Natuloy din ang dinner nila kasama si Adrian pero kasama din si Aster. Isang restaurant ang inupahan ni Adrian. At dahil kasama nila si Aster. He has to rent the whole place. Isinara ang restaurant para sa kanila para makaiwas sa mata nang publiko at hindi makita nang mga tao si Aster na kasama nila dahil alam nilang gagawa iyon nang malaking ingay. Sa buong dinner nila halos hindi mapaghiwalay sina Adrian at Aster habang si Elleri naman ay nasa gilid at pinapanood lang sila. Sina Dillon at Chloe naman ay nababahala kay Elleri dahil sa awkward na sitwasyong iyon. Hindi alam nang iba na kasama nila sa restaurant ang asawa ni Adrian. Habang masaya ang mgakaibigan ni Raphael na makasalo sa dinner ang sikat na artista ata basketball players silang dalawa naman ay hindi mapakali.
Matapos ang dinner, isa-isa ding inihatid ni Adrian ang mga binatang kasama nila. Dahil masyado nang malalim ang gabi nag insist na siyang siya na ang ang maghatid sa mga ito para masigurong makakauwi ang mga ito nang ligtas sa bahay nila.
“Ihahatid na kita sa inyo.” Wika ni Adrian kay Aster na nasa passenger’s seat.
“Nope. Gabi na sa bahay mo na ako matutulog ngayon. Isa pa wala sa condo ko ngayon ang manager ko at ang PA ko. Wala akong kasama.” Wika nito. “Gusto mo ba akong umuwi nang mag-isa? Paano kong bumalik ulit ang stalker ko.” Naglalambing wika nito kay Adrian saka hinawakan ang braso nang binatang nakaupo sa driver’s seat. Mula sa likod nang sasakyan napatingin naman si Elleri kay Aster. Kung dumikit ito parang hindi siya kasama buond gabi. Para ngang pakiramdam niya hindi siya nag-e-exist sa mga mata nang mga ito. The whole kinuha na nga nito ang atensyon ni Adrian sa kanila gusto pa nito pati sa pag-uwi kasama pa din si Adrian.
Hindi ka naman makasarili sa lagay na yan. Inis na wika nang isip ni Elleri habang nakatingin kay Aster at Adrian.
“Adrian. Tulog na si Chloe at Dillon.” Wika ni Elleri. Nang marinig ni Adrian ang sinabi ni Elleri napatingin siya sa likod nang sasakyan kung saan nakaupo ang tatlo saka niya nakita si Chloe at Dillon na nakasandal sa isa’t-isa at tulog na. Dahil siguro sa tagal nang biyahe nila sa pag hatid kena Raphael kaya nakatulog na ang dalawa. Inis namang tumingin si Aster kay Elleri. Para bang sinasabi nitong masyado siyang panira sa kanilang dalawa.
“Right, mabuti pang ihatid na natin si Elleri sa bahay niya.” Wika ni Aster saka tumingin kay Adrian.
“Yes, That would be nice. Don’t you think Adrian.” Sakristong wika nang dalaga kay Adrian saka tumingin dito. Napatingin naman si Adrian kay Elleri. Anong bang gustong mangyari nang dalaga. Alam nitong hindi niya pwedeng ihataid si Elleri sa bahay nito dahil sa iisang bahay lang naman sila nakatira. Hindi pa alam ni Aster ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Elleri. No one knows maliban sa pamilya nila. Kung sa bahay naman nang mga magulang niya ihahatid ang dalaga. Baka kuyugin siya nang papa nito kapag nakitang kasama nila si Aster. Kalat na kalat sa media ang tungkol sa relasyon nila ni Aster wala din naman siyang maidadahilan sa magulang ni Elleri. Bakit ba pakiramdam niya nasa isang magulong sitwasyon siya.
“Ihahatid na kita sa unit mo.” Wika ni Adrian na sa huli nakapagdesisyon na ihatid si Ester sa unit nito.
“Natatakot akong mag-isa.” Naglalambing na wika ni Ester kay Adrian.
“Tawagan mo ang manager mo. Hindi mo naman yaya yang si Adrian. Kakagaling lang niya sa laro. He needs rest. Not to babysit you.” iritadong wika ni Elleri.
“Would you shut up. Bakit ba pakiramdam ko kontrabida ka sa buhay ko.” Wika ni Ester saka bumaling kay Elleri. “Sweetheart bakit ba natin sinama ang isang yan.” Tila nagsusumbong na wika nito kay Adrian.
“Right, Adrian. Bakit hindi mo sabihin sa kanya kung bakit niyo ako isinama.” Wika ni Elleri. Parang nasa mood siya na inisin ang binata ngayon. Displeased namang napatingin sa kanya si Adrian na parang sinasabi na tumahimik na siya.
“Akala ko ba magkaaway kayo niyan. You are archenemies. Bakit kayo magkasama?” Tanong pa nito.
“Alam mo para kang bata. Act your age.” Inis na wika ni Elleri. “Adrian. Gusto mo bang sumakit ang leeg nina Chloe. O baka gusto mo dito na tayo sa sasakyan matulog. Para hindi naman matakot mag-isa si Miss Aster.” Sakristong wika ni Elleri.
“Elle----” putol na wika ni Adrian saka humarap sa dalaga.
“What?!” matigas na wika nang dalaga saka sinalubong ang tingin nang binata. Naiinis siyang buong gabi siyang parang walang dekorasyon na kasama nila tapos nayon makikita niyang naglalambingan ang dalawa.
“Let’s go. I’ll take you home.” Wika ni Adrian saka pinaandar ang sasakyan. Inis namang bumaling si Ester kay Elleri. Nang tumingin si Ester kay Elleri pinagtaasan lang nang kilay ng dalaga ang una.
Akala mo magpapatalo sako saiyo nagkakamali ka. Wika nang isip ni Elleri habang nakatingin kay Ester.
“Are you sure hindi mo ako sasamahan papasok?” tanong ni Ester nang bumaba sila sa sasakyan ni Adrian nang ihatid siya nang binata sa building nang Condo unit niya.
“Hindi na. Gabi na at tulog na si Chloe.” Wika nang binata saka napatingin sa sasakyan Nakita niyang nakabukas ang bintana nang sasakyan at nakatingin sa kanila si Elleri.
“Naiinis ako sa kanya ha. Bakit ba bumubuntot siya saiyo. And why can’t you ----”
“It’s not that simple.” Agaw nang binata. Hindi naman niya pwedeng sabihin kay Ester na hindi niya pwedeng sabihin kay Elleri na umuwi itong mag-isa she is his wife after all. At isa pa may kasalanan pa siya sa binata dahil sa di niya pagsiput sa dati nilang usapan.
“She is just a family friend. Hindi ko maintindihan diyan sa pamilya mo ha. Masyadong old school.” Wika ni Ester at tumingin kay Elleri. “Wala naman sigurong gusto yan saiyo no?” wika pa ni Ester sa binata. Napagtingin naman si Adrian kay Elleri. Si Elleri magkakagusto sa kanya? They are nothing but rivals. Pareho silang aware na kaya lang sila nagpakasal ay para sa kasunduan nang pamilya nila.
“It’s impossible.” Wika ni Adrian saka humarap kay Ester.
“At wala kang gusto sa kanya?” tanong naman ni Ester sa binata.
“That’s crazy. Alam mong ikaw ang gusto ko. Kung hindi-----” biglang naputol ang sasabihin ni Adrian nang biglang sakupin ni Ester ang mga labi niya ang she did that knowing Elleri was looking at them. Nang makita nang dalaga ang ginawa ni Ester agad siyang napasandal sa upuan saka isinara ang blinds nang bintana. Isang satisfying na ngiti naman ang sumilay sa labi ni Ester nang lumayo sa binata at mapansing isinara na ni Elleri ang blinds nang bintana.
“You’re mine kaya hindi ka pwedeng mapunta sa iba. I won’t allow it.” Wika ni Ester kay Adrian. Simple namang napalingon si Adrian sa kotse, nakita kaya ni Elleri ang ginawa ni Ester?