“Let’s go home.” Wika ni Adrian nang sumakay sa kotse at tumingin kay Elleri ngunit nang tumingin siya sa asawa nakita niyang nakahilig ang ulo nito sa headboard at nakapikit ang mga mata.
“Natutulog ka na ba?” Tanong nang binata kay Elleri. Hindi naman sumagot ang dalaga. Lihim na nakakuyom ang kamao niya dahil sa nakita. Kahit naman sabihing hindi siya gusto ni Adrian. Hindi naman iyon dahilan para ipakita nang mga ito sa kanya kung paano sila maglampungan. Ni Hindi na nila inaalala na may kasama nila.
Nang hindi sumagot si Elleri, binuhay ni Adrian ang makina nang sasakyan saka pinaandar. Nang dumating sila sa building nang condo unit ni Adrian. Mabilis na bumaba nang sasakyan si Elleri at hindi na pinansin si Adrian dahilan para mabigla ang binata. Marahan niyang ginising sina Chloe at Dillon saka sabay na nagtungo sa elevator kung saan nag hihintay ang tahimik at seryosong ang mukhang si Elleri. Napansin din ni Dillon ang madilim na ekspresyon nang tita niya. Saka napatingin kay Adrian na tahimik din bago bumaling kay Chloe na nagkibit balikat. Wala silang ideya sa nangyari dahil sa kapwa naman sila tulog dahil siguro sa labis na pagod. Nang makarating sila sa unit nila agad na dumiretso si Elleri sa silid nila nang hindi manlang nagpapaalam sa dalawa. Dahilan para lalong magtaka si Dillon ay Chloe.
“Kuya, anong nangyari? Bakit parang galit si Ate Elle?” tanong ni Chloe sa kapatid niya.
“Matulog ka na.” wika lang binata saka kinusot ang buhok nang kapatid. “Sige na matulog na kayo.” Wika pa nito. Hindi naman nagtanong pa ang dalawa saka pumasok sa silid nila. Ilang sandaling nakatingin si Adrian sa pinto nang silid nila. Tiyak na galit sa kanya si Elleri. Alam niyang nakita nito ang ginawa ni Ester.
But that’s normal. Usal nang isip ni Adrian. Alam nang mga tao na kasintahan ko si Ester. Dagdag pa nang isip niya. Saka hinawakan ang seradura nang pinto isang malalim na buntong hininga ang pinawalan ni Adrian bago buksan ang pinto nang silid nila. Nang pumasok siya nakita niya ang dalagang nakapagbihis na nang pajamas at mag dalang unan.
“What’s this?” tanong nang binata nang makita ang dalaga.
“Doon ako matutulog sa silid ni Dillon.” Wika nang dalaga na akma sanang lalapit sa pinto pero isinara ni Adrian ang pinto at tumayo sa may pinto sapat para harangan ito.
“Move aside.” Wika nang dalaga.
“No. Let’s talk.” Anang binata. “Ano bang problema? Bakit ka galit sa kin? May nagawa ba akong mali? Instead of running away at istorbohin si Dillon. Bakit hindi tayo mag-usap.” Anang binata. “Walang mareresolba kung tuwing galit ka bigla ka aalis at hindi mo ako kakausapin.” Dagdag pa nang binata.
“The thing is, ayaw kitang kausapin so move aside.” Wika ni Elleri.
“Hindi ako aalis hanggat hindi mo sinasabi kong anong problema. Okay naman tayo kanina ah. Bakit bigla---”
“Seriously hindi mo alam?” biglang wika nang dalaga saka napabuntong hininga. “Bakit ba ako nagaaksaya nang lakas na magalit saiyo. You are oblivious of everything.”
“Bakit hindi mo sabihin nang maintindihan ko.” Anang binata. “Dahil ba kay Ester? Nagagalit ka dahil sa ginawa niya? It’s normal for someone who is in relationship.” Wika nang binata.
“For heaven’s sake Adrian. It’s not normal.” Wika nang dalaga. Napaawang naman ang labi ni Adrian dahil sa narinig. “Kahit hindi tayo kinasal dahil gusto natin ang isa’t-isa. The fact that you are married. Kissing another girl is not normal.” Wika nang dalaga.
“So, nagseselos ka?” tanong nang binata.
“My God Adrian!” napalatak na wika nang dalaga. Bakit ba ang hina mong umintindi! Oo nagseselos ako! Nagpupuyos ang kalooban ko, seeing the man I love is kissing another girl. Anong level ba nang pagiging manhid ang na achieve mo?! Sarcastic na dugtong ni Elleri pero hindi na niya iyon isinatinig. The last thing she want him to know is her feelings for him.
“Basic etiquette nang isang taong may asawa ang hindi pumatol sa iba. Don’t you think? Sige pagpalagay na natin na alam nang tao na may relasyon kayo. Pero can you be more decent. Do it privately. Hindi yung---” anang dalaga at tumigil.
“So, the point is you saw it. And you are angry of me because of that.” Wika ni Adrian. “All right I’m sorry. Hindi ko naman alam na gagawin ni Ester yun, nagulat din naman ako. And for the record. I am not that guy who would go kissing another woman while I am married. I respect out marriage kahit na sa papel lang tayo kasal. I was also surprised sa ginawa ni Ester.” Wika nang binata. Totoo ang sinabi ni Adrian. Hindi niya inaasahan ang ginawa ni Ester maging siya ay nagulat din.
“Can we argue about this tomorrow. Pagod ako at gusto ko nang matulog.” Wika pa nang binata.
“Then, move aside para makalabas na ako at makatulog ka.”
“Ellie, here we go again. Hindi pwedeng ganito tayo parati.” Wika ni Adrian sa dalaga.
Ellie? Ulit nang isip nang dalaga ngayon lang siya ulit tinawag ni Adrian sa pet name niyang iyon. The last time she heard him call her with that name ay papasok ito nang Army.
“Hindi ko gustong makipagaway saiyo ngayon.” Wika ni Adrian.
“Then you choose. Ako ang lalabas o ikaw?” tanong nang dalaga.
“What?” gulat na bulalas nang binata. Napatingin siya sa mukha nang dalaga mukhang hindi nagbibiro ang dalaga sa sinabi nito.
“Fine. Hindi ako makakatulog nang walang unan.” Wika nang binata. Napatingin naman ang binata sa unan na inabot nang dalaga sa kanya.
“Are you for real about this?” tanong nang binata na tinanggap ang unan na inabot nang dalaga. Hindi naman sumagot ang dalaga nakatingin lang sa binata.
“Pwede ba akong maligo muna? Hindi ako makakatulog nang hindi nakakapagshower.” Wika nang binata. Bahagyang umatras ang dalaga na para bang sinasabi na pwede na siyang dumaan at maligo.
“AH. Seriously. You are a handful.” Reklamo ni Adrian saka inilagay ang unan sa kama saka naglakad patungo sa closet niya at kumuha nang pajama bago naglakad patungo sa banyo.
“What are you doing?” Gulat na wika nang binata nang lumabas sa banyo at makita ang dalagang nakaupo sa gilid nang kama at naka cross ang kamay tila hinihintay siya nito. Parang hinihintay siya nito para masigurong sa labas siya matutulog.
“Seriously, hindi dapat pagtuturo ang kinuha mong trabaho. Mas bagay saiyo maging police.” Pabirong wika ni Adrian saka kinuha ang unan na inilagay niya sa kama kanina bago pumasok sa banyo. Naglakad ang binata patungo sa pinto. Bago lumabas huminto siya sa harap nang pinto at nilingon ang dalaga.
“I am not going to change my mind.” Wika nang dalaga nang humarap ang binata sa kanya.
“Why are you so stubborn and childish.” Komento ni Adrian sa dalaga.
“That’s my charm.” Sakristong ngumiting wika ni Elleri saka tumayo at naglakad patungo sa pinto at binuksan iyon. “Enjoy your sleep.” Wika nang dalaga saka itinulak si Adrian papalabas nang silid saka isinara ang pinto.
“Gosh. This girl never changes.” Anang binata saka naglakad patungo sa sofa. “Hindi mo ba ako bibigyan nang kumot manlang?” wika nang binata pero hindi siya sinagot nang dalaga. Sound proof pala ang silid niya at hindi siya maririnig nang dalaga mula sa labas. Sa huli wala ding nagawa nag binata kundi ang mahiga sa sofa. Nakailang palit nang posisyon ang binata habang nakahiga sa sofa. Hindi siya sanay matulog sa maliit na espasyo. Hindi rin niya maunat ang mga paa dahil sa lamig.
“Gosh that little Demon.” Reklamo nang binata habang sinusubukang matulog.
“Tulog na kaya siya?” tanong nang dalaga na napatingin sa digital clock na nasa side table. Pasado hating gabi na. Hindi siya makatulog kaya nagbasa siya nang aklat. Bigla siyang natigilan nang maalala si Adrian. Maingat siyang tumayo sa kama saka kumuha nang kumot. Ilang sandali din siyang nakatayo sa harap nang pinto contemplating kung lalabas ba siya pero sa huli naisipan pa rin niyang lumabas. Nang makalabas siya nang pinto nakita niya si Adrian na nakahiga sa sofa habang yakap ang unan at nakabaluktot.
“Look how stubborn you are.” Wika nang dalaga saka naglakad papalapit sa binata at inilagay ang kumot dito. Aalis na sana ang dalaga nang biglang hawakan nang binata ang kamay niya at hinatak siya dahil sa ginawa nito bigla siyang nawalan ng balanse at napaupo sa gilid nang sofa.
“Sly little demon.” Mahinang wika nang binata.
“Little demon? Ako ba?” tanong nang dalaga nang marinig ang sinabi nang binata habang natutulog.
“Ester.” Muling usal nang binata. Napatiim bagang ang dalaga nang marinig ang pangalang inusal ni Adrian.
“Hindi Ester ang pangalan ko.” Inis na wika nang dalaga saka kinuha ang isang throwpillow at inilagay sa mukha nang binata saka tumayo.
“Hindi na sana ako naawa saiyo. Manigas ka sa lamig.” Wika nang dalaga saka muling kinuha ang kumot at pumasok sa silid nila ni Adrian.