Ep - 44

1354 Words
"Ate Elle!” masiglang wika ni Chloe nang makita si Elle na dumating sa gym nang host na school para sa finals nang inter high school competition. Maging ang mga miyembro nang team nila ay napatayo mula sa kinauupuan nang marinig ang pangalang binanggit ni Chloe. Maging si Adrian na kausap si Norman ay napatingin sa bagong dating. Biglang napangiti si Adrian nang makita niya ang dalaga na naglakad papalapit sa kanila. Maglalakad sana siya papalapit sa dalaga ngunit bigla siyang natigilan nang magsitakbuhan ang mga binata kasama si Chloe papalapit sa dalaga. Para itong celebrity na pinalibutan nang mga binata. Hindi naman maitatanggi na talagang napalapit ang mga ito sa dalaga. Sino ba naman ang hindi. Alam naman ng lahat na mabait at charming si Elleri sa lahat nang mga nakikilala niya. “Ate. Parang isang taon kitang hindi nakita. Alam mo bang na miss kita.” Wika ni Chloe na niyakap ang dalaga. “Huwag ka na ulit aalis.” Wika pa nang dalaga. “Ano ka ba. Para kang bata.” Natatawang wika ni Elleri habang pasimpleng tinatapik ang likod nang dalaga saka bumaling kay Dillon. “OH, bat ang haba nang mukha mo. Hindi ka ba masayang makita ako?” tanong ni Elleri sa pamangkin. “Okay ka na ba?” tanong ni Dillon sa tita niya. Napangiti naman si Elleri sa tanong nang pamangkin niya. Mukhang mas nag-aalala pa ito sa kalagayan niya kumpara kay Adrian na nasulyapan niyang nasa di kalayuan. “Okay na ako. Pasensya na. Pinag-alala kita.” Wika ni Elleri sa pamangkin. “Bigla ka nag nawala sa huling laro. Anong nangyari sayo?” tanong ni Raphael sa dalaga. Napatingin naman si Elleri dito. “Sumama ang pakiramdam ko kaya umuwi ako nang maaga.” Wika nang dalaga. “Ilang araw kang nawala at nagfile kapa nang leave of absences.” Dagdag pa ni Raphael. “Adult staff. Bakit ang dami mo yatang gustong busisiin ngayon? Bumait ka na ba?” Pabirong wika ni Elleri sa binata at ngumiti. “Huwag mong dadaanin sa biro ang lahat. Alam mo bang nag-alala ako—kami. Ang team, wala nang makulit na manager nang umalis ka. Ang alalay mo naman kahit simpleng gawin nahihirapan. Anong klaseng manager ang biglang aalis sa preparation para sa isang big game.” Wika ni Raphael sa dalaga. “Kumukunot na naman yang noo mo. Bumalik na naman ako.” Muling ngumiting wika nang dalaga. “Babalik ka na rin ba sa pagtuturo?” tanong ni Norman nang makalapit sa kanila. Napatingin naman ang dalaga sa adviser nang team. “Hindi pa sa ngayon. Nagpunta lang ako dito para suportahan ang team sa finals. Hindi ako mapakali kung hindi ko alam kung ano ang magiging resulta ng finals.” Wika pa nang dalaga. “If I get that right, hindi ka babalik kung hindi lang dahil sa finals game.” Wika ni Adrian na naglakad papalapit sa kanila. Dapat mainis siya kay Elleri dahil sa biglaang pag-aalis nito nang hindi nagpapaalam pero bakit mas natutuwa ang puso niya na makita ang dalaga? Sa kabilang banda may halo ding inis dahil sa mga binatang nakapalibot dito habang siya ay hindi makalapit sa sariling asawa. “I don’t have any other reason to be here except to support them.” Wika nang dalaga saka bumaling sa mga binata. “Teacher Elle.” Wika nang mga ito saka napayakap sa dalaga dahilan para mapagitna sa mga players sina Chloe at Elleri. Habang sina Raphael at Dillon naman ay nakatingin lang sa mga ito. Simple namang napangiti si Raphael nang makita ang ginawa nang mga ka teammate niya saka tumalikod at naglakad pa tungo sa bench, Hindi niya maaalis sa mga ito na ma-miss ang dalagang guro lalo na at naging malapit din naman ito sa kanila. Kahit siya na galit sa mga guro ay masaya na makita si Elleri na dumating para suportahan sila sa finals games. Ngayon lang siya naging masaya sa simpleng gesture na iyon. Hindi naman nakaligtas kay Adrian ang ngiting iyon ni Raphael and he was annoyed by it. Kahit noong nasa arena sa huling laro. Hindi niya gusto ang mga tingin nang binata Kay Elleri. Elleri may think of him as one her student pero sa palagay niya a ng binatang ito ay iba ang nararamdaman sa dalaga. “Ellie let’s talk.” Wika ni Adrian an hinawakan ang braso ni Elleri nang maglakad ito patungo sa bench nang school team nila. Naglakad din patungo doon ang mga miyembro nang team nila para mag prepare sa pagsisimula nang finals match. Nang maramdaman ni Elleri ang kamay ni Adrian na humawak sa kanya napatingin siya sa kamay nito saka binawi ang braso niya. “What are you doing. Kapag nakita nila---” “It doesn’t matter.” Mahinang wika nang binata. “Really? Wala kang pakiaalam. Then let’s tell them you are married to me.” Wika nang dalaga. “Ellie,”Anas ni Adrian. Why are you acting this way? Let’s talk about this calmly and resolve whatever misunderstanding we have.” Anang binata. “Sa totoo lang, wala kong ganang makipag-usap saiyo hanggat hindi mo alam kung anong balak mong gawin. Napapagod na rin akong intindihin ka at ang pagiging manhid mo. Kung alam mo na ang gagawin mo sa inyo ni Aster let me know. Saka ako makikipag-usap saiyo.” Wika ni Elleri na lalampasan sana ang binata pero narinig niya ang pagtawag ni Benjie sa kanila ni Adrian. Sabay namang napalingon sina Elleri at Adrian sa binatang coach nang kalaban nilang team. “Benjie.” Masayang wika ni Elleri saka humarap sa binata. “Huwag kang masyadong ngumiti.” Bulong sa kanya ni Adrian. “Anong problema sa ngiti ko.” Baling na bulong ni Elleri sa binata habang hindi natatanggal ang ngiti sa labi niya. Taka namang napatingin si Benjie sa kanilang dalawa at ang pagbubulungan nila. “Baka magselos ang asawa mo niyan Elleri.” Wika nitosa dalaga. “I get, you are close. Pero masyado naman yatang lantaran ang pagiging close niyo.” Wika pa nito. “Don’t worry. He is not the type of guy.” Makahulugang wika nang dalaga saka tumingin kay Adrian. He just scoffs and shakes his head nang marinig ang ang sinabi nang dalaga. "Hindi mo ba siya kasama?” tanong Ni Benjie. “Busy siya at hindi rin siya mahilig sa basketball.” Wika pa nang dalaga saka tumingin kay Adrian na tila sinasadya marinig nito ang sinabi niya. “Don’t backstab your husband. He is a good man, and he likes basketball.” Wika ng binata saka tumingin kay Elleri. “Isn’t it the reason why you like him?” makahulugang wika nang binata. Naningkit naman ang mata ni Elleri sa narining mula kay Adrian. Nagpabaling naman nang tingin si Benjie kay Elleri at Adrian. Hindi niya maintidihan ang dalawa kung hindi pa niya alam na rival ang dalawa iisipin niyang mag-aasawang nagtatalo sa harap niya ang dalawa. “Adrian, narinig kong ikaw ang temporary coach nang kabilang team. Masyado ka yatang maraming libreng oras, Hindi ba at nasa finals na din kayo nang playoffs?” “Nag-aalala ka ba sa akin?” biro nang binata. “I don’t. pero hindi ka ba nag-aalala sa team mo? Baka hindi ka---” “Don’t worry. I can lead them to victory.” Proud na wika ni Adrian. “How about you? Handa ka na bang matalo nang isang team na maliit ang chance na maging champion?” tanong Adrian. “Masyado yatang mataas ang tingin mo sa team mo.” “Of course, I know them. They are the best team. Though they are immature. I am sure they can beat you.” wika pa nang binata. “let’s see about that. May the best team win.” Wike ni Benjie saka inilahad ang kamay sa binata. “Give it your best shot.” Wika pa ni Adrian saka tinanggap ang pakikipag kamay ni Benjie. Matapos nilang mag-usap saka naman bumalik si Benjie sa bench nila saka naglakad sina Elleri at Adrian patungo sa bench nang team nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD