Dahil sa parehong nag-aaral pa sina Adrian at Elleri, nag desisyon ang pamilya nila na ilihim ang kasal nang dalawa. Ikinasal sila ang tanging nandoon lang ay ang pamilya nila. Nagkasundo silang gawin lihim ang kasalan nang dalawa hanggang sa makapagtapos na sila nang pag-aaral. At ito ding ang isa sa kondisyon nang lola ni Elleri. Matapos ang private wedding nang dalawa sa isang restaurant din ginanap ang reception nang kasal nila na tanging pamilya lang din nila ang dumalo. Doon din nalaman ni Adrian na matapos ang kasal nila ni Elleri nakatakdang umalis papuntang ibang bansa ang dalaga para doon ipagpatuloy ang pag-aaral niya. Wala namang ibang nagawa ang mga magulang nang dalawa kundi ang sumunod sa gusto nang matanda. Hindi rin naman nila magagawang tanggihan ito sa gusto niya.
“Nakakatawa, kakatapos lang nang kasal natin pero heto, inihahatid ko sa airport ang bride ko.” Wika ni Adrian habang naglalakad sila ni Elleri papasok sa airport. Nan gabing iyon matapos ang kasal nila ay ang flight din niya papuntang England. Dahil sa lola niya kaya kailangan niyang umalis nang bansa. Gusto rin iyon nang mama niya para hindi kaagad sila bumuo nang pamilya ni Adrian. Dahil mga bata pa sila. Gusto nang mga ito na makatapos muna sila nang pag-aaral.
Bumuo nang pamilya? Paano? E ibang babae ang nasa isip nang pinakasalan ko. Ito ang nasa isip ni Elleri nang sabihin nang mama niya na mas mabuting magkahiwalay sila kahit limang taon lang so they can build their own career.
“Anong mangyayari sa honeymoon natin ngayon?” tanong ni Adrian habang nakangiti. Napatitig naman ang dalaga sa binata. Ano bang honeymoon ang tinutukoy nito para namang nagpakasal sila dahil gusto nila ang isa’t-isa.
“Para namang gusto mo ring pumunta sa honeymoon kasama ang taong hindi mo gusto.” Wika nang dalaga. Napatitig naman si Adrian sa dalaga. Kung hindi sana siya tinanggihan ni Ester baka hindi natuloy ang kasal na iyon kaya lang hindi pa naman handa ang kasintahan niya na magpatali sa isang kasal gayong hindi pa nito natutupad ang mga pangarap niya. Maging siya din naman may mga pangarap siya. Pero kasali sa pangarap niyang iyon ang makasama ang taong mahal niya.
“Sigurado ka bang kaya mo ang sarili mo?” tanong ni Adrian sa dalaga. Alam niyang unang beses nitong malalayo sa pamilya niya.
“Hindi na ako bata. Kaya ko na ang sarili ko.” Napalabing wika nang dalaga sa binata. “Ikaw, anong plano mo pag-alis ko?” tanong nang dalaga sa binata. Naptingin naman ang binata sa dalaga.
“Huwag mo nang sabihin. Alam ko namang hinihintay mo pa rin si Ester.” Wika nang dalaga na hindi na hinintay ang sasabihin nang binata. “Napanood ko sa balita ang pag sign niya nang contract sa isang entertainment company at naghahanda na rin siya sa una niyang acting role.”
“Masyado kang maraming alam tungkol sa kanya.” komento ni Adrian.
Kung gusto kong matalo ang kalaban ko dapat lang marami akong alam. Kaya lang limang taon din akong mawawala. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga panahong wala ako. Lalo na at hindi ko namna hawak ang puso mo. Wika nang isip nang dalaga na hindi na niya isinatinig.
“Well, since you asked sasabihin ko na rin. I am planning to open my own business.” Wika nang binata.
“May naisip ka na bang business?” tanong nang dalaga.
“May ideya na ako.” Simpleng wika nang binata.
“Kung itatanong ko kong anong business ang nasa isip mo? Sasabihin mo ba?” tanong nang dalaga.
“Ano sa palagay mo?” tanong nang binata.
“Tanong din ang sagot mo sa tanong ko. Hindi naman ako nakikipaghulaan saiyo.” Napalabing wika nang dalaga. Napangiti lang ang binata dahil sa naging reaksyon nang dalaga.
“Hindi ko pa tapos gawin ang business plan. Mas mabuting wala munang nakakaalam.” Wika nang binata saka pinisil ang ilong nang dalaga. “Ah.” Biglang wika nang binata na tila may naalala. Napakunot naman ang noo ni Elleri saka napatingin sa binata.
“Here.” Anang binata at iniabot sa dalaga ang isang maliit na papel na gaya nang isang business card.
“Ano ‘to?” tanong nang dalaga saka kinuha ang inabot na papel nang binata. Biglang namang nagulat ang dalaga nang biglang hawakan nang binata ang kamay niya. Saka napatingin dito.
“Bakit?” Tanong nang dalaga kay Adrian na tila may hinahanap sa kamay niya at matama lang itong nakatingin sa daliri niya.
“Nasaan ang singsing mo?” Tanong nang binata. Doon lang napagtanto ng dalaga na hindi niya suot ang wedding ring nila.
“Ah, nasa bag ko. Hinubad ko kanina nang mag bihis ako.” Wika nang dalaga saka nagmamadaling kinuha ang singsing sa loob ng bag biya saka ipinakita sa binata. Agad namang kinuha nang binata ang singsing sa kamay nang dalaga at maingat na isinuot sa kanya. Napakagat ng pang-ibabang labi ang dalaga habang nakatingin sa binatang isinusuot sa kanya ang singsing. Mabilis na naman ang kabog nang dibdib niya. Parang wala na siyang kontrol sa puso niya. Alam naman niyang walang ibig sabihin kay Adrian ang kilos nito pero heto siya, her heart is beating like crazy.
“Huwag mong tatanggalin ang singsing mo.” Wika nang binata saka tumingin sa dalaga.
“Bakit naman? Habang nasa ibang bansa ako pagkakataon ko nang makahanap nang----”
“Don’t you dare. Kahit naman sa papel lang tayo kasal. Legal parin iyon. Isa pa, this will keep you from going to a different direction, you can focus on your studies. Kapag nakita nang mga lalaki ang singsing mo, they will think you are married.” Anang binata.
“Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi mo o maiinis.” Wika nang dalaga saka binawi ang kamay sa binata.
“I am just trying to protect you. Mag-isa ka sa ibang bansa. Knowing you---” biglang naputol ang ibang sasabihin ni Adrian nang napatingin sa kanya si Elleri.
“Knowing me? Bakit hindi mo ituloy mukhang may iba ka pang gustong ipahiwatig sa sinabi mo.” Anang dalaga sa binata.
“Pag-aawayan ba natin ‘to?” tanong nang binata. Napatitig naman ang dalaga. Wala siyang lakas na makipag-away sa isang trivial na bagay. Ito ang huling pagkikita nila baka sunod silang magkita after five years pa. Kung maghihiwalay silang may sama nang loob sa isa’t-isa ang sama naman sigurong tingnan noon.
“Ano ba ‘tong papel?” tanong nang dalaga saka tiningan ang nakasulat sa papel na ibinigay ni Adrian. Bigla siyang natigilan nang mabasa ang contact na nakasulat doon.
Napaangat nang tingin ang dalaga saka napatingin sa binata. Hindi maitanggi ang gulat nang dalaga sa nakita niyang nakasulat sa papel.
“Well, there’s that too. I am planning to sign up for a professional basketball league.” Nakangiting wika nang binata. Hindi naman magtataka si Elleri, kung talagang may kukuha sa binata para sa isang professional basketball team. Simula nang mga bata pa sila magaling na ito sa sports. They compete on all academics pero hindi niya magawang makipagcompete sa binata pagdating sa sports. Hindi siya atheletic gaya nito. Para masaya na siyang pinapanood ito at nag che-cheer sa kanya tuwing may mga laro ang binata.
“What do you think?” tanong nang binata sa dalaga. Napakunot naman ang noo nang dalaga. Tinatanong ba siya nang binata dahil gusto nitong marinig kung ano ang opinion niya?
“Gawin mo ang sa palagay mo tama para saiyo.” Wika nang dalaga saka ibinalik ang business card sa binata. “Sapalagay ko magiging isang magaling kang basketball player. Kahit bagong dating ka sa University napahanga mo agad lahat. Hindi maitatanggi ang mga babaeng humanga sayo as soon as they saw you play.” Wika nang dalaga. Ibig din sabihin mas marami akong magiging karibal sa puso mo kung nagkataon. Ang hirap naman nito. Wika nang isip nang dalaga.
“Paano ba yan. We are parting ways here. See you after Five years. Wifey.” Wika nang binata saka inilahad ang kamay sa binata. Ngumiti naman ang dalaga saka tinanggap ang pakikipagkamay nang binata.
“Alam kong ma mimiss mo ang pamilya mo dito. Don’t worry I’ll take care of them. Ang isipin mo ang pag-aaral mo.”
“Opo. Para kang papa ko kung magsalita.” Wika nang dalaga. Napailing lang si Adrian dahil sa sinabi ang dalaga. “Alis na ako.” Wika nang dalaga na akmang tatalikod pero bigla siyang nagulat nang bigla siyang kabigin nang binata at niyakap. Hindi paman siya nakakabawi sa pagkakabigla binitiwan na siya agad nang binata.
“Go now.” Wika nito sa kanya. Simple namang tumayo ang dalaga saka naglakad papasok nang departure area.