“Wala ka bang damit?” Tanong nang dalaga na nakatalikod pa rin.
“Nasa bahay. Kaso may isa dito na nagpupumilit na dito matulog.” Wika nang binata. Tangka namang lilingon ang dalaga ngunit pinigilan niya ang sarili niya nang maalala na halos walang suot na damit ang binata.
“Hindi naman kita pinilit na dito matulog ngayon no. inimbita mo ang sarili mo.” Wika ni Elleri sa binata.
“Limang taong taong hindi nagkita, tapos ayaw mong umuwi sa bahay natin.” Kunwari nagtatampong wika nang binata. Biglang natigilan ang dalaga. Malungkot ba si Adrian? Kanina lang masaya itong makita si Aster. Iniisip tuloy niya kung bakit ito nandoon sa bahay nila kesa ang puntahan ang dalaga. Tiyak na mas na mi-miss ni Adrian ang dalaga kesa sa kanya. Ano lang naman siya sa buhay ni Adrian. Kung hindi siguro sila pinilit nang mga pamilya nila hindi siya nito pakakasalan.
Napabuntong hininga si Elleri saka napatingin sa aparador sa gilid niya. Nalala niyang may mga naiwan siyang damit doon. Naisip niyang baka may pajama doon na pwedeng magkasya kay Adrian. Kung doon ito matutulog sa silid niya hindi pwedeng makatabi silang matulog na halos wala itong suot na damit.
Napatingin si Adrian sa dalagang patagilid kung humakbang patungo sa aparador. Napapangiti siya sa kinikilos nang dalaga.
“Are you doing, Silly girl.” Wika nang binata.
“Shut up.” Wika nang dalaga nang makalapit sa aparador at nagsimulang maghanap nang pwedeng masuot ni Adrian. Nang may mahanap na pajama, sandaling natigilan ang dalaga susuutin kaya nito ni Adrian.
“Oh well kesa naman halos hubad siyang nasa harap ko.” Wika ni Elleri sa sarili niya.
“Bakit mo kinakausap ang sarili mo. Bumigay na ba yang utak mo?” biro nang binata sa dalaga.
“Haha very funny.” Sakristong wika nang dalaga saka nakapikit na humarap sa binata. Napakunot naman ang noo ni Adrian nang makita ang dalaga.
“What are you doing?” tanong ni Adrian habang nakikita ang dalaga na naglakad papalapit sa direksyon niya nang makita ang ginagawa nang dalaga tumayo siya sa kinauupuan at lumapit sa dalaga.
“Seriously, anong laro naman ang gusto mong gawin ngayon.” Wika nang binata at hinawakan sa balikat ang dalaga para pigilan ito. Naramdaman ni Elleri ang kamay nang binata sa balikat niya kaya siya napahinto sa paglalakad. Kahit ang hawak nito sa kanya, pakiramdam nang dalaga nag-iinit ang balikat niya na hawak nito
“Wear this.” Anang dalaga at iniabot sa binata ang dalaga pajama.
“What’s that?” tanong nang binata. “I am not wearing that.” Tanggi nang binata nang mapagtanto kung ano ang inaabot sa kanya nang dalaga.
“Anong gusto mong gawin ang gumala-gala sa bahay na ito nang boxer lang ang suot? Alam mong nandito ang mga magulang ko.” Anang dalaga at nagmulat nang mata.
“Ano naman? Hindi naman ako iba sa kanila. I am their son-inlaw.” Wika nang binata.
“Naririnig mo ba ang sarili mo? You’re a famous basketball----”
“Wala naman ako sa court.” Agaw nang binata sa iba pang sasabihin nang dalaga.
“Just wear it. Hindi ako papayag na matulog ka dito nang halos walang suot.” Wika nang binata.
“But, that your pajamas. Ano nalang ang mangyayari sa image ko. Sikat na basketball-----”
“Wala ka sa court.” Agaw nang dalaga. Napangiti naman ang binata dahil sa sinabi ni Elleri. Talagang hindi ito magpapatalo sa kanya kahit anong sabihin niya. Napatingin siya sa inabot nitong pajama.
“Fine.” Wika nang binata saka tinanggap ang damit. Dahil sa malaking bulto nang katawan nang binata hindi nagkasya ang pajama sa kanya. Ang blouse naman ay halos hindi mai-butones nang binata. Nang makita nang dalaga ang ayos nang binata na tila naiipit sa suot nitong blouse nang pajama. Biglang napatawa nang malakas ang dalaga.
