Ep - 25

1506 Words
“She is married.” Wika ni Adrian dahil sa labis na inis. Pero bakit naman siya naiinis sa tanong nito? Diba dapat matuwa siya dahil may nakakapansin kay Elleri. Pero sa loob loob nang binata ayaw niyang may ibang lalaking tumitingin kay Elleri. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. “That’s a shame.” Wika nito sa binata. “Oh. Nandito ulit si Aster.” Biglang wika nito nang muling lumabas sa big screen ang mukha ni Aster mukhang nasa audience stand na naman ito at nanonood nang laro. Nang mapansin niyo ang camera sa direksyon niya agad iyong kumaway at ngumiti. “Ang swerte mo naman nanood ang kapatid mo at ang babaeng pinakamamahal mo nang games mo.” Wika nang isa. Napatingin naman si Adrian sa monitor saka napangiti nang makita si Aster. Isang panalo na naman para sa kupunan nina Adrian. Nasa semi-final na sila nang play-offs at kung matutuloy-tuloy ang panalo nila makakapasok na sila nang finals. Matapos ang laro, dinala ni Chloe sina Elleri malapit sa locker room nina Adrian. SInabi kasi ni Adrian sa kanya na sabay silang uuwi. “Kanina pa ba kayo?” tanong ni Adrian na lumabas sa locker room nila at lumapit kena Chloe na naghihintay sa kanya. Napansin din niyang nandoon sa grupo sina Raphael at ang dalawang kaibigan nito. Naka sandal sa pader si Raphael at naka cross ang mga kamay. “What is he doing here?” Tanong ni Adrian saka napatingin kay Raphael. Bago matuon ang pansin sa mga kaibigan nitong nakatingin sa kanya na tila may mga puppy eyes na nakatingin sa binata. “What’s with them?” tanong ni Adrian kay Chloe na ang tinutukoy ay ang dalawang kabigan ni Raphael. “Would you stop staring at him with those puppy eyes.” Inis na wika ni Raphael sa dalawa. Hindi naman niya gustong sumama sa mga ito. Pero nang marinig nang mga kaibigan niya na pupunta sina Chloe kay Adrian nag insist ang dalawa na sumama. Hindi naman niya pwedeng iwan ang dalawa kaya wala siyang ibang Nagawa kundi ang sumama na din sa mga ito kahit pa hindi niya gusto. The last time he wants ay mapunta sa iisang lugar kasama ang binata. Kahit pa sabihing talagang ang galing nang laro nito kanina. Hindi parin maitatanggi na lalo lang siyang nainis dito. “They want your autograph.” Wika ni Elleri. Napatingin naman si Adrian sa dalagang nasa di kalayuan. “It seems that I gained additional fans.” Nakangiting wika nang binata saka lumapit sa dalawa. “Where do you want me to ----” putol na wika nang binata saka napatingin sa dalawa wala namang dala ang mga ito na pwede niyang lagyan nang autograph niya. “Wait here.” Wika nang binata saka ibinigay kay Dillon ang dala niyang sports bag. Agad namang tinanggap nang binata ang inabot ni Adrian. Sinundan nila nang tingin ang binata na muling pumasok sa loob nang locker room. Ilang sandali pa lumabas itong may dalang box nang sapatos. Bigla namang umayos sa pagkakatayo si Raphael nang makitang iniabot nang binata ang dalang box nang sapatos sa mga kaibigan. Napamulagat sa pagkamangha ang dalawang binata nang makita ang sapatos sa loob nang box at mag signature din iyon ni Adrian. Hindi maitago ang ngiti ni Elleri nang makita ang masayang mga binata sa natanggap mula sa binata. “Amin na ‘to?” Tanong nang binata sa Adrian. “That’s all I can give you.” wika nang binata saka ngumti. “Are you serious?!” sabay na wika nang dalawa. “This is the best.” Sabay na wika pa nang dalawa. “Tingnan niyo nga yang mga ngiti niyo abot hanggang tenga nabigyan lang kayo nang sapatos.” Wika ni Raphael saka lumapit sa kanila. Napatingin naman si Adrian sa binata. It is obvious that this brat doesn’t like me. Wika nang isip nang binata habang nakatingin kay Raphael. “Hindi ito basta sapatos lang. Isa ito sa mga signature na sapatos na sinuot ni LA sa mga laro niya.” Excited na wika nang isa pa. Napatingin naman si Adrian sa binata at napangiti. “What to do. I only have those pair sa locker ko. I don’t have extra for you.” wika ni Adrian saka bumaling kay Raphael. “And you think I want your shoes na isinuot mo na?” inis na wika ni Raphael. “Bakit hindi. Boys like you would kill to get one of my shoes.” He teases him. “I am not one of them.” Anang binata. “Sabi mo eh.” Wika ni Adrian saka bumaling kay Elleri. “Saan niyo gustong kumain?” Tanong nang binata. “Wala kayong team dinner?” tanong ni Chloe sa kapatid niya. “Nagpaalam akong hindi sasama dahil sabi ko ililibre ko nang dinner ang kapatid ko at mga kaibigan niya.” Wika ni Adrian sa kapatid niya. “Kasama ba kami?” tanong ang isa sa mga kaibigan ni Raphael. Napatingin naman si Adrian kay Raphael. “Why not. You’re friends with Chloe and Dillon, right?” tanong nang binata. “Yes.” Sabay na wika nang dalawa. “No!” bigla namang wika ni Raphael dahilan para mapatingin ang lahat dito. Natawa naman si Adrian dahil sa naging reaksyon ni Raphael. “You choose the restaurant.” Wika pa ni Adrian sa kapatid niya. Nakangiti namang tumango si Chloe sa kapatid niya saka kinuha ang cell phone niya. “Sa kotse ko na kayo sumakay.” Wika pa ni Adrian. “Talaga?” excited na wika nang dalawang binata. Para itong mga bata dahil sa reaksyon kahit naman siguro sino kung sasakay ka sa sasakyan nang idol mo talagang hindi mo maitatago ang excitement mo. “Adrian!” isang boses nang babae ang narinig nila. Sabay-sabay silang napalingon nang marinig ang tumawag sa binata. Maging si Elleri na tahimik lang sa gilid ay napatuon din ang atensyon sa tumawag sa binata. “Aster?!” gulat na wika ng mga kaibigan ni Raphael ng makita kung sino ang tumawag sa binata at kung sino ang papalapit sa kanila. Kanina nakita lang nila ito sa screen. Kilala nila ang dalaga dahil sikat iyong artista at model. At alam din nilang ito ang girlfriend ni Adrian. Si Chloe at Dillon naman ay nakatinginan nang makita ang dalagang lumapit sa kanila saka sabay na napatingin kay Elleri. “Ester.” Wika ni Adrian na napatingin sa dalaga saka simpleng tumingin kay Elleri bago muling itunuon ang atensyon kay Ester. “Nice game. Congratulations. Ikaw ulit ang MVP.” Wika nang dalaga saka inabot sa binata ang isang bouquet nang bulaklak. “Thanks. Anong ginagawa mo dito?” tanong nang binata saka tinanggap ang bulaklak na inabot ni Aster. “Wala ka bang kasama?” tanong ni Adrian. Tiningnan niya ang likod ni Aster, usually nasa likod lang nito ang manager niya at ang PA niya. Pero wala siyang makitang sumusunod sa likod nito. “Pinauna ko na sila. Sinabi kong ikaw na ang maghahatid sa akin.” Wika nang dalaga. “Pauwi ka na ba?” “Ako?” takang wika ni Adrian saka napalingon sa kinaroroonan nina Chloe. Nakatingin sa kanya ang kapatid. Saka napadako ang tingin niya kay Elleri. Naalala niyang minsan hindi niya sinipot ang dalaga sa dinner nila. Ngayon naman kasama nila ang mga ka klase nina Chloe. Pero hindi naman niya pwedeng pabayaan si Aster lalo na at wala na at hindi nito kasama ang manager niya. “Okay lang naman diba? Uuwi ka na rin naman.” Wika ni Aster sa binata. “Kuya.” Tawag ni Chloe sa kapatid niya. Napalingon naman si Adrian sa kapatid niya. “Gutom na ako.” Wika ni Chloe. “Oh, lalabas ba kayo?” tanong ni Aster kay Adrian. “Well, I promised Chloe and her friends na magdidinner kami sa labas ngayon.” Wika nang binata. “Oh, Hindi pala maganda ang timing ko. I should----” wika nito saka napatingin kay Elleri. “Oh, you’re here.” Wala sa loob na wika nito nang makita ang dalaga. “It happens that way.” Wika ni Elleri. Hindi naman estranghero sa kanya si Aster dahil naging ka klase din niya ang dalaga at isa siya sa mga taong nakakaalam sa rekasyon nila ni Adrian. “How about sumama ako sa inyo sa dinner. I am sure hindi naman mamasamain nang mga kaibigan nang kapatid mo na kasama ako.” Deklara ni Aster. “Are you serious? It would be fun.” Wika nang dalawang kaibigan ni Raphael habang sina Chloe at Dillon ay natigilan lang at napatingin kay Elleri. Si Adrian naman ay napatingin sa tahimik na si Elleri. Hindi niya gusto ang pananahimik nang dalaga. Hinid niya alam kung anong iniisip nito. Nagagalit kaya ito? hindi niya alam. Nakatingin lang ito sa kanila na tila walang emosyon sa mukha. Habang madilim ang ekspresyon nang mukha nito. Hindi naman niyon nakaligtas sa mga mata ni Raphael.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD