Ep - 37

1211 Words
Napaawang ang labi ni Elleri habang pinapanood ang interview ni Aster. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Sa interview sinasabi ni Aster na binabalak na nila ni Adrian na magpakasal ang that he has given her a ring. Ipinakita pa ni Aster ang isang diamond ring na nasa daliri nang dalaga. Sa interview, walang ibang bukang bibig ang dalaga kundi ang tungkol sa romantic proposal nang binata. Sinabi din ni Aster na hindi niya inaasahan ang proposal na iyon nang binata. And it’s been long overdue. She decided to say ‘Yes’. Ilang taon na rin naman niyang pinaghintay ang binata. Sabi pa ni Aster ayaw na niyang paghintayin si Adrian. And that they are not getting any younger. The host wished her and Adrian best para sa nalalapit nilang kasal. Sinabi din ni Aster na malapit na nilang e-announce publicly ang date nang wedding nila. “Ellie, sabay na kayo nina Dillon pumunta sa stadium. Sinabi ko sa mga players ng team na pumunta nang maaga sa stadium para makakuha sila nang upuan malapit sa bench nang team ko.” Wika ni Adrian na lumabas sa silid nila. “What’s wrong?” tanong ni Adrian nang makitang pinatay ni Elleri ang TV saka inirapan siya at naglakad patungo sa kusina. “Hey! May ginawa na naman ba ako?” habol ni Adrian saka binitiwan ang sports bag niya saka sinundan ang dalaga. Pero hindi siya pinansin ni Elleri. Nang lumapit siya dito agad siya nitong iniwasan saka naglakad patungo sa silid nila. “Ellie, let’s talk.” Habol nang binata saka sinundan ang dalaga patungo sa silid nila. Susubukan sana niyang buksan ang pinto nang silid nila ngunit nang ipihit niya ang seradura nang pinto naka lock na iyon. “Elleri! Hindi pwedeng kapag galit ka sa kin you will just shut down and not talk about it. Ni hindi ko alam kung anong ikinagagalit mo.” Wika ni Adrian saka kumatok sa pinto pero hindi naman sumagot ang dalaga. “Kuya? Anong nangyayari?” tanong ni Chloe nang pumasok sila sa unit nila at makitang kumakatok si Adrian sa pinto nang silid nila ni Elleri. Sa nakikita nila ni Dillon mukhang may tampo na naman si Elleri sa binata. “I don’t know really. You two should talk to her. Sabay na kayong pumunta sa stadium.” Wika nang binata at bumaling sa dalawa. “Elle, aalis na ako. Let’s talk later.” Wika pa nang binata saka humarap sa pinto. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Adrian bago tumalikod sa pinto at naglakad papalapit sa bag niya. “Kami nang bahala kay Tita.” Wika ni Dillon. “Thanks.” Mahinang wika ni Adrian. “See you later kuya.” Wika ni Chloe saka lumapit sa binata at hinalikan ito sa pisngi. Sabay nilang inihatid nang tingin ang binatang lumabas sa unit nila. “Ang hirap talagang kunin ang timpla nang mag-asawang ito.” naiiling na wika ni Dillon. Nagkibit balikat lang si Chloe saka bumaling sa pinto nang silid nina Adrian. Pero sa palagay ni Chloe may ideya siya kung anong nangyari. Nabasa din niya sa social media ang tungkol sa interview ni Aster and it is currently trending. Marami ang masayang marinig ang balita tungkol kay Adrian at Aster Para bang a fairytale come true. Maraming matagal nang nag-aasam na marinig ang balitang iyon. At ang marinig ang kompirmasyon mismo mula kay Aster is big. ***** Nang dumating si Adrian sa Stadium agad siyang sinalubong nang mga reporter at tinatanong siya tungkol sa naging interview ni Aster at humihingi nang detalye mula sa kanya tungkol sa nalalapit nilang kasal. Hindi nakapagsalita si Adrian sa labis na gulat. Hindi niya maintindihan kung anong sinasabi nang mga ito, pero naririnig niya ang tungkol sa kasal. At sa hinihingi nilang detalye how did he propose. Kelan pa niya plinano ang pagpopropose ang when did he propose? Iyon ang naririnig niya. Wala siyang maintindihan. Kelan siya nang propose? “I’m sorry saka na kayo sasagutin ni Adrian sa ngayon kailangan na niyang pumasok hinihintay na siya nang team.” Wika ni Carlos na lumapit kasama ang dalawang security personnel saka pinigilan ang mga reporter saka sinabihan ang mga ito na samahan si Adrian papasok nang stadium. Hindi naman tumutol si Adrian. Ang gusto niya ngayon ay makalayo doon wala siyang ideya sa nangyayari. At nabigla siya sa tanong ng mga ito. Ngunit, hindi pa doon natatapos ang surpresa para kay Adrian nang dumating siya sa locker room. Nakita niya si Aster kasama ang team niya na masayang nag-uusap. And somehow, he heard them talk about proposal and wedding. “Honey, you’re here.” Masayang wika ni Aster saka lumapit sa binata at isang halik ang ginawad sa pisngi nang binata. His teammate teases them nang makita ang ginawa ni Aster. Lalong naguguluhan ang binata. “What’s happening here?” tanong nang binata saka tumingin sa mukha ni Aster. “Ano ka ba. Why are you acting so surprise. Hindi naman alam na may romantic side ka palang tinatago. Sinabi na sa amin ni Aster ang tungkol sa engagement niyo and we are happy for you.” wika ng isang teammate niya. Engagement? Tanong nang binata sa isip niya saka napatingin sa mukha ni Aster. Bakit wala siyang alam sa nangyari. They haven’t talked about it. At nangako siya kay Elleri na hindi gagawa nang kahit ano habang kasal sila. But this? Hindi niya maintindihan ang nangyayari at kung anong iniisip ni Aster. “Congratulations. I think it is time for you to settle. Pero nalulungkot ako sa mga dalagang umaasang mapapansin mo.” Pabirong wika nang coach nila. Dahilan para naman matawa ang mga kateammate nang binata. “Look at him acting all so surprise.” Wika pa nang isang kateammate nila. “Napanood din namin ang interview ni Aster Kanina ang we are curious kung ano ang romantic proposal na sinasabi ni Aster. We are hoping you can give us more details about it.” Dagdag pa nito. “I’d be happy to.” Wika ni Aster at tumingin sa kanila na nakangiti. Interview? Tanong nang isip ni Adrian saka pumasok sa isip niya ang reaksyon ni Elleri kanina at ang biglang pagpatay nito nang TV nang lumabas siya sa silid. “So, that was it?” usal nang binata. Taka namang napatingin ang lahat sa binata nang marinig ang sinabi nito. Tila nagtatanong kung anong ibig sabihin ni Adrian. Ow, that girl. But ba hindi niya sinabi. Usal pa nang isip niya habang si Elleri ang nasa isip. Naiintindihan na niya ngayon ang dahilan kung bakit galit na naman si Elleri sa kanya. “I think we have to talk.” Wika Adrian saka bumaling kay Aster. “Look at him acting so shy about this.” Natatawang wika nang isa pang teammate ni Adrian nang marinig ang sinabi nang binata. “I’ll talk to her. Babalik din ako agad.” Wika ni Adrian saka hinawakan ang kamay ni Aster patapos ibaba ang dalagang bag. Hindi hinintay nang binata ang sagot nang mga ka teammate niya saka mabilis na inakay si Aster papalabas nang locker room nila. Naiwang tigalgal ang lahat at nagulat. Mukhang si Adrian lang ang na engage na tila nabigla sa nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD