"Can you tell me again, bakit hindi ako pwedeng manatili dito?" tanong ni Elleri sa mga magulang niya nang dumating siya sa bahay nila. Sinabi nang mga ito na hindi siya pwedeng manatili sa bahay nila. At ipinadala na nang mga ito ang mga gamit niya sa bahay ni Adrian. Something she was not expecting. Wala naman silang away nang pamilya niya. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya pwedeng tumira doon sa bahay nila. Ilang taon silang hindi nagkita tapos bigla nalang hindi siya pwedeng manatili doon sa bahay nila. Dahil ba may asawa siya? Alam naman nang mga ito na hindi naman sila ikinasal dahil gusto nila ang isa’t-isa.
“May asawa ka, dapat lang sa bahay ka ninyo tumira.” Wika nang mama niya.
“Ma, gusto ko dito. Gusto ko rin naman kayong makasama. Ilang taon din tayong hindi nagkita. Hindi niyo ba ako na miss?” Naglalambing na wika nang dalaga saka ipinulupot ang kamay sa braso nang mama niya sa inihilig ang ulo sa braso nito.
“Why are you acting like a child. May asawa kana.” Wika nang mama niya. Napasimangot lang ang dalaga dahil sa itinuran nang mama niya. Nakatingin lang si Chloe sa mag-ina.
“I think hindi naman masama kung dito ngayong gabi. Isa pa malalim na ang gabi delekadong mag biyahe. Ikaw din Chloe dito kana matulog.” Wika pa nang papa ni Elleri.
“Kahit hindi lang ngayong gabi. Pwede dito nalang ako tumira.” Nakangiting wika nang dalaga.
"We have our own house. It is only right that you live there." wika nang isang pamilyar na boses. Napalingon naman si Elleri sa pinanggagalingan nang boses. Natigilan pa siya nang makita ang asawa na dumating sa bahay nang mga magulang niya. He was wearing a simple Tshirt and pants. Sinong magsasabing ang gwapo at matipunong binatang nasa harap nila ay ang sikat na basketball player nang bansa. Napatitig siya sa binata. Paano naman nito nalaman na nandoon siya? Ni hindi pa nito alam na dumating na siya. Talagang hindi rin naman niya ipinaalam sa binata na dumating na siya sa bansa.
"Adrian." sambit nang dalaga nang makilala ang binata.
"Fascinating, you still know who I am." sakristong wika nang binata. Napakunot naman ang noo nang dalaga dahil sa naging turan nang binata. Galit ba bito sa kanya?
"Kuya, sinabi ko naman sa kanya, pero nagpumilit si Ate Elle, na dito pumunta." wika ni Chloe saka lumapit sa kapatid niya. Napatingin naman si Elleri sa dalaga. Parang alam na niya kung sino ang nagsabi kay Adrian kung nasaan siya.
"Well, that is because my parents live here." anang dalaga.
"Hindi dito ang bahay mo Elleri, May asawa kana, you should be living with him." wika nang mama niya napatingin naman si Elleri sa Mama niya. Right, Kasal nga pala siya sa binatang ito. Kaya pala, ganoon nalang ang tutol nang mga magulang niya na doon siya tumira.
"Dumating kana pala, kung hindi pa kita na kita sa monitor kanina. I wouldn't know na nakabalik kana pala." wika ni Adrian.
"I was planning to----"
"When?" agaw nang binata.
"After your game."
"Pero hindi mo naman ako hinintay."
"Maraming reporters. Anong sasabihin nila? Isa akong stalker? And besides nandoon---" naputol ang sasabihin ni Elleri. HIndi alam nang mga magulang niya ang tungkol sa relasyon ni Adrian ang Ester.
"Get your things. Umuwi na tayo. Gusto ko nang magpahinga." wika nang binata.
“Ipinadala na namin sa bahay niyo.” Maagap na wika nang papa ni Elleri.
“Well, we should go back. Maaga pa ang practice ko bukas.” Wika nang binata na akmang tatalikod.
"Can I atleast sleep here tonight." Habol nang dalaga sa iba pang sasabihin nang dalaga. Natigilan ang binata at aapatingin sa dalaga. Alam niyang nangungulila ito sa mga magulang niya limang taon din itong nawala sa bansa. Pero mag-asawa na sila dapata sa bahay nila siya umuwi. Iyon ang nasa isip niya. Pero alam niyang hindi niya mapipiklit si Elleri, kahit noong mga bata pa sila. Nagiging away lang nila kapag nagpupumilit siya sa gusto niya, alam naman niyang matigas ang ulo nang dalaga at kapag tumutol siya baka abutin sila nang umaga.
"Wait. Saan ka pupunta?" Biglang habol ni Elleri sa binaa nang makita niya itong naglakad patungo sa hagdan maging ang mga magulang niya ay nagulat din sa ikinilos nang binata.
"Bedroom. Gaya nang sabi ko pagod ako. Magpapahinga na ako." wika nang binata saka umakyat na para bang alam niya ang pasikot-sikot sa bahay na iyon. Wala namang kibo ang mga magulang ni Elleri. Tila Normal na sa kanila ang ganoon.
"Maghahanda ako nang hapunan." wika nang mama ni Elleri.
"Tutulong ako." wika ni Naman ni Chloe na sumunod sa ginang. Napaawang lang ang labi ni Elleri dahil sa pagtataka saka napatingin sa papa niya.
"Puntahan mo na ang asawa mo sa kwarto niyo." wika nito saka tinapik ang balikat nang dalaga. Napatingin lang ang dalaga sa pagtataka sa mga ito. Alam niyang malapit ang pamilya nila pero kung umasta si Adrian parang doon na ito nakatira. Napatingin lang si Elleri sa mga magulang niya. Siya ang anak nang mga ito pero hind niya maramdaman na kakampi niya ang mga ito.
“Seriously?” di makapaniwalang wika nang dalaga saka napatingin sa kusina kung saan naghahanda nang hapunan ang mama niya kasama si Chloe. Nang mapagtanto na hindi rin naman niya mapipigilan si Adrian naisipan niyang sundan ito sa silid niya.
“Oh My----” wika nang dalaga nang buksan ang pinto nang silid niya. Bigla siyang natiglan nang makita ang binatang nakaboxer shorts nalang. Agad niyang isinara ang pinto nang makapasok sabay talikod.
“What are you doing?” tanong nang dalaga sa binata habang nakatalikod.
“Bakit ka nakatalikod?” Tanong nang binata at humarap sa dalaga.
“Seriously are you asking me that?” hindi makapaniwalang tanong nang dalaga. “Try looking at youself sa salamin. My goodness. Ano bang nasa isip mo.” Napalatak na wika nang dalaga.
“Ano bang mali sa suot ko?” tanong nang binata.
“Are you for real?” hindi makapaniwalang wika nang dalaga saka napaharap sa binata. “My god.” Biglang wika nang dalaga na muling tumalikod. Sa tagal nilang magkakilala ni Adrian ngayon lang niya nakita ang binata in an almost naked scene. Uminit ang mukha niya dahil sa hiya. Hindi niya maitago ang paghanga sa matikas na katawan nang binata. All those years with sports, kaya napakaganda nang hubog nang katawan nito.
“You are overreacting. Matutulog na ako. Anong gusto mo? Suutin ko padin yung suot ko kanina? Mainit.” Wika nang binata at naupo sa kama.