"Pasensya na miss, bawal ang dalaw dito.” Wika nang sundalo sa guard house na sumalubong kay Elleri nang dumating siya sa kampo kung saan naassign si Adrian. Sinabi niyang gusto niyang dalawin ang binata. Three months na mula nang pumasok ito sa military camp. Wala silang naging balita sa binata. Hindi ito tumatawag kahit sa pamilya niya kaya naman nag-aalala na sila. Malapit na ang pasko ni hindi nila alam kung ano nang kalagayan nang binata sa loob nang kampo.
Marami siyang naririnig tungkol sa training nang mga sundalo sabi pa masyado daw mahirap ang training. Alam niyang pumasok lang ang binata sa military camp para sundin ang tradisyon ng pamilya nila. At alam niyang wala naman itong passion sa pagsusundalo. Kaya naman ang pananahimik nito sa nakalipas na tatlong buwan ay bagay na nagpakaba sa pamilya nila. Hindi nila alam kung anong dapat isipin. Lahat nag-aalala para kay Adrian. Maging siya. Kahit naman hindi sila minsan magkasundo, nag-aalala din siya para sa binata.
“Kahit sandali lang po. Gusto ko lang malaman kung anong kalagayan ni Adrian.” Pakiusap ni Elleri sa sundalo.
“Pasensya na talaga, Miss, hindi talaga pwede. Ano ba ang apelyido nang kaibigan mo? May gusto ka bang ibigay sa kanya? ako nang magbibigay.” Wika nito sa kanya napara bang naawa pa sa kanya. Ilang oras din siyang nakatayo sa harap nang guard house bago siya bigyang pansin nang sundalo. Mukhang masyadong busy sa loob nang kampo. Napatingin si Elleri sa dalaga niyang sketch pad. Gusto sana niyang ipakita kay Adrian ang mga ginawa niyang sketches.
Minsan napanood niya ang binata na maglaro nang basketball sa isang high school game. He was shining at that time. Iyon ang unang beses na nagkita niya ang binata na maglaro. It was that time when she realizes, Hindi lang basta rival ang turing niya sa binata. Kahit na they are competing on all academics. Wala siyang alam tungkol sa pagiging sports enthusiast nito. She likes him, dahil sa talino nito. However, she likes him even more dahil sa pagiging magaling nito sa basketball. Without knowing, she’s been designing shoes for him. Gusto sana niyang ipakita sa binata ang mga designs niya. Pero para hindi na mangyayari iyon. Bawal pumasok ang dalaw sa loob nang kampo. Kaya paano niya maipapakita kay Adrian ang mga gawa niya.
“Bakit?” tanong nang sundalo nang napansing nakatingin siya sa dala niya.
“Bakit?” tanong nang sundalo nang napansin nakatingin siya sa dala niya.
“Sir, pwede mo bang ibigay ito kay Adrian. Adrian Sutherland.” Wika nang dalaga saka iniabot ang sketch pad sa sundalo.
“Walang problema.” Nakangiting wika nito.
“Thank you.” Ngumiting tugon ni Elleri. Ito ang naalala ni Elleri. Ang mga sketches sa loob nang tindahan ni Adrian ay galing sa kanya. Pero paanong si Aster ang naging may-ari noon? Akala ba ni Adrian si Aster lang ang pwedeng magbigay sa kanya noon? Hindi na nga niya, makuha ang puso ni Adrian pati ba naman ang pagkakataong mabigyan nang credit sa mga design niya ipinagkait din sa kanya? Hindi niya papayagan na mangyari iyon.
Napakuyom ng kamao si Elleri, hindi siya papayag na basta nalang makuha ni Ester ang lahat nang gusto niya. Una, iniwan nito si Adrian para sa pangarap nito. But still Adrian loves her kahit na ganoon, then ngayon naman, inaangkin nito ang designs niya. Hindi siya papayag. Gagawin niya ang lahat para makuha ang puso ni Adrian at mabawi ang credit na para sa kanya.
“Well? Bibili ba kayo o hindi?” tanong nang sales lady kay Elleri at Chloe.
“Not for now.” Wika nang dalaga. “Nawalan na ako nang gana.” Anang dalaga.
“What?” Hindi makapaniwalang wika nang sales lady.
“Una, hindi ko akalaing, masyadong mayabang ang mga sales lady ng sikat na Brand. Knowing you represent LA, you choose na matahin ang customer niyo. Pangalawa----” humintong wika nang dalaga saka napatingin sa mga sketches. Nakatingin lang sa kanya ang sales lady.
“I hope, LA, won't know how you treat us today.” Anang dalaga saka muling bumaling sa babae. “I have high regards to LA, pero hindi ko akalaing mga low class sales lady ang kukunin niya. Hindi marunong magpahalaga sa mga customer.” Wika ni Elleri saka tumalikod.
“Wait.” Wika nang babae saka hinawakan ang kamay nang dalaga. Sa gulat ni Elleri bigla siyang natigilan saka napatingin sa babae.
“Bakit? May kailangan ka pa?” Tanong nang dalaga saka napatingin sa kamay niyang hawak nang babae saka marahas na binawi.
“You talked like you know, LA. Sino ka ba talaga?” Tanong nito sa kanya.
“It’s none of your business.” Wika nang dalaga. “Let’s go Chloe.” Wika nang dalaga saka lumabas nang tindahan. Wala namang imik na sumunod sa kanya ang dalaga habang ang sales lady ay tigalgal lang na sinundan sila nang tingin hindi makapaniwala sa sinabi nang dalaga. At nagtataka kung sino ba ito at kung bakit ganoon nalang ito kung magsalita.
“Ate, bakit parang nagulat ka sa mga sketches na nakita mo?” tanong ni Chloe habang papalayo sila sa tindahan. Nang marinig ni Elleri ang tanong nang dalaga bigla siyang huminto saka lumingon sa dalaga.
“Sabihin mo nga, totoo ba ang sinabi nang sales lady na galing kay Aster ang mga sketches na iyon?” tanong ni Elleri sa dalaga.
“Hindi ko rin alam.” Ani Chloe. “Wala naman akong alam sa business venture nang kuya ko. Ngayon ko lang din narinig ang tungkol diyan.” Wika pa nang dalaga.
“How about the Store name coming from their initials?” tanong nang dalaga.
“I’m sorry Ate, wala talaga akong alam. Si kuya lang ang nakakaalam sa ibig sabihin nang Pangalan nang Brand niya. But knowing how he likes Aster, Or Ester for that matter hindi malabong mangyari yun. Kalat na kalat sa social media ang love story nila and how they both set aside their love para tuparin ang pangarap nila. As if, they are talking about some fairy tales.” Wika pa ni Chloe. Natigilan naman si Elleri.
“Ate Elle.” Wika nang dalaga saka napatingin sa dalaga. “I think dahil sa mag-asawa naman kayo at magkaibigan simula pa noong mga bata kayo. You can ask him directly. I am sure sasagutin niya ang mga tanong mo.” Wika pa ni Chloe. Napatingin si Elleri sa dalaga.
I hope that’s just easy. Wika nang isip nang dalaga habang nakatingin sa dalaga.
“We are not actually that close.” Ani Elleri. “All I can remember from before is us bickering over small things. Kahit simpleng quiz lang pinatatalunan namin. You think he will tell me the story behind his brand?” tanong ni Elleri sa dalaga.
“Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. Kahit minsan masungit yang si Kuya. Pagdating saiyo tiyak na magiging malambot din yun.” Nakangiting wika ni Chloe, pero siya hindi rin sigurado kung sasabihin nga ni Adrian ang kwento sa likod nang brand nito. Ang alam niya napilitan lang ang kuya niya na magpakasal kay Elleri dahil sa pamilya nila.