“Well, Nandito ako para sana alamin kung anong klaseng school ang pinapasukan nang kapatid ko.” Wika nang binata.
“Kapatid?” sabay-sabay na wika nang mga ito.
“Now that you mention that. Sutherland. Do you think that sound familiar?” wika ni Carla. “Ah! Teacher Elleri. Kapatid ka ni LA?” biglang wika nito dahilan para mapatingin sa kanya lahat nang nandoon.
“NO!” sabay na wila ni Adrian at Elleri. Dahilan naman para mapatingin sa kanila ang lahat. Matama namang napatingin si Raphael sa reaksyon ni Elleri at nang binata. Bakit hindi maganda ang pakiramdam niya sa sabay na sagot nang dalawa lalo na na pagiging defensive nila. At kanina, the way they talk to each other. Hindi iyon gagawin nang taong nagkakakilala palang. Mahinang tumawa si Adrian.
“She is.” Wika ni Adrian saka hinawakan ang braso ni Chloe hinila papalapit sa kanya. “She is a student here.” Wika nito. Napaawang naman ang labi nang lahat dahil sa nalaman.
“Hindi ako magtataka kung siya ang kapatid mo. She is a good student.” Wika pa nang Head teacher. Simpleng ngiti lang ang sinagot nang binata sa sinabi nito. Mabuti nalang nandoon si Chloe nakalusot pa sila ni Elleri. Nawala sa isip niyang Apelyido niya pala ang ginagamit nang dalaga. At kung nagpatuloy pa ang bangayan nila kanina baka maghinala na ang mga tao sa kanila. Kasalukuyang sekreto sa lahat ang pag-aasawa niya at ang pamilya lang nila.
“What do you mean these four will join the basketball team?” tanong nang coach nang basketball team saka napatingin kay Raphael na noon ay inaalalayan pa rin nang mga kaibigan nito.
“Naikwento nilang kulang kayo nang players. And these boys have talent. Sayang naman kung hindi niyo pakikinabangan.” Wika ni Adrian.
“Hindi ka ba pagagalitan ng mama mo kapag nalamang naglaro ka ulit nang basketball?” Sakristong wika nito sa Binata. “Besides, hindi ang basketball ang lugar ----”
“Hold it.” Agaw ni Adrian sa iba pang sasabihin ng coach. Taka namang napatingin ang coach sa binata. “Ikaw ba ang coach nila?” tanong nang binata.
“Yes, you have a problem with that?” Anito.
“Wala.” Sagot ni Adrian. “Now, I understand why he said you’re the worst.”
“Anong sabi mo?” gigil na wika nang coach nang marinig ang sinabi ni Adrian. Bakit nakikialam ito sa problemang hindi naman ito kasali.
“Sorry. But have you questioned yourself why your team quit? Hindi dahil sa mahina sila o hindi nilang kayang lumaban sa mga laro. Kaya lang, ikaw ang coach nila. You should I think Examin yourself. Are you a good coach?” wika ni Adrian.
“And you think you are?” inis na wika ng coach nila. HIndi niya gusto ang tabas nang dila nang binatang bagong dating kahit pa sabihin siya ang sikat na basketball superstar hindi siya pwedeng pumunta sa school na ito at matahin ang pagiging coach niya.
“What are you doing?” tanong ni Elleri na humarap kay Adrian. Maraming estudyanteng nanonood sa kanila. Kapag narinig ng mga ito ang sinabi nang binata sa coach ng basketball team baka ma misudnerstood nila ang intensyon nang binata. Narinig niya ang tono nang boses nang coach kay Raphael. Alam niyang tila problem child si Raphael and can be difficult to handle. Pero hindi naman iyon dahilan para tila maliit ang tingin nito sa binata. Isa siguro ito sa dahilan kung bakit walang tiwala ang binata sa mga guro at sinabi nitong pare-pareho lang sila.
“I did not forget our deal. At may isang salita ako.” Wika ni Raphael saka bumaling kay Adrian bago tumingin sa coach ng team. “Kahit ayaw mo. I am going to join you’re the team.” Wika nito. “And, I want her to join as a team manager.” Wika nito at itinuro si Elleri.
“Wait what?” gulat na wika ni Elleri nang marinig ang sinabi ng binata. Maging si Adrian ay takang napatingin kay Raphael.
This brat. Usal nang sip ni Adrian nang marealize kung anong gustong mangyari ni Raphael.
“Since you are being nosy. Let’s put it to good use. I think I will cause less trouble if you are there.” Wika pa nang binata.
“Hindi ako isang babysitter.” Mahinang wika ni Elleri.
“That’s a good Idea. Baka bumalik ang ibang player kapag nalaman nilang may isang teacher na manager nang team.” Masiglang wika nang head teacher.
Worse idea if you ask me. Wika ng isip ni Elleri. Hindi siya ang ang athletic type na tao. Dati, Shecompetes with Adrian to almost anything except sports.
“Let’s go.” Wika ni Raphael sa mga kaibigan iya saka sininyasan ang mga ito na alalayan siya papalayo. Agad naman sumunod ang mga ito sa kanya inihatid lang nila nang tingin ang binata iika-ika sa paglalakad habang inaalayan nang mga kaibigan. Napatiim bagang si Adrian lalo na biglang napasok si Elleri sa sasali sa basketball team. Hindi rin niya gusto ang natutunugan niya sa binatang iyon.
“I think that solves one of our problems. We have six members on the team. And they can still play next week.” Wika nang head teacher saka bumaling sa coach nila. “Coach Jack, may tiwala akong makakaya mo silang ihanda para sa next week nating laro.” Wika pa nito.
“Ako nang bahala sa kanila.” Wika nang coach saka tumingin kay Adrian. Napakuyom naman ang kamao ni Adrian dahil sa tingin nang coach sa kanya. Hindi niya talaga gusto ang sinabi nito kanina pero dayo lang siya at hindi dapat siya makialam.
“Total nandito kana bakit hindi tayo mag-tsaa. Ngayon lang may dumalaw na celebrity dito---”
“Hindi na ho.” Agaw nang binata.
“Pinuntahan ko lang ang kapatid ko. Gusto ko lang malaman kung nag-aaral siya nang mabuti.” Dagdag pa nang binata.
“Nag-aaral naman ako ah.” Nakalabing wika ni Chloe sa kapatid niya.
“Huwag kang mag-alala. Nasa mabuting kamay ang kapatid mo. At bukod doon, isa siya sa top student nang school. Wala kaming problema sa kanya.” wika pa nang head teacher kay Adrian.
“Mabuti kung ganoon. Magpapaalam na ako. Mukhang nagulo ko ang klase nang mga estudyante ngayon.” Pilit na ngiting wika ni Adrian saka tumingin sa paligid na puno pa din nang mga estudyante.
“LA. Bago ka umalis pwede bang magpa Autograph.” Wika ni Carla. Napatingin naman si Adrian sa guro.
“Sure.” Nakangiting wika ni Adrian. Hindi siya pwedeng tumanggi ngayong nandoon na siya at nakipaglaro na rin nang basketball. Nang lumapit sa kanya ang mga guro para magpa Autograph saka naman dumagsa ang mga estudyante na gusto ding pagpaautograph sa kanya. Nang makita nina Elleri, Chloe at Dillon ang mga estudyante na tumakbo papalapit sa binata agad silang umatras.
Hindi naman nakalayo si Adrian dahil siya naman ang pakay nang mga estudyante at kapag tumanggi siya magiging masama iyon para sa image niya. Nandoon na din naman siya pagbibigyan na niya ang mga ito.
“That surprised me.” Wika ni Chloe nang umatras sila. “I didn’t know you play basketball.” Wika pa ni Chloe kay Dillon. “You’re good. You are joining the team right?”
“Well, I made a deal.” Wika ni Dillon.
“You are joining too right?” wika ni Elleri kay Chloe.
“Ako? Bakit?” tanong ni Chloe saka tumingin sa dalaga.
“Well, I don’t know anything about sports. I think I’ll make the worse manager. So I need your help. Pwede ka ring mag recruite nang iba pa. pwede tayong bumuo nang cheering squad para sa kanila.” Nakangiting wika ni Elleri.
“Gusto mo pa akong isali sa gulong yan.” Wika ni Chloe.
“Hahayaan mo ba akong mag-isa. Besides, it’s a good way to make good memories during your last high school year. Don’t you think?” nakangiting wika ni Elleri sa dalaga. Bigla namang natigilan si Dillon. Pareho nang sinabi ang tita niya at si Adrian. Kahit na madalas silang nag-babangayan mukhang may mga bagay na mas madalas silang magkasundo. At mukhang hindi aware ang dalawang iyon sa bagay na iyon.
“Do you think he needs help?” tanong ni Elleri habang nakatingin sa asawang tila naaasiwa na sa mga estudyanteng dumudumog sa kanya at napapaautograph.
“He needs rescue.” Natatawang wika Chloe.
“Then let’s rescue him.” Wika ni Elleri saka naglakad papalapit sa mga ito. Agad naman sumunod si Chloe at Dillon sa dalaga. Pinigilan nila ang mga estudyante na lumapit kay Adrian. Nang makita nang mga guro ang ginawa ang tatlo. Tumulong na din sila sa pagpigil sa mga estudyante. Humingi nang paumanhin si Adrian kung hindi na niya mapapagbibigyan ang lahat sa papaautograph. Kailangan na din niyang umalis. Tumakas lang siya sa practice nila.