Nakatayo sa harap nang isang restaurant si Elleri. Nang bumaba siya mula sa sinakyang taxi, ilang sandali siyang nakatayo sa labas nang pinto nang restaurant at nagdadalawang isip na pumasok. Anong sasabihin niya sa pamilya nila na umuwi siyang mag-isa at hindi kasama ang dapat ay sinusundo niya.
“Bakit naman kasi, walang nagsabi sa akin na maaga siyang lalabas. Bakit hindi ba uso ang mobile phone sa loob nang military camp? Di ba dapat, courtesy na ipaalam niya na maaga siyang lalabas. Para naman hindi ako parang tangang tatayo sa labas nang gate nang camp nang ilang oras.” Inis na bulalas nang dalaga.
“Talagang hindi pa rin nagbabago ang isang yun. Dalawang taon na siyang hindi umuuwi. Ni siya sumulat o tumawag kahit holidays hindi siya nagpakita. Pati sa araw nang discharge niya pinagdadamot niya ang mukha niya. Ano bang akala niya? Sa semenaryo siya nag punta. Nakakainis.” Bulalas nang dalaga na hindi maitanggi ang inis dahil sa paghihintay nang ilang oras sa labas nang kampo.
“Hindi ba siya marunog gumamit ng telepono para man lang tumawag siya sa pamilya niya na maaga siyang lalabas. Para sana hindi na ako naghintay ang sakit kaya sa paa na tumayo doon nang ilang oras.” Dagdag nang dalaga. Hindi alam nang dalaga na habang nagsasalita siya sa harap nang restaurant may dalawang taong nakikinig sa mga reklamo niya. Isang dalagang nakasuot nang high school uniform at isang binatang matikas na nakatayo habang nakasuot nang military uniform. Napatingin naman ang dalaga sa binatang nasa tabi niya dahil sa pagtataka sa mga narinig mula sa dalagang nasa harap nang pinto. Napapangiting umiling lang ang binata.
“Mukhang walang nagbago saiyo sa nakalipas na dalawang taon, maliban sa pinto na ang gusto mong inaaway ngayon.” Wika nang isang baritonong boses sa likod ni Elleri. Nang marinig nang dalaga ang boses nang nagsalita agad siyang napalingon sa pinaggagalingan nang boses ganoon na lamang ang gulat niya nang makita ang binatang nakauniporme nang sundalo. Hindi siya makapaniwala. Dalawang taon na ang lumipas alam niyang dati nang magandang lalaki ang binata pero ngayon mas lalo yata itong naging pogi sa paningin niya. Matikas at matangkad. Bagay na bagay dito ang suot na military uniform. Nakitingin lang siya sa binata pero ang lakas nang kabog nang dibdib niya. Pakiramdam niya gustong lumabas nang puso niya sa dibdib niya.
“Kuya una na ako sa loob.” Pabulong na wika nang dalagita sa binata saka nagpaalam kay Elleri at nagmamadaling pumasok sa loob nang restaurant. Naiwan sa labas ang dalawa. Nakititig lang ang dalaga sa binata na hindi pa rin makapaniwalang nasa harap na niya ang binatang kanina pa niya hinihintay.
“Dalawang taon tayong hindi nagkita.” Wika nang binata habang nakatingin sa mukha nang dalaga. “Bakit mo naman inaaway ang pinto. Kapag sumagot yan baka tumakbo ka sa takot.” Anang binata. “Tititigan mo nalang ba ako? Umurong ba yang dila mo?” wika nang binata saka naglakad papalapit sa dalaga.
“Aw.” Biglang daing nang binata nang biglang sinipa nang dalaga ang binti niya dahil sa naramdaman sakit sa pagkakasipa nang dalaga biglang napayuko ang binata habang hinihimas ang binti na sinipa ni Elleri.
“Ito ba ang natutunan mo sa loob nang dalawang taon. I didn’t know you’ve become a hooligan.” Anang binata saka napatingin sa dalaga habang hinihimas pa rin ang binting sinipa nang dalaga.
“Stop acting. Sinong maniniwala sa iyo na nasaktan ka sa ginawa ko. Did you become weak sa dalawang taong military service?” sakristong wika nang dalaga sa binata habang nakatingin dito. Bigla namang napatigil ang binata sa paghimas sa binti niya saka tumayo at ngumiti.
“Saan ka ba galing? Alam mo bang ilang oras akong nakatayo sa labas nang military base camp kakahintay saiyo?” biglang wika nang dalaga nang makatayo ang binata. “Kung maaga ka palang lalabas sana sinabi mo para hindi na ako nag-abala pa. Ang sakit nang mga paa ko kakatayo akala mo ba.” Reklamo nang dalaga.
“Sino ba kasi ang nagsabi saiyong pumunta ka doon. Hindi naman ako isang batang paslit na kailangang sunduin.” Wika nang binata. “May sarili akong isip at may mga lakad akong personal. Hindi ko naman obligasyon na sabihin saiyo ang mga iyon, hindi ba?” anang binata.
“Wala akong sinabing obligasyong mong sabihin sa akin yun. Ang akin lang sana naman sinabi mong maaga kang lalabas. Para hindi nasayang ang oras ko. Kahit sinabi mo manlang sa mama mo. Para hindi na nila ako pinapunta doon. Para akong tangang nakatayo sa labas nang ilang oras, only to find out na umaga pa pala nang umalis ka.” Reklamo nang dalaga.
“Kayong dalawa. Hindi pa ba kayo papasok? Magdamag ba kayong mag-aaway diyan? Kanina naghihintay ang lahat at gutom na.” wika nang isang ginang na lumabas mula sa restaurant. Nakita niya ang dalawa na nag-uusap at noon paman alam na niyang kapag nagkita ang dalawa ang simpleng kamustahan ay nauuwi sa bangayan.
“Papasok na ho.” Wika nang binata at mabilis na inakbayan ang dalaga. “Tayo na sa loob. Nagugutom na rin ako.” Wika nito saka inakay ang dalaga papasok nang restaurant.
“Huwag mo nga akong akbayan. Baka sabihin nila close tayong dalawa.” Wika nang dalaga saka tinangkang tanggalin ang kamay nang binata na nakaakabay sa kanya, ngunit hindi tinanggal nang binata ang kamay niyang nakaakbay sa dalaga hanggang sa makarating sila sa VIP room nang Restaurant kung saan naghihintay ang buong pamilya nila. Nasa loob nang VIP room, ang mga magulang ni Adrian at ang nakakabatang kapatid nito. Nandoon sin ang Lola ni Elleri, ang mama at papa niya at ang Kuya niya kasama ang anak nito.
Alam nang mga ito na ngayon ang labas ni Adrian sa military at bilang isang selebrasyon kaya naisip nang mga ito na magkaroon sila nang dinner kasama ang pamilya ni Adrian. Sabi din nang mama ni Elleri may mahalaga silang pag-uusapan bilang isang pamilya.
“Sa palagay ko dahil nasa hustong gulang na si Adrian at Elli, mas mabuting ituloy na natin ang kasal nilang dalawa.” Wika nang lola ni Elleri.
“Kasal?” Sabay na wika ni Adrian at Elleri dahil sa labis na gulat. Napatingin naman ang lahat sa kanila dahil sa gulat nilang reaksyon. At mukhang sa kanilang lahat silang dalawa lang ang tila walang alam tungkol sa bagay na iyon.
“Bakit wala akong alam tungkol sa bagay na ito?” tanong ni Adrian saka tumingin sa ama niya.
“Dahil wala kaming pinagsabihan.” Sagot naman nito sa binata.
“Nasa 21st century na tayo. Bakit may mga ganitong -----”
“Ito ang pasya nang pamilya. At isa pa, hindi naman iba sa iyo si Elleri, magkakilala na kayo simula nang bata pa kayo. Ito din ang huling kahilingan nang ama mo. Gusto mo bang balewalain ang huling kahilingan nang ama mo?” wika ng mama ni Adrian sa kanya.
Hindi naman kumibo ang binata. Ito ang isang bagay na hindi niya pwedeng tanggihan. Kahit ang pagpasok niya sa military camp ay dahil din sa huling habilin nang ama niya. Isang dating sundalo at firefighter ang ama niya. He died saving the family of Elleri. At simula noon naging malapit nang magkaibigan ang mga pamilya nila. Ang tinuturing niyang ama ngayon ay ang dating kasamahan sa rescure team nang ama niya. Pinakasalan nito ang mama niya two years after his death. Naging mabuti naman sa kanya ang stepfather niya. At malapit din siya sa half sister niya. Sinusuportahan nito ang mga gusto niya at ang pag-aaral niya.
“Ano sa palagay niyo Mama? Dapat ba nilang ituloy ang kasal na ito?” tanong nang mama ni Elleri at tumingin sa lola nang dalaga. Napatingin naman ito sa binata.
“Well, I know this young man since he was little. Sapalagay ko naman magiging mabuti silang mag-asawa. Kilala nila ang isa’t-isa.” Wika pa nito. “Ito ang matagal na ninyong kasunduan. Wala naman akong magagawa kung gusto niyong ituloy. Pero nasa pagpapasya pa rin ni Adrian kung gusto niyang ituloy ang kasal. Matagal nang patay ang ama mo.” Wika nito saka bumaling sa binata. “My family is grateful dahil sa ginawa niyang pagliligtas sa anak ko at sa pamilya niya.” Wika nito na ang tinutukoy ay ang ama ni Elleri. “Pero hindi mo responsibilidad na ipagpa-----”
“Pag-iispan ko.” Biglang wika nang binata, saka tumingin sa dalagang si Elleri. Tahimik lang ito at halatang nagulat sa mga narinig nila.
“Wala akong tutol sa magiging kasalan nilang dalawa. Pero masyado pang bata sina Adrian at Elli, hindi pa sila nakakatapos nang college. Sa palagay ko mas mabuting ituloy natin ang kasal kapag nakagraduate na sila.” Wika nang mama ni Elleri.
“Bakit pa natin patatagalin? Nasa hustong gulang na rin naman sila.” Wika nang ama nang dalaga.
“Wala namang dahilan para magmadali tayo.” Wika pa nang mama nang dalaga saka tumingin sa asawa niya.
“Wala ding dahilan para ipagpaliban ang kasal nila.” Sagot naman nito. Napatingin si Elleri kay Adrian. Alam niyang hindi nito gustong makasal nakikita naman niya sa mukha nito at mukhang kahit dalawang taon na ito sa loob ng military camp mukhang iba ang tinitibok nang puso nito. Matagal na niyang alam na si Ester ang gusto nang binata. Ano nalang ang mangyayari sa kanilang dalawa kapag natuloy ang kasal nila.