang suot n'ya sa ama. Bumuntong hininga na lang s'ya at pilit na ngumiti sa mga ito.
Agad na silang nagpaalam ni Gab sa ama, kung saan s'ya dadalhin ni Gab ay hindi nya alam. Basta sasama lang s'ya rito at sasabihin n'yang may boyfriend s'ya para huwag na itong umasa pa. Sasabihin n'yang nagbabalak na silang magpakasal ni Glenn, kaya walang patutunguan ang pakikipag lapit nito sa kanya, na nagsasayang lang ito ng oras, panahon at effort kung nag e-effort man ito.
Isang mamahaling sasakyan ang naghihintay sa kanila sa may bakuran. Ibang sasakyan ito sa dala ni Gab kagabi. Ngayon palang alam na n'yang nagpapakitang gilas na ito, pinakikita kung gaano ito kayaman. Dahil sa paiba-iba nito ng sasakyan. Alam naman n'ya kung gaano kayaman ang mga Saavedra sa bayan nila. Ang mga Saavedra ang pinaka mayaman sa San Sebastian. At alam n'yang isang maswerteng babae ang magiging asawa ni Gab, dahil daig mo pa ang tumama sa lotto, magbubuhay prinsesa ka at hihiga sa pera. Isa 'yan sa nakikitang dahilan ng ama kung bakit s'ya pinagkakasundo kay ama, it's all about connection ang power.
Sorry na lang si Gab dahil hindi s'ya na a-attract sa materyal na bagay. Hindi s'ya nasisilaw ng mga mamahaling sasakyan. Para sa kanya ang lumang kotse pa rin ni Glenn ang mas maganda kumpara sa mamahaling sports car ni Gab. Dahil si Glenn ang nagmamay-ari noon.
Pinagbuksan s'ya ng pintuan ni Gab. Wala s'yang kangiti-ngiti sa mga labing sumakay sa passenger seat ng mamahaling sports car ni Gab. Umikot naman si Gab pasakay sa driver seat.
"Let's go," sabi nito nang makasakay sa driver seat. Bumuntong hininga s'ya, nais ipakita ang pagka disgusto kay rito, nais n'yang ngayon pa lang maramdaman na nito na ayaw n'ya rito.
"Saan mo gusto pumunta?" He asked. Nagtaas s'ya ng kilay at sinulyapa ito. Well wala s'yang mapipintas kay Gab. Gwapo ito tulad ng mga kapatid nito. Malakas ang appeal na kahit sinong babae ay mapapalingon rito.
"Hindi ba't ikaw ang nagyaya sa akin lumabas? Dapat alam mo kung saan mo ko dadalhin," ismid na sagot n'ya at hinila ang seatbelt.
"Ok" tanging sagot nito at binuhay na ang makina. At pinaandar na ang sasakyan palabas ng bakuran nila.
"Mr. Gab Saavedra. Ngayon pa lang nais ko ng malaman mo na walang patutunguhan ang ginagawa mo, nagsasayang ka lang ng panahon at oras mo!" Mariing sabi n'ya kay Gab. Dapat sa simula palang ipaalam na n'ya kay Gab ang lahat.
Alam n'yang nais ng ama na huwag ipaalam kay Gab ang pagkakaroon n'ya ng karelasyon. Pero dahil ayaw n'yang makasal sa isang Gab Saavedra ay ngayon palang sinasabi na n'ya ang relasyon n'ya kay Glenn. Isa pa ito na mismo ang nakakita sa kanila ni Glenn kagabi na naghahalikan, kaya hindi na n'ya kailangan i deny pa ang pagkakaroon n'ya ng nobyo.
"Why?" Tanong nito habang nasa kalsada ang atensyon.
"I have a boyfriend. Nakita mo naman kame kagabi hindi ba?" Mabilis na sagot n'ya rito, at sinulyapan ito.
"Kung sabihin ko sa iyo, I don't have a girlfriend. But, I have a lots of girls. Paano kung gabi-gabi iba-iba ang kasama kong babae," sagot nito sa kanya. Kumunot ang noo n'ya at liningon ito na sa kalsada nakatuon ang pansin.
"Wala akong pakialam kung iba-iba ang nakakasama mo, ang akin lang ay may boyfriend ako at hindi ako pwedeng sumang ayon sa gusto ng Daddy ko," litanya n'ya at pinagsalikop ang mga kamay sa dibdib. Inis na tumingin sa labas ng bintana.
"I don't care about your boyfriend or kahit gabi-gabi din ay iba ang kasama mong lalake, as long as hindi mo pa dinadala ang pangalan ko," litanya nito.
"What?" Kunot noong tanong n'ya at pa iling-iling ng ulong tumingin kay Gab.
Tama ba ang pagkakaintindi n'ya sa sinabi ni Gab? Na pwede s'yang sumama kung kani-kanino habang hindi n'ya dinadala ang pangalan nito? So ano 'yon ok lang na kung kani-kanino s'ya sumiping at makipagtalik ngayon? At pagkatapos pakakasalan pa rin s'ya nito?
"You mean, pwede kong gawin ang kahit ano habang hindi tayo kasal?" Bulalas n'ya.
Sinulyapan s'ya ni Gab, nagtama ang kanilang mga mata, saglit lang 'yon at muling binalik ni Gab ang tingin sa kalsada. Bigla n'yang naramdaman ang kabog ng kanyang dibdib sa pasimpleng pagsulyap lang ni Gab sa kanya. Napakunot noo pa s'ya at pinakiramdaman ang sariling dibdib. Kumakabog nga 'yon. At kung bakit ay hindi n'ya alam.
"Hindi kita niyayang lumabas para i date Lianne," salita ni Gab.
Liningon n'ya ito, pasimpleng pinagmasdan ang gilid ng mukha nito na napapalibutan ng balbas, tulad ng mga kapatid nito. Isa yata ang balbas at bigote ang pang akit ng mga lalaking Saavedra sa mga kababaihan. Well bagay naman kase sa mga ito, lalo na kay Gab na nagpalakas ng dating ang balbas nito. Parang pag hinalikan ka eh makikiliti ka. Sinaway n'ya ang sariling isip sa kung anu-anong naiisip n'ya.
"Niyaya kitang lumabas dahil utos ng Papa ko 'yon. Kung sumama ka sa akin dahil sa utos ng Daddy mo, well pareho lang tayong sumusunod sa mga magulang natin," patuloy nito. Nakikinig lang s'ya rito, wala kasi s'yang alam sabihin, dahil na didistract s'ya sa kagwapuhan nito at sa malakas na kabog ng kanyang dibdib.
"Isa pa para mapag-usapan natin ang kasalang ito na plano ng mga magulang natin. At katulad mo wala rin akong magagawa, dahil kailangan kong makuha ang shares ko sa kompanya, at ang magpakasal sa iyo ang paraan para makuha ko ang karapatan ko sa kompanya ni Papa," patuloy ni Gab.
Bumuntong hininga s'ya at nagkibit balikat. Pakakasalan s'ya ni Gab para makuha ang mana nito. Eh s'ya bakit s'ya papakasal kay Gab Saavedra? Anong makukuha n'ya kapag kinasal sila ni Gab? S'ya na ba ang uupong C.E.O sa kompanya ng ama na matagal na n'yang pinangarap? Nais n'yang makuha ang posisyon ng ama para kung sakaling hindi matapos ni Glenn ang medisina ay silang dalawa ang magpapatakbo sa kompanya. Pero paano n'ya magagawa 'yon kung kailangan n'yang magpakasal kay Gab bago makuha ang posisyon ng ama? Paano si Glenn? Paano ang mga pangarap nila ng nobyo?