“Sorry.” Natatawang wika nang dalaga habang pinipigilan ang sarilina huwag tumawa nang malakas habang nakatingin sa nakakatawang itsura nang binata. Nakasuot ito nang blouse nang pajama niya na halos hindi mai-butones habang pares ang boxer shorts nito.
“Kuya?” gulat na wika ni Chloe nang bugksan ang pinto nang silid ni Elleri. Ganon na lamang ang gulat niya nang makita sa nakakatawang ayos ang kapatid niya. Nang mapansin ni Adrian si Chloe agad niyang kinuha ang isang unan para takpan ang sarili.
Hindi naman napigilan ni Elleri ang tawa dahil sa naging reaksyon nang binata. Hindi maitago ang pagkagulat ni Adrian at para takpan ang sarili wala itong ibang nakita kundi ang unan.
“K-kakain na raw.” Wika ni Chloe na nakatingin sa binata. Hindi niya akalain ang kuya niyang kilala sa pagiging cool na basketball player ay magsusuot nang blouse nang babae. Iniisip niya, kung alam ba nang mga fans nito ang side na iyon nang binata. He is always viewed as the main character. And man of girl’s dream. Ngayon lang niya napagtanto na isang ordinaryong tao lang din ang kuya niya. Napatingin siya kay Elleri na napapahawak sa tiyan nito dahil sa kakatawa. Akala niya magkaaway ang dalawa pero sa nakikita niya mukha namang close na close ang dalawa.
“Mauna kana.” Wika ni Elleri sa dalaga. Simple namang tumango si Chloe at tumalikod at iniwan ang dalawa.
“Bababa ka ba na ganyan ang suot mo?” tanong ni Elleri sa binata.
“Ano sa palagay mo?” inis na wika nang binata. Mukhang napagtripan siya ni Elleri.
“Dito ka muna, Baka may mga damit si Kuya dito, ikukuha kita.” Wika nang dalaga.
“Kanina mo ba sana ginawa yan.” Iritadong wika nang binata.
“Don’t blame me. Ikaw itong nagpumilit na dito matulog.” Anang dalaga.
“If you’re not stubborn at sumama ka nalang sa akin para umuwi. Hindi ganito ang ayos ko ngayon.” Anang binata.
“OO na.” anang dalaga saka lumabas nang silid saka nagpunta sa silid nang kuya niya. Mabuti nalang at may mga naiwan pa itong damit at mukha namang kasya kay Adrian ang mga iyon. Nang makapagpalit ang binata sa damit nang kuya ni Elleri sabay silang bumaba para maghapunan.
“Mabuti at nagkasya saiyo ang damit nang kapatid ni Elleri.” Wika nang ama ni Elleri sa binata.
“Mabuti na ngalang ho.” Wika nang binata saka tumingin sa dalagang pinipilit na huwag tumawa.
“Pasensya kana sa batang ito ang tigas parin talaga nang ulo hanggang ngayon. Dapat doon na siya sa inyo umuuwi.” Wika pa nang mama ni Elleri.
“It’s fine, Alam kung gusto niyo rin naman makasama si Elle. Pasensya na kung nakaabala ako sa inyo ngayong gabi.” Wika naman ni Adrian.
“Ano bang abala. Hindi ka na iba sa pamilyang ito. Asawa ka ni Elleri.” Wika naman nang papa nang dalaga. “Ah, nga pala, dumating dito yung admission letter mo.” Wika ng pap ani Elleri saka bumaling sa dalaga.
“Admission letter?” tanong ni Adrian.
“Nag-aapply ako sa isang high school dito.” Wika ng dalaga.
“Pwede ka namang huwag nang magtrabaho.” Wika ni Adrian.
“Ano namang gusto mong gawin ko? Humilata buong araw. Gusto ko rin namang magtrabaho.” Nang dalaga.
“Ikaw bahala. Malaki kana kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo.” Wika ni Adrian na nagsimulang kumain. Bigla namang napalabi ang dalaga akala niya sasabihin ng binata na hindi na niya kailangang magtrabaho dahil sa kaya naman siya nitong buhayin, pero naisip niya. Hindi naman siya kasali sa mga pangarap nang binata. Sabit lang siya sa buhay nito dahil sa pamilya nila.