"Bakit ang damot mo?” tanong nang isang binata sa isa pang binata saka inakbayan ito. Napapayuko ang binata habang inaakbayan nang una. Sa harap nila ay ang dalawa pang kasama nang binatang nakaakbay.
“Sinabi ko na, wala akong pera. At hindi ko obligasyong magbigay nang pera sa inyo.” Wika nang binata saka pilit na inilayo ang kamay na nakaakbay sa kanya.
“Bakit ka nagmamatigas.” Wika nang binata saka sinuntok ang sikmura nang binatang inaakbayan. Dahil sa ginawa nito bigla namang napaubo ang binata. Kung hindi nakaakbay sa kanya ang binata marahil ay bumaksak na ito sa lupa dahil sa ginawa nito.
“Bakit kasi ang tigas nang ulo mo. Sabi naman saiyo. Nanghihirap lang kami nang pera, isusuli naman agad namin.” Wika pa nang isa sa binata.
“Sinabi ko na sa inyo wala akong pera.” Anang binata. At kahit naman magbigay siya nang era sa mga ito tiyak na hindi naman siya babayaran nang mga ito, kilalang mga bully sa school nila ang tatlong ito. Kahit sinong sa palagay nila ay mahina ay pinagkakaisahan nang mga ito. At nagkataon na bagong transfer siya at siya ang napiling gawin target nang mga ito.
“Let’s see about that.” Wika nang isa pa na kinuha ang bag nang binata. Pilit na inabot nang binata ang bag niyang hinablot nang kasamahan nang binatang nakaakbay sa kanya pero mabilis siyang pinigilan ng binata.
“Dito ka lang. titingnan lang naman namin kung hindi ka nagsisinungaling.” Wika nito Saka napatingin sa mga kaibigan habang isa-isang inilalabas ang mga gamit mula sa loob nang bag nito.
“What are you boys doing?” wika nang isang boses babae. Bigla namang natigilan ang mga binata saka napatingin sa pinaggagalingan nang boses. Doon nakita nila si Elle. Takang napatingin ang lahat sa bagong dating.
“Sino ka naman?” tanong nang binatang nakaakbay sa binatang binubully.
“What are you doing sa schoolmate niyo?” tanong nang dalaga na napatingin sa binatang binubully. “Alam niyo bang pwede kayong maparusahan sa ginagawa niyo? Bakit nandito kayo sa labas sa halip ay nasa loob nang classroom.” Wika nang dalaga na hindi binigyang pansin ang tanong nang binata.
“And you are? Kung magsalita ka parang may pakiaalam ka sa amin. Hindi mo ba kilala kung sino ako?” tanong nang binata saka tinanggal ang pagkakaakbay nito sa isa.
Naglakad ito papalapit kay Elleri. “Kung hindi mo ako kilala hayaan mong ipakilala ko ang sarili ko saiyo. I am Raphael Young. Chairman nang school board ang mama ko dito.” Wika nang binata habang papalapit sa kanya.
“No wonder and lakas nang loob mong maghari-harian.” Wika nang dalaga saka sinalubong nang tingin ang binata.
“Alam ba nang magulang mo ang ginawa mo? Alam ba nila na dinudungisan mo ang pangalan nila at nang school na ito by causing trouble and bullying weak?” anang dalaga. “Ang lakas nang loob mong sabihing anak ka nang chairman, when you are acting like a street thug----” naputol ang sasabihin nang dalaga nang biglang hawakan nang binata ang kuwilyo niya. Gulat na napatingin ang tatlong binata sa likod nila dahil sa ginawa ni Raphael. Pero hindi manlang natinag ang dalaga. Derecho siyang nakatingin sa mukha ni Raphael.
“Ang lakas nang loob mong magsalita nang ganyan sa akin. Hindi mo yata alam kung anong kaya kung gawin.” Wika nito sa kanya.
“Bakit ano bang kaya mong gawin? May nagawa ka naba using your own strenght and abilities? Yung hindi dumidepende sa pangalan nang magulang mo. You are being bossy just because you are the son of the schoold chairwoman. Bukod diyan, ano bang nasa pangalan mo?” tanong nang dalaga saka napatingin sa binatang binubully kanina.
“Ah, I know there is one. A bully. Yan lang naman ang kaya mong gawin.” Wika nang dalaga.
“You---” wika nito na akmang susuntukin ang dalaga pero hindi itinuloy nang makita ang titig nang dalaga sa kanya. It was the first time na may tumingin sa kanya nang derecho.
“You are going to punch me? Go ahead. Hindi ako mag dadalawang isip na ipakulong ka. Kahit na chairwoman ang mama mo, wala silang magagawa kung kakasuhan kita nang assault. Ilang taon ka na ba? 18? Senior high school? Hindi ka ba nahihiya? Dudungisan mo ang pangalan nang magulang mo? Imagine kung paano magiging mas sikat ang pangalan mo sa school na ito once I -----” biglang natigilan na wika ni Elleri ng marahas na binitiwan nang binata ang kuwelyo niya at itinulak siya papalayo.
“Nakakawalang gana.” Wika nito saka tinalikuran si Elleri.
Naglakad ang binata papalapit sa tatlo agad namang umiwas ang binatang binubully nang biglang huminto sa tapat nito si Raphael at tinapunan siya nang matalim na tingin bago nito dinampot ang bag saka umalis. Agad naman sumunod ang dalawang binata sa kanya. Nang makalayo ang tatlo, agad namang nilapitan ni Elleri ang binata.
“Dillon, are you okay?” tanong nang dalaga sa binata nang makalapit. “You’ve just transferred to this school. Parati bang nangyayari ito? alam ba ni Kuya?” tanong nang dalaga.
“How would he know, Masyado siyang busy sa negosyo niya.” Wika pa nang binata saka dinampot ang mga gamit niya na nagkalat sa lupa. Sinundan naman niya nang tingin ang binata.
“Bakit mo sila hinahayaan na gawin ito saiyo. Bakit hindi mo sila isumbong sa school-----” putol na wika nang dalaga.
“Wala din silang magagawa. Hindi mo ba narinig ang sinabi niya kanina? Anak siya nang chairwoman. Lahat nang gusto niya nagagawa niya.” Wika pa nito.
“Still, hindi iyon dahilan para payagan mo siyang ibully ka.” Wika pa nang dalaga saka sinundan ang pamangkin.
“Ano naman ang magagawa ko.” Tanong nang binata.
“Why are you like that? Acting si weak and-----”
“What do you want me to do? Lumaban? Alam mo ba ang nangyari sa dati kung school? And the reason why I was forced to transfer?” tanong nito saka tumingin sa tita niya. “Of course you don’t. Lahat naman kayo, kahit si Papa hindi ako binibigyan nang pansin, It just happen ngayon na dito ka din sa school magtuturo. Nakita mo kung ano ang kailangan kong tiisin. Let’s keep it that way.” Anito saka naglakad papalayo sa tita niya.
Why are you acting so distant? Hindi naman ito ang Dillon na kilala ko. Usal nang dalaga nang makalayo ang pamangkin niya. Hindi niya alam kung anong nagbago sa binata pero nakikita niyang malaki ang pinagbago nang pamangkin niya. Hindi naman lingid sa kaalaman niya hindi masyadong close si Dillon sa papa nito dahil na din sa pagiging workaholic nito.
“Don’t worry, Tita will take care of you while I am here.” Wika nang dalaga habang nakatingin sa pamangking naglalakad papalayo.