Ep - 35

1138 Words
Muling nahaharap sa isang malaking dilemna ang basketball team nina Elleri. Matapos ang semi-finals game. Nagkaroon nang mainit na pagtatalo ang coach at si Raphael dahil sa pagsuway ni Raphael sa utos nitong huwag mag laro sa game na iyon. Pero dahil sumuway ni Raphael hindi nagustuhan nang Coach ang nangyari. Dahil sa mainit na sagutan ni Raphael at nang Coach. At dahil sa galit nang binata nasuntok nito ang coach dahilan para mag bitiw bilang coach nang team nila. At dahil anak nang chairwoman nang chool si Raphael walang disciplinary action na ibinigay sa binata. Takot ang mga guro na kalabanin si Raphael lalo na at pwede silang mawalan nang trabaho anomang oras. Nang dumating si Elleri sa gym nang school nila nakita niya ang mga players nang basketball team na nakaupo lang at walang ginagawa. Wala na doon ang coach nila at sa tingin palang ni Elleri alam na niyang walang ganang mag practice ang team nila. At kung hindi sila mag pa-pratice paano sila mananalo sa kalaban nilang team. Sa research na ginawa niya ang team nina Benjie ang champion sa inter high school competition sa nakalipas na dalawang taon. “Bakit hindi kayo nag pa-practice?” Tanong ni Elleri nang lumapit sa mga ito. Matamlay namang tumingin ang mga players sa dalaga. “Dillon?” baling ni Elleri sa pamangkin niya. “Wala silang ganang mag pratice dahil wala silang coach pati ang adviser nang team ayaw na ding pumunta dito. Iniwan na nila sa ere ang basketball team.” Wika pa ni Chloe na lumapit sa dalaga. Simple namang napatingin si Elleri kay Raphael na nasa gilid nang bench habang nilalaro-laro ang bolang hawak. “Anong gagawin natin ngayon?” tanong pa ni Dillon saka lumapit kay Elleri. Hindi naman nagsalita ang dalaga at napatingin lang sa mga player. Ano pa ngaba ang magagawa nila. Simula palang alam na nilang ang players at ang team ay hindi makasundo. Maswerte na ngalang sila at umabot pa sila sa semi-final. “Tawagan kaya natin si Kuya Adrian.” Wika ni Chloe. “Bakit naman natin siya iistorbohin. Malapit na din ang finals nang playoff. Tiyak busy yun.” Wika ni Dillon. “Eh mag hire nang bagong coach?” ani Chloe. “May isang linggo lang tayo bago ang finals. Sa tingin mo kaya nang bagong coach na maka pag adopt sa timpla nang bawat players?” ani Dillon sa dalaga. “Sige ikaw na ang mag coach. Lahat nang suggestion ko meron kang rebuttals.” Inis na wika ni Chloe sa binata. “Tumigil na nga kayong dalawa. Hindi nakakatulong.” Ani Elleri kay Chloe at Dillon. “Oh, anong ginagawa niyo?” Wika nang isang pamilyar na boses. Nang marinig nang lahat ang boses na iyon lahat nag taas nang tingin at agad na tiningnan ang pinangagalingan nang boses. Lahat nang teammember nang basketball team napatayo nang makilala ang binatang kasama nang Head teacher at teacher Norman nila. Maging si Raphael ay natigilan sa ginagawa at napatingin sa bagong dating. “Adrian.” Wika ni Elleri na agad na lumapit sa binata. “Kumusta. Bakit parang biyernes santo yang mga mukha niyo?” tanong nang binata. Bago pa siya pumunta nang court alam na niya ang sitwasyon nang basketball team. Dahil sinabi na sa kanya nang head teacher. Nang mag quit ang coach nila siya ang unang tinawagan nito at nagtanong kung okay lang ba dito na tulungan ang team nila. Sinabi nang head teacher na nakita nito kung gaano siya kalapit sa mga players ng team at wala na silang oras kung kukuha pa nang bagong coach. Kahit ang adviser nang team nila ay nag quite din. Mabuti nalang at nag volunteer si teacher Norman na maging bagong adviser nang Basketball team. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Elleri sa binata. “Teacher Elleri! Hindi ganyan dapat makitungo sa bagong coach nang team.” Saway nang head teacher sa dalaga. “Coach?!” gulat na gulat na wika nang mga team member sabay tingin sa binata. Maging si Elleri hindi rin maitago ang pagkabigla sa sinabi nang head teacher nila. “Nakakagulat ba? Natatawang wika ni Adrian saka napakamot. “Hindi ko alam kung magiging mabuting coach ako. Oh, kung may maituturo ako sa inyo. Pero kayo nang bahala sa akin.” Wika nang binata. “Huwag mong sabihin yan. Naging maganda ang performance nang team nang tulungan mo sila. And, I am sure. Gusto rin nilang ikaw ang gumabay sa kanila.” Wika nang head teacher. “Marami ka yatang libreng oras.” Sakristong wika ni Raphael na tumayo. Napatingin naman ang lahat sa binatang nagsalita at naglakad papalapit sa kanila. “Kesa nandito ka at nanggugulo bakit hindi ang career mo ang isipin mo. Baka sabihin nang mga tao. Masyado kang relax dahil sikat kana.” Wika pa ni Raphael. “Raphael. Hindi ganyan makipag-usap sa ----” “Okay lang Head teacher.” Agaw ni Adrian sa iba pang sasabihin nang head teacher. “Hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago yang ugali mo bugnutin ka pa din.” Wika nang binata. “Hindi naman nagbabago ang mga tao.” Anang binata at lalampasan sana ang binata pero bigla itong natigilan nang kunin ni Adrian ang bola mula dito. “What do you think you’re going?” Sita nang binata kay Adrian. “Sige ganito. Pagbibigyan kita sa one on one na gusto mo. Kapag nagawa mong makashot kahit isa lang while I am on defense, hindi na ako sasali sa team niyo bilang coach.” Ani Adrian. “Pero LA---” putol na wika nang Head teacher. “Ano? What’s it gonna be brat?” anang binata kay Raphael. “Ganyan ba ka taas ang tingin mo sa sarili mo? Isang puntos lang? Masyado mo naman yatang pinataas ang pedestal mo. Baka mapahiya ka.” Ani Raphael. “Pero kung matatalo kita. Be ready na sumunod sa lahat nang sasabihin ko. Do we have a deal?” tanong ni Adrian kay Raphael. “Pakakainin kita nang alikabok kasama ang mataas mong pride.” Wika ni Raphael sana nag dribol patungo sa gitna nang basketball court. Napangiti lang si Adrian saka napailing bago bumaling kay Elleri. “It’s going to be okay. Hindi naman ako matatalo nang isang mainitin ang ulo.” Wika ni Adrian kay Elleri saka tinanggal ang suot na polo shirt. “Pahawak naman teacher Elle.” Wika nang dalaga saka ibinigay kay Elleri ang polo. “Kuya huwag mo siyang masyadong pahirapan.” Wika ni Chloe sa kapatid niya. “Huwag kang mag-alala. Maglalaro lang kami hindi ko siya lulumpuhin.” Natatawang wika ni Adria saka naglakad papalapit sa gitna nang court kung saan naghihintay si Raphael sa kanya. “Anong rules?” tanong ni Raphael kay Adrian nang makalapit ang binata sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD