Adrian?!” gulat na wika ni Elleri nang mula sa binatana nang conference room kung saan nagaganap ang meeting nakita niya ang mga naglalaro nang basketball. Nang una akala niya mga estudyante lang na nagkakatuwaan dahil break. Pero habang tinitingnan niya ang lalaro nakilala niya kung sino ang kasama nang mga estudyante. Dahil sa gulat ni Elleri sa nakita niya bigla siyang napatayo sa kinauupuan dahilan para mapatingin sa kanya ang mga guro maging ang mga player at coach.
“Is that Raphael? Ang anak nang chairwoman?” gulat na ka nang isang guro nang makilala ang binatang naglalaro. Napatingin naman sa kanya ang lahat nang marinig ang pangalan na binanggit nito.
“That’s impossible. Hindi na naglala---” wika nang coach na naputol ang sasabihin nang mapatingin sa basketball court at makita si Raphael na naglalaro.
“Anong nangyari? Bakit siya naglalaro?” Tanong nang coach dahil sa labis na pagkabigla. Hindi niya inaasahan na makikita ang binata na maglalaro nang basketball.
“Most importantly, sino ang mga kalaro niya?” tanong ni Carla. Napatingin ang lahat sa mga kalaro ni Raphael.
“Yung dalawang kakampi ni Raphael parang yung dalawang kaibigan niya yan.” Komento nang isang dalagang guro. “That another boy, for sure is a student here. Pero yung isang matangkad I don’t think he is student here.” Wika pa nito. Napatingin naman si Elle sa dalagang teacher.
“Ah. That’s LA!” masiglang wika ni Carla na itinuro ang binatang naglalaro nang makilala niya kung sino ito.
“LA?” takang tanong nang lahat na napatingin kay Carla. Tumingin naman si Carla sa kanila saka nakangiting tumango.
“You’re kidding ano namang gagawin nang isang basketball superstar sa school nating at makiki paglaro----” natatawang wika ng coach saka muling itinuon ang atensyon sa binatang naglalaro pero bigla siyang natigilan nang makilala ang binatang kalaro nang mga estudyante nila.
“Anong ginagawa niya dito?” Takang tanong nang coach.
“Hindi na mahalaga iyon. Ang importante nandito siya.” Wika ni Carla saka nagmamadaling lumabas. Pati ang ibang guro ay lumabas din para pumunta sa court.
Naiwan sa loob nang conference room si Elleri, Norman at ang coach nang basketball team na nagkatinginan.
“I guess we have to follow them?” wika ni Elleri.
“Guess so.” Wika ni Nornman. Hindi naman nagsalita ang coach at lumabas lang nang conference room. Napatingin lang si Elleri kay norman saka ngumiti. At nagpatiunang lumabas nang conference room. Sumunod naman sa kanya ang binata.
“Ano sa palagay mo ang ginagawa ni LA dito?” tanong ni Norman habang naglalakad sila sa pasilyo.
“Wala din akong ideya.” Wika nang dalaga. Wala namang parent teacher conference ngayon. Bakit siya nandito? Tanong nang isip ni
“Dahil sa ginagawa niya ginugulo niya ang school. Tingnan mo naman lahat ata nang estudyante nandito.” Komento ni Norman habang papalapit sila sa basketball court. Punong puno ang palibot nang basketball court ng mga estudyante na nanonood nang laro.
“You sounded like you dislike him.” Wika ni Elleri sa binata.
“Not that I dislike him. Para kasing he has it easy sa simula palang. When he started his career, he opened his own fashion brand. Lahat pumatok. From his career to his business. Parang lumaki ang ulo niya dahil sa kasikatan. Ayoko sa mga ganyang klaseng lalaki.” Wika pa nito kay Elleri.
“You sounded like you know him personally to give that comment.” Ani Elleri. “He may look arrogant outside. But he is a nice guy.” Wika ni Elleri. “The things he has right now were not served to him on a silver platter, He earned it through his hard work.” Wika pa ni Elleri. Bigla namang natigilan si Norman dahil sa sinabi ni Elleri. Biglang natigilan si Elleri at napalingon kay Norman nang maramdaman ang kamay nitong humawak sa kamay niya.
“Bakit?” Tanong ni Elle saka humarap sa binata at napatingin sa kamay niyang hawak nito saka muling tumingin sa binata. Nagtataka siya at kung bakit siya pinigilan ni Norman.
“You sounded like you knew him.” Wika ni Norman.
“Ha?” maang na wika ni Elle. Gosh. ‘tong bibig ko. Ako pang magpapahamak sa sarili ko. Wika ni Elleri sa sarili niya. Batid niyang nagdududa si Norman.
“Kung magsalita ka parang kilala mo siya.” Ulit ni Norman. Lihim na napakagat nang pangibabang labi si Elleri. Kailangan niyang gumawa nang paraan para malusotan.
“Sabihin mo. Isa ka rin ba sa mga umiidolo kay LA? Gaya nang mga teacher dito. Pero ayaw mo lang ipakita sa iba?” tanong ni Norman.
That’s what you are thinking? Tanong nang isip ni Elleri. Pilit siyang ngumiti kay Norman.
“Sana sinabi mo nalang hindi naman ako----”
“Well, maraming tagahanga si LA. Hindi naman siguro masama kung humanga din ako sa kanya.” wika nang dalaga.
“Sorry, may mga masama akong sinabi tungkol sa kanya. Hindi ko naman alam na---”
“It’s fine.” Wika ng dalaga. “I think, we better get to know the other person better bago natin sila husgahan. A-LA is also human. Lahat nang meron siya ngayon, pinaghirapan niya iyon. I am not saying this because I am his fan. I think, everyone deserves the same kind of----”
“Alam ko.” Putol ni Norman na tila nahiya sa komento niya kanina sa binata. Napansin naman ni Elleri ang guilt sa mukha nito.
“Hey.” Untag nang dalaga. “Tayong dalawa lang naman ang nag-uusap. And I am not his die hard fan. So It’s okay.” Assurance nang dalaga saka ngumiti dito.
“Wala ka sa fanclubs niya at hindi mo ako---” biglang natigilan si Norman nang biglang tumawa nang pino ang dalaga. Ngayon lang niya narinig ang tawa nito. She smiles at everyone often. Pero ang ngiti at tawang iyon ni Elleri. Bakit biglang kumabog ang dibdib niya. Pakiramdam niya biglang uminit ang pisngi niya.
“Hindi ako kasali sa fan clubs niya. Wala akong oras para doon. At gaya nang sabi ko kanina. Hindi ako diehard fan ni LA.” Nakangiti paring wika nang dalaga. “Alam mo puntahan na natin sila.” Wika pa nang dalaga at hinawakan ang braso ni Norman saka inakay ito papalapit ng court. Hindi naman tumutol ang binata habang inaakay siya nang dalaga patungo sa basketball court. Napapatingin lang siya sa kamay nitong may hawak sa braso niya. Saka inilagay ang isang kamay sa dibdib niya. Hindi niya maintindihan ang lakas nang kabog nang dibdib niya ng mga sandaling iyon. Alam niyang malambing at mabait si Elleri sa lahat. Pero bakit ganoon ang reaksyon niya?