Ep - 45

1493 Words
Hindi magkamayaw ang hiyawan nang mga estudyanteng na nonood nang basketball finals nang biglang dumating sa gym nang host school ang ilang mga lalaking naka suot nang black suit. Para nilang pinapanood ang pagpasok nang mga tila mafia goons nga lang sa halip na baril ang dala nang mga ito may dalang mga box nang sport shoes ang mga lalaki. Naglakad ang mga ito papalapit sa bench nang team nina Adrian. Lalo pang namangha ang lahat nang ilapag nang mga lalaki ang box sa harap nang pitong basketball player nang Harrow International School. Napaawang ang labi nang lahat dahil sa nakita nila lalo na nang mga high school players. “Thank you, gentlemen.” Nakangiting wika ni Adrian saka naglakad papalapit sa mga lalaki. Tumango lang ang mga ito bago tuluyang umalis. “All right boys.” Wika ni Adrian sa mga binata. “How about we change to your new shoes.” Anang binata. Kahit na bigla isa-isang kinuha nang mga binata ang box na may pangalan nila mukhang. “Are you giving this to them?” tanong nang head teacher nang school na lumapit sa kanila nang makita ang pagdating nang mga lalaki. “Well, they deserve it. Nasa finals sila. Sabihin na nating it’s a little gift from me.” Wika nang binata. “Little?!” gulat na wika ni Chris. “Hindi ko pa nakikita ang design na ito sa store niyo.” Wika pa nang binata na hindi maitago ang excitement dahil sa natanggap na regalo. Napangiti lang si Adrian dahil sa nakitang reaksyon ng binata. “Anong sinasabi mo?” tanong ni Norman sa mga ito na tila hindi makuha kung anong pinag-uusapan nang mga ito sa tingin niya basketball shoes lang naman ang natanggap nang mga ito pero bakit ang saya-saya nang mga ito. Taka namang napatingin ang head teacher sa binatang tila walang ideya kung ano ang ibinigay ni Adrian sa mga players nila. “Teacher Norman. Hindi mo ba alam? Owner si LA nang isang Sikat na sport shoes brand. And this design is not even launch.” Masiglang wika ni George. “Imagine tayo ang unang magsusuot nang unrelease design.” Wika pa ni Chris. Taka namang napatingin si Norman kay Adrian. Hindi siya makapaniwala. Narinig niyang may sariling sport shoes brand ang binata pero hindi niya akalaing sikat ito. “Since you will be honored to be the first to wear it. I am expecting na mananalo kayo sa laro.” Wika nang binata. “Yes Sir!” wika nang mga binata saka masayang naupo at nagpalit nang sapatos nila. “You even know our shoe size?” tanong ni Raphael habang nakatingin sa sapatos. “Masyado mo naman yatang pinapahalata na marami kang pera.” “Just say thank you, Brat.” Wika ni Adrian kay Raphael bago bumaling kay Elleri na tila hindi interesado sa kung ano ang ibinigay niya sa mga players. “Alam niyo ba narining ko na ang shoe brand ni LA ay mula sa pangalan nila ni Aster. Imagine, we are taking part of their love story.” Wika pa ni Chris. “Kelan ka pa naging fan nang love life niya?” iritadong wika Raphael sa kaibigan. Natigilan naman ito nang makita ang nanlilisik na mata ni Raphael. “Tito.” Wika ni Dillon na lumapit sa binata habang hawak ang box nang sapatos. Siya lang sa mga player ang hindi pa nagpapalit nang sapatos. Napatingin naman si Adrian sa binata. “Oh, bakit hindi ka pa nagpapalit nang sapatos. Hindi kasya sa iyo ang sapatos?” tanong nang binata. “Hindi. Kasya siya. Kaya lang okay lang ba na -----” “It’s okay. don’t think too much about it.” Wika ni Adrian saka kinusot ang buhok ni Dillon. “Also, since we are at it. Maglalakas loob na akong magtanong. Kasi ayokong sinasakatan mo ang Tita ko.” Wika ni Dillon. Napatingin naman naman si Adrian sa binaa. Kilala niya si Dillon. Mas madalas na tahimik si Dillon. At malimit na magsalita Habang nakatingin siya sa binata pakiramdam niya seryoso ang sasabihin nito sa kanya. The way he looks at him para gusto niyang kilabutan. “Talaga bang mula sa pangalan ninyo ni Aster ang pangalan nang -----” natigilan si Dillon nang makitang seryosong nakatingin sa kanya ang binata. “Yung mga design ang sapatos mo, talaga bang si Aster ang gumawa noon?” Tanong ni Dillon. “Why are you asking me this?” tanong ni Adrian na hindi maintindiha ang dahilan nang tanong binata. “I don’t think—— I can’t accept this shoe if---” “Crazy.” Wika ni Elleri sa pamangkin niya sabay kinutusan nang mahina ang binata. Sabay namang napatingin sina Adrian at Dillon sa binatang nasa likod ni Dillon. “Just say thank you alright. Kung ano-ano pang sinasabi mo.” Wika ni Elleri sa binata. “Pero Tita-----” “Dillon. I appreciate you worry about me. But this is adult stuff let me worry about it okay. For now, you focus on your game.” Wika ni Elleri saka inialagay ang kamay sa ulo nang binata. “Go change your shoes. Hindi mo naman siguro gustong matawag na kill joy nang mga teammate mo no.” wika ni Elleri saka ngumiti sa pamangkin. Simple namang napatingin si Dillon kay Adrian. “Opo.” Wika nito saka bumalik sa bench at naupo at sinimulang palitan ang sapatos niya. Hindi naman binigyang atensyon ni Elleri si Adrian at naglakad patungo sa bench. Napatiim bagang si Adrian dahil sa naging asal sa kanya nang asawa. Saka napahinga nang malalim at naglakad patungo kay Elleri. Pasimple siyang naupo sa tabi nang asawa, “Ellie. Hanggang kelan mo naman ako hindi papansinin?” Tanong ni Adrian. Ngunit hindi siya binigyang pansin nang dalaga. Nakatingin lang ito sa court habang ang mga players nang kabilang team ay isa-isa nang tumayo at nagpunta sa court para mag warms up. “Elle----” putol na wika ni Adrian nag lumapit sa kanya ang mga player nang team nila at sinabing mag wa-warm up sila. Tumango naman ang binata. May sampung minuto pa bago magsimula ang laro. “Ellie.” Muling sambit ni Adrian nang makitang nasa basketball court ang mga players nila. “Would you stop calling my name.” iritadong wika nang dalaga saka bumaling sa binata. “Then why don’t you answer me?” tanong ni Adrian. “It would not change anything, would it? Besides ito naman ang gusto mo diba?” “Ano bang sinasabi mo.” “Then, would you be with me?” tanong nang dalaga na tumingin kay Adrian. Bigla namang natigilan ang binata sa biglang sinabi ni Elleri. Hindi niya iyon inaasahan kaya hindi agad siya nakapagsalita. “I am not surprise.” Sakristong wika nang dalaga. “Let’s talk about this kapag tapos na ang laro nina Dillon. This isn’t the right place para pag-usapan natin ang tungkol sa-----” “Hindi muna ako uuwi sa bahay mo.” Biglang wika nang dalaga. “What?” gulat na wika ni Adrian. “Gusto kong mag-isip kung tama bang ipagpatuloy natin ang relasyon natin. Not sure if you can call this one a relationship.” Anang dalaga. “Sinabi ko na kay lola ang tungkol sa engagement niyo ni Aster. She knows it bago ko pa sabihin sa kanya. Alam mo gusto ko sanang lumaban dahil legally I am your wife. Pero ano namang laban ko kung hindi ko pag-aari ang puso mo. I have thought about this. I think----” “I am not getting a divorce.” Wika nang binata at tumayo. Taka namang napatingin si Elleri sa binata. “Pinangako ko sa mga magulang ko na hindi ako sisira sa pangako nila sa pamilya mo. They are both not here. The only way I can honor them is to fulfil their wishes.” Wika pa nang binata. Habang nakatalikod sa dalaga at nakatingin sa mga binatang nasa court. “Masyado kang makasarili.” Usal nang dalaga. “Kung hindi magdedesisyon na pakawalan ako. I can’t promise I can give you to her. The moment you decide not to let me go. You will regret it. So better run when I am giving you the time.” Wika ni Elleri. Napangiti naman ang binata dahil sa sinabi nang Dalaga. “I like it when you are this confident.” Wika nang binata saka humarap sa dalaga. Saka inilagay ang kamay sa ulo nito at marahang kinusot ang buhok bago bumaling sa mga players na lumapit sa kanila. “Are you guys ready?” Tanong ni Adrian na sinalubong nang nginiti ang mga player. “Yes Coach.” Malakas na wika nang mga ito. “Then let’s snatch that championship title.” “Yes Coach.” Muling dumagundong ang malakas na sigaw nang mga players dahilan para mapatingin sa kanila ang mga player mula sa kabilang team maging si Benjie.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD