Pilit na ngumiti si Elle sa lalaking sumundo sa kanila mula sa bahay nang mga magulang niya. Halatag gulat ito nang makita ang mukha niyang kasama si Adrian. Masusi itong nakatingin sa kanya at pinasadahan pa siya nang tingin mula ulo hanggang paa bago tumingin sa bahay nila.
“What’s this? Kaninong bahay ‘to? I didn’t know lumipat ka nang bahay. I would say this is a downgrade.” Wika nito kay Adrian habang nakatingin sa bahay nila. Napatingin naman si Elleri sa bahay nila saka sinubukang e-process ang sinabi nitong downgrade. Kung titingnan, hindi man kalakihan ang bahay nila. Marangya naman iyon at nasa isang private subdivision sila. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit downgrade ang tawag nito sa bahay nila. Marahil siguro dahil sa sikat na basketball star si Adrian kaya ganoon.
“Umalis ka after nang game nang hindi manlang nagpapaalam. Anong nangyari? Hindi ka rin umuwi sa bahay mo. At ano yung mga gamit na nandoon?” Sunod-sunod na tanong nito. Napatingin naman si Chloe kay Elleri, maging ang dalaga ay napatingin sa kapatid ni Adrian.
“This is Carlos, team manager nang basketball team namin.” Wika ni Adrian na ipinakilala ang bagong dating kay Elle. “This is Elleri---” Pakilala ni Adrian kay Elleri sa lalaki saka tumigil at tumingin sa asawa. Napatingin naman si Elleri kay Adrian. Bakit ito tumigil?
“Childhood friend.” Dugtong nang binata.
“Childhood friend? Bakit ka naman dito natulog sa bahay nila?” tanong nito habang nakatingin kay Elleri.
“Carlos.” Wika nang binata sa team manager.
“Why?” Napatingin na wika nito sa binata.
“I don’t have to explain, why I am here, do I?” anang binata na nakatingin nang derecho sa lalaki. “What is wrong kung sa bahay nang kaibigan ako matulog? Wala naman sa kontrata ko sa team ang pagbabawal na gawin ko yun.” Dagdag pa nang binata. Napaawang ang labi nang lalaki na tila gustong magsalita.
“Let’s go. Marami pa akong gagawin.” Wika ni Adrian saka binuksan ang pinto nang sasakyan sa likod para makapasok sila.
“Why is she living her with you?” Tanong ni Carlos nang dumating sila sa condo unit ni Adrian. Kahit nang nasa sasakyan pa sila kanina hostile na sa kanya ang manager nang team. Halatang hindi siya nito gusto.
“Anong sasabihin nang mga tao? Paano kapag nalaman nila ito? paano si Aster? Anong mangyayari sa couple image ninyo?” wika pa nang lalaki kay Adrian. “Maghahanap ako nang ibang matitirahan niya. An apartment perhaps.” Wika ni Carlos saka tumingin kay Elleri at Chloe.
“That’s not an option.” Wika ni Adrian saka tumingin kay Elleri. Kahit hindi naman sila nagpakasal dahil gusto nila ang isa’t-isa, nirerespeto naman niya ang kasunduan nang pamilya nila.
“I’ll find the nicest apartment there is in the city.” Deklara ni Carlos. “Just not here. It will be bad for your image.” Wika pa nito saka tumingin sa binata.
“I told you it’s not an option. Elle will live here with me. End of conversation.” Mariing wika nang binata. “Let’s talk.” Anito saka bumaling sa dalaga.
“LA. Hindi mo pwedeng gawin ito. Hindi naman bahay ampunan ang bahay mo.” Wika ni Carlos at pinigilan ang binata.
“Bahay ampunan?” Bulalas ni Elleri dahil sa gulat. “You think I am some kind of a homeless person?” dagdag pa niya. Napatingin naman si Carlos sa dalaga.
“Carlos, Ayokong makipagtalo. And besides. Bahay ko naman ‘to, I think I have every right na ag decide kung sino ang patitirahin ko dito. Any of my personal affairs should be out of your control. Baka nakakalimutan mong team manager ka at hindi----”
“Fine.” Agaw ni Carlos sa iba pang sasabihin nang binata. Halata sa mukha nito na tila nasaktan ito sa sinabi ni Adrian. “But don’t expect me to help you if this mess blows up. Huwag mong sabihing hindi kita binalaan.” Wika pa nito.
“Ako na mismo ang nagsasabi saiyo, this would not be a problem in the future.” Wika pa nang binata.
“Fine. I’ll take your word for that. Practice this afternoon huwag male-late.” Wika nito saka tumingin kay Elleri. Tipid na ngumiti ang dalaga sa binata pero hindi manlang siya nito ginantihan ng ngiti saka lumabas sa unit ni Adrian.
“Bakit ba ang sungit niya? At kuya bakit hindi mo sinabi sa kanya na asawa mo si Ate Elle. I think he misunderstood ang pagtira ni----” natigilang wika ni Chloe.
“I’ll buy groceries.” Wika nito na nagmamadaling lumabas nang unit at iniwan ang dalawa. Hindi na itinuloy ni Chloe ang sasabihin niya nang makita ang titig sa kanya ng kuya niya. Nang makalabas si Chloe sa silid bumaling naman si Elleri sa binata.
“I think we have to discuss—our set up.” Wika ni Adrian saka tumingin kay Elleri.
“Dahil kay Ester.” Simpleng wika nang dalaga.
“She’s back.”
“I know, nakita ko siya sa stadium kahapon.” Wika nang dalaga. “Um—Alam ba iya ang tungkol sa---”
“She doesn’t know. Wala din akong intensyon na sabihin sa kanya.’ maagap na sagot nang binata.
“And what do you plan? Pretend like, we are still classmates and friend. Eventually malalaman din niya.” Wika nang dalaga.
“Kakaraing lang niya galing sa ibang bansa. She would be devastated kapag nalaman niyang nagpakasal ako.” Anang binata.
“Kelan mo balak sabihin sa kanya?” tanong nang dalaga. “Oh, I forget, wala kang balak sabihin sa kanya.” anang dalaga.
“Okay, just give me time. Right now, is not ----”
“Gusto mong magsinungaling sa kanya and pretend like you are still available even if you are not?”
“It’s not like we married because we love each other. Pamilya natin ang may gusto nito. Simula palang alam mo kung sino ang gusto ko. I think you have to live with that. Because eventually, we will get a divorce.”
“Divorce?” tanong nang dalaga habang nakatingin sa binata.
“You don’t expect me to live with you forever, do you? Alam mong si---”
“I know, hindi mo kailangang ulitin. I am nothing but your classmate. A family friend. Sorry if you have to put up with this marriage.” Disappointed na wika nang dalaga.
“What are you hurt? Are you disappointed? Sa una palang alam mo nang-----”
“I know.” Agaw nang dalaga. “This is nothing but an agreement. No feelings involve.” Ani Elleri. Kung kay Adrian isang malaking kasunduan lang ang kasal nila. Sa kanya hindi. Dahil isang tao lang naman ang gusto niya simula pa nang una.
“We can live together. But that’s because we must show our family we are married. But don’t expect me to---”
“I know that too.” Agaw nang dalaga. “Don’t worry, while I stay here. Hindi ako magiging hadlang sa career mo sa relasyon niyo ni Ester. I will be a good wife. I will be busy with my work and all. Pwedeng hindi tayo magkita sa bahay na ito dahil magiging busy ka din sa play offs.” Ani Elle. “We can live in the same house but never see each other. I won’t be a problem to your career.” Wika nang dalaga.
“You know, I never consider you a problem to my career.” Ani Adrian.
“Well, that’s not what Carlos said.” Anang dalaga.
“Don’t listen to him. Ganoon lang talaga yun. He means no harm.” Wika nang binata. “Kelan ang unang araw mo sa trabaho mo?” Tanong ni Adrian para ibahin ang usapan nila nang asawa.
“Sa makalawa.” Simpleng sagot nang binata. “It’s the same school kung saan nag-aaral si Chloe.” Wika nang dalaga.
“That good then, dahil may makakasama na siya.” Simple namang ngumiti si Elleri sa binata. Looks like he is uninterested sa mga ginagawa niya. It’s just like hime kahit noon pa.