"Oh? Bakit nandiyan kayong lahat?” tanong ni Elleri sa mga kasamahang guro nang pumasok sa faculty room at makita ang mga ito na nakatambak sa isang sulok kung saan naroon ang TV. Nang marinig nang isang binatang guro ang boses ni Elleri agad nitong nilingon ang bagong dating.
“Ma’am Elleri, dumating kana pala, tingnan mo nasa TV na naman ang Sikat na basketball star na si LA Sutherland. Kagabi nanalo sila sa quarter finals nang playoffs. Ibig sabihin pasok na sika sa Semi-finals. Kapag nagtuloy-tuloy tiyak pason na naman ang team nila sa finals. High chance, na sila na naman ang magiging champion.” Excited na wika nang guro at umiwas mula sa harap nang TV. Agad anamang napatingin si Elleri sa TV. Doon, nakita niya ang interview ng binata sa katatapos lang na quarter finals game. At gaya nang inaasahan, ito na naman ang itinanggal na MVP of the game. Talagang Hindi mapigilan ang kasikatan nang binata. Napatingin si Elleri sa mga guro sa loob nang faculty. Hindi niya akalaing maging ang mga ito ay fans din ni Adrian.
“Ang swerte naman talaga ni Aster. Isang Gwapo at mayamang basketball ang naging kasintahan niya.” Wika nang isang ginang na guro saka naglakad papalapit sa mesa nito. “Alam niyo bang nabasa ko mula sa interview ni Aster, na Five years ago bago siya umalis nang bansa, para tuparin ang pangarap niyang maging model sa Paris. Inaya siyang magpakasal ni Adrian. But she has to decline dahil sa mga pangarap niya.” Dagdag pa nito.
“Nabasa ko rin yan.” Wika pa nang isang babaeng guro. “Isipin niyo, after he was rejected. Hindi siya tumigil sa pagmamahal kay Aster. Hindi rin siya naghanap nang iba. He was waiting for him. Ngayon nagbalik na si Aster, baka matupad na ang naudlot nilang love story. Diba ang romantic noon? Talagang first love never dies.” Kinikilig na wika nang isa pa. Napatingin lang si Elleri sa mga kasamahan niya. Ano bang alam nang mga ito tungkol sa love story nang dalawa.
“Hindi lang yan. Bukod sa pagiging magaling na basketball player isa din siyang successful businessman, sikat na sikat ang sports shoes niya at sarili niyang brand. Saan ka naman makakahanap nang ganyang lalaki ngayon?” wika pa nang isang dalagang guro. “Sana naging kasing swerte ako ni Aster, hindi ko napakakawalan si LA. I heard they are childhood sweetheart. Girl siya na! Sa kanya na ang korona nang mga mapapalad. Siguro nang magsabog nang swerte ang diyos dilat na dilat siya. Successful sa pag-ibig at career.” Wika nito at lumapit kay Elleri.
Simpleng ngumiti lang si Elleri babang nakatingin siya sa TV. Mukhang lahat nang mga tao doon manghang-mangha kay Aster at Adrian at sa love story nila. Lihim siyang napakuyom nang kamao. Siya ang taong pinakasalan ni Adrian pero malabong magkaroon nang pagkakataon na kilalanin siya nang lahat gaya nang kung paano nila itaas sa pedestal niya si Ester.
“Siya nga pala, matanong ko. Sutherland ang apelyido mo?” tanong nang isang babaeng guro. Biglang napatingin si Elleri sa nagsalita. Ang iba namang nandoon sa loob nang faculty room ay napatingin kay Elleri.
“Now that you mention that ngayon ko lang din napansin. Magkaano-ano ba kayo ni LA?” Tanong nang isang Guro. Taka namang napatingin ang dalaga sa mga ito. Sasabihin ba niyang mag-asawa sila ni Adrian? Alam naman niyang hindi siya paniniwalaan nang mga ito kahit na sabihin niya.
“Ang alam ko may kapatid na babae si LA. And as far as I know, isa siyang estudyante sa school na ito. Malabong ikaw yun.” Wika pa nang isa kay Elleri. Pilit na ngumiti ang dalaga.
“I think Sutherland is a common name.” biglang wika nang isang lalaking teacher dahilan para mapatingin ang lahat dito.
“Common name? Ganoon ba yun?” Tanong nang isang guro. Saka tumingin kay Elleri. “Probably so, Kung iisiping mabuti, malayo ang agwat niyo ni LA lalo na sa pag-aayos. Isa kang plain looking Teacher. Hindi marunog mag-ayos, hanggang ngayon nga iniisip ko parin, pulbos at lipstick lang ba ang alam mong ilagay sa mukha mo?” Wika pa nang dalagang guro. “Not that it’s bad, pero kung magkamag-anak kayo ni LA, you would pay more attention sa ayos mo. Dahil ano nalang ang iisipin nang iba kapag nalaman may kamag-anak si LA na ------” wika nito na tumigil sa pagsasalita habang nakatingin kay Elleri.
“Bakit ma’am Carla? Maganda naman si Ma’am Elleri sa ayos niya. Simple lang at kitang-kita ang natural niyang ganda. Hindi gaya nang mga babae ngayon ang kakapal nang makeup. Hindi mo na tuloy alam kung anong tunay niang itsura kapag tinanggalan nang make up. Para sa akin, hindi masama ang maging plain ang simple.” Wika naman nang binatang guro. Napatingin si Elleri dito at simpleng ngumiti, atleast may iba pang naniniwala sa kanya no. Hindi naman niya naisip na mag-ayos dahil hindi naman niya iyon forte. At walang dahilan para doon. Iyon kaya ang dahilan kung bakit hindi siya magustuhan ni Adrian?
“Kuh, ano bang alam mo. Ang mga lalaki ngayon hindi na nila gusto ang mga Pa Maria Clara ang dating, Nasa information age na tayo 21st century. Hindi ako magtataka kung tatandang dalaga yang si Elleri.” Wika nito saka tuimgin kay Elleri. “Don’t get me wrong, Sinasabi ko ito dahil, alam ko namang maganda ka. Kailangan mo lang mag-ayos nang konti.” Wika pa nito. “Baka sa susunod, ikaw na nag mabalitaan naming asawa nang isang bilionaryo. Diba maganda yun.” Nakangiting wika pa nito.
“Kung nagkataon Nagpapatunay lang na kung ano man ang nakikita natin sa TV at naririnig na balita tungkol sa mga lalaki ngayon, nagpapatunay lang na totoo lahat nang iyon sa panlabas na anyo nalang sila nakadepende kung mamahalin nila o hindi ang isang babae.” Wika pa nang binata.
“Sabihin mo, Norman, may gusto ka ba kay Elleri?” tanong nito. Dahil sa tanong nang dalaga biglang pinamulahan nang mukha si Norman at tila na awkward. “Kung ipagtanggol mo siya wagas. Iniisp ko tuloy ikaw itong patay na patay kay Elleri.” Wika pa ni Carla.
“Ano namang masama? Hindi naman masamang magkagusto. Kung wala siyang Boyfriend, plano ko sanang mangligaw.” Derechang wika nang binata na ikinagulat ni Elleri. Hindi niya alam kung papaano magrereact. Bago lang siya sa school na iyon. Mababait lahat nang mga guro lalo na si Norman na parati siyang tinutulungan. Pero hindi niya binibigyan iyon nang malisya lalo na at isang tao lang naman ang tinitibok nang puso niya.
“Hay naku, Kawawa ka naman. Ligaw tingin halik hangin ka nalang. Sabagay, bagay kayo ni Elleri, parehong simple.” Wika nito at ngumiti,
“Tumigil ka nga Carla kung magsalita ka para kang hindi guro. Mamaya marinig ka nang mga estudyante kung ano pang sabihin tungkol sa iyo. Biglang guro kailangan nating maging ihimplo nang mabuting asal at gawi.” Wika nang ginang. Tipid na ngumiti lang si Elleri nang makitang iniikot lang ni Carla ang mga mata na para bang sinasabi na wala siyang pakiaalam sa sinabi nito. Kasabayan lang niya si Carla na pumasok sa paaralang iyon. At noon paman makikita na ang pagiging direkta nitong magsalita at pagiging magaslaw. Marami ding estudyante ang nagkakacrush dito dahil sa galing nitong magdala nang damit at sa ganda nito. Sa lahat nang mga dalagang guro siya lang ang sopistikadang gumalaw sa kanila. Makikitang galing sa isang marangyang pamilya.