Ep - 29

1102 Words
Naging maganda ang performance nang basketball team nang school nina Elleri taliwas sa inaasahan nang maramid dahil sa nauna nilang performance sa unang dalawang laro. Hindi inaasahan nang kalaban nilang school na mahihirapan sila na kalabanin ang school nina Elleri. Mas lalo nilang hindi inaasahan ang performance ni Raphael na nagsilbing ace player nang team. He is fighting against the entire team. Siya din ang nagdala sa buong team. While their performance was good. Hindi naman masasabing team effort iyon. It was a one-man show. Lahat nang score ay galing kay Raphael. “You know, hindi ka nag-iisa sa team na ito. You can rely on your teammates.” Wika ni Elleri kay Raphael na lumapit dito at iniabot ang tuwalya sa binata at tubig. Nasa half time break sila. “I don’t need useless teammates.” Wika ni Raphael saka marahas na kinuha ang inaabot nang dalaga sa kanya. Nakatingin lang si Adrian sa binata. Sa unang 20 minutes nang laro inoobserbahan niya ang team. Hindi maitatago ang galing ni Raphael sa basketball. Napatunayan na niya iyon nang maglaro sila. Pero, isang malaking dilemna ang kinakaharap ngayon nang team nila. Kung nagawa niyang ma outperform ang kabilang team sa first half. It would be difficult sa susunod na 20 minutes. Halos pagod na si Raphael kapag sinolo niya ang larong ito. It would be a matter of time bago sila matalo. Kahit gaano siya kagaling hindi niya pwedeng kalabanin mag-isa ang kalabang nilang team lalo na at inoobserbahan nang coach nang kabilang school ang bawat galaw ni Raphael. “Adrian.” Mahinang usal ni Elleri at lumapit sa binata. Napansin ni Elleri na malalim ang iniisip ni Adrian. Matama lang itong nakatingin sa laro. Alam niyang inoobserbahan nito ang bawat galaw ng kalabang team at sa team nila. At alam din niyang napansin na nito ang laro ni Raphael. “You need anything?” tanong ng binata saka bumaling sa dalaga. Hindi naman sumagot si Elleri at nakatingin lang sa binata. “I can’t do anything.” Wika ni Adrian na tila naintindihan ang gustong sabihin ni Elleri kahit na hindi ito magsalita. Nakikita niya ang labis na pag-alala nang dalaga sa team nang school nila. Kapag natalo pa sa larong itong ang team nila hindi na makaka-usad sa susunod na game ang team. “They can’t win with this kind of game play.” Prangkang wika ni Adrian saka tumingin sa asawa. Nakikita niya ang labis na pag-aalala nito. “They should learn how to play like a team.” Dagdag pa nang binata. “Ang coach nang kabilang team. He didn’t request for a time out sa first half kahit na nakikita niyang maganda ang ipinapakita ng brat na iyon sa laro. But it does not mean, wala siyang ginagawa para makabawi sila. He is just waiting kung kailan mauubos ang lakas ng brat na iyon. He can’t play alone for 40 minutes.” Wika ni Adrian habang nakatingin sa kabilang bench. Inoobserbahan niya ang bawat gawin nang coach sa kabilang team. While he is giving them instruction. He didn’t really asked for a time out. Habang ang team naman nila, even the coach is not in good terms sa best player nila. They are not communicating. He is not even reprimanding him sa pagsosolo nito sa laro. “The second half would be difficult for this team.” “You’re saying, matatalo ang team?” tanong nang dalaga. Napatingin naman si adrian sa asawa niya. “That’s inevitable if the team will not work as a team. Kahit gaano kagaling ang brat na iyon. Basketball is not a one-man game.” Wika nang binata. “Can you help them?” tanong nang dalaga. “Hindi sila pwedeng matalo.” “What do you want me to do? Hindi ako pwedeng maglaro para sa kanila.” Wika binata saka napatingin sa mukha ni Elleri. Napasimangot lang si Elleri. 3 “All right.” Wika ni Adrian saka inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga. Napaangat naman nang tingin ang dalaga sa binata. Parang nagningning ang mga mata nito dahil sa narinig na sinabi ni Adrian. “I’ll try to help.” Wika nang binata. “Thank you.” usal nang binata na may matamis na ngiti sa labi niya. Biglang natigilan ang binata. Since when did she smile like that? Was it the first time na nakita niya ang ngiting iyon? Ganito ba ang ngiti niya dati pa? iyon ang tumatakbo sa isip ni Adrian ngayon. Bigla siyang napahawak sa dibdib niya. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang kumabog ang dibdib niya. “Bakit may masakit ba saiyo?” inosenteng tanong ni Elleri nang makitang napahawak sa dibdib niya ang binata “I’m fine.” Wika nang binata saka napatingin sa mukha ni Elleri. What was that? Tanong ni Adrian habang nakatingin sa mukha ni Elleri. Hindi napansin ni Elleri at Adrian na habang nag-uusap sila nakatingin sa kanila si Raphael habang mahigpit na nakahawak sa tuwalya niya. Nagsimula ang second half nang laro at gaya nang inaasahan ni Adrian nag simula ang counter attack nang kabilang team. Kabisado na nila ang laro nang team nila at alam nilang mag-isa lang na umaatake si Raphael. Kapag hawak nito ang bola. Hindi na nito ipinapasa sa mga kasamahan ang bola. He is charging alone. Alam ni Adrian na hindi na uobra ang ganoong taktika sa kalaban lalo na at tila pinagbigyan lang sila nang coach nang kabilang team. Sa ngayon, kapag hawak ni Raphael ang bola. Pinalilibutan agad siya nang mga miyembro nang kabilang team. Wala siyang magawa. At dahil sa pride niya he is not passing the ball sa ka teammate niya which causes forced turnovers. “Ano ba sa palagay niyo ang ginagawa niyo?” wika nang coach nila nang matapos ang third quarter. Last 10 minutes na after nang break at kapag wala pa silang nagawa matatalo sila sa larong ito. Alam nang lahat iyon. Pero walang isa man sa kanila ang may lakas nang loob na magsalita. Lalo na laban kay Raphael at sa pagsosolo nito sa laro. Kahit ang team captain nang team ay tahimik lang. “Dillon.” Mahinang wika ni Adrian na pasimpleng lumapit kay Dillon. Napatingin si Dillon kay Adrian. “Bakit Tito?” tanong nang binata . Sinenyasan nang binata si Dillon na lumapit sa kanya. Walang tanong naman na lumapit si Dillon sa binata. Napamulagat si Dillon nang marinig ang ibinulong ni Adrian sa kanya saka di makapaniwalang napatingin sa mukha ni Adrian. Seryoso ba ito sa sinabi niya? “It might work.” Wika pa nang binata kay Dillon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD