Ep - 24

1183 Words
"Wow! Manghang wika ni Dillon nang pumasok sila sa loob nang basketball arena. Kasama niya si Elleri at Chloe para manood nang laro nina Adrian. Ito ang unang beses niyang pumasok sa isang basketball arena at magkapanood nang isang live na basketball game. Dati-rati sa cell phone lang siya na nonood at patago pa dahil ayaw nang papa niya nang sports gusto nitong mag focus lang siya sa academics. “Ito ba ang unang beses na nakapunta ka dito?” Tanong ni Chloe sa binata habang binabaybay nila ang daan patungo sa upuan nila sa second floor nang arena. Nasa itaas lang sila nang bench nang team nina Adrian. Manghang-mangha si Dillon sa dami nang tao sa loob nang arena lalo na nang makita ang mga banner na may pangalan ni Adrian. Mukhang majority nang mga nandoon ay mga fans ni Adrian at karamihan sa kanila mga babae. Parang hindi basketball game ang panonoorin nila. Mas mapagkakamalaan itong isang fan meeting nang isang sikat na idol sa dami nang mga banner at babaeng fans na nandoon. “Oo. Ganito pala ang itsura nang loob nang arena kapag live. Pero bakit parang mas mapagkakamalang isang fan meeting ito ni Tito Adrian.” Wika ni Dillon na hindi napigilang maisatinig ang nasa loob niyang komento tungkol sa fans nang binata. Napangiti lang si Elleri. Ganoon din ang komento niya nang una siyang manood nang live na laro nina Adrian. Talagang sikat na sikat ang binata. Iniisip niya ano kaya ang pakiramdaman nang ibang players na makita ang ganitong itsura nang arena. Majority sa mga nandoon ay mga fans ni Adrian sobrang maingay ang mga ito kapag hawak nang binata ang bola. Kung siya ang player nang kalabang team, talagang madi-distract ako sa paglalaro. “Ayan na sila.” Wika ni Chloe nang makaupo at makita ang mga players nang makabilang team na pumasok sa arena. Pagpasok palang ni Adrian sa court agad na dumagundong ang hiyawan sa loob nang arena. “Wow! Ganito siya ka sikat!” hindi makapaniwalang wika nang mga kaibigan ni Raphael. Nang marinig ni Elleri ang pamilyar na boses agad siyang napalingon sa likod nilang upuan. Ganoon na lamang ang gulat niya nang makita sina Raphael at ang dalawang kaibigan nito na nasa likod nila. Mukhang nandoon din sila para manood. Halata ding nagulat si Raphael ng makita ang dalaga. “Bakit Ate?” tanong ni Chloe na napatingin din sa likod nila nang pamansin na nakatingin sa likod nila ang dalaga. Maging si Dillon ay napatingin din nang mapansin na may tinitingnan ang dalawa sa likod nila. Bigla itong napatayo sa kinauupuan nang makita ang mga nasa likod nila. Halatang na bigla sina Raphael at Ang dalawang kaibigan nito nang makita sina Elleri, Chloe at Dillon na magkasama. Nagpapalit-palit pa nang tingin si Raphael kay Elleri at Dillon. “Teacher Elle, anong ginagawa niyo dito? Bakit kasama niyo silang dalawa?” gulat na tanong nang kaibigan ni Raphael. “Extracurricular activity.” Tipid na wika ni Elleri saka ngumiti. “Hindi naman lahat nang activities nasa loob nang school. Kayo anong ginagawa niyo dito?” tanong nang dalaga na inalis ang tingin kay Raphael. Mukhang sa kanilang tatlo ang binatang ito ang mahirap papaniwalain. Para bang kinikwestyon nito ang sagot niya. Sino ba naman kasi ang maniniwala. “Kung extracurricular ito gaya nang sabi mo. Nasaan ang ibang estudyante? Bakit kayong tatlo lang? Masyado mo yatang pinahahalatang may bias ka.” Sakristong wika ni Raphael saka tumingin kay Elleri. Dahil sa sinabi nang binata napatingin si Elleri sa Binata. Tama nga ang hinala niya. Masyadong matalas ang binatang ito. “They don’t like sports.” Wika ni Chloe. Saka tumingin kay Raphael. “Eh, kayo bakit kayo nandito? Dahil ba magsisimula na ang pratice niyo sa basketball team sa lunes kaya nandito kayo para manood?” tanong nito habang nakatingin kay Raphael. “Actually hindi, nandito kami para makita kung gaano kagaling si LA sa live. Sa mga napapanood naming clip mga cut na iyon mula sa mga fans niya. Gusto ring makita ni Raphael kung papaano maglaro ang taong tumalo---” putol na wika nito nang bigla siyang siniko ni Raphael. “You are spying on him?” Natatawang wika ni Elleri. “Who’s spying?” Tanong ni Raphael. “I didn’t know he was a professional basketball player until after that game.” Wika ni Raphael. “Isa ka na rin ba sa tagahanga niya?” biro ni Elleri sa binata. But she was taken aback dahil sa discontented look sa mukha ni Raphael nang bumaling sa kanya. “I hate that guy.” Wika ni Raphael. “I am just curious on how he plays kaya nandito ako.” Paliwanag ni Raphael. “Sabi mo eh.” Wika ni Elleri saka naupo. Nang maupo si Elleri napatingin siya sa sa ibaba nila kung saan nandoon ang bench nang basketball team nina Adrian. Ganoon na lamang ang gulat niya nang makitang nakatingin sa kanila si Adrian. “That brat is here.” Wika ni Adrian nang makita si Raphael na kausap ni Elleri kanina. Alam niyang pupunta sina Elleri para manood hindi naman niya akalaing nandoon din sina Raphael at mukhang nandoon ito para obserbahan siya. Napansin ni Chloe na nakatingin sa kanila ang kuya niya kaya isang mabinig kaway ang iginawad niya sa kapatid. Nakita naman ni Adrian ang ginawa nang kapatid niya kaya kumaway pabalik ang binata. Napansin nang mga teammate niya ang ginawa nang binata kaya napatingin sila sa kinakawayan nito. “Kilala mo sila?” tanong ang isang teammate niya. Napatingin naman si Carlos sa kinakawayan nang binata. “Classmate?” gulat na wika ni Carlos nang makilala ang dalagang nasa tabi ni Chloe. Napatingin naman si Adrian sa nagulat na lalaki. “Classmate?” Gulat na wika nang coach nila nang marinig ang sinabi nang lalaki. “Yung katabi nang kapatid ko. Dati kung kaklase.” Wika ni Adrian. “Saan diyan ang kapatid mo?” tanong pa nang isa. “Yung babae sa gitna.” Simpleng sagot nang binata. “Maganda yang classmate mo. Dalaga pa ba yan?” tanong nang isa pang player na tumayo at napatingin sa dalaga. Napatingin naman si Adrian sa kateammate saka bumaling kay Elleri. Elleri si not the type na mahilig mag-ayos o maglagay nang make up sa mukha. But her beauty stands out at talagang madaling mapansin. She is the exact opposite of Ester. Could be the reason kung bakit kahit matagal na silang magkakilala ni Elleri, he can’t view her other than just a classmate. “After the game, ipakilala mo naman ako. Dalaga pa ba siya?” ulit na tanong nito saka bumaling kay Adrian. Napatiim bagang naman ang binata dahil sa narinig na tanong nang kateammate. Nang isang araw ang binatang si Raphael ang kinainisan niya dahil sa tingin nito kay Elleri. Ngayon naman maging sa ka teammate niya maiinis din ba siya dahil sa ipinapakita nitong interes kay Elleri? Hindi rin niya maintindihan kung bakit siya naiinis wala naman siyang dahilan. “Ano? Dalaga pa ba siya?” tanong ulit nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD