Ep - 15

1115 Words
Habang nasa faculty room si Elleri, napansin niyang biglang tumunog ang cell phone niya. Nang tingnan niya ang caller iD na nakaregister. Pangalan at mukha ni Adrian ang nakita niya. Mabilis siyang napatingin sa paligid, para masigurong walang ibang tao sa loob nang faculty room, Kasalukuyang nasa lunch ang mga guro. Habang siya naman ay may tinatapos na report. Agad niyang kinuha ang cell phone niya at sinagot ang tawag muka kay Adrian. “Adrian? May nangyari ba?” Tanong nang dalaga nang sagutin ang tawag mula sa binata. “Hi din.” Nakangiting wika ni Adrian nang marinig ang tanong nang dalaga. “Kailangan bang may mangyari para tawagan kita?” Tanong nang binata na hindi matanggal ang ngiti sa labi. “No, I don’t mean that way. You don’t normally---This is the first time you’ve called me.” Anang dalaga. “Well, in the future mas dadalasan ko pa ang pagtawag saiyo.” Wika nang binata. “Bakit ka nga pala napatawag?” Tanong ni Elleri. “Nag lunch ka na ba?” tanong nang binata. Biglang kumabog ang dibdib ni Elleri nang marinig ang tanong nang binata. Nagtatanong lang naman si Adrian kung naglunch na siya bakit nagkakagulo na ang dibdib niya. Para siyang nabibingi sa lakas nang kabog nang dibdib niya. “Elle.” Narinig niyang tinawag siya ni Adrian mula sa kabilang linya. Ilang sandali din siyang natahimik. Gusto niyang magsalita pero ang lakas nang kabog nang dibdib niya. Parang siyang nabibingi at pakiramdaman niya may bumara sa lalamunan niya. “Nandiyan ka pa ba? O binababaan mo na ako?” pabirong wika ni Adrian sa dalaga. “I’m Here.” Sagot nang dalaga. “I thought binabaan mo na ako. Bigla ka kasing natahimik.” Wika ni Adrian. “Well, nagulat lang ako.” “Nagulat? Saan? Dahil tinatanong ko kung nag lunch kana?” Tanong ni Adrian. “Masamang tanungin ko ang asawa ko kung kumain na siya?” wika pa nang binata mula sa kabilang linya dahilan para lalong kumabog ang dibdib niya. “You are acting silly.” Wika ni Adrian sa dalaga. “Don’t call me that. And it’s not my fault kung nagulat man ako dahil yun, wala kang pasabi.” Anang dalaga. “Walang pasabi? Kaya nga tinawagan kita diba.” Anang binata. “Wala ka bang gagawin? Marami ka yatang libreng oras.” Usal ni Elleri. “Well, naisip kong simula nang dumating ka hindi pa tayo lumalabas nang tayong dalawa lang.” “Kailangan ba yun?” tanong nang dalaga. Sa kaba niya iyon ang lumabas sa bibig niya, which she doesn’t mean exactly. Matapos niyang sabihin iyon. Biglang natahimik si Adrian sa kabilang linya. “Adrian.” Mahinang sambit nang dalaga sa binata. “Sorry. I don’t mean----” “It’s okay. I know. Masyadong biglaan ang pagyayaya ko. Pero naisip ko magkaibigan naman tayo at limang taon tayong hindi nagkita so----” “Dinner.” Biglang wika nang dalaga. “Sa faculty room na ako nang lunch dahil marami akong ginawaga. Pwede tayong magdinner.” Anang dalaga. Napangiti naman si Adrian nang marinig ang sinabi ni Adrian. “Dinner is good. Wala na akong practice mamayang gabi. Pwede namang mag take out nalang si Chloe.” Anang binata. “Hindi ba natin siya isasama?” Tanong nang dalaga. “Kung gusto mo siyang isama at maging panggulo pwede rin. Isama mo na din ang pamangkin mo. Kelan ba siya lilipat sa bahay?” Tanong ni Adrian. “Kakausapin ko pa si kuya. Baka sa susunod na linggo.” Anang dalaga. “Eti-text ko saiyo ang restaurant kung saan tayo mag didinner. Hindi nakita masusundo, okay lang ba?” tanong nang binata. “Okay lang, alam ko namang busy ka.” Wika nang dalaga. “Sige kita tayo mamaya.” “Sige.” Mahinang wika ni Elleri. Napatingin siya sa cell phone niya nang maputol ang tawag ni Adrian. Ilang sandali din siyang nakatingin sa cell phone niya. Hanggang sa mga sandaling iyon malakas parin ang kabog nang dibdib niya hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang reaksyon niya niyaya lang naman siya ni Andrian na kumain sa labas bakit parang sira ang functions nang puso niya. Dumating si Elleri sa restaurant kung saan sinabi ni Adrian na magkikita sila. Nang una, masaya pang naghihintay si Elleri sa binata, pero dumaan ang isa, dalawang oras wala pa ding Adrian na dumarating. Panay ang silip niya sa pinto tuwing bumumukas ang pinto nang Restaurant na papatingin siya doon nagbabaka sakalaing si Adrian ang papasok sa loob, but everytime, she is disappointed. Ilang beses na ding lumapit sa kanya ang waiter at nagtatanong kung oorder naba siya. Dahil kanina, sinabi niyang may hinihintay pa siya. Ngunit inabot na siya nang halos closing time nang establishimento ay hindi parin nagpapakita kahit anino ni Adrian. Sinubukan din niyang tawagan nang ilang beses ang binata pero hindi niya makontak ang binata. “Ma’am pasensya na po, pero kailangan na naming magsara. Gusto niyo po bang mag order nang----”putol na wika ng binatang waiter. “It’s okay. Mukhang hindi na darating sang kasama ko. Pasensya na.” agaw ni Elleri sa iba pang sasabihin nang lalaki saka tumayo. Tipid na ngumiti ang dalaga saka naglakad papalabas nang restaurant. Napatingin lang ang waiter sa dalaga natila nakakaawang tingnan habang papalabas at bagsak ang balikat. Bago lumapas nang pinto biglang sinalubong si Elleri nang chef nila na may dalang maliit na paper bag. Taka namang napatingin si Elleri dito. “Here, a compliment from----” “It’s okay.” Tanggi nang dalaga. “No, Please I insist. Alam kung hindi ka pa kumakain. Nakita kita kanina.” Wika nito at kinuha ang kamay nang dalaga at inilagay ang hawakan nang paper bag sa kamay nang dalaga. “Ginawa ko talaga yan para saiyo.” Nakangiti wika nang chef. “Sorry to say this, pero kung sino man ang date mo na hindi kasinupot, he is missing something. Hindi niya dapat pinaghintay nang matagal ang isang gaya mo.” Wika nito sa kanya. “Thank you.” Tipid na wika ni Elleri. “Aalis na ako, salamat uli dito.” Wika pa nang dalaga saka binuksan ang pinto ng restaurant at lumabas. Agad na sumakay nang taxi ang dalag nang makalabas nang restaurant. She is so dishearted dahil sa nangyari. Kahit papaano, umasa siyang talagang darating si Adrian lalo na at ito ang nagyaya sa kanya na kumain sa labas. Kung hindi pala ito pupunta di sana sinabi nito sa kanya. umasa siya. At hindi manlang ito nag text o tumawag kung hindi siya makakarating. Pinaghintay siya nito sa wala bagay na lalong ikinasama nang loob niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD