Ep - 28

1578 Words
Hindi maitago ang gulat sa mukha ni Dillon at Chloe nang lumabas sa silid nila at makita si Adrian na natutulog sa sofa. Mukhang hindi na resolba ang away nang mag-asawa nang nakaraang gabi at sa labas natulog si Adrian. Napatingin sila sa kusina at nakita si Elleri na naghahanda nang almusal nila. “Tita anong nangyari? Bakit nasa labas si tito Adrian?” tanong ni Dillon sa tita niya na lumapit dito. “Maupo na kayo para makapag-almusal baka malate tayo sa school.” Wika nang dalaga. “May pinag-awayan na naman ba kayo?” tanong ni Chloe saka naupo. “We always quarrel. Wala nang bago doon.” Wika nang dalaga. Mula sa sofa, naririnig ni Adrian ang usapan nang tatlo. At kahit na hindi pa niya gustong bumangon hindi rin naman siya makakatulog kung ganoon naririnig niya ang usapan nang mga ito. “Kuya gising ka na pala, mag-almusal na tayo.” Wika ni Chloe nang lumapit sa kanila ang binata. Napatingin naman si Adrian kay Elleri pero inirapan lang siya nang dalaga. “Galit ka pa rin ba?” tanong ni Adrian sa dalaga. Pero hindi pinansin nang dalaga si Adrian. “Chloe kape.” Wika nang binata saka naupo. Tatayo sana si Chloe nang biglang inilapag ni Elleri ang isang tasa nang kape sa harap ni Adrian. Napatingin naman ang binata sa dalaga. Lihim na napatingin si Chloe kay Dillon saka napangiti. Kahit galit si Elleri kay Adrian hindi pa rin nito nakakalimutan na alagaan ang binata. Probably out of habit. “Ihahatid ko kayo sa school niyo.” Wika ni Adrian kay Dillon at Chloe. “There is no need. Kaya naming pu----” “I am talking to them. Pwede kang mag commute kung gusto mo.” Wika nang binata. Hindi makapaniwalang napatingin si Elleri sa binata dahil sa sinabi nito. “Kelan ang game niyo?” tanong nang binata kay Dillon. “Sa biyernes na.” sagot nang binata. “Manonood ako.” Simpleng wika ni Adrian. “I don’t think it’s a good idea. Hindi handa ang team halos walang coordination.” Wika ni Dillon. “Kung hindi pa nandoon si Tita Elleri bilang manager baka rumble ang inaabot nang team bawat practice.” Wika ni Dillon. Isang lingo na din simula nang sumali siya at ang grupo ni Raphael sa basketball team. Gaya nang inaasahan, hindi makasundo ni Raphael ang ibang player nang team lalo na ang coach. Gusto pa yata nang binata na siya ang maghari-harian sa team nila. “Still, I’ll watch your game. Besides, ako ang dahilan kung bakit ka nandoon sa team hindi pwedeng hindi ako manood.” Wika nang binata. “Nakakahiya kong matatalo kami” wika pa nang binata. “Hindi mo maiiwasan na matalo sa kahit na anong laro.” Wika pa nang binata saka tumingin kay Elleri. “Tapos na na ako. Kung ihahatid mo sila sa school. Mauuna na akong umalis.” Wika ni Elleri saka tumayo. Akmang aalis sana ang dalaga nang biglang hawakan ni Adrian ang kamay niya. “Hindi ba pwedeng cease fire muna tayo?” Tanong nang binata saka nag-angat nang tingin sa dalaga. Napatingin naman si Elleri sa binata. Saka napatingin kay Chloe at Dillon na nakatingin sa kanilang dalawa habang nakangiti. Naghihintay din ang mga ito sa magiging sagot nang binata. “Bati na tayo ha?” nakangiting wika ni Adrian sa dalaga. Habang nakatingin si Elleri sa mukha nang binata bigla niyang naalala ang pangalang binanggit nito habang natutulog. Tipid na ngumiti ang dalaga saka inagaw ang kamay sa binata. “In your dreams. Mister.” Ani Elleri saka iniwan ang binata. Napatingin naman sina Chloe at Dillon sa dalagang lumabas na hindi manlang sila hinintay. “Kuya ano na naman ang ginagawa mo. Parati mo nalang ginagalit si Ate Elle.” Wika pa ni Chloe na bumaling sa kapatid niya. “Wala naman akong ginagawa.” Reklamo nang binata. “The entire time last night, Nakatuon ang atensyon mo kay Aster. Parang hindi mo kasama si Ate Elleri.” Wika ni Chloe. Napatingin naman si Adrian sa kapatid niya. Inioobserbahan din ba nang kapatid niya ang mga kilos niya. “What do you know.” Wika ni Adrian saka kinusot ang buhok nang dalaga. “More than you know.” Wika nito saka tinanggal ang kamay nang binata. “Huwag mong guluhin ang buhok ko at magbihis kana baka mahuli kami sa klase.” Gaya nang sinabi ni Adrian dumating ito sa school kung saan gaganapin ang pangatlong laro nang basketball team nang school sa interschool competition. Nang dumating si Adrian. Hindi maiwasang hindi ito makaagaw nang pansin lalo na sa suot nitong casual na damit. Nakasuot ito nang maron na long sleeve shirt at itim na pants. “Anong ginagawa niya dito?” tanong ni Raphael nang makita ang binatang naglalakad patungo sa bench nila. Hindi naman magkamaway ang mga estudyante habang nakikita ang binatang superstar. Maging ang principal nang host na school ay hindi rin maitago ang excitement nang makita ang binata. Bago pa makalapit ang binata sa bench nang basketball team nina Dillon sinalubong na siya nang principal nang school. “Mr. LA Sutherland. What an honor na dumalo kayo sa laro namin ngayong araw.” Wika nang principal sa binata. “I am free. At gusto kong manood nang game kung saan naglalaro ang pamangkin ko.” Wika nang binata. “Oh, May kamag-anak ka sa kabilang team.” Tila dismayadong wika nang principal. “Yes. And I am here to support team.” Wika pa nang binata. Tipid na ngiti naman ang ginante nang principal na na dismaya sa sagot nang binata. “Mamaya after nang game pwede mo ba akong mapagbigyan? Pwede ka bang magpa picture sa team nang basketball namin?” anito. “Walang problema.” Wika nang binata saka nagpaalam sa principal at lumapit sa bench nina Dillon. Agad na napansin ni Adrian ang suot na sapatos ni Chris at George ang mga kaibigan ni Raphael. “Are you guys ready?” Tanong ni Adrian. “Mananalo kami lalo na at suot namin ang sapatos na bigay mo.” Wika ni Chris. “That’s good to hear.” Wika ni Adrian saka bumaling kay Elle at Chloe na inihahanda ang mga towel nang players nila. Nagpaalam si Adrian sa mga binata para lumapit kay Elleri pero biglang humarang si Raphael sa daraanan niya. “May sasabihin ka?” tanong nang binata. “Kapag nanalo ako sa laro ngayon. Let’s do a rematch this time 1:1.” Wika ni Raphael kay Adrian. Napatingin naman si Adrian sa binata. He probably has ticked a switch on this guy para mainis sa kanya nang sobra. “Kapag nanalo ka? Bakit mag-isa ka bang maglalaro nang basketball?” tanong ni Adrian sa binata. “Kaya mo bang talunin ang mga kalaban niyo nang ikaw lang mag-isa? You might be good with basketball compared to your teammate. However, basketball is not a one-man game. You need your teammates ------” putol na wika nang binata. “Kaya kong manalo sa sarili kong paraan.” Wika ni Raphael. “Before that, answer me this. Bakit ang init nang dugo mo sa akin?” Tanong nang binata. “I just don’t like you.” wika ni Raphael. “That’s fair. I guess the feeling is mutual.” Anang binata. Dahil siya man din hindi rin niya gusto ang binata lalo na ang ugali nito. “So, do we have a deal?” tanong ni Raphael kay Adrian. “Kung mananalo ka nang hindi kinakailangan nang assist mula sa teammates mo. We will have a rematch. But I doubt you will be able to do that. Basketball requires team coordination. Kung patuloy kang-----” “I don’t need an advice coming from you.” wika ni Raphael na hindi pinatapos ang sasabihin ni Adrian. Napatingin lang si Adrian sa binatang naglakad patungo sa mga ka teammate niya. “Stubborn.” Naiiling wika ni Adrian. “Bakit kuya?” tanong ni Chloe na lumapit sa binata kasama si Elleri. Napalingon naman ang binata sa dalawang dalaga. “He is really trying to challenge my patience.” Wika nang binata saka humarap sa dalawa. “Ginatungan mo naman.” Wika ni Elleri. “Are you siding with him?” Takang tanong ni Adrian nang marinig ang sinabi nang asawa. “I am not siding with anyone. Ang akin lang you are the adult one. Mas---” “Wow.” Di makapaniwalang wika ni Adrian dahilan para maputol ang iba pa ng sasabihin ni Elleri. “Are you being sarcastic right now?” pigil na inis na wika ni Elleri sa binata. “Hinamon niya ako nang rematch. That stubborn kid. Tapos maririnig ko mula saiyo na siya ang kinakampihan mo. Just wow.” Sakristong wika nang binata. Maupo ka nalang. At manood nang tahimik.” Wika ni Elleri saka iniwan ang binata kasama si Chloe. Taka namang sinundan nang tingin ni Chloe ang asawa niya. “Minsan hindi ko maintindihan yang si Elle.” Wika ni Adrian. “Ang gulo mo rin namang kausap kuya eh.” Wika ni Chloe. “Ako pa ngayon ang magulo. Kanino ka ba talaga kakampi?” Tanong nang binata sa kapatid niya. “Kay Ate Elle.” Simpleng wika nito at ngumiti sa kapatid saka nilampasan ito at naglakad patungo kay Elleri at sa iba pa, napaawang lang ang labi ni Adrian dahil sa labis na pagkamangha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD