Ep - 34

1608 Words
Sa huli dahil sa pagpupumilit nang mga player. Wala ding nagawa ang coach nila kundi ang papasukin sa laro si Raphael, and as soon as he steps in biglang nagbago ang aura nang mga player sa basketball team nila. Kahit hindi aminin nang coach nang team nila. At kahit na sino-solo ni Raphael minsan ang mga laro and he is a one-man player he is still a key player sa team. Biglang nagbago ang takbo ng laro. Naging mas agresibo ang laro nang team nila. Raphael is good with run ang gun tactic which gives them high chances na makapuntos. At dahil sa pagpasok ni Raphael the favor shifted to their team. Surprisingly they won the game. And they are going to the finals with team sealing that win. “Nice play brat.” Wika ni Adrian nang lumapit sa kanila ang mga player. “I still hate you.” wika pa nang binata kay Adrian. “Yeah, I know.” Napabuntong hiningang wika nang Adrian. “Adrian.” Masayang wika ni Elleri sat lumapit sa binata. “Thank you.” nakangiting wika nito nang tumayo sa harap ni Adrian. “What for?” “For saving the team.” “Would have been nice if Mr. Coach would say thank you.” Ani Adrian at bumaling sa coach nang team. “In your dreams. Hindi ko gusto ang pakikialam mo sa team ko.” Wika pa nang binata saka umalis. Napatingin lang si Elleri sa coach na umalis sa court saka siya bumaling kay Adrian. “Acting so high and mighty.” Wika pa ni Adrian habang nakatingin sa coach na papaalis saka bumaling sa mga players. “Since you did very well today. I’ll treat you with something nice. Go watch the basketball game this Saturday. I have something to give you.” wika pa ang binata sa mga players. “You are bribing them.” Wika ni Raphael. “I am treating them. It's not bribing. Brat.” Inis na wika ni Adrian sa binata. “Whatever.” Anito saka naglakad patungo sa bench nila at kinuha ang bag niya. “Mabuti pa, pumunta na kayo sa locker niyo at magbihis para makauwi na tayo.” Wika pa ni Elleri sa mga players. “Yes Teacher.” Sabay-sabay na wika nang mga ito. “Elleri? Right, Elleri Sarmiento ikaw nga.” Wika nang isang boses, Napatingin naman si Elleri kay Adrian bago bumaling sa lalaking naglalakad papalapit sa kanila. Matama siyang napatingin sa mukha nang lalaki. Bakit pamilyar sa kanya ang mukha nito. “Hindi mo na ba ako naaalala?” tanong nang binata nang makalapit sa kanila. “I know you. LA Sutherland or should I say Adrian Sutherland.” Wika pa nito kay Adrian. “And who are you?” tanong nang binata sa lalaking lumapit sa kanila. Bakit parang kilala sila nito. “Aw.” Wika nito na napahawak sa dibdib niya. “Nakakasakit naman nang damdamin na hindi mo na ako kilala dahil lang sa naging isa ka nang sikat na player.” Wika pa nito. “Dati tayong magkaklase noong high school. We play on the same team. And I would say, you are my rival pagdating sa basketball. You are lucky I did not pursue basketball dahil kung hindi maging sa national stadium rival's pa din tayo.” Wika pa nito. Napaawang ang labi ni Elleri nang maalala kung sino ang lalaking nasa harap nila. What are the odds. Wika ng isip ni Elleri. Noong nakaraan lang pinag-uusapan pa nila ang binata kahit na na misunderstood lang ni Adrian ang description niya. Hindi niya inaasahang talagang magkikita sila nang binatang rival ni Adrian pagdating sa basketball. “Benjie Sarona.” Nakatiim bagang na wika ni Adrian. Bakit ba bigla siyang nainis nang maalala ang binata. Just few days ago pinag-usapan pa nila ni Elleri ang tungkol dito. Coincident lang ba o talagang pinaglalapit sila nang tadhana? “Mabuti naman at naalala mo pa ako. Honestly, I did not expect to see you here. Anong ginagawa nang isang sikat na basketball player sa laro na para sa mga high school?” tanong nito. “I am just helping my nephew and his team.” Wika pa nang binata. “Ah, yung mga players nang Harrow International school?” tanong nito. “They are surprisingly good. Everyone is not expecting for them to win. Lalo dahil sa pinakita nilang laro nang unang dalawang game. Them reaching the finals is quite amazing. Ngayon alam ko na kung bakit. They have the great superstar as their coach.” Wika pa nito. “Sa palagay ko magiging maganda ang finals you are a worthy opponent.” Wika pa nito. “Opponent?” tanong ni Elleri. “Ah, hindi ko ba nasabi. Ako ang coach nang St. Gabriel Academy. Hindi man ako nakapaglaro sa professional Level hindi ko naman nakakalimutan ang basketball.” Wika pa nang binata. “It is really unexpected na makita ko kayo dito.” Wika pa nito. “Lalo ka na Elleri. Mukhang naging mas maganda ka sa nakalipas na mga tao. Sa palagay ko walang nagbago saiyo.” Wika nito habang nakatingin kay Elleri. Tipid namang ngumiti ang dalaga. Look at her smile. Siguro masaya siya dahil nagkita sila nang high school crush niya. Nakakainis. Wika nang isip ni Adrian na bumaling sa dalaga. “I didn’t know you like sports. Noong nasa high school na tatandaan ko. You are not the athletic type.” Wika pa nito sa dalaga. “I am not. It just happens that way.” Wika pa nang dalaga. “So, Adrian. Is it okay to call you Adrian?” anito sa binata. “LA.” Simpleng wika ni Adrian. “Only family members are allowed to call me that name. Last time I checked you are not part of my family registry.” Hindi maitago ang inis na wika ni Adrian sa binata. “Oh. I see. LA Then.” Anito. “So, kasama ka ba nila sa finals? Ang isang superstar na gaya mo ba ay may panahon para sa mga ganitong klase nang laro.” Wika pa nang binata. “Well, I think I will.” Wika pa nang binata. “Kung magko-coach ka sa team nila. I think the game will be interesting.” Wika pa nito bago bumalig kay Elleri. “Elleri, busy ka ba ngayong weekend?” tanong pa nang binata. “Ah----” nag-aalangang wika nang dalaga saka tumingin kay Adrian na tila madilim ang ekspresyon nang mukha at nakatiim bagang. “Bakit mo natanong?” “Well, ilang taon din tayong hindi nagkita. Kung hindi ka naman busy pwede ba tayong kumain sa labas?” Tanong nito. “You mean date?” Anas ni Adrian. “Well—Yes, a date. Hindi naman siguro masama?” tanong pa ni Benjie sa dalaga. “Hindi ba magagalit ang asawa mo?” Tanong ni Adrian. “I don’t have have. I am hoping we can----” “She is not available, Romeo.” Agaw ni Adrian. Napakunot naman ang noo ni Benjie dahil sa narinig na sinabi nang binata. “May lakad ka?” tanong pa ni Benjie. “I am sure she has, with her husband.” Anang binata kay Elleri. Napamulagat naman ang dalaga dahil sa sinabi nang binata. “Husband?” Hindi makapaniwalang wika nito sa binata. Pilit namang ngumiti si Elleri kay Benjie hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Adrian. “Yes. She is married. See.” Wika nang binata saka kinuha ang kamay nang dalaga at ipinakita kay Benjie daliri nitong may suot na singsing. Tila nabato naman ang binata nang makita ang singsing nang dalaga. He was caught off guard dahil doon. Mukhang hindi ito makapaniwala na may asawa na ang dalaga. “Teka nga. Bakit ikaw ang sumasagot para kay Elleri?” tanong pa nito. “Simple. We’re friends and Rivals. I think you know that already.” Wika pa ni Adrian. Alam nang mga kaklase nila na magkalaban sila sa academic noong highschool. And they live next to each other. Kahit na madalas, masungit si Adrian kay Elleri dahil sa pagiging magkalaban nila. Kapag nasa panganib ang dalaga ito ang unang sumasaklolo dito. He did not even expect na maging sa mga sandaling iyon malalapit ang dalawa sa isa’t isa. “Oh, that’s too bad. Paano. Kita nalang tayo sa finals. My team won’t hold back.” Wika nito sa kanila na may boses nang disappointment, “Give it your best shot. Coz my team will beat you.” wika pa ni Adrian kay Benjie. Tumango lang ang binata saka iniwan sila. “You look happy to see him.” Wika ni Adrian saka bumaling kay Elleri. “Happy? Ako? Hindi noh!” naningkit naman ang mata nang binata sa narinig na sinabi nang dalaga. “I was surprised nang makita ko siya. I didn’t expect----” “And you think fate brought you together?” agaw ni Adrian. “I did not. Why are we having this conversation anyway.” Anang dalaga. “I don’t know you tell me. Nakita mo ang long time crush---” “Stop.” Wika nang dalaga. “Not a word. Ayokong masira ang mood ko.” Anang dalaga saka tumingin sa paligid. “I think it’s not safe na pagala-gala ka dito.” Wika pa nang dalaga at kinuha ang shades at sombrero nang binata at isinuot dito. “You can go home now.” Wika pa nang dalaga. "Ingat ka pauwi. Sasabay ako sa basketball team." wika nang dalaga saka iniwan ang binata. Napangiti lang si Adrian habang hinahatid nang tingin angpapalayong dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD