Kahit na nanalo ang team nang basketball nang school nina Elleri. They still struggle to secure wins. Una dahil hindi naglalaro bilang team ang mga miyembro nang team nila. Pasok na sila sa semi-finals which is a good thing pero ngayon palang nagsisimula ang kalbaryo nila. Walang coordination ang team nila and was considered the dark horse sa competition na iyon. Nasa semi-finals na sila and they are bound to lose.
“They suck at this.” Wika ni Adrian na dumating gym kung saan naglalaro ang team nina Elleri. Gulat na napatingin si Elleri sa nagsalita sa likod niya nang marinig ang boses nang binata.
“Adrian!” masiglang wika ni Elleri nang makita ang mukha nang binata saka napahawak sa braso nito. Agad namang napatingin si Adrian sa braso niyang hawak nang dalaga.
“Hindi halatang masaya kang makita ako.” Anang binata. “Hindi sana ako lalapit kaya lang hindi ko matiis na makitang matatalo na ang team niyo.” Anang binata at napatingin kay Raphael na naka upo sa bench. Hindi siya pinapasok nang coach nila sa laro kahit nakikita na nitong nanganganib ba silang matalo at sa nakikita ni Adrian hindi pa rin magkasundo sina Raphael at ang coach nila.
“Wait. May nakakita ba sayo? Paano kung may makakilala saiyo?” wika ni Elleri saka napatingin sa paligid saka hinatak ang binata para maupo sa tabi niya.
“Huwag yan ang problemahin mo. Your team is losing.” Wika nang binata saka muling tumingin sa binatang si Raphael na nakakuyom ang kamao.
“Bakit nakaupo lang ang isang yan?” Tanong nang dalaga.
“Hindi sila magkasundo nang coach nila.”
“Hindi nakakapagtaka. Pareho silang matigas ang ulo. AT dahil diyan hahayaan nilang matalo kayo. Walang gustong magpakumbaba sa kanilang dalawa.” Wika pa ni Elleri. “We have to do something. Kung wala tayong gagawin matatalo sila.” Dagdag pa ni Elleri. Alam niyang baguhan ang team nila at kung matatalo sila hindi naman masama dahil kung tutuusin nagsisimula palang sila. Pero nitong nagdaang mga linggo nakita niya ang effort ng mga ito. Ayaw niyang umuwing bigo ang team nila. Naawa siya para sa mga ito.
“Looks like I have to step in and help them again. What’s in it for me?” tanong nang binata sa dalaga at inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga. Napatingala naman Si Elleri dahil sa tanong ng binata. Maging ang paglagay nito nang kamay sa ulo niya ay bagay na ikinagulat niya and there it goes again. Her heart just skips a beat.
“You’ll be recognized as a brilliant coach apart from being the number one basketball player.” Anang dalaga habang malakas ang kabog sa dibdib niya.
“Trivial but I can go with that. Watch me closely.” Wika nang binat saka mahinang hinimas ang buhok nang asawa bago bumaling sa mga players na naglalakad papalapit sa kanila at bagsak ang balikat. May sampong minuto na lang bago matapos ang laro at mag lamang na lima ang kalaban nila. Kahit na hirap na hirap ang team nila masasabi ni Adrian that they are putting up a good fight pero hindi rin maitatago ang pagod sa mukha nang mga ito.
“Oh, Bakit bagsak yang mga balikat niyo. May oras pa naman.” Wika ni Adrian sa mga player. Nag-angat nang tingin ang mga players at nang makita nila ang mukha ni Adrian nang alisin nito ang suot na sombrero at shades.
“Ti—LA!” wika ni Dillon ng makilala ang binata.
“LA!” sabay na wika ni Chris at George ang kaibigan ni Raphael. “Nandito ka para manood?” tanong ni Chris sa binata.
“That was the plan. Pero hindi ko matiis na makita kayong parang mga basang sisiw sa court. I figured I need to step in ang help.” Wika nang binata.
“LA. Hindi porque malapit sa mga players nang team basta-basta ka nalang papasok at makikialam.” Wika nang coach na lumapit sa kanila.
“Sinabi ko na ‘to dati. Kung ayaw mong may makiaalam saiyo. Kumilos ka na parang isang coach. Tingnan mo ang ginawa mo. Nasa bench ang isa sa mga key players mo. Are you planning to lose this game?” tanong nang binata sa coach.
“Anong sabi mo?!” asik nito sa binata. Agad naman napatayo si Elleri sa kinauupuan niya nang makita ang naging reaksyon nang coach nila. Tila hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Adrian lalo na ang presensya nang binata sa basketball court.
“How about you guys. Are you planning to lose this game?” tanong ni Adrian sa mga player na hindi pinansin ang coach na umuusok ang ilong sa galit.
“Of course not. Umabot na kami sa semifinals.” Wika ni George.
“Pero paano kami mananalo? Ang lakas nang team nila. Kasali sila sa top four noong nakaraang taon. Last year kahit na kasama pa yung mga dating players nang team hindi parin kami umabot nang finals. Paano pa ngayon na baguhan ang karamihan sa amin.” Wika nang team captain nang team.
“Hey Brat!” baling ni Adrian kay Raphael. Napatingin naman si Raphael sa tumawag sa kanya. “Are you playing or not?” tanong nang binata. Napatingin naman si Sa coach nila.
“I could careless kung matatalo sila.”
“Liar.” Wika ni Adrian.
“Anong sabi mo?!” inis na wika ni Raphael at tumayo.
“Let’s put it this way. Kung matatalo kayo. Kaya ba nang pride mo? You lose and you were not able to do anything. Sayang naman ang pinagmamalaki mong skill sa basketball. And besides. Kanina ko pa nakikitang gigil na gigil ka. Bakit hindi mo ibuho sa paglalaro yang gigil mo. I don’t care if you play solo this team.” Wika ni Adrian. Napatingin lang si Elleri sa binata. Ano naman sinasabi nito? Hindi maganda ang natutunugan niya sa sinasabi ni Adrian sa binata. Ginagatungan nito ang kanina pang mainit na ulo nang binata.
“Sino ka naman para mag desisyon para team namin.”
“Okay. Let’s vote.” Wika nang binata.
“What?!” hindi makapaniwalang wika ni Coach nila. “Nababaliw ka na ba? Ano namang akala mo sa laro---”
“Your call. Kung ayaw niyong umuwing talunan you decide for your team.” Ani Adrian na tumingin sa mga player at hindi pinansin ang sinabi nang coach nila.
“Raphael. Ikaw lang ang pag-asa ng team.” Wika ni Chris at bumaling sa kaibigan. “Coach you have to let him play.” Wika pa nito.
“I hate to admit. Kahit na naiinis ako sa guts ni Raphael. He is the only player na pwedeng makipagsabayan sa kalaban natin.” Wika pa nang team captain.
“Sang-ayong kami coach.” Wika pa nang iba. Napakuyom naman nang kamao ang coach nila. Hindi niya gustong pinangungunahan siya. Lalong hindi niya gusto si Raphael dahil sa ugali nito. Kung hindi lang ito ang anak nang Chairwoman nang school baka hindi na siya pumawag na sumali ito sa team. Gulo lang ang dulot nang binata sa kanila.