Ep - 13

1308 Words
"Good morning!” masiglang bati ni Elleri kay Adrian nang bumaba ito mula sa silid niya. Taka namang napatingin ang binata sa asawa at sa kapatid niyang nasa comedor. Isang linggo na si Elleri sa bahay niya pero ngayon lang siya nito ipinaghain nang nag agahan. “Good morning kuya.” Wika ni Chloe na tumayo sa kinauupuan saka lumapit sa kapatid niya at hinalikan ito sa pisngi. “Anong meron?” takang tanong nang binata habang nakatingin sa dalagang naghahanain nang almusal nila. Napatawa ito nang mahina dahil sa naging reaksyon niya. “Well, I’ve prepared breakfast for us.” Wika nang dalaga saka hinila ang upuan para kay Adrian. Napakunot naman ang noo nang binata habang nakatingin sa dalaga. Takang napatingin si Adrian sa kapatid niyang nakagiti habang kumakain. “May nangyari ba?” tanong ni Adrian saka naupo. “Bakit? Kailangan bang may okasyon para maghanda ako nang agahan natin?” Natatawang wika nang dalaga saka naupo. “Naisip ko lang na, total naman nasa iisang bahay lang tayo at mas madalas tayong magkita. Naisip kung ako na ang gagawa nang mga gawaing bahay at mag luto nang pagkain natin.” Wika ni Elleri. “I don’t know. Kakaiba ang pakiramdam ko. Para bang may manyayaring kakaiba.” Anang binata. “You are just overthinking.” Natatawang wika ni Elleri saka inabot kay Adrian ang pinggan na may lamang sunny side up. “Look. Hindi kita lalasunin. Kung makatingin naman to.” Wika ni Elleri nang mapansin ang tingin ng binata sa kanya. Hindi naman siya nagtataka kung talagang nabigla ito. sa isang linggo pananatili niya sa bahay nito ngayon lang siya naghanda nang pagkain nila. Naging busy lang naman siya sa school na pinapasukan niya at medyo nag adjust din siya dahil madalas nagpupunta si Carlos sa bahay nila nang maaga at may dalang almusal sa binata. Dahil sa sinabi ni Elleri, napangiti lang si Chloe. “How was it?” Tanong ni Elleri nang magsimulang kumain si Adrian. Napatingin naman si Chloe sa kapatid niya na tila naghihintay din sa sagot nito. Napakunot ang noo nang binata saka napatingin kay Chloe at Elleri. “Taste like egg to me.” Wika nang binata. Tila nagtatampo namang napatingin si Elleri sa binata dahilan para mapabulalas nang tawa si Chloe. “Sorry.” Wika ng dalaga na pinipilit na hwag tumawa. “Bakit?” takang tanong ni Adrian kay Elleri. “May iba bang lasa ang itlog?” Tanong nang binata. “Nevermind.” Kunwari nang tatampong wika ni Elleri sa binata. “It tastes great.” Wika nang binata at ngumti kay Elleri. “Talaga?” biglang umaliwalas ang mukha nang dalaga na tumingin sa binata. “Yes, for an egg.” Anang binata. Napangiti naman si Chloe at iniyuko ang ulo niya para hindi makita nang dalawa ang reaksyon niya. “Milk?” tanong ni Adrian saka tumayo. Tumango naman si Elleri sa asawa niya. Tahimik na naglakad si Adrian patungo sa Fridge saka kumuha nang gatas. “Ah.” Anang dalaga na napatingin kay Adrian na kasalukuyang nagsasalin nang gatas sa basong nasa tabi ni Elleri. “Bakit?” tanong nang binata saka napatingin sa dalaga. “Pwede bang dito tumira sa atin ang pamangkin ko?” tanong nang dalaga. “You know him. Anak siya -----” “Yeah. I know him.” Agaw nang binata saka naglakad patungo sa kinauupuan niya kanina. “Bakit? May nangyari ba?” Tanong ni Adrian nang makabalik sa pagkakaupo. “I am not particularly sure, but I think, may problema siya. He is not that open sa Papa niya. And my brother is always busy sa trabaho niya. I think----” wika nang dalaga na biglang natigilan. Biglang pumasok sa isip niya ang sinabi ni Carlos. Kung magdadala siya nang ibang tao dito tiyak na magagalit iyon. Siya palang, masakit na ang ulo nito sa pag-iisip kung paanong hindi siya magiging problema may Adrian at sa Career nito. “Bakit ka tumigil?” Tanong nang binata. “Well, naisip ko lang na, magiging abala----” “Why are you thinking like that?” Agaw nang binata. “Well, kasi naman----” “You are overthinking. Kung si Carlos ang iniisip mo at kung anong sasabihin niya. Don’t. Bahay mo na din ang bahay na’to. If you think Dillon needs, you. Dalhin mo siya dito.” Wika nang binata. “Really?” tanong nang dalaga na parang kinukumpirma ang sagot nang binata. “Yes. Don’t think about Carlos. My team has not funded this house. Kaya pwedeng tumira dito kahit sino. This is your house too, you can do whatever you want.” Nang binata. “Yey! Thank you.” Sobrang saya na wika ni Elleri na biglang tumayo. At dahil sa labis na tuwa niya agad niyang niyakap ang binata. Dahilan para matigilan si Adrian. Maging si Chloe ay natigilan din at napatingin kay Elleri. Bigla namang natigilan si Elleri nang mapantanto kung anong ginawa niya. Saka umayos sa pagkakatayo at lumayo sa binata. “Sorry.” Wika ng dalaga. “It’s okay.” Simpleng wika ni Adrian. Did his heat just skip a bit? Iyon ang tanong niya sa isip niya. O baka na bigla lang siya dahil sa ginawa nang dalaga. Pero lihim siyang natuwa sa reaksyon ni Elleri. Wala naman espesyal sa ginawa niya pero tuwang-tuwa ito. “I’ll Call Dillon.” Wika nang dalaga na nahihiyang umalis sa hapag. “Wait, hindi ka na ba kakain?” Habol nang binata ng tangkang aalis ang dalaga. “Ah, yeah.” Tila nalilitong wika ni Elleri na bumalik sa pagkakaupo. “Relax. I said it’s okay.” Wika nang binata saka inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga. Dahil sa ginawa nito takang napatingin si Elleri sa binata. Nang mapatingin siya sa binata bigla naman siyang napasinok dahilan para mabilis niyang takpan nang kamay niya ang bibig niya. “Water.” Wika anang binata saka kinuha ang baso nang tubig at iniabot sa dalaga. “Thanks.” Mahinang wika nang dalaga saka tinanggap ang inabot nito. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang reaksyon niya. It’s still the same as before. Adrian can make her heartbeat fast. “Salamat sa almusal.” Wika ni Adrian saka tumayo. “Una na ako, may maagang practice kami ngayon.” Wika nang binata saka tumingin kay Elleri. “Ingat ka.” Simpleng wika nang dalaga na pilit na pinakakalma ang kumakabog pa din niyang puso. “And you, study well.” Wika nito saka bumaling kay Chloe saka kinusot ang buhok nito. "I am. Huwag mong guluhin ang buhok ko." reklamo ng dalaga saka tinanggal ang kamay nang kapatid sa ulo niya. Napangiti lang si Adrian saka umalis. Inihatid naman nang tingin ni Elleri ang binatang papalayo. “Bakit kailanga niyang guluhin ang buhok ko.” Napalabing wika ni Chloe na inayos ang buhok niya saka napatingin kay Elleri na namumula pa din ang mukha. “Ate Elle.” Untag nang dalaga kay Elleri. “H-ha?” Takang baling ni Elleri sa dalaga. “Okay ka lang ba?” Tanong ni Chloe. “O-Oo naman.” Nauutal na wika nang dalaga. “Namumula kasi ang pisngi mo.” She teases. “Kung ano-anong sinasabi mo. Tapusin mo ng pagkain mo. Baka malate tayo sa school.” Wika ng dalaga saka tumayo. Napangiti lang si Chloe. Kung siya ang tatanungin mabuting si Elleri ang pinakasalan ni Adrian. Simula pa lang nang una hindi na niya gusto si Ester lalo na at iniwan nito ang kuya niya para sa career nito. Pero ito namang kuya niya. Bulag yata sa pagmamahal nito kay Ester. Umaasa pa ding muli silang magkakabalikan. At magsasama. Ayaw niyang dumating ang araw na masaktan si Elleri, dahil nakikita niyang talagang gusto nito ang kuya niya. Her brother is just oblivious of her feelings.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD