"Elle.” Wika ni Adrian na pumasok sa silid nila. Nasa kama ang dalaga nang nakaupo habang nakasandal ang likod sa headboard nang kama at nagbabasa nang libro. Simpleng ungol naman ang sinagot nang dalaga at bahagyang sumulyap sa binatang dumating.
“Kumusta ang practice niyo?” masayang tanong ni Elle saka binitiwan ang binabasang libro. “Kumain ka na ba? Gusto mong ipaghanda kita nang-----”
“Hindi na.” maagap na sagot ni Adrian dahilan para maputol ang sasabihin ni Elle. Humarap ang binata sa dalaga. “Nag dinner ang team pagkatapos nang pratice.” Sagot pa ni Adrian.
“Mabuti kung ganoon.” Wika nang dalaga saka muling kinuha ang libong binabasa. Magbabasa sana siya ulit nang biglang kunin ni Adrian sa kamay niya ang libro. “Hey!” reklamo nang dalaga saka napatingin sa binata.
“Let’s talk.” Wika ni Adrian saka isinara ang librong binabasa ni Elleri saka inilapag sa side table. Sinundan naman nang tingin ni Elleri ang ginawa nang binata.
“Okay.” Ngumiti wika nang dalaga. “Anong gusto mong pag-usapan natin? May nnagyari ba sa practice niyo?” tanong nang dalaga.
“Hindi yun.” Anang binata at naupo sa kama.
“Hindi? Eh ano?” takang tanong nang dalaga saka napatingin sa asawa.
“That brat.” Usal nang binata.
“Brat?” tanong ni Elleri. Sino naman ang tinutukoy nang binata. “May kaaway ka ba?” inosenteng tanong nang dalaga. Napatingin si Adrian sa asawa na parang hindi maintindihan kung anong magiging reaksyon dahil sa tanong nito,
“What?” wika ni Elleri. “I am just asking. Ano bang nangyari?” tanong nang dalaga.
“I am talking about. That Brat.” Wika ni Adrian.
“Sino bang brat. Hindi ako manghuhula so get to the point.”
“The one na nakalaro ko kanina sa school ninyo.” Wika ni Adrian.
“Si Raphael?” tanong nang dalaga.
“Whatever his name is.” Wala emosyong wika ni Adrian.
“What about him?” Tanong ni Elleri sa binat.
“Huwag kang masyadong makipaglapit sa kanya.” derektang wika ni Adrian.
“Ha? Bakit naman. At saka imposible yan. I am his teacher.” Wika ni Elleri na naguguluihan sa sinabi nang binata. “Ano bang ginawa niya at tila naiinis ka sa kanya?” tanong ni Elleri sa asawa. Napatingin naman si Adrian sa asawa niya.
“I don’t feel like he will do something good.” Wika nang binata.
“Iyon lang? Dahil lang doon? Dahil lang hindi maganda ang pakiramdam mo sa kanya. Kelan ka pa naging mapanghusga?” di makapaniwalang wika nang dalaga sa sinabi nang asawa.
“I am not judging him. Nakita mo naman kung paano ka niya tratuhin kanina. And he is bullying Dillon. Siya ang dahilan kung bakit dinala mo dito ang pamangkin mo diba?” tanong ni Adrian. “Unang, kita ko palang sa kanya, hindi na maganda ang pakiramdam ko. Mahilig siya sa gulo at ----”
“You are not judging him?” sakristong agaw ni Elleri sa iba pang sasabihin nang binat Napatingin naman si Adrian sa asawa.
“Sinasabi ko lang hindi magandang naiinvolve ka sa kanya. Ang mama niya ang chairwoman ng school. You know what that means? Kung may bagay siyang hindi niya nagustuhan saiyo. Baka ipatanggal ka niya sa trabaho mo. He can do anything.” Wika pa ni Adrian.
“And am I supposed to be scared?” tanong nang dalaga. Di makapaniwalang napatingin ang binata sa dalaga.
“Seriously?” Usal ni Adrian.
“Ibig kong sabihin. Kung matatakot ako dahil sa mama niya ang chairwoman. Ano nalang ang pwede kong ipagmalaki bilang isang teacher. Nag-aaral siya para matuto diba? Parte nang trabaho ko bilang isang guro ang e-displina ang mga estudyante ko. Sa palagay ko naman Raphael is a good kid. Parang kulang lang siya sa pag-aaruga. Baka gaya din siya nang mga rich----”
“Ayan ka na naman.” Agaw ni Adrian sa sasabihin nang dalaga.
“Anong ayan ka na naman? Anong ibig mong sabihin?” wika nang dalaga saka napatayo sa kinauupuan.
“Nagmamatigas ka na naman. Pinaiiral mo na naman ang pagiging stubborn mo.” Wika ni Adrian.
“I am not stubborn. Wala lang sa lugar ang-----” putol na wika ni Elleri.
“Bakit hindi ka nalang makinig sa ‘kin. And oh, Huwag mo nang balakin na maging team manager nang basketball team. Hindi ako palagay lalo na at nandoon ang brat na iyon.” Wika nang binata.
“Baka gusto mong lumipat din ako nang school.” Sakristong wika nang dalaga.
“Bakit hindi.”
“Adrian!”
“Sumunod ka nalang sa sinasabi ko. Huwag ka nang sumali sa basketball team na iyon and stay away from that Brat.” Wika pa ni Adrian.
“Then why did you involve Dillon. Sana sinabi mo din sa kanya na huwag na din sumali sa team. Hindi ka palagay kay Raphael diba. And he bullies him---”
“That’s different.” Agaw ni Adrian.
“Anong pinagkaiba noon?” usal ni Elleri.
“I don’t like the way he looks at you.”
“The way he looks at me. Kung ano-anong napapansin mo.”
“Walang patutunguhan ang usapang ito.” komento ni Adrian.
“Right, for once I agree. Walang patutunguhan ang usapan natin dahil ang labo mong kausap.” Wika Elleri.
“Ako pa ang malabong kausap ngayon. Sinasabi----”
“You know what.” Wika ni Elleri saka napahinga nang malalim. “Let’s stop this. Sumasakit ang ulo ko saiyo.” Wika ni Elleri saka kinuha ang isang unan saka naglakad patungo sa pinto.
“Wait saan ka pupunta?” Habol ni Adrian sa asawa.
“Sa kwarto ni Dillon, doon ako matutulog.” Wika nang dalaga na hindi nilingon si Adrian saka nagmamadaling lumabas nang silid. Nang lumabas nang silid ang dalaga. Nasa sala sina Dillon at Chloe at gumawa nang assignment nila. Sabay na napatingin sa dalaga ang dalawa nang makita nilang lumabas itong may dalang unan. Dahil sa pagtataka nagkatingnan pa ang dalawa.
“Dillon sa kwarto mo ako matutulog.” Wika nang dalaga na hindi na hinintay ang sagot nang binatilyong nagulat. Taka nilang sinundnan ni ni Chloe ang dalagang nag marcha patungo sa silid niya.
“May nangyari ba?” tanong ni Dillon kay Chloe.
Napailing si Chloe na wala ding ideya sa mga nangyayari saka nagkibit balikat. Sabay naman napatingin ang dalawa nang muling bumukas ang pinto nang silid nina Adrian saka lumabas ang binata at napatingin sa kanila.
“Ang tita Elle mo?” tanong ni Adrian kay Dillon. Takang itinuro ni Dillon at Chloe ang silid nang binata kung saan pumasok si Elleri.
“Tigas talaga nang ulo.” Wika nang binata.
“Kuya, nag-away ba kayo? Bakit inis na inis si Ate Elleri?” tanong ni Chloe.
“Hindi ka pa rin ba sanay. Madali talagang magtampo ang Ate Elleri mo.” Wika ni Adrian. “Bakit hindi pa kayo natutulog?” tanong nang binata saka napatingin sa mga libro na nakakalat sa sahig.
“Tapusin niyo na yan at matulog na kayo.” Wika pa nang binata saka akmang isasara ang pinto. “Ah!” wika nito saka muling bumaling kay Dillon. “Tawagin mo ako kapag tulog na ang tita Elleri mo.”
“Bakit ho?” tanong nito sa pagtataka.
“Makakatulog ka ba na nandoon ang tita mo sa silid mo?” tanong ni Adrian.
“Okay lang, sa lapag nalang ako matutulog.”
“Hindi okay yun. Ililipat ko siya mamaya kapag tulog na siya.”
“Bakit hindi nalang ngayon?” tanong ni Chloe.
“She wouldn’t talk to me. Mainit pa ang ulo nun.” Ani Adrian sa kapatid. “Tawagin mo ako.” Wika ni Adrian saka pumasok sa silid nila at isinara ang pinto.
“Alam mo, nagtataka ako diyan sa kuya ko. Astig na astig tingnan pero pagdating kay Ate Elle taob naman.” Natatawang wika ni Chloe.
“Adults. Ang gulo nilang kausap.” Wika ni Dillon saka muling itinuon ang atensyon sa ginawa.
“Agree.” Wika pa ni Chloe saka muling binalik ang atensyon sa paggawa nang assignment niya. Habang si Elle naman na nasa loob nang silid ni Dillon ay nakaupo sa kama nito at naka cross ang dalawang kamay habang nagsasalubong ang kilay.
“Talagang hindi na nagbago ang isang yun.” Wika ni Elleri na si Adrian ang tinutukoy. Kahit noong mga bata pa sila kapag may ayaw ito talagang iniinsist nito at hindi matapos tapos ang usapan nila dahil wala naman sa kanilang dalawa ang gustong magpatalo.