Ep - 30

1521 Words
Nang magsimula ang 4th quarter nang laro, lahat inaasahan na kay Raphael ulit ipapasa nang mga ka teammate niya ang bola. They are invested sa ideya na walang ibang shooter sa team kundi si Raphael. And once they seal Raphael wala nang magagawa ang team nila. But everything, takes a 360 turn nang ipasa nang isang miyembro nang team nina Dillon ang bola sa binata. They are expecting that he will give the ball kay Raphael nasa scoring position si Raphael sa ilalim nang basket. Nagulantang ang lahat nang biglang tumira nang 3-point shot si Dillon. Lahat natigilan dahil sa ginawa nang binata. Pero hindi naman umaasa ang kabilang team na papasok iyon. Kanina pa walang puntos ang ibang players nang team at umaasa lang lahat kay Raphael. Lalong na bigla ang lahat nang pumasok sa tirang iyon ni Dillon. Pero inisip pa rin ng kabilang team na tsamba lang ang ginawa nang binata ta hindi na nito mauulit. But Dillon, again prove them wrong. Tatlong sunod-sunod na 3 point shot ang ginawa ni Dillon dahilan para bumaba sa tatlo ang lamang nang kabilang team. At dahil sa ginawa ni Dillon. Natuon sa kanya ang atensyon nang lahat. Tuwing hawak niya ang bola biglang naalerto ang mga miyembro nang kabilang kupunan at agad na lumilipat ang pagbabantay sa kanya. Ngunit kapag nakatuon na ang bantay sa kanya nang ibang player. Agad namang ipinapasa ni Dillon ang bola sa kakampi niya maliban kay Raphael. Sa huling Tatlong minuto nang laro nagawa nilang gawing tie ang score sa magkabilang kupunan salamat sa magandang game play ni Dillon. Nabigla ang coach nang kabilang team. Hindi nila inaasahan ang biglang pag step up nang binata. Dinadala niya ang laro ng 4th quarter. But he was not playing alone. Dinadala niya ang bola gumagawa nang mga pasa na nakakapagconvert into points at kung binabantayan naman ang mga kakampi niya siya namismo ang gumagawa nang puntos. Leaving every member of the team bilang mga shooters. Hindi pwedeng iisang tao lang ang babantayan nila. Sa huling tatlong minuto. Nakatayo na sa upuan niya ang coach nang kabilang school Kanina relax na relax lang itong nakaupo pero dahil sa ginawa ni Dillon. Bigla nalang itong tumayo at hindi mapakali sa kinauupuan. Kahit kasi sino pwedeng maging shooter nang team hindi sila pwedeng magpabaya. Naging mahigpit ang depensa nang kabilang team sinisigurado nilang hindi makakagawa nang puntos ang team nina Dillon. Mahigpit ang pagbabantay kay Dillon nang kabilang team dahil nasa kanya ulit ang bola. Tumira mula sa 3-point area ang binata. Alam nang coach nang kabilang team na pinilit ni Dillon ang tirang iyon. At gaya ng inaasahan hindi pumasok ang shot ni Dillon ngunit ang pagkakaakala nang lahat na wasted shot ang ginawa ni Dillon doon sila lahat nagkakamali. Habang nasa Ere ang bola saka naman tumalon si Chris buong lakas na nag dunk. Kasabay nang dunk na iyon ang pagtunog nang buzzer hudyat nang pagtatapos nang game. Dahil sa labis na saya nagsitakbuhan ang mga miyembro nang team patungo kay Dillon at niyakap ang binata. Si Adrian naman na nanood ay napatayo sa kinauupuan niya at nakangiting pumapalakpak. Hindi siya nagkamali na si Dillon ang sinabihan ng kung ano gagawin. And he was able to execute the game play. “What do you think.” Nakangiting wika ni Adrian saka lumapit kay Elleri na nakangiti at pumapalakpak. Masayang nilingon Elleri ang binata habang nakangiti ng matamis. Biglang natigilan ang binata nang makita ang ngiti ni Elleri at muli pakiramdam niya his heart just skips a beat. “Adrian!” masayang wika nang dalaga saka niyakap ang binata. Natigilan si Adrian dahil sa biglaang ginawa ni Elleri. Maging ang dalaga ay nabigla din sa ginawa niya. Nang mapagtanto kung anong ginawa niya biglang natigilan ang dalaga saka nag-angat nang tingin sa binata saka napaatras. “Sorry.” Wika nang dalaga habang nakangiti dahil sa labis na hiya. Habang si Adrian naman ay gulantang na nakatingin sa mukha nang dalaga. Hindi niya alam kung bakit ayaw tumigil nang pagkabog nang dibdib niya. Para siyang mabibingi dahil sa lakas nang kabog noon. He is sure hindi naman sinasadya ni Elleri na yakapin siya. Masyado lang itong masaya dahil sa nangyari. “Bakit Adrian?” tanong ni Elleri nang makita ang binatang nakatulala at nakatingin sa kanya. Hala. Nagulat ko yata siya sa ginawa ko. Wika nang dalaga saka napatingin sa paligid nila. Hindi naman siguro nila nakita no? wika nang dalaga saka napatingin sa mga taong busy. Wala naman sigurong nakapansin sa ginawa niya dahil mabilis din siyang kumawala sa binata. “Tito Adrian.” Masayang wika ni Dillon na lumapit sa binata. Sabay namang napatingin sina Elleri at Adrian sa binatang papalapit sa kanila. “Ang galing mo. Ginawa ko lang ang sinabi mo tapos----” wika ni Dillon na sobrang excited. “Whoaa---Calm down.” Natatawang wika ni Adrian. Napapangiti namang nakatingin si Elleri sa pamangkin niya. Ngayon lang niya nakitang excited ito at nagpakita nang labis labis na emosyon. Masaya siyang makita ang pamangkin na masaya. “Marunong ka palang ngumiti.” Wika ni Adrian sa binata dahilan para bigla itong tumigil. Noon lang nito napagtanto na abot hanggang tenga ang ngiti nito. “Mas bagay saiyo ang nakangiti.” Wika ni Chloe na lumapit sa kanila. “Bakit ka tumigil?” tanong ni Adrian nang mapansin na huminto si Dillon at napalis ang ngiti sa labi. “Great work.” Wika ni Adrian saka kinusot ang buhok ni Dillon. “Magaling ang ginawa mo.” Wika pa ni Adrian. “Dillon!” isang malakas na boses ang narinig nilang apat. Taka namang napalingon sina Elleri sa nagmamay-ari nang boses at doon nakita nila si Raphael na papalapit sa kanila. “Bakit mo ginawa yun.” Inis na wika ni Raphael na agad na hinawakan nang kuwilyo ng damit ni Dillon. Nagulat sina Elleri at Chloe sa ginawa ni Raphael. “Raffy!” wika nang dalawang kaibigan Raphael na lumapit sa kaibigan. “Anong ginagawa mo?” Elleri kay Raphael. “Gusto mong nasa iyo ang spot light kaya sinulo mo ang laro. Akala mo magaling kana dahil sa ginawa mo. Mas magaling pa rin ako saiyo. Kaya kong talunin ang ------” putol na wika ni Raphael nang biglang hawakan ni Adrian ang kamay niya at tinanggal sa pagkakahawak sa kuwilyo ni Dillon. “Ano bang ikinagagalit mo. Nanalo kayo at iyon ang importante.” Wika ni Adrian. “Sinabi ko na dati. Hindi isang one-man game ang basketball. Sa palagay mo mananalo kayo sa laro mo? Para sabihin ko saiyo. Ikaw ang dahilan kung bakit kayo muntik nang matalo. Kung hindi binago ang laro niyo. Sapalagay mo, makakapaglaro kayo sa susunod na game. Huwag masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo.” Gigil na wika ni Adrian. “Kaya mong manalo nang nag-iisa ka? Huwag mong niloloko ang sarili mo.” Wika ni Adrian sa binata saka bahagya itong itinulak. “Ang pagiging makasarili mo ang muntik nang maging dahilan nang pagkatalo niyo. Kung naglalaro ka para sa sarili mo. Sa palagay mo. Anong dahilan nila kung bakit sila naglalaro?” wika ni Adrian. Simple namang nilingon ni Raphael ang mga teammate niya maging ang coach na wala namang pakiaalam sa kanya. Ni hindi sila binigyan nito nang instruction kahit na noong sinusolo niya ang laro kahit minsan hindi siya nireprimand nito. Pinabayaan lang siya nitong maglaro. At ngayon masaya ito dahil sa nanalo sila at nakapasok sa susunod na game. “Wala akong pakiaalam sa dahilan nila.” Wika ni Raphael. “Walang kwentang maglaro sa team na ‘to.” Wika ni Raphael saka tumalikod at naglakad papalayo. Napabuntong hininga lang si Adrian saka sinundan nang tingin ang binatang naglalakad papalayo. “Okay lang kaya siya?” tanong ni Elleri. “Okay lang siya. Sa tigas nang ulo niya at sa taas nang tingin niya sa sarili niya. Magiging okay lang siya.” Wika ni Adrian. “Baka hindi na siya bumalik sa team.” Wika pa ni Elleri. Napatingin naman si Adrian sa dalaga parang nag-aalala ito sa binata. “Nag-aalala ka sa kanya?” Tanong n Adrian. “He is just a kid. Pag-unawa lang naman ang wala sa kanya.” wika ni Elleri. Naningkit naman ang mata ni Adrian nang marinig ang sinabi nang Dalaga. “Masyado kang nag-aalala sa kanya. Hayaan mo siyang resolbahin ang issues niya.” Wika ni Adrian saka inilagay ang kamay sa ulo ni Elleri. Saka muling napatingin kay Raphael. Hindi naman lingid sa kanya na nasaktan ang pride nito nang hindi na ito mabigyan nang pagkakataon na maipasa ang bola sa kanya. Lalo na nang ibahin nila ang game play. Kahit ang coach nila hindi nila pinagsabihin nang taktika nila ni Dillon. Napatingin si Adrian sa coach nang team. Nakatingin ito sa kanya at tila may disgusto din ito sa kanya lalo na dahil sa ginawa nila ni Dillon kanina. “Kung alam mo lang kung paano sila pakilusin bilang isang team hindi aabot sa ganito. Parang hindi ka coach kung umasta.” Wika nang binata. Habang nakatingin sa coach nang basketball team.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD