Ep - 03

1389 Words
Kasal? Tayo? Naririnig mo ba ang sarili mo?” Bulalas ni Ester nang magkita sila ni Adrian sa Campus. Isang linggo matapos ang dinner nang pamilya nila ni Elleri nang lumabas siya. Nagpunta siya sa University kung saan naka enroll si Ester para magpa enrol din. Sinamantala na din niya ang pagkakataong iyon para makausap ang dalaga. Hindi pa siya nakakapagdesisyon kung papayag siyang pakasal sa dalaga. Wala naman siyang masamang tinapay kay Elleri, pero hindi niya makita ang sarili na asawa nang dalaga. He can be her friend but not a husband. Simula pa nang una hindi na niya pinangarap na pakasalan ang dalaga. Marami silang hindi nagpakakasunduan at mas madalas silang pinag-uusapan bilang rivals. No one saw them as romantically attached sa isa’t-isa. They are competing to almost everything. Nang malaman niya nag tungkol sa kasunduan nang ama niya sa pamilya ni Elleri, hindi niya alam kung papaano magrereact. Ang unang naisip niya ay ang yayaing pakasalan si Ester. They’ve been together since high school. Kahit na dalawang taon siyang nasa loob nang military base hindi naputol ang komunikasyon nila. Tumatawag sa kanya si Ester at bumibisita. Naging stable ang relasyon nila habang nasa military service siya. “Bakit ganyan ang reaksyon mo? May masama ba sa sinabi ko?” tanong nang binata. “Walang masama sa sinabi mo. Pero bakit parang masyado ka yatang nagmamadali. Kakalabas mo lang sa Military service. Hindi ba magpapaenrol kapa? Bakit nag mamadali ka yata.” Wika ni Ester. “I have my reason. Ang gusto ko lang malaman ay kung handa ka bang makasama ako. Alam ko namang mahal mo ako gaya nang pagmamahal ko saiyo.” Anang binata. “Mahal kita alam mo yun.” Wika ni Ester saka hinawakan ang mukha nang binata. “Pero alam mo ding mahalaga sa akin ang career ko. Kakasimula ko lang sa entertainment industry. Alam mong matagal ko nang gusto ang trabahong ito.” anito at hinaplos ang mukha nang binata. “Let me ask you this. And I will only ask this one time.” Anang binata. Desperado na siya. Kung may paraan para mapigilan niya ang kasal nila ni Elleri gagawin niya. At ang paraang iyon ay ang pakasalan ang babaeng iniibig niya. “Adrian, please huwag mo naman akong papiliin.” Wika ni Ester na tila alam na kung anong gustong itanong nang binata. “Alam mong mahal kita.” Wika pa nang dalaga saka hinawakan ang kamay nang dalaga. “Since it comes to this. Is it me or your career?” tanong nang binata. Dahil matagal na silang magkasintahan. He is a little confident na pipiliin siya ni Ester. Sinabi nito sa kanya noong nasa loob pa siya nang military camp, na kahit anong oras niya gustong magpakasal her answer will always be a yes dahil mahal siya nito. High school palang sila alam na ni Adrian ang pangarap ni Ester. Kahit nasa high school sila tumatanggap na ito nang mga trabaho sa modeling industry. Ilang beses din itong nag audition sa mga series. Talagang gusto nitong maging isang artista. At hanggang ngayon nakikita pa rin niya ang desire na iyon nang dalaga. He is just hoping na kahit pinanghahawakan pa rin nito ang mga pangarap niya. May puwang din siya sa mga pangarap nito. “Adrian. You know I love you. Handa akong sumama saiyo kahit saan.” Wika nito at muling hinawakan ang pisngi nang binata. “Pero, we are still young. Marami pa tayong pwedeng marating. Nagsisimula palang ang buhay nating dalawa bakit ka ba nagmamadali?” tanong pa nito. “I have my reasons. At kapag pinalampas natin ang pagkakataong ito, we might not get another chance to be together.” Wika pa ni Adrian. “I’d love to be with you. Kaya lang. Nakapagsign na ako nang contract sa isang entertainment company. Five years. Pwede mo ba akong mahintay. There are just so many things that I wanted to do ang accomplish. Kung mahal mo ako mahihintay mo naman ako hindi ba.” Wika nito sa kanya. Five years. Wika nang isip nang binata. I don’t even have a week. Dagdag pa nang isip niya. Hindi naman niya masabi kay Ester ang sitwasyon niya dahil baka hindi siya maintindihan nang dalaga. “After five years. Kahit saang simbahan pakakasalan kita. But not right now, okay?” wika pa nito. “I have to do. May photoshoot ako.” Wika nang dalaga at mabilis na hinalikan sa pisngi ang binata. “Kita tayo mamaya.” Wika nito saka nagmamadaling umalis. Napatingin lang si Adrian sa dalagang papaalis. Mukhang wala na nga siyang ibang choice kundi ang ituloy ang pagpapakasal kay Elleri, Akala niya kapag pumayag si Ester na makasal sila pwede niyang sabihin sa pamilya niya na hindi na siya pwede. Kahit wala siyang balak na suwayin ang habilin nang ama niya. Kung malalaman nang mga ito na may ibang tao siyang mahal at gustong pakasalan matatanggap nang mga ito ang desisyon niya. Pero paano pa niya sasabihin sa mga ito kung ang taong gusto niyang makasama mas pinahahalagahan ang career nito kesa sa kanya. Habang papunta si Elleri sa sunod niyang klase nakita niya ang binata na kausap si Ester. Nasa iisang university lang sila at sa University ding ito balak magpa-enrol ni Adrian. Nakita niyang tila seryoso ang pinag-uusapan nang dalawa. Napatingin pa siya kay Ester habang nagmamadali itong umalis at iniwan ang binatang tigalgal. “Adrian.” Masiglang wika ni Elleri saka lumapit sa binata. Narinig naman ni Adrian ang tawag sa kanya nang dalaga saka napatingin siya dito. Doon lang pumasok sa isip niyang nasa iisang University Pala si Ester at Elleri. “Nag submit ka ba nang college application mo? How did it go? Natanggap ka ba sa faculty na gusto mo?” Sunod-sunod na tanong nang dalaga nang makalapit sa binata. Pero hindi agad nagsalita ang binata at nakatitig lang ito sa dalaga na napansin naman ni Elleri. “Bakit ka nakatitig sa akin? May gusto ka bang sabihin?” tanong nang dalaga. “Iniisip ko lang, gusto mo bang makasal sa ‘kin?” tanong nang binata. Biglang napatitig ang dalaga sa binata. Hindi naman siya magtataka kung nagdadalawang isip ito na pakasalan siya sino ba naman ang bukal sa loob nila ang papayag na makasal sa taong hindi nila mahal. Hindi si Adrian. “Kahit makasal tayo. It will only just be in papers. Alam mong ibang tao ang laman nang puso ko.” Anang binata. Those words, masakit para sa kanya na marinig mula kay Adrian ang mga salitang iyon. “Just go straight to the point.” Wika nang dalaga. “Ayaw mong makasala sa akin?” tanong nang dalaga. “Bakit ikaw ba, gusto mo? I mean. Hindi naman tayo close at mas madalas tayong magtalo. Kapag natali tayo sa isang relasyon na walang pagmamahal. Habang buhay lang tayong magsisisi.” Anang binata. “Tama ka, Kaya lang. kaya mo bang suwayin ang gusto nang pamilya mo? Hanggang ngayon, iniisip pa rin nang pamilya mo ang utang na loob nila sa pamilya ko. Kaya mo bang balewalain iyon?” tanong ni Elleri. “You really know how to piss me.” Wika nang binata sa dalaga. “What? Ano namang ginawa ko para mainis ka? Ang sinasabi ko lang ay kung ano ang totoo.” Iritadong wika nang dalaga. “This is the reason why I Can’t like you as a woman.” Anang binata at naglakad papalayo sa dalaga. “What? Hey! What’s that supposed to mean?” habol nang dalaga sa binata. Pero hindi siya pinakinggan ang binata at patuloy lang itong lumabas nang Gate. Wala namang ibang nagawa si Elleri kung ang tingnan at ihatid nang tingin ang binatang papalayo. “Hay bugnutin parin siya hanggang ngayon.” Wika nang dalaga saka napabuntong hininga. “Kailangan ko nang asikasuhin to, baka pakalitan pa ako ni Lola kapag hindi ko natapos ngayon ‘to.” Wika pa ni Elleri saka napatingin sa dala niyang mga papeles. Mga transfer documents iyon. Gusto nang lola niya na lumipat siya nang paaralan. Gusto nito kapag napatapos ang kasal nila ni Adrian lilipat siya nang University. “Pero para namang matutuloy ito. yung groom ko mukhang nagdadalawang isip pa hanggang ngayon.” Napabuntong hiningang wika nang dalaga na napatingin sa dala niyang transfer documents.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD