“Isang lang, steal a point and you win.” Wika nang binata. “Pero hindi magiging madali ang makakuha nang isang punto sa akin.” Wika nang binata habang nakangiti kay Raphael.
“Huwag kang mayabang. Makikita mo.” Gigil na wika ni Raphael sa binata. Nagkibit balikat lang si Adrian sa binata. Nagsimula ang laro ni Raphael at Adrian at lahat ay matamang nakatingin sa dalawa. Talagang makikita ang angkin galing ni Raphael sa basketball kaya lang masyadong mainitin ang ulo niya. Habang si Adrian ay relax na relax at tila nag eenjoy pa sa nangyayari. Bagay naman na lalong ikinaiinis ni Raphael.
“Sapalagay mo Tita, okay lang ang ideyang ito?” tanong ni Dillon kay Elleri at lumapit sa dalaga. “Hindi kaya----”
“Huwag kang mag-isip nang masama. Hindi naman childish si Adrian Para----” biglang natigilan ang dalaga nang marinig nila ang malakas na kalampag nang sahig na para bang may bumagsak. Lahat napatingin sa sa basketball court nang marinig ang malakas na tunog, Lahat napaawang ang labi nang makita si Raphael na nakaupo sa sahig habang galit na nakatingin kay Adrian.
“Sabihin niyo nga ulit kung hindi childish si Tito Adrian?” biro ni Dillon sa tita niya. Inis namang napatingin si Elleri sa pamangkin niya. Nang makita ni Dillon ang nanlilisik na mata nang dalaga agad siyang nagsara nang bibig.
“Ano bang ginagawa niya?” Anang dalaga habang nakatingin sa dalawang binata na nasa court.
“Huwag mong sabihing suko kana.” Wika nang binata at inilahad ang kamay kay Raphael.
“Kaya kung tumayo mag-isa.” Wika ni Raphael saka tinapik ang kamay ni Adrian saka tumayo. Napangiti lang si Adrian saka napailing.
Inabot nang tatlumpong minuto ang laro nang dalawa ngunit hindi manlang nakagawa nang kahit isang puntos ni Raphael mula kay Adrian. Kahit sa Three-point line hindi nito magawang maka puntos dahil mabilis na naabot ni Adrian ang bola. Napapaisip tuloy si Raphael kung paano ito nakakakilos nang mabilis. Sa pagtakbo lang malayo siya sa abilities nang binata. Kaya siguro ito tinawag na superstar dahil sa galing nito. Ayaw man iyang aminin talagang magaling si Adrian. At naiinis siya.
Pagod na pagod na napaupo si Raphael sa sahig matapos ang laro nila ni Adrian. Ilang beses na nasa kanya ang bola pero ni isang beses hindi siya nakapuntos. Lahat nang tira niya parating nasusupalpal nang binata. Napatingin siya sa binatag nakatayo sa harap niya. Pareho silang naglaro nang 30 minuto pero pagod na pagod siyang tila walang lang para kay Adrian.
“So, Paano ba yan. Ako ang coach mo for the next few days hanggang sa finals game. Gaya ng napag-usapan.” Wika ni Adrian habang nakatayo sa harap nang binata.
“Tatalunin din kita.” Mahinang wika nang binata.
“Sige ganito nalang. Magpractice ka. After the finals game bibigyan kita nang pagkakataon na bumawi sa akin. Pero dapat manalo kayo sa finals.” Wika nang binata habang nakangiti.
“Nagpapatawa ka ba? Alam mo ba kung anong team ang makakalaban natin? Nasa top 4 sila for the past years. At sila ang finals champion noong nakaraang taon.” Wika ni Raphael.
“Mukhnag ginawa mo ang assignment mo. Good work brat!” wika nang binata saka kinusot ang buhok nang binata. Iniwas naman agad ni Raphael ang ulo sa binata naiinis siyang tinatrato siya ni Adrian na parang isang bata. Napapangiti lang na iniwani Adrian ang binata saka lumapit sa head teacher at sa iba pang players.
“Pwede na tayong mag simulang mag practice.” Wika nang binata.
“Maraming salamat LA. Talagang malaking tulong ang ginagawa mo para sa amin.” Masayang wika nito sa binata. “Teacher Norman, ikaw na ang bahala sa team bilang bagong adviser nila.” Wika pa nito.
“Huwag kayong mag-alala ako nang bahala sa kanila.” Wika pa nito saka bumaling kay LA. “I am not into sports, but I am looking forward na makasama ka sa team.” Wika nang binata saka inilahad ang kamay kay Adrian.
“Looking forward to work with you.” wika pa nang binata at tinanggap ang pakikipagkamay nito.
“Teacher Elle, ” wika ni Norman nang kumawala sa pakikipagkamay sa binata saka bumaling kay Elle. Agad naman sinundan nang tingin ni Adrian ang binata saka napakunot ang noo.
“Excited akong makasama ka sa team.” Wika pa nito sa dalaga.
“Ako din.” Masayang wika ni Elleri saka ngumiti. Napatiim bagang naman binata nang makita ngiti ni Elleri at si Norman na lumapit sa dalaga. Hindi niya maintindihan pero naiirita siya sa nakikita lalo na nag mahihinang tawa ni Elleri habang kausap ang binatang teacher.
“Alright team. Let’s start with a 20 laps sa loob nang court.” Wika nang binata
“Ha?” Sabay-sabay na wika nang mga players.
“Make that 40.” Iritadong wika nang binata. Saka nagsimulang tumakbo. Kahit nagtataka sumunod naman sa kanya ang mga players maging si Raphael na hindi pa halos nagpapahinga ay tumayo mula sa kinauupuan at sumunod sa pagtakbo sa kanila.
“Ah, I am sure. Magiging maganda ang laban sa finals nang laro.” Wika nang head teacher habang nakikita ang mga players at si Adrian na tumatakbo palibot sa court.
“Mukhang energetic ang mga player dahil kay LA. Hindi ko man siya gusto pero nakikita kong malapit sa kanya ang mga players. Kahit si Raphael na hindi nakikinig sa dating coach mukhang mapapaamo niya.” Wika ni Norman habang nakatingin kay Adrian. Nakatingin lang si Elleri sa binata.
“Hindi kaya siya masyadong busy? Ang alam ko nasa finals na siya. Mukhang marami siyang libreng oras.” Dagdag pa nito.
“That I don’t know. Wala naman siyang sinasabi.” Wika nang binata na hininaan ang boses sa huling sinabi.
“Hindi niya sinasabi? Sino?” tanong ni Norman saka napatingin sa dalaga. Taka namnag napatingin si Elleri kay Norman.
“Wala.” Anang dalaga at pili na ngumiti. Ipapahamak pa yata ako nang bibig ko. Anang isip ni Elleri habang nakatingin kay Norman
“O nga pala. Sigurado ka bang hindi kayo related ni LA?” tanong nito. Napakunot naman ang noo nang dalaga sa sinabi nito nagdududa ba ito sa kanya? Tuloy nagsisisi siya na ginamit niya ang apelyido ni Adrian.
“Bakit mo naman natanong?” Maang na tanong nang dalaga.
“Kasi, alam mo napapansin ko na tila malapit sa iyo si LA. Maging sa kapatid niya malapit ka din. Hindi ba kayo magpinsan? Pareho kayo nang last name.” wika pa nito.
“Malabo yun.” Natatawang wika nang dalaga. “Hindi ako magkakaroon ng pinsan na gaya niya. Imagine ang magiging pressure noon.” Dagdag ni Elleri.
“Tama ka. Mabuti nalang at hindi kayo magkamag-anak.” Wika nang binata.
“Bakit naman?” tanong nang dalaga.
“Kasi alam mo---” wika nito saka naputol ang sasabihin at napatitig sa dalaga. “Ang dahilan kung bakit nag volunteer ako na maging adviser nang team dahil nandito ka.” Wika nang binata.
“Ako?” Takang tanong nang dalaga. “Bakit? Alam mo hindi mo kailangang----” putol na wika nang dalaga nang biglang hawakan ni Norman ang kamay nang dalaga bigla namang natigilan si Elleri saka napatingin sa kamay nito. Iyon din ang eksenang nakita ni Adrian dahilan para matigilan siya sa pagtakbo. Saka napakuyom nang kamao.
“Ano naman ang ginagawa niya?” inis na wika nang binata.
“Ang totoo niyan. Gusto kita.” Wika ni Norman, dahilan para lalong matigilan si Elleri. Ngayon lang may nagsabi sa kanya noon. Hindi niya alam kung papaano mag rereact. Nabigla siya sa narinig niya.
“Kung hindi naman---”
“You know, I am married.” Biglang wika nang dalaga. Ito ang narinig ni Adrian nang tangka siyang lumapit sa dalawa. Bigla siyang natigilan nang marinig ang sinabi ni Elleri.
Napaawang naman ang labi ni Norman sa narinig na sinabi ni Elleri. Lalo itong nabigla nang bitiwan ni Elleri ang kamay niya.
“Salamat sa sinabi mo.” Anang dalaga. Ito ang unang beses na may nagconfess sa akin. Kaya lang. Hindi ko pwedeng pilitin ang puso ko. May iba kasi itong hinihintay. Dagdag nang isip nang dalaga pero hindi na niya iyon isinatinig.
“Nakakalungkot naman na marinig yan mula saiyo.” Wika nang binata.
“Don’t think na sinasabi ko ito dahil ayoko saiyo. I am married.”Anang dalaga at ipinakita ang suot niyang singsing. “Mas mabuti pang sa iba mo nalang ibalik ang pagtingin mo. I am sure makakakita ka pa nang mas higit pa sa akin.” Ani Elleri. Napangitinaman si Norman.
“Alam mo bang ito ang unang beses na naglakad loob ako na magtapat pero wala pang isang minuto na basted agad.” Napakamot sa ulo na wika nito.
“I’m so---”
“No. You don’t have to.” Agaw ni Norman na pinutol ang sasabihini ni Elleri.
“Anyway. Thank you for being honest.” Wika ni pa ni Norman. Simple namang ngumiti si Elleri. Hindi niya gustong saktan ang binata dahila alam niyang mabait naman ito pero ano naman ang magiging mabuting maidudulot kung masisinungaling siya? Besides, hindi na rin naman niya matuturuan ang puso niya na mahulog sa iba kung tumitibok ito para kay Adrian, Nga lang the person she likes is inlove with someone else and is oblivious sa nararamdaman niya.
“Hindi ka namna siguro titigil sa pagiging adviser nang team dahil dito.” Anang dalaga.
“Of course not. Susubukan kong e-involve ang sarili ko sa sports. Baka maging exciting ang buhay ko kapag nagkaganoon. At baka dito ko din makilala ang taong magmamahal sa akin.” Nakangiting wika nito.
Na basted na at lahat nakangiti pa din. Wika ni Adrian saka naglakad papalapit sa kanilang dalawa.
“Manager. Tubig at towel para sa mga players.” Wika nang binata nang makalapit sa kanila.
“Ah yes.” Wika ni Elleri saka bumaling kay Chloe saka inakay ang dalaga na magpunta sa kinalalagyan nang tubig at Towel. Habang si Adrian naman ay tumayo sa harap ni Norman.
“May problema ba?” Tanong ni Norman habang nakatingin si Adrian sa kanya.
“Wala naman.” Ani Adrian saka nilampasan ang binata saka naupo sa bench. Taka lang napatingin si Norman sa binata. Hindi niya maintindihan ang kinikilos nito. May lihim bang galit sa kanya si Adrian?