Ep - 22

1110 Words
Raffy!” Nagmamadaling wika nang isang binatang estudyante na pumasok sa loob nang infirmary nang school. Nang makita niya ang nurse na nakatingin sa kanya agad itong huminto sa pagtakbo at maingat na lumapit kay Raphael na nakahiga sa isa sa mga higaan sa loob nang school clinic. Nasa isang upuan sa tabi nang higaan at nagbabasa nang manga. Napatingin naman si Raphael sa kaibigang tumatakbo papalapit sa kanila. “Bakit? May nangyari ba?” tanong ni Raphael sa kaibigan. “Wala naman. Pero, nag research ako. At alam mo ba kung anong nalaman ko?” wika nito nang makalapit sa kanila. Napatingin si Raphael na may pagtataka sa kaibigan. Maging ang binatang nagbabasa ay natigil din sa ginagawa niya nang marinig ang sinabi nang kaibigan. “Nagresearch? Marunong ka ba noon?” Biro nito sa kaibigan. “Sira. Ano namang akala mo sa akin? Ignorante. Marunong akong gumamit nang computer at Cell phone.” Wika nito at simpleng binatukan ang kaibigan. “Ano namang nalaman mo?” tanong ni Raphael sa bagong dating. “Ito.” wika nang binata saka ipinakita ang cell phone sa kaibigan kung saan nagpi-play ang isang video tungkol sa laro ni Adrian. “Ano to?” Tanong Raphael habang nakatingin sa Video. “Tingnan mo maigi.” Wika nito. Napatitig si Raphael sa cell phone nang makilala kung sino ang nasa video. “Kaya pala dinagsa yung basketball court. Yung nakalaro natin siya pala si LA Sutherland. Yung sikat na basketball player. Sabi nila, isa siyang basketball genius. Mr. MVP. Parati siyang kasali sa All start team at sa national team. Hindi ko siya nakilala. Ang swerte nama natin nakalaro natin ang sikat na basketball player.” Wika nito na tila hangang-hanga sa binata. Napatingin naman si Raphael sa kaibigan at sa malapad nitong ngiti. “Bakit ang saya mo?” Inis na wika ni Raphael saka inilapag ang cell phone. Alam niya ang pangalang LA Sutherland pero hindi niya akaing nakalaro na niya ang lalaki. “Siyempre, matagal ko nang idol ang basketball star na iyon. Tapos, nakalaro natin siya.” “Ang babaw mo naman.” Komento nang isa pang kaibigan nila. “Pero alam mo nagtataka ako.” Wika nito dahilan kung bakit napatingin sa kanya si Raphael. “Ano namang pinagtatakahan mo?” tanong nang isa. “Isa siyang sikat na basketball player. Pero kung mag-usap sila ni teacher Elleri. Para silang magkakilala.” Wika nito. “Speaking of teacher Elleri.” Wika ng isa saka bumaling kay Raphael. “Anong plano mo sa kanya? Siya lang sa buong school ang taong hindi natatakot sa iyo. Yung ibang teacher malaman palang ang na ikaw anak nang chairwoman na nginginig na sa takot. Siya iba ang tapang.” Dagdag pa nito. “Alam mo gusto ko siya.” Wika pa nang binatang dumating. Kunot noo namang napatingin si Raphael sa kaibigan dahil sa sinabi nito. “Ibig kung sabihin, gusto ko siya sa lahat ng mga naging teacher natin. Parang naiintindihan niya kung ano---” “Tumahimik kana.” Biglang agaw na wika ni Raphael. Naiintindihan niya ang sinasabi ng kaibigan niya. Kakaiba naman talaga si Elleri sa lahat nang mga naging teacher nila. Ang iba, kapag nalamang anak siya ng chairwoman, hindi na siya pinakikialaman. Kahit na nakikita nilang nam-bubully siya nang mga kaklase niya o kahit hindi siya nakikinig tuwing klase hindi siya pinakikiaalaman nang mga ito. Takot ang mga ito na matanggal sa trabaho nila. No one cared kung anong gawin niya. Kaya ginagawa lang niya ang gusto niya. Boring ang school para sa kanya dahil pareho lang naman ang nangyayari. Ngunit nang araw na dumating ang dalagang teacher parang nagbago ang lahat sa mundo niya. Dati kapag natutulog siya sa klase pasado pa rin siya sa mga subjects niya. Ito ang unang beses na binagsak siya nang isang teacher dahil sa natulog siya sa exam at walang sagot ang test paper niya. Ni hindi ito natinag kahit pa siya ang anak nang chairwoman. How she showed care for her student iba sa mga teacher nila. Kahit yung pag-aalala nito kanina sa court. Hindi niya alam kung papaano mag re-react dahil sa unang beses iyon nangyari sa kanya. wala pang teacher na nagpakita nang interes sa kanya. At iwan ba niya. Kapag nasa harap niya ang dalaga ang lakas nang kabog nang dibdib niya para siyang mabibingi sa lakas nang kabog doon. Unang beses din niyang naramdaman iyon. At hindi niya maipaliwanag kung ano iyon. “Damn I hate him.” Usal ni Raphael. Taka namang napatingin ang mga kaibigan niya sa kanya saka nagkatinginan. “Sino?” Sabay na tanong nang dalawa. “That basketball Freak.” Wika ni Raphael saka napakuyom nang kamao. Naalala niya kung paano ito makipag-usap kay Elleri kanina. Hindi niya maintindihan pero naiinis siya. Nainis din siyang dinidektahan nito ang gagawin niya. Dati sumali na siya sa basketball team. Pero hindi sila nagkasundo nang Coach nila. Kaya siya umalis, at hindi na muling sumali sa team. Ilan sa mga miyembro nang basketball team ay madalas niyang binubully dahil sa inis niya. Ngayong, nagquit na ang mga ito sa basketball team akala niya makakagante na siya sa coach nila. Pero ang nangyari pati siya ngayon ay masasali pa sa team at kasama ang Dillon na iyon. Ang binatang malapit din kay Elleri. “Si LA?” Tanong nang binatang nakatayo sa harap ni Raphael. “Yes Him. Kumukulo ang dugo ko sa kanya. masyado siyang mayabang at arogante.” Wika ni Raphael na lalong napakuyom nang kamao. Nagkatinginan naman ang dalawa dahil sa sinabi nito. Kilala nila si Raphael kapag sinabi nitong galit ito sa isang tao talagang malalim ito kung magtanim nang galit. Lalo na siguro ngayon na natalo ito sa basketball at dahil na din mapipilitan itong bumalik sa team na dati na niyang iniwan. “Alam niyo napansin ko na parang malapit si Teacher Elleri kay LA. Magkakilala kaya sila? Nakita mo kanina kung paano siya awayin----” naputol na wika nang binatang may hawak na manga nang biglang tumingin si Raphael sa kanya. Parang nag-aapoy ang mata nito sa inis. “Bakit ka nagagalit?” tanong nang lalaki. “Tumahimik na nga kayong dalawa at pwede ba iwan niyo muna ako. Gusto kong magpahinga.” Wika ni Raphael. “Sige matulog ka muna. Babalikan ka namin mamaya.” Wika nang binatang nakaupo saka tumayo. “Kumain muna tayo gutom na ako.” Wika pa nito sa binatang nakatayo sa harap nang higaan. “Dalhan niyo ako nang makakain.” Utos ni Raphael sa kanila saka nahiga. Napatingin lang ang dalawa dito saka nagkibig balikat bago lumabas nang school infirmary.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD