Ep - 17

1196 Words
Isang inter-school basketball competition ang nilahokan nang school na pinapasukan ni Elleri. Sa unang dalawang game palang talo na agad ang team nila. Una hindi masyadong magaling ang mga players nang basketball team. Pangalawa, tila hindi marunog ang coach nila. Kaya naman walang nagawa ang mga ito laban sa kanilang kalaban. Bagsak ang mga balikat na umuwi ang mga players nang team. Nang salubingin nina Elleri ang mga estudyante hindi maipinta ang mukha nang mga ito dahil sa labis na kalungkutan. Hindi pa doon, natatapos ang problema nila. Ilan sa mga players ang biglang nag quit. Ayaw nilang muling matalo sa larong alam nilang wala namn silang magiging laban. Isang malaking problema ang kinakaharap nang school nila ngayon. Wala silang sapat na mga players na pwedeng magpatuloy nang inter-school competition. At isang linggo mula ngayon ang susunod nilang laban. Nasa isang emergency meeting ang lahat nang mga guro at faculty members dahil sa biglaang pag back out nang mga members nang basketball team. Hindi naman nila masisisi ang mga ito dahil sa talagang napakagagaling nang mga kalaban nilang school at sila halos hindi kilala ang basketball team. Walang maayos na training at tila hindi rin trained ang coach nila. Sa meeting na iyon dumalo ang team captain nang basketball team at ang dalawang natitirang miyembro at ang coach nila nahaharap sa isang matinding dilemna ngayon ang school at ang basketball team nila. Habang nasa meeting ang mga guro at mga miyembro nang basketball. Bigla namang dumating si Adrian sa school nina Elleri. Sinabi niya lang sa security guard na nasa gate nang school na isa siyang family member nang isang estudyante doon at nagpunta siya dahil pinatawag siya nang guro nila. Nagpakita siya nang isang ID. Matamang nakatingin sa kanya ang Security guard at ID na ipinakita niya. “Alam mo parang kamukha mo ang sikat na basketball player.” Wika nito habang nagpapalit-palit ng tingin sa ID card nang binata at sa mukha nito. Napangiti lang si Adrian. “Marami ding nagsasabi. Pero pwede bang ilihim lang natin baka mapagkamalan akong basketball player at dumugin ang school.” Wika nang binata saka muling isinuot ang shades. Natawa lang ang lalaki sa sinabi ni Adrian saka ibininalik ang ID nito sa binata at hinayaang makapasok. Nagpasalamat naman si Adrian saka naglalakad papasok sa school Habang naglalakad siya nahagip nang tingin niya ang isang binatang solong naglalaro nang basketball. Matama siyang napatingin din bago nagpasyang lapitan ang binata. Isang three-point shot ang ginawa nang binata pero hindi ito pumasok. Nang bumagsak ang bola sa ilalim nang ring agad namang kinuha ni Adrian ang bola na noon ay nasa ilalim nang basketball ring at nakatingin sa binata. “I didn’t know you play basketball.” Wika nang binata habang hawak ang bola saka tinanggal ang suot na shades. Napatingin naman ang binata sa bagong dating. “Tito Adrian?” Takang nang binata ng makilala ang binatang nasa harap niya. “Hi!” nakangiting wika nang binata sa estudyante. “Sabi nang Tita mo sa bahay ka namin titira. Nakapagpaalam ka na ba sa papa mo?” tanong ni Adrian. Ang binatang nasa basketball court ay si Dillon ang pamangkin ni Elleri. “Inaayos ko pa ang mga gamit ko.” Sagot nang binata at naglakad papalapit kay Adrian. “Anong ginagawa niyo dito?” Tanong nito kahuminto sa harap nang binata at inilahad ang kamay na tila hinihingi ang bolang hawak ni Adrian. Simple namang napatingin si Adrian sa bola saka bumaling sa binata. “So, you like playing basketball. Ang alam ko around this season may mga interschool competition. Kasali ka ba sa basketball team?” Tanong nang binata. “Nagsimula na nag interschool competition. Pero hindi ako kasali sa basketball team. Mukhang hindi na rin sila makakapaglaro sa susunod na game.” Wika nang binata. Napakunot naman ang noo ni Adrian. “May nangyari ba?” tanong Adrian. “The normal thing. They played and they lost. And the members quit.” Walang emosyon na wika nang binata. “With only two players, how can they join the competition.” Dagdag pa nang binata. “You can join.” Wika ni Adrian saka inabot ang bola sa binata. “What?” gulat na wika ni Dillion dahil sa sinabi nang binata. “I am serious.” Anang binata. “Pinanood kitang maglaro. You have---” “Hindi na. Hindi para sa akin ang basketball.” Wika nang binata saka kinuha sa kamay ni Adrian ang bola. Tumalikod ang binata kay Adrian. Nang akmang aalis ito at iiwan ang binata. Biglang natigilan si Dillon nang pumasok sa basketball court sina Rafael kasama ang mga kaibigan nito. Bahagyang napaatras ang binata nang makita si Rafael. Napatingin naman si Adrian sa bagong dating nang makita ang reaksyon ni Dillon. “I didn’t know, you could play basketball.” Nakangising wika ni Rafael saka lumapit sa kaklase at marahas na inagaw ang bola sa kamay nang binata. Saka nag dribol patungo sa basket ring at nag lay-up. Nakatingin lang si Adrian sa ginawa ni Rafael. Biglang naningkit ang mata ni Adrian nang bigla nalang batuhin ni Rafael nang bola ang nakatalikod na si Dillon matapos nitong saluhin ang bola. “Bakit nanliit ka ngayon? Wala ba dito ang teacher protector mo?” ngumising wika nito. Teacher protector? Tanong nang isip ni Adrian saka napatingin kay Dillon. Malaking katanungan din sa isip niya kung bakit parang hindi lumalaban si Dillon. “Bakit ka naglalaro nang basketball dito? May balak ka bang sumali sa basketball team? Kahit sumali ka ngayon. Hindi rin sila makakapaglaro dahil walang players. At anong mapapala nila sa isang duwag na tulad mo?” wika pa ni Rafael na nag dribol papalayo. Huminto at malakas na binato ang bola kay Dillon nang humarap ang binata sa kanya. Nang makita ni Dillon ang bola na lumilipad patungo sa direksyon niya awtomatiko niyang naging reaksyon ang takpan ang ulo niya para hindi matamaan nang bola. Ngunit biglang natigilan si Dillon at mabilis na tinanggal ang kamay na nakatakip sa ulo nito nang hindi tumama ang bola sa kanya nang mag-angat nang tingin si Dillon, nakita niya si Adrian na nasa harap niya at sinalo ang bolang ibinato ni Rafael sa kanya. maging si Rafael ay nabigla din sa ginawa nang binata at takang napatingin dito. “Sino ka naman?” tanong ni Rafael sa binata. “Napadaan lang ako dito.” Wika nang binata saka nag simulang i-dribol ang bola. “Alam mo, ang basketball hindi ginagamit para manakit.” Wika nang binata saka hinawakan sa kamay ang bola at tumingin kay Rafael nang derecho. “Do you play basketball?” tanong nang binata . “Kumpara sa lampa na yan. I can handle my own.” Mayabang na wika nito. Simple namang napatingin si Adrian kay Dillon na tahimik sa likod niya. “What do you say we play 3 on 2.” Deklara nang binata. “What?!” gulat na wika ni Rafael a Dillon na in-sync pa. napangiti namang napatingin si Adrian kay Rafael at Dillon. Unexpectedly, you are in sync. Wika nang isip ni Adrian habang nakangisi dahil sa pagkamangha sa reaksyon nang dalawang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD