Dumating na ba ang ate Elle mo?” Tanong ni Adrian kay Chloe na nasa sala at nag-aaral. Napatingin naman si Chloe sa kuya niya. Ilang sandali din siyang tinitigan nito. Na para bang may nais sabihin.
“Well?” tanong ni Adrian nang mapansina ang tingin nang kapatid niya.
“Dumating na siya, pero na mumugto ang mga mata.” Wika nang dalaga bigla namang natigilan si Adrian. Dahil kaya hindi siya nakasipot sa usapan nila? Hindi naman niya sinasadya na hindi makasipot sa usapan nila. Papaalis na sana siya noon nang biglang dumating si Aster. Nakita niyang malungkot ang dalaga. Sinabi ni Ester sa kanya na malungkot ito at dahil sa malungkot ang dalaga kaya kailangan niya itong samahan. Hindi siya kaagad nakaalis dahil sa hinintay pa niyang kumalma si Ester. Hinintay din niyamg makatulog ang dalaga bago siya nakaalis. Nakalimutan niya ang tungkol sa dinner nila ni Elle, naalala nalang niya iyon nang papauwi na siya at makita ang mga missed calls mula sa asawa. Sinubukan niyang tawagan ang asawa ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya.
“Kumain ka na ba? May dalang-----”
“Kumain na ako.” Sagot ni Adrian saka naglakad patungo sa silid nila ni Elleri. Nang pumasok ang binata sa silid. Nakita niya ang dalagang nakahiga sa kama at tila natutulog. Tahimik siyang naglakad patungo sa banyo para maligo at magpalit nang damit. Ilang minuto lang lumabas ang binata. Nang makalabas siya napatingin siya sa asawang tulog. Marahan siyang naglakad papalapit sa kama. Ilang sandali siyang nakatingin sa dalaga at napansin niya ang pamumula nang ilalim nang mata nito at tila namumugto din. Napakuyom siya nang kamao saka naglakad patungo sa kabilang bahagi nang higaan saka marahang naupo.
“Elle, natutulog ka na ba?” Tanong ni Adrian nang makaupo sa kama. Simpleng ungol lang ang sinagot ni Elle saka marahang nagdilat ng mata, sino naman ang makakatulog sa ganoong sitwasyon. Ilang oras siyang naghintay kay Adrian pero hindi dumating ang binata. Pinaasa niya ang sarili niya at halos mamuti ang mata kakahintay dito.
“I’m sorry.” Wika ni Adrian saka napatingin kay Elle who is facing the other side of the bed. “Really, it was not my intention to miss out the dinner. But something came up. Si Ester. She needed me.” Wika nang binata.
Mahigpit na napakapit sa kumot ang dalaga nang marinig ang sinabi ng asawa. Lalong sumikip ang dibdib niya dahil sa narinig. Ang dahilan kung bakit siya hindi dumating sa usapan nila ay dahil sa inuna nitong puntahan si Aster. Ano bang inaasahan niya mula kay Adrian siyempre mas uunahin nitong puntahan si Aster dahil ito ang kasintahan niya. Sino ba naman siya, asawa lang siya sa papel nang binata.
“Galit ka ba sa akin?” tanong ni Adrian sa dalaga. “I would understand if-----” natigilan si Adrian nang biglang bumangon ang dalaga sa kinahihigaan at tumingin sa kanya. Hindi agad siya nakakilos dahil sa labis na gulat. Nang mapatingin siya sa mukha nang dalaga nakita niya ang namumugtong mga mata nito.
“Umiyak kaba? Dahil hindi ako pumunta?” tanong nang binata.
“What do you expect? I was excited dahil sa unang beses niyaya mo akong kumain sa labas. Kahit naman walang ibig sabihin iyon. Still, it gives me happiness. Pero anong ginawa mo? Pinaghintay mo ako hanggang closing hours nang restaurant. Kung sana hindi ka makakarating, sana manlang tinawagan mo ako o nag send ka ng message. Akala mo ba hindi ko maiintindihan kung kailangan mong asikasuhin si Ester. Alam ko. Alam nang lahat na magkasintahan kayo. Pero sana-----”
“I know. I’m sorry.” Agaw na wika ng binata sa iba pang sasabihin ni Elleri saka hinawakan ang kamay niya. Napatingin naman si Elleri sa kamay niyang hawak ni Adrian.
“Sabi ni Chloe may dala ka. Hindi ka ba kumain sa ----”
“Sinong gaganahang kumain?” agaw nang dalaga.
“Galit ka pa rin.” Wika nang binata.
“Hindi ako galit. Nagtatampo, Oo. Sana hindi mo nalang ako pinaghintay doon.”
“Hindi ka pa ba kumakain?” tanong nang binata kay Elleri. Simpleng umiling ang dalaga. Wala siyang ganang kumain. Matutulog na sana siya nang pero bigla siyang kinausap ni Adrian.
“Come. Kumain tayo. Gutom na rin ako.” Wika ni Adrian saka tumayo sa kama.
“Ngayon? Nang ganitong oras?” Gulat na tanong nang dalaga na napatingin sa oras sa side table. “Wala nang bukas na ----”
“We don’t need to go outside para kumain.” Wika nang binata saka lumapit sa asawa at hinawakan ang kamay nito at inakay patayo.
Hindi naman tumutol ang dalaga sa ginawa nang binata at hinayaan niya itong akayain siya papalabas nang silid. Napatingin si Chloe sa kanila na noon ay nakatayo at inililigpit ang mga gamit niya. Taka siyang napatingin sa mag-asawa.
“Aalis kayo?” tanong ni Chloe sa kapatid niya.
“Kakain.” Wika ni Adrian sa kapatid.
“Nang ganitong oras? Wearing your pajamas? Wala nang bukas---” putol na wika nang dalaga nang makitang tumuloy sa kusina ang dalawa. Nagkibit balikat nalang ang dalaga saka kinuha ang mga gamit niya at naglakad patungo sa silid niya.
Inalalayan ni Adrian ang dalaga na maupo sa isang bakanteng upuan sa harap nang mesa. Saka naglakad patungo sa paper bag na may lamang pagkain mula sa restaurant. Nakita niyang inilabas ni Adrian ang pagkain mula sa loob saka lumapit sa microwave para initin iyon. Matapos mainit ang pagkain, inilagay ni Adrian ang pagkain sa pinggan para sa kanila ni Elleri saka lumapit sa asawa. Inilapag nito ang pinggan sa harap nang dalaga saka sa kabilang bahagi naman siya naupo.
Nang makaupo ang binata, napatingin ang dalaga sa binata.
“What?” Tanong ni Adrian nang mapansin ang tingin ni Elleri sa kanya.
“You know, you don’t have to force yourself.” Wika nang dalaga.
“I am not forcing myself. Inaya kitang kumain sa labas. At hindi ako nakasipot. This is a form of my apology.” Wika nang binata.
“If you are really that sincere. Eh sana pinagluto mo manlang ako. Hindi yung pagkaing dala ko pa ang inihanda mo.” Wika nang dalaga.
“Wala na akong oras. At ang totoo niyan. Nagugutom na rin ako.” Wika ng binata saka inilagay sa kamay ni Elleri ang kutsara at tinidor. “Kumain na tayo.” Wika pa nito.
“Ginabi ka nang uwi, pero hindi kapa kumakain. Hindi ka ba pinakain ni Ester?” tanong ni Elleri.
“Alam mong hindi marunog magluto si Ester. A model and an actress like her has servants to serve her every need. Isa pa hindi ko na magagawang kumain. I was looking after her the whole time. Nawala sa isip ko.”
“Dahil si Ester ang kasama mo okay lang siyo na hindi ka makakain. Time flies kapag kasama mo siya. Talagang wala kang pakiaalam sa nangyayari sa paligid mo kapag nandiyan si Ester.” Napasimangot na wika nang dalaga.
“Are you jealous?” Tanong ni Adrian saka ngumiti sa dalaga.
“Jealous? Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo. Kumain ka nalang.” Anang dalaga saka nagsimulang kumain. “Hmm, ang galing magluto ng chef na iyon. Akala ko binigay lang niya sa akin ang pagkain dahil magsasara na sila.” Anang dalaga.
“Binigay?” gulat na wika ni Adrian saka tumingin sa dalaga. “Hindi mo binili to?” Tanong ni Adrian.
“Hindi. Bakit ako mag-uuwi nang pagkain kung alam kung hindi ako sinipot nang nagyaya sa akin.” Wika nang dalaga. “Binigay niya ‘to dahil naawa siya sa akin. Nakakawa pala ang itsura ko habang naghihintay.” Anang dalaga saka napailing.
“Gwapo ba?” Tanong nang binata.
“Sino?” Tanong nang dalaga saka napatingin sa Binata.
“Anong sino. Yung chef na nagbigay sa iyo nito.” Anang binata.
“Hmm, now that you ask. Hindi ko masyadong nakita ang mukha niya.” Anang dalaga saka napatingin sa binata. “Bakit mo tinatanong?”
“Hindi ikaw ang taong tatanggap nang kung ano sa mga hindi mo kilala. Unless he is---”
“Hey Mister. Ano namang akala mo sa kin. Hindi ako tumitingin sa panlabas na anyo lang. He seemed nice, he insists on giving it to me dahil naawa siya sa ‘kin. Kung hindi sana ako inindiyan nang kausap ko hindi ako parang tangang naghihintay sa loob nang restaurant.” Anang dalaga. “Isa pa, bakit mo ba kinukwestyon ang intensyon niya. Kinakakain mo rni naman ang ibinigay niya.” Wika nang dalaga.
“Dahil gutom ako.” Sagot nang binata. “But next time huwag ka nang tatanggap nang kung ano-ano sa hindi mo kilala.” Wika nang binata. “Next time. Tatawag ako kapag may nangyari at hindi ako makakarating sa usapan natin.” Nang binata.
“What makes you think na meron pangsusunod?”
“Wala na ba? Galit ka ba sa akin at ayaw mo na akong makasama.” Tanong nang binata at napatingin kay Elleri. Natigilan naman si Elleri at napatingin sa binata.
“Pag-iisipan ko. Kung magiging mabait ka sa akin.” Anang dalaga.
“Anong klaseng kondisyon yan?” Tanong ni Adrian. Nagkibit balikat lang ang dalaga sa sinabi ni Adrian saka ngumiti.