Ep - 05

1473 Words
"Ate Elle.” Masayang salubong nang isang dalaga habang papalapit kay Elleri na naglalakad patungo sa pinto ng stadium. Maraming tao sa labas ilan sa kanila mga babaeng may dalang sign board na parang dadalo sa isang concert nang isang idol group. Pero ang totoo isang basketball game lang naman ang magaganap sa stadium. “Galing ka bang airport? Dumeretso ka agad dito?” tanong nang dalaga nang huminto sa harap ni Elleri. “Yung mga gamit mo?” tanong nito saka napatingin sa dalaga nito. Napangiti naman si Elleri dahil sa mga tanong nito. “Oo kakagaling ko lang nang Airport. Pinauna ko na ang mga gamit ko. Hindi naman pwedeng magpunta ako dito may mga maleta akong dala.” Nakangiting wika ni Elle. “Pinauna? Baka manakaw yun.” Inosenteng wika nito sa kanya. Lalo namang napangiti si Elleri sa sinabi nang sister-inlaw niya. “Tayo na sa loob bago pa maging crowded at mahirapan tayong pumasok.” Wika ni Elleri saka hinawakan ang braso ng dalaga at inakay papasok sa stadium. “Ah, pwede nating puntahan si Kuya sa locker room. Hindi pa niya alam na nandito kana diba?” tanong nito habang naglalakad sila patungo sa loob nang Stadium. Bigla namang natigilang maglakad si Elleri nang marinig ang sinabi nito. “Hindi pa niya alam. It’s a surprise.” Nakangiting wika ni Elleri. “He will be surprised.” Wika nito sa kanya. “Ah.” Biglang wika nito na lumingon kay Elleri, biglang namang napaigtad sa gulat ang dalaga. “Habang nasa ibang bansa ka nanood ka ba nang balita? Showbiz, sports or even gossips and tabloids?” Tanong nito sa kanya. Napatingin lang si Elleri sa dalaga. Parang may ideya na siya sa kung anong gustong sabihin nang sister-inlaw niya. “Baka lang kasi---” “Alam ko.” Agaw ng dalaga. “It’s not something new.” Ani Elleri. “Pero nandito kana, diba dapat----” “It’s not for us to decide. Alam mo naman yung kuya mo. Matigas pa sa bato ang ulo.” Wika ni Elleri na pinutol ang iba pang sasabihin ng kapatid ni Adrian saka inakay patungo sa basketbll court. Alam niya ang gusto nitong sabihin at ang mga balita tungkol kay Adrian. Habang nasa ibang bansa siya hindi naman lingid sa kaalaman niya na si Aster at Adrian na mas kilala na ngayon bilang LA ay magkasintahan. Kahit nang ikinasal sila. Alam niyang hindi naman siya ang una sa puso ni Adrian. Napilitan lang itong magpakasal sa kanya dahil sa responsibilidad nito sa pamilya at sa naiwang pangako nang papa nito sa mga magulang niya. Iniisip niya kung hindi siguro sila ikinasal at kung hindi pumasok sa showbiz si Ester, baka ay sila ngayon ni Adrian ang mag-asawa. Habang nasa ibang bansa siya sa nakalipas na limang taon at nag-aaral hindi siya nahuhuli sa balita tungkol kay Adrian. Alam din niyang, siya ang number one draft nang current team niya. Dahil sa magaling na laro nito sa college basketball game, maraming mga professional basketball team ang nag recruit sa binata. Hindi lang sumikat si Adrian dahil sa galing niya sa basketball, maging ang binuksan nitong fashion line nang mga sports shoes and apparel ay naging hit din. Mega hit agad sa mga basketball enthusiast ang mga product nang binata. Bukod sa Fashion line nito. Sikat din ang binata sa pagiging longtime boyfriend nang sikat na model actress na si Aster. “Ate Elle, dito tayo.” Kumaway na wika ng dalaga sa kanya na nasa second floor nang arena. Simple namang ngumiti si Elleri at naglakad patungo sa dalaga. “Ang daming tao.” Humahangang wika ng dalaga habang napapatingin sa mga tao sa loob nang arena. Akala mo nasa finals na sila nang season, eh pangalawang laro palang ito nang team nina Adrian. “Andiyan na sila.” Excited na wika ng kapatid ni Adrian nang makita ang kuya niya at ang teammates nito na papasok sa loob nang court. Napatingin naman si Elleri sa binata. Kahit nag pa-practice shooting lang ang binata pinagkakaguluhan at tinitilian na siya nang mga fans niya. Tahimik lang na nanood is Elleri nang game. Hindi maikakaila ang kasikatan nang ni Adrian. Halos bawat galaw niya sa loob nang 40 minutes na laro ay tinitilian. Ang mga miyembro nang fansclub nang binata are screaming their lungs out. They are able to win the game, at syempre dahil sa spectacular na larong ipinakita ni Adrian siya ang itinanghal na MVP nang laro. “You