Bakit ang tagal naman.” Reklamo nang isang dalaga habang nakatayo sa labas nang gate nang Military base. Nilalaro-laro niya ang hand bag na dala habang napapatingin sa gate nang base. Halos dalawang oras na siyang nakatayo doon habang naghihintay. Habang nakatingin siya sa gate biglang bumalik sa balintanaw niya ang pangyayari dalawang taon na ang nakalipas. Nakita niya ang sarili niya na nasa labas din nang parehong gate habang kausap ang isang binatang nakasuot nang military uniform.
Iyon ang araw na binisita niya ang binata sa military base. Dalawang araw after nang highschool graduation nila. Nalaman niyang pumasok sa military camp ang binata.
“Anong ginagawa mo dito?” Tanong nang binatang nakasuot nang military uniform na lumabas nang camp at sinalubong siya. Sabi nang sundalo sa gate bawal magpapasok sa loob nang kampo nang walang appointment. Hindi na siya nakapagpaappointment dahil sa biglaan ang pagpunta niya doon. Kung hindi pa niya narinig mula sa pag-uusap nang mga magulang niya ang tungkol sa pagpasok nang binata sa military camp hindi niya malalaman ang tungkol doon.
“Oh, tititigan mo nalang ba ako?” Sita nang binata nang hindi nagsalita ang dalaga at pinasadahan lang siya nang tingin mula ulo hanggang paa. “Kung wala kang sasabihin babalik na ako sa loob.” Wika nang binata sak tumalikod nang hindi magsalita ang dalaga.
“Bakit hindi mo sinabi sa ‘kin.” Biglang sambit nang dalaga dahilan para matigilan ang binata. “Kahit naman hindi tayo magkasundo sa ibang bagay. Sapalagay ko-----” pigil na wika nang dalaga saka napakuyom nang kamao. Napalingon naman ang binata sa dalaga saka napatingin dito. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang nangingilid na luha sa mga mata nito.
“What? Are you going to cry? Seriously? Dito?” Wika nang binata saka napalingon sa paligid nila. Maraming mga sundalong labas pasok sa base. Kung may makakilala sa kanya tiyak na pag-uusapan siya dahil nagpa-iyak siya nang babae sa labas mismo nang kampo. Baka sabihin pa nang mga ito. Ito ang kasintahan niyang iniwan niya nang pumasok siya sa kampo. They are nothing like that. Kung meron man, they are mortal enemies simula pa nang mga bata sila. Kaya malaking kaguluhan kung mapag-uusapan sila sa ganoon ka trivial na bagay.
“Ito mismo ang dahilan kung bakit hindi ko sinabi saiyo.” Wika nang binata. Nang marinig nang dalaga ang sinabi nang binata nag-angat siya nang tingin at dumeretso nang tingin sa binata.
“A-anong ibig mong sabihin?” tanong nang dalaga sa binata.
“Ito. Yang pagiging iyakin mo.” Matapat na wika nang binata.
“Hindi ito ang pinag-uusapan natin dito.” Anang dalaga. “Wala naman akong pakiaalam sa kung anong gusto mong gawin. Pero sana naman sinabi mo. Para namang----” putol na wika nang dalaga.
“Tama ka. Hindi tayo magkasundo sa maraming bagay. Pero kung sinabi ko ba saiyo na papasok ako sa Military may magbabago ba? Alam mo ang tungkol sa tradisyon nang pamilya ko. Kahit na malaman mo ang tungkol dito. Wala namang magbabago.” Agaw nang binata sa iba pa ng sasabihin nang dalaga. Mga bata palang sila. Alam na niyang after high school graduation talagang kailangan niyang pumasok sa military. Kahit hindi iyon ang gusto niya. Pero tradisyon iyon nang pamilya nila. Kailangan niyang igalang ang tradisyong iyon. Hindi niya sinabi sa dalaga ang tungkol sa biglaan niyang pag-alis dahil ayaw niyang malungkot ito. Kahit para silang aso’t pusa kung magbangayan hindi naman maitatanggi na lumaki silang magkasama. Malapit ang pamilya nila at kahit papaano alam niyang malulungkot ito.
“Isa pa, ayaw mo noon. Wala ka nang magiging karibal. Hindi mo kailangang makipagkompetensya dahil nasa loob ng military camp ang mortal enemy mo.” Matalim na titig naman ang pinukol nang dalaga sa binata dahil sa sinabi nito. Though, alam niyang sinusubukan nitong pagaanin ang loob niya taliwas doon ang nararamdaman niya.
“Bakit naman ganyan ang reaksyon mo. Hindi naman ako papasok sa semenaryo. At isa pa, dalawang taon lang naman ang military service ko.” Wika nang binata na napangiti at inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga.
“Bakit hindi mo nalang sabihing mamimiss mo ako. Kesa naman titigan mo ako nang masama.” Pa birong wika nito sa kanya.
“Hindi kita mamimiss. Ayoko lang nang hindi mo sinabi sa akin ang tungkol dito.” Anang dalaga saka pasimpleng winaksi ang kamay nang binata sa ulo niya. “Habang nandito ka sa loob nang military camp. Papasok ako sa isang kilalang college. Mauunahan na kita sa lahat nang academic aspect.” Anang dalaga.
“Well, that’s good for you. At least you will have a 2-year head start.” Napangiting wika ng binata sa dalaga. “Kailangan kapag lumabas na ako, nasa level kana na hindi na kita pwedeng maabutan. You will be my college senior.” Wika nang binata. Nakatitig lang ang dalaga sa binata. Hindi niya alam kung matutuwa ba siyang hindi sila sabay papasok sa college. Nakasanayan na niyang nandiyan ang binata kahit na panay pang-aasar lang ang inaabot niya dito. At least alam niyang nasa tabi lang niya ang binata. Aminado siyang malaking factor ang binata sa buhay niya. Dahil sa binata, she was able to achieve things na hindi niya akalaing kaya niyang abutin. Sa academics, she always has to put everything and all her abilities dahil ayaw niyang mapag-iwanan nang binata.
“Umuwi kana. Tiyak hinahanap kana nang mama mo.” Wika nang binata nang mapansing nakatitig lang sa kanya ang dalaga.
“Maayos ba ang pagkain mo dito?” tanong nang dalaga. “Dadalawin-----”
“Huwag ka nang bumalik dito.” Agaw ng binata sa iba pang sasabihin nang dalaga dahilan para matigilan ito at mapatitig lang sa kanya.
“Wala ako sa bakasyon. Nasa Military camp ako. Hindi magandang tingnan na may nagpupunta dito. Kahit ang pamilya pinagbawalan kong pumunta dito. You are not an exemption. Don’t worry hindi naman ako magugutom dito.” Wika nang binata.
“Adrian!” boses nang isang babae ang narinig nang dalawa. Sabay silang napatingin sa pinanggagalingan nang boses saka nila napansin ang isang dalagang may dalang bouquet nang bulaklak na naglalakad papalapit sa kanila. Napakunot ang noo nang dalaga habang nakatingin sa dalagang papalapit sa kanila.
“Adrian!” wika nito na agad na niyakap ang binata nang makalapit. Lalo namang napakunot ang noo nang dalaga nang makita ang naging kilos nito. Maging ang binata ay napatingin din sa kanya dahil sa pagkabigla.
“Ester anong ginagawa mo dito?” tanong nang binata na tinanggal ang kamay nang dalaga na nakakulawit sa leeg niya at bahagyang inilayo ang dalaga sa kanya.
“Ano pa ba edi-dinadalaw ka. Mabuti nalang nandito ka sa labas. Kahapon nagpunta din ako dito. Sabi nila bawal ang mga bisita.” Wika nito saka tumingin sa dalagang nakatayo sa harap nila. “Nandito ka pala. Hindi kita napansin.” Pairap na wika nito sa dalaga.
“Ganoon ba ako kaliit para hindi mo makita.” Inis na wika nang dalaga.
“Hindi ka lang maliit, wala pang halaga ang isang tulad mo. Anong ginagawa mo dito?” Asik nito sa dalaga.
“Wala akong obligasyon na sabihin saiyo.” Inis na wikan ang dalaga.
“Tumigil na nga kayong dalawa. Mabuti pa umuwi na kayo. Babalik na ako sa loob.” Wika ni Adrian sa mga dalaga.
“Pero kararating ko lang. gusto mo na akong umalis kaagad? Hindi mo ba namimiss ang girlfriend mo?” naglalambing na wika ni Ester saka ipinulupot ang kamay sa braso nang binata. Napaikot naman ang mata nang dalaga nang makita ang kinilos ni Ester. Simula pa nang una hindi na niya gusto ang dalaga at kahit pa sabihin ito ang girlfriend nang binata hindi talaga niya ito gusto.
“Syempre na mimiss kita pero alam mo namang hindi pwede ang dalaw dito. Isa pa kakapasok ko lang dito.” Wika nang binata.
“Bakit kasi kailangan mo pang mag military service. Tuloy magkakahiwalay tayo.” Naglalambing na wika nang dalaga at inihilig ang ulo sa balikat nang binata. Umakto namang tila nasusuka ang dalaga nang makita ang paglalambing nito sa binata saka tumalikod. Hindi naman nakaligtas kay Ester ang gesture na iyon nang dalaga. Umayos ito sa pagkakatayo saka tinanggal ang kamay sa braso nang binata.
“I saw that.” Wika nito sa dalaga. Napatingin naman ang dalaga kay Ester. “Sweetheart oh, she is making faces.” Tila batang nagsusumbong na wika nito kay Adrian. Napatingin sa itaas ang dalaga dahil sa di makapaniwala sa nakita.
“Are you going to tolerate her? She is making fun of me.” Wika pa nito sa binata.
“Elleri.” Wika nang binata na seryosong tumingin sa dalaga. Napatingin naman ang dalaga sa kaibigan niya. Alam naman niyang mas matimbang ang kasintahan nito sa kanya pero talaga bang mas kakampihan nito ang dalaga kesa sa kanya?
“What?” Tanong nang dalaga saka tumingin sa binata. “Wala naman akong ginagawa.” Angal pa nang dalaga.
“Umuwi kana, baka hinahanap ka na nang mama mo.” Wika nang binata sa dalaga.
“Fine uuwi na ako.” Walang nagawang wika nang dalaga saka bumaling sa dala niyang bag tanggang may kukunin ang dalaga sa loob noon pero hindi nito tinuloy nang mapatingin sa binatang malambing na nakikipag-usap kay Ester.
“Stupid Adrian.” Mahinang usal nang dalaga.
Ito ang mga naalala nang dalaga habang nakatingin sa gate nang military base camp. Eksaktong dalawang taon na ang nakakaraan simula nang mangyari iyon. Wala siyang magandang alaala sa base camp na iyon aside from her heart being broken dahil ang taong nagugustuhan niya ay pag-aari na nang iba ang she has to pretend na wala siyang nararamdaman para dito and that she is nothing but a friend and an arch-enemy to him.
“Ang tagal. Anong oras ba siya lalabas.” Reklamo nang dalaga na napatingin sa wristwatch niya saka tumingin sa gate. Hapon pa nang dumating siya pero magtatakip silim na wala pa rin siyang nakikita anino ni Adrian. Sumasakit na din ang mga binti niya sa kakatayo doon.
“Excuse me.” Mahinang wika nang isang sundalong nakauniporme na lumapit sa kanya. Tila napansin nito na kanina pa siya nakatayo.
“Yes?” simpleng lumingon na wika nang dalaga.
“May hinihintay ba kayo dito? Kanina ko pa napapansin na kanina pa kayo nakatayo.” Wika nito sa kanya.
“Actually yes, hinihintay ko ang isang kaibigan. Ngayon ang araw nang discharge niya. Pero hindi ko pa siya nakikitang lumalabas.” Wika nang dalaga.
“Kaninang umaga pa pinalabas ang mga nag military service, hindi niyo na yata naabutan.” Napaawang ang labi nang dalaga nang marinig ang sinabi nang sundalo. Bakit wala man lang sinabi sa kanila. Kung maaga pa palang pinalabas ang binata bakit kailangan niyang maghintay doon nang ilang oras.
“Mas mabuti pang umuwi na kayo. Dumidilim na at mukhang uulan pa yata.” Wika nang sundalo. Napatingala naman ang dalaga, naiipon sa kalangitan ang maiitim na ulap palatandaan na uulan.
“Salamat officer.” Wika nang dalaga at nagpaalam sa lalaking sundalo saka tumawag nang isang taxi at sumakay. Disappointed siya na uuwi sa bahay nila. Anong sasabihin niya sa mga magulang nilang naghihintay sa kanila. Inaasahan pa naman nang mga ito na darating siya kasama ang binata.