Ep - 31

1494 Words
Lola?!” gulat na wika ni Elleri nang dumating sa unit ni Adrian at makita ang lola niya na nakaupo sa sofa habang nakikipag-usap kena Chloe at Dillon habang nag mimeryenda. Kakagaling lang niya sa supermarket noon. Kahit na bibigla sa nakita. Mabilis niyang binitiwan ang mga mga dalang bag na may lamang groceries saka lumapit sa lola niya saka nagmano. Agad namang tumayo sina Chloe at Dillon saka kinuha ang mga dalang grocery bag ni Elleri at dinala sa kusina nila. “Napadalaw po yata kayo?” tanong ni Elleri sa lola niya. “Aray lola!” daing nang dalaga nang bigla siyang kurutin sa braso nang lola niya. Agad namang napatingin sina Chloe at Dillon sa dalagang dumaing saka nagkatinginan. “Aw.” Anang dalaga habang hinihimas ang braso niya. “Dumating kana pala bakit hindi mo sinabi sa akin? Kailan ko pang malaman ang balita mula sa kuya mo at dalawang buwan kana pala dito. Wala bang balak sabihin sa akin? Ni hindi mo ako tinawagan.” Nito sa dalaga. Bigla namang natigilan ang dalaga. Nakalimutan niyang sabihin sa lola niya dahil sa dami nang mga nangyari at dahil nag simula na din siyang magturo. Pero hindi naman niya sinasadya na hindi sabihin dito na umalis na siya. “Lola, sorry na. Hindi ko naman sinasadya. Nawala sa isip ko. Dadalawin naman talaga kita kaya lang. Nagsimula na akong magturo at na busy na ako.” Wika ni Elleri na naglalambing na iniangkla ang kamay sa braso nang lola niya saka naupo sa sofa. “Sorry na, ha?” malambing na wika nang dalaga. Napatingin naman ang matanda sa dalaga. “Ah alam ko na.” wika ng dalaga saka inilapit ang kamat sa tenga nang lola niya. “Chocolate?” wika ng dalaga saka ipinakita sa matanda ang kamay matapos sila may kunin sa likod nang tenga nito. Nang makita ng matanda ang chocolate na hawak nang dalaga taka itong napahawak sa tenga. Tela nagtatanong kung papaano nagkaroon nang chocolate doon. “Sorry na.” malambing na wika nang dalaga habang ipinapakita sa matanda ang chocoloate na hawak. “Are you planning to bribe me with chocolates para pagtakpan ang kasalanan mo.” Tanong nang matanda sa dalaga. Ngumiti naman ang dalaga at tumango. Ilang sandali pa napangiti ang matanda sa apo saka kinuha ang chocolate. "How do you manage to do that?"” tanong ng matanda saka tinanggap ang chocolate na ibinihay ng dalaga. “That’s a secret.” Nakangiting wika nang dalaga. “You really know my weakness. Kaya hindi ko magawang magalit saiyo.” Wika nang matanda. Napangiti naman ang dalaga. Alam niyang gusto nang lola niya ang chocolate. Noong bata pa siya, siya ang taga bigay nang chocolate dito at kailangang patago dahil ayaw nang papa niya at kuya niya na masyadong kumakain nang chocolate ang lola niya. “Nasaan si Adrian?” tanong nito saka napatingin sa paligid. “Isa pa ito sa hindi ko gusto sa inyong dalawa. Ni hindi niyo ako naalalang dalawin. Kailangang ako pa ang pumunta dito para makita kayo.” Natigilan si Elleri talagang nawala sa isip niya. Sana lang hindi nakita nang lola niya ang mga balita tungkol kay Adrian at Ester dahil baka atakihin ito sa puso. “Nasa Practice po siya ngayon. Sasabihin ko sa kanya na sa susunod na break niya para makadalaw kami sa inyo.” Wika nang dalaga. “That’s a shame may gusto sana akong itanong sa kanya.” wika nito. “Itanong? Ano po? Ako nang----” “Hindi. Gusto kong ako mismo ang magtanong sa kanya.” maagap na wika nang matanda. Sakto namang kakatapos lang nitong magsalita nang biglang bumukas ang pinto. At mula doon pumasok ang binatang si Adrian. Halata sa mukha nang binata ang pagkagulat nang makita ang matandang nakaupo sa tabi ni Elleri. “Speaking of the devil.” Wika nang matanda saka tumingin kay Elleri. Pilit namang ngumiti ang dalaga. Hindi siya mapalagay sa gustong itanong nang lola niya at hindi naman makisama ang pagkakataon sa kanila. “Lola Carmela. Nandito po pala kayo.” Wika ni Adrian saka binitiwan ang sports bag na dala niya saka lumapit sa matanda at nagmano bago bumaling sa dalaga. Tila nagtatanong ang mga mata nang binata. Umiling naman ang dalaga na tila naintindihan kung anong gustong itanong nang binata sa kanya. “Mabuti at dumating ka. Hindi ko na kailangang bumalik dito o hintayin na dalawin niyo ako.” Wika nang matanda sa binata. “Pasensya na ho. Hindi kami nakadalaw-----” “Elleri already asked for an apology an already bribed me.” Wika nito saka ipinakita ang chocolate na ibinigay nang apo. “Maupo ka. May mga bagay akong gustong itanong.” “Sige po.” Wika ni Adrian saka tumingin sa asawa. Sa tingin palang niya kay Elleri mukhang wala ding ideya ang dalaga tungkol sa dahilan nang pagpunta nang matanda sa bahay nila. Napatingin sina Elleri at Adrian sa matanda nang bumaling ito sa bag niya at may kinuha. Ganoon na lamang ang gulat ni Elleri at Adrian nang ilapag nang matanda ang isang dyaryo at ilang mga larawan. “Lola ano to?” takang tanong ni Elleri. “Tingnan niyo.” Seryosong wika nang matanda. Napatingin naman si Elleri kay Adrian. Maging si Adrian ay napatingin din sa dalaga bago kinuha ang mga larawan. Ganoon na lamang ang gulat niy Adrian at Elleri nang makita kung sino ang mga nasa larawang ibinigay nang matanda. Tila nabato naman si Adrian sa kinauupuan niya dahil sa nakita. Maging ang dyaryo na inilapag nang matanda. Ang nasa isang article ay tungkol kay Adrian at sa artistang si Aster. Asking when they are going to tie the knot. “Lola this----” “Yes. Care to explain?” wika nang matanda saka bumaling kay Adrian. Napatingin ang binata sa matanda. She normally does not care about news pero hindi niya akalaing darating dito ang tungkol sa kanila ni Aster. Hindi rin niya akalaing pasusundan siya nang matanda. Paano naman niya nakuha ang mga larawan nila ni Aster. “Alam mo ba ang tungkol dito?” tanong ng matanda kay Elleri. Hindi naman sumagot ang dalaga. Kapag ginalit niya ang lola niya baka atakehin ito sa puso. Paano niya ipapaliwanag na alam niya ang tungkol kay Aster at Adrian. “Aw. Lola.” Daing nang dalaga nang muli siyang kurutin nang matanda sa braso napatingin naman si Adrian sa dalaga. At sa matanda. “Tahimik ka ibig sabihin alam mo. Tatanungin kita ulit. Alam mo ba ang tungkol dito?” Ulit nito. “Lola. Let me----” putol na wika ni Adrian. “Hindi pa kita kinakausap.” Wika nito sa binata para maputol ang sasabihin nito. “Alam ko po.” Mahinang wika nang dalaga. “Alam mo at wala kang ginagawa?” tanong nito na hindi makapaniwala. “Lola. Hindi naman totoo ang nasa article na yan.” Wika pa nang dalaga. “Hindi totoo? Paano ipaliwanag ang mga litrato? Personal investigator ko mismo ang kumuha niyan. AT kelan ka pa natutong magsinungaling? Ipinagtatanggol mo ang asawa mong niloloko ka.” Wika pa nito bago bumaling sa binata. “Ngayon bibigyan kita nang pagkakataong magsalita. Ano ang katotohanan sa balitang yan at sa mga litrato? Alam mong ayokong pinagsisinungalingan ako.” Wika pa nang matanda kay Adrian. “Totoo ang nasa article.” Matapat na wika nang binata sa matanda. Gulat namang napatingin si Elleri sa binata. Sakristong napangiti ang matanda sa narinig mula kay Adrian. “Kelan mo pa niloloko ang apo ko?” tanong nang matanda. “Hindi niya ako nilolo ko lola---” “Just stay quite, young lady.” Anang matanda sa dalaga na kay Adrian nakatuon ang pansin. “Hindi ko niloko si Elle. Kahit bago pa kami ikasal alam niyang may iba akong gusto.” Wika nang binata. “Alam niyo pong nagpakasal kami ni Elle dahil sa kasunduan nang pamilya natin. Pero hindi ibig sabihin noon hawak niyo ang puso ko. May sarili akong nararamdaman.” Wika nang binata. “At balak mong, itago sa lahat ang tungkol sa inyo ng apo ko at ipagpatuloy ang relasyon niyo nang babaeng yan?” tanong nang matanda. “Sige ipagpalagay na natin na, napilitan kayong magpakasal dahil sa kasunduan. Pero hindi mo ba iniisip na pareho mong sinasaktan si Elleri at ang babae mo? Pag isipan mong mabuti kung tama ang ginagawa mo.” Wika nito saka bumaling kay Elleri. “Nasaan akong kwarto mo dito?” tanong nang matanda. “Ho? Dito kayo matutulog?” Gulat na wika nang dalaga sa lola niya. “Napapagod akong bumiyahe pabalik. Dito ako magpapalipas nang gabi hindi naman siguro masama kung gusto kong makasama ang apo kong hindi ako dinalaw nang dumating siya.” Anito. Simple namang ngumti ang dalaga sa lolo niya saka bumaling kay Adrian. Nakita naman niyang tumango ang binata na tila sumang-ayon na doon matulog sa bahay nila ang matanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD