Ep - 12

1145 Words
"Raphael.” Wika nang isang estudyante sa binatang nakatungo ang ulo sa desk ito at tila natutulog. Nang pumasok ang head teacher nila sa classroom nila kasama ang isang dalaga. Agad na nakilala ng binata ang kasama nito dahilan para gisingin nito ang binatang natutulog. “Bakit ba?” aboridong wika nito saka nag-angat nang ulo. “Hindi ba siya ang babae kanina?” gulat na wika nito habang nakatingin sa dalagang nasa harapan nila. Napatingin naman si Raphael sa tinutukoy nang kaibigan. Bigla siyang napaayos sa pagkakaupo at napatiim bagang nang makilala ang dalaga. Ito ang dalagang umawat sa kanila kanina. Ang dalagang unang beses na kumalaban sa kanya. Kahit sino sa paaraalang iyon tumitiklop kapag nalamang anak siya nang chairwoman. No one dares to cross him kapag nalamang anak siya nang chairwoman, Pero ang dalagang ito. Hindi lang sa tiningnan siya nito nang derecho sa mata. Mukha wala din itong pakiaalam kung anak siya nang chairwoman nang school nila. Lahat nanginginig marinig palang ang pangalan niya. But to her it was different. Hindi ito takot sa kanya bagay na bago kay Raphael. “Everyone, this is Ms. Elleri Sutherland. Siya ang bago niyong homeroom teacher habang nasa maternity leave si Ms. Cordero.” Wika nang headteacher na ipinakilala si Elleri sa estudyante. Napatingin si Elleri sa mga estudyante sa loob nang classroom. Una niyang nakita si Dillon. Agad naman niyang napansin si Chloe dahil kumaway ito sa kanya nang bahagya. Biglang napukol ang tingin niya sa upuan sa likod nang mapansin ang binatang nakatingin sa kanya nang derecho. It was the young man na binubully si Dillon kanina lang. Tingnan mo nga naman ang liit nang mundo. Wika nang dalaga sa isip niya habnag nakatingin sa binatang nakatingin nang derecho sa kanya. matalim ang tingin nito sa kanya. alam niyang nagtanim ito nang galit sa kanya dahil sa ginawa niya kanina. Pero hindi naman siya nagsisisi sa ginawa niya. Kahit hindi si Dillon ang binubully nang mga ito, she will step up at pipigilan sila. Hindi naman niya akalaing sa iisang classroom lang pala nandoon ang binatang iyon at si Dillon. “Aside from your new homeroom teacher. I wanted to announce, na muling bubuksan ang basketball team nang school. Anyone who’s interested in joining please send your application.” Wika pa nang headteacher. “Baskteball team? Hindi ba’t isinara ang basketball club dahil sa scandal nang mga members doon? Bakit naman nila bubuksan ulit?” tanong nang isang estudyante. “Miss Sutherland iiwan na kita dito.” Wika nang headteacher sa dalaga. “Yes. Thank you.” Magalang na wika nang dalaga saka inihatid nang tingin ang papalabas na ginang. Nang makalabas ito saka naman bumaling si Elleri sa mga bago niyang estudyante. “Mr. Young. Where do you think you are going?” Tanong ni Elleri nang biglang tumayo si Raphael sa kinauupuan at akmang maglalakad patungo sa pinto sa likod. Napatingin naman ang lahat sa binata. Lahat natigilan. Ito ang unang beses na may sumita sa binata. Dati-rati ang mga guro nila ay hindi binibigyang pansin ang binata kahit na buong araw lang ito natutulog sa classroom nila, still he passes all of his subjects kahit hindi ito nag-aaral. At kahit na he is not even getting good scores sa mga test. Dahil ina nito ang chairwoman kaya nagagawa nito ang lahat. Lahat takot sa mama nito. “None of your business.” Sakristong sagot nang binata saka tumingin kay Elleri. “New flash, I am your new homeroom teacher. Whatever you do within school ground is my businesss. Magsisimula ang klase kaya bumalik ka sa upuan mo.” Wika nang dalaga saka akmang tatalikod. “How long do you think you will last? Acting so righteous and all. Kapag nalaman nang mama ko ----” “Wala ka bang ibang pwedeng gawing panaggalang kundi ang mama mo? Then you should let her join your classes as well.” Agaw nang dalaga saka tumingin nang dereho sa binata. Nagkasalubong sila nang tingin. Natigilan ang mga estudyante. Nararamdaman nila ang tensyon sa pagitan nang dalawa. Ngayon lang din sila nakakita nang guro na kinakalaban si Raphael Dati-rati kapag nalamang anak siya nang chairwoman they would let them him do whatever they like. “Ang lakas nang loob mo. Hindi ka ba natatakot mawalan nang trabaho?” inis na wika ni Raphael saka naglakad papalapit sa dalaga. “Mas natatakot akong ang mga gaya niyo ay malihis nang landas. Teachers like us should take----” putol na wika nang dalaga nang biglang hawakan ni Raphael sa kuwelyo ang dalaga. Lahat napasinghap sa kaba dahil sa kinilos nang binata. “This is the second time today.” Wika ni Elleri. “Huwag mong inuubos ang pasensya ko.” Wika nang binata. “Bumalik kana sa upuan mo.” Wika ni Elleri sa binata. “Kung ayaw ko? Anong gagawin mo? Can you make me?” wika nito as if he is challenging her. Sakristo namang napangiti ang dalaga. Saka hinawakan ang kamay ni Raphael at buong lakas na tinanggal sa pagkakahawak sa kuwilyo niya. “You shouldn’t do this. I am still your teacher. At pwede kitang e report sa school committee for disciplinary action. Kahit chairwoman ang mama mo. Wala siyang magagawa kapag nagsalita laban saiyo ang mga kaklase mo.” Wika ni Elleri saka binitiwan ang kamay nang binata. Tumawa naman nang malakas ang binata. “Sila magsasalita laban sa akin?” wika nito saka tumingin sa mga kaklase niya. Alam niyang takot sa kanya ang lahat at sa kung anong pwedeng gawin niya sa kanila kaya walang sino man sa kanila ang magtatangkang kalabanin siya. “Wala silang lakas nang loob na gawin yan.” Wika nang binata na talagang confident na hindi siya isususmbong nang mga kaklase niya. “Huwag kang masyadong sigurado sa sarili mo. Mr. Young. Go back to your seat. Kung magpupumilit ka pa ring lumabas. I’ll mark you absent today.” Wika nang dalaga. “Do whatever you like. Anak ako nang chairwoman. No one can touch me.” Wika nang binata saka lumabas. Sumunod naman sa kanya ang dalawa pa niyang mga kaibigan. Napatingin lang si Elleri sa mga binata saka napabuntong hininga saka bumaling sa mga estudyante niya. Mukhang kailangan niyang gumawa nang paraan para magtino ang isang yun. “All right, let’s start.” Wika nang dalaga. “Ma’am hindi ka ba natatakot na ginagalit mo si Raphael?” tanong nang isang estudyante sa kanya. “He is not god for me to fear.” Wika nang dalaga. “Open your textbook to page 105.” wika nang dalaga saka binuklat ang libro sa harap niya. Hindi pwedeng tumigil ang mundo at oras nang mga estudyante niya dahil lang sa binatang iyon. She will deal with him separately. Sa ngayon, mas mabuting simulan na muna niya ang klase para sa ibang nandoon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD