Ep - 09

1007 Words
"Welcome to SELAS.” Masiglang bati nang sales lady kay Chloe ay Elleri nang pumasok sila sa isang tindahan sa mall. Napatingin si Elleri sa paligid. Ito ang unang beses na nakapasok siya sa tindahan nang Brand na ginawa mismo ni Adrian. Naikwento sa kanya ni Chloe na simula nang sumali ito sa basketball team, he opened his owned store. Tindahan nang sports shoes. His brand may not be that famous globally, but locally patuk na patok ang brand niya lalo na at nakikita nang mga fans niya na sinusuot mismo nang binata ang sapatos niya on his every game. Bawat labas nang bagong collection, he wears them. Kaya sikat na sikat sa mga fans niya at sports enthusiast ang mga sports shoes nang binata. “Bibili kayo?” Nakangiting wika ng sales lady na lumapit kay Elleri. Pinasadahan pa nito nang tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri kung kaya niyang bumili nang sapatos sa tindahang iyon. Pilit namang ngumiti si Elleri nang mapansin ang tingin nang babae sa kanya. Saka napatingin kay Chloe. Mukha ba siyang walang pambili sa ayos niya? Iyon ang nasa isip niya matapos makita ang reaksyon nito. “Mag-lilibot muna kami ang will check the de----” wika nang dalaga na naputol. “Here we go again.” Sakristong wika nang sales lady na dahilan para maputol ang sasabihin nang dalaga. “Excuse me?” Wika ni Elleri dahil sa sinabi nito. Hindi niya gusto ang tono nang pananalita nito para bang may ibig sabihin ang komento nito. “Ma’am, hindi naman po sa minamaliit ko kayo. But I don’t think. Kaya niyong bumili sa ganitong tindahan.” Wika ng sales lady. Napatingin naman si Chloe sa Sales lady na nang mga sandaling iyon ay nasa isang rack nang mga sapatos. Taka itong bumaling sa sales lady dahil sa naging komento nito. Habang si Elleri naman ay napaawang ang labi dahil sa labis na pagkagulat. Hindi niya akalaing ganito ang mga salesclerk sa store ni Adrian. Alam niyang sikat ang brand nang binata pero hindi niya akalaing mamatahin nang mga salesclerk na ito ang mga bumubili sa tindahan ni Adrian. Ibig bang sabihin nito, ang may kaya lang ang pwedeng bumuli sa product nang binata? Iniisip tuloy niya kung magkano ba ang bawat pair nang sapatos doon at ganito kung magmataas ang sales lady sa harap niya. “I am sure, hindi naman ito ganoon kamahal para hindi namin makayang bilhin, right?” pilit na ngumiting wika ni Elleri saka lumapit kay Chloe. “What? 10,000?” gulat na bulalas ni Elleri. Nang lