“Wow ang galing niya talaga.” Manghang wika nang isang estudyante nang makita ang ginawa ni Adrian. Paikot itong umiwas kay Raphael nang tanggakin nitong gawin ang bola sa kanya saka mabilis na nagdribol patungo sa basketball ring at mabilis na gumawa nang lay-up shot. Dahil sa move na iyon ng binata nagpalakpakan ang mga nanonood na estudyante. Maging ang mga guro na noon ay dumating na sa basketball court at napahanga dahil sa ginawa ni Adrian.
“Are you okay?” nag-aalalang wika ni Elleri na lumapit kay Raphael na noon ay nakaupo sa semento. Bago ang huling score ni Adrian. Tinangkang niyang agawin ang bola sa binata pero dahil sa paikot na pagiwas na ginawa ni Adrian sinubukang habulin ni Raphael ang binata pero na tisud siya sa sariling mga paa at napaupo sa semento. That also marks the end of their game. Kahit na maganda ang ipinakita ni Raphael at ang mga kaibigan nito sa laro nila wala pa din silang nagawa sa binatang si Adrian.
“I think your hu---” putol na wika ni Elleri nang itaboy ni Raphael ang kamay niyang tinangkang hawakan ang paa niya na kasalukuyang hawak ng binata. Sa palagay ni Elleri na sprain nito ang binti nang matisod ang sarili. Napatingin ang lahat nang kat Raphael at kay Elleri nang makita ang ginawa nang binata. Maging si Adrian ay napatingin din dito. Matapos kunin ang bola na tumalbog matapos ang lay-up na ginawa nito.
“Hey. Don’t be so rude.” Wika ni Adrian na naglakad papalapit sa kanila nang makita ang ginawa ni Raphael na pagtaboy sa kamay ni Elleri.
“I don’t need your pity or your help. Kaya ko ang sarili ko. Hindi ako mahina.” Wika pa ni Raphael saka tumingin kay Elleri.
“Did I say you are weak?” iritadong wika ni Elleri dahil sa tinuran nang binata.
“What?” Gulantang na wika ni Raphael ng marining ang sinabi nang guro. Simula nang dumating ito doon sa school nila. Ito lang ang nag-iisang teacher na nangahas na lumaban sa kanya at hindi ito takot kahit pa ang mama niya ang chairwoman nang School.
“You are clearly hurt, and you need help, why are you stubborn.” Anang dalaga sa binata. “You better get----” putol na wika nang dalaga.
“Sabing kaya ko ang sarili ko. Bakit ba nag kulit mo. Huwag kang magpanggap na mabait.” Inis na wika nito saka itinulak ang dalaga.
Dahil sa ginawa ni Raphael biglang napaupo sa semento ang dalaga. Sabay napaawang ang labi dahil sa ginawa nito.
“Pare-pareho lang kayo.” Napatingin si Elleri sa binata. Bakit parang ang lalim ng pinahuhugutan nang galit nito.
“You okay?” Tanong ni Adrian kay Elleri saka inalalayang tumayo ang dalaga. Napalingon naman si Elleri sa binata at tumango bago bumaling kay Raphael.
“You should get your fo----” muli putol na wika nang dalaga.
“Bakit ba ang kulit mo kaya ko ang sarili ko.” Agaw ni Raphael sa sasabihin nang dalag.
“Fine.” Matigas na wika nang dalaga. “And you two better not help him.” Wika nang dalaga saka bumaling sa dalawang kaibigan ni Raphael na nasa likod nito na tangkang lalapit sana sa binata para tulungan itong tumayo.
“Since he said he don’t need pity nor help. Tingnan natin kung kaya mong maglakad patungo sa infirmary.” Ani Elleri na nakatingin sa binata. Di makapaniwalang napatingin naman si Raphael sa dalaga.
“What? Ikaw mismo nagsabi niyan.” Sakristong wika ni Elleri.
“Hey. Masyado ka naman yatang nagiging masungit. Estudyante mo siya.” Wika ni Adrian sa dalaga saka tinapik nang mahina ang balikat nito. Bago bumaling kay Raphael. “Better get your leg treated. You still have one week before the next game. Hindi mo namna siguro nakakalimutan ang deal natin.” Wika ni Adrian sa binata.
“Hindi ko nakakalimutan.” Wika ni Raphael na tumayo habang inalalayan nang mga kaibigan niya.
“Deal? Anong deal?” takang tanong ni Elleri na bumaling kay Adrian. Napatingin naman si Adrian sa mukha nang dalaga.
“Well, just a deal between men.” Nakangiting wika ni Adrian. “And I trust you are man enough to---” putol na wika ni Adrian.
“Wait. What are you doing here? And why are you bullying these boys?” wika ni Elleri. Napaawang ang labi ni Adrian sa narinig na sinabi nang dalaga. Maging si Raphael ay gulat na napatingin sa dalaga.
“Bullying? Me?” usal ni Adrian saka itinuro ang sarili.
“Who else?” ani Elleri.
“Wait. Let’s be clear. I did not bully anyone. We are just playing. It was a game we’ve all agreed. He tripped on his own. Not my fault.” Depensa nang binata sa dalaga. Nakatingin lang si Dillon sa dalawa. Maging si Raphael ay nagtatakang nakatingin sa dalawa. Kung mag-usap ang mga ito parang hindi ito ang unang beses na nagkita sila at para bang kilala nila ang isa’t-isa.
“Sabihin na nating nakikipaglaro ka lang. How can a professional basketball player. Made a deal with high school kids? And a deal to boot.” Ani Elleri.
“I have my reason. And it’s a good one.”
“Let’s hear it.” Ani Elleri. Lalo lang nagtataka ang sina Raphael sa takbo nang usapan ng dalawa. Hindi nila napansin na nakalapit na sa kanila si Chloe.
“What are they doing?” tanong ni Chloe kay Dillon na nakatayo na sa tabi nito. Taka namang napatingin si Dillon sa dalaga lumapit sa kanya. Agad naman niya itong nakilala.
“Well, they are doing it again. Para bang wala sila sa publikong lugar. Gusto ba nilang mabuko nang lahat ang sekreto nila?” wika ni Dillon kay Chloe.
“We should stop them bago pa nila ipahamak ang sarili nila.” Wika ni Chloe saka tanggang lalapit sana sa dalawa pero bigla siyang natigilan.
“Well, we made a deal na kapag nanalo ako. Him and his friends and Dillon will join the school basketball team.” Sagot ni Adrian. Napakunot naman ang noo ni Elleri sa narinig niya. Saka napatingin kay Dillon, alam niyang naglalaro nang basketball ang pamangkin pero ang gusto nang kuya niya mag focus ito sa academics dahil gusto nitong pumasok sa business school ang anak dahil balang araw ito ang hahalili sa kanya sa mga negosyo nito. Sports is not allowed sa pamilya nila. Kaya siguro inililim ni Dillon ang hobby niyang iyon sa ama niya. Nang makita niya kanina ang pamangkin na naglalaro, iyon ang unang beses na nakita niya itong seryoso.
“That’ll solve the school’s dilemna.” Wika nang head teacher na lumapit sa kanila kasama ang dalawang miyembro nang basketball team at ang coach nila. Sa likod naman nila ang ibang teacher at faculty member.
“LA. It’s an honor na makita ka dito sa school namin.” Masayang wika nang head teacher. Simple namang ngumiti lang si Adrian. Saka napatingin sa paligid niya. Doon lang niya napansin ang mga estudyante na nakapalibot sa open na basketball court.