went all out again today sa laro niyo. Ibig bang sabihin nito handa ka na sa finals game?” Tanong nang babaeng reporter, she was intervieing Adrian bilang isang MVP nang larong iyon. Napangiti naman si Adrian sa reporter. “I always give my best sa bawat laro ko.” Wika ng binata na hindi pinansin ang huling sinabi nang reporter. Habang nasa kalagitnaan sila nang interview, biglang nag focus ang camera sa audience stand at sa malaking monitor sa taas nina Adrian biglang ipinakita sa screen ang mukha nang isa sa mga audience. Bigla namang naghiyawan ang mga manonood nang makilala ang babaeng nasa screen. Nang marinig ni Adrian ang hiyawan na iyon bigla siyang napatingala. Maging ang reporter para tingnan kung anong dahilan nang malakas na hiyawang iyon. Mula sa screen nakita nang lahat si Aster na nakaupo sa isa sa mga Audience stands. Nang mapansin nito sa malaking monitor na naka focus ang mukha niya ngumiti ito at kumaway dahilan naman para lalong mahiyawan ang mga manonood. "She's back." Adrian utters looking into the big monitor where Aster's face was showing. Humihiyaw ang mga tao nang makita ang reaksyon ni Adrian. Aster smiled and waved at the camera. Nakatitig lang ang binata sa screem, pero hindi kay Aster naka focus ang mga mata niya kundi sa dalagang nasa likod nito na kasama ni Chloe, ang kapatid niya. Tila napansin nang dalaga na nasa direksyon nila ang camera. She immediately averted her eyes when the camera zoomed into their seat. “Yes, she is back, definitely, Kaya ba bigay todo ka sa laro mo kanina dahil alam mong nasa audience ang kasintahan mo?” tanong nang reporter nang marinig ang inusal nang binata. Pero hindi agad sumagot ang binata, tila hindi rin niya masyadong narinig ang sanabi nito dahil nakafocus lang siya sa dalagang nasa monitor. Na Tila naintindihan naman nang reporter. Out in public ang relasyon ni Adrian nang Aster, at talagang pasado ang dalawa sa fanclub nang isa’t-isa. Alam nang lahat na kahit noong nasa college pa sila ay magkasintahan na sila. Even before Adrian joined the professional basketball, bago pa umalis si Aster papunta ibang bansa para sa trabaho nito. Maraming nag-aabang sa kanilang dalawa lalo na sa kung kailan nila ipahahayag sa publiko ang pagpapakasal nila. Pero hanggang ngayon tahimik parin ang kampo nang dalawa. Kapwa busy sa kani-kanilang career. “We better go.”pabulong na wika ni Elleri kay Chloe saka tumayo. Hindi naman napagsalita si Chloe dahil biglang tumayo ang dalaga. Wala itong ibang nagawa kundi ang tumayo din. That sly girl. Bulong ni Adrian nang makitang tumayo ang dalaga. “Ngayong nakabalik na si Aster sa bansa, plano niyo bang ipaalam sa lahat---” putol na wika nang Reporter. “Hindi naman ako nagmamadali. Darating din tayo diyan.” Wika ni Adrian habang sinusundan nang tingin ang dalagang pababa nang audience stand. Matapos ang interview. Agad siyang nagpunta sa locker room at tinawagan ang kapatid niya. “Where are you?” Tanong ni Adrian sa kapatid niya na nasa kabilang linya. “Pauwi.” Simpleng wika nang dalaga habang nakatingin kay Elleri na nasa tabi niya. Nasa taxi sila noon at pauwi matapos manood nang concert. “Bakit hindi mo ako hinintay? Where’s Elle?” Tanong nito sa kanya. Bigla namang natigilan si Chloe. Ibig sabihin nakita nang kapatid niya si Elleri kanina. Marahil nang e-focus nang cameran ang camera sa kinauupuan nila na nagkataon na nandoon din si Aster. Hindi nila napansin ni Elle na sa ibabang row lang pala nila nakaupo si Aster. Kung hindi pa napunta sa kanila ang focus nang camera hindi niya malalaman na nandoon si Aster. Siguro iyon ang dahilan kung bakit agad na nagyaya naumuwi si Elleri nang hindi manlang napapakita kay Adrian. “Nasa tabi ko. Kaya lang natutulog siya. Baka napagod sa biyahe, dumiretso siya sa laro niyo pagkagaling siya sa airport.” Wika ni Chloe sa kapatid niya. “Uuwi na ako. Tell her to wait for me. Marami kaming pag-uusapan.” Wika ni Adrian sa kapatid. “Ah, Kuya. Sa bahay siya nang magulang niya uuwi.” Simpleng wika ni Chloe. “Got it.” Wika nito saka tinapos ang tawag nila. Napasimangot naman si Chloe nang tinapos ni Adrian ang tawag nila. Saka napatingin sa natutulog na si Elleri.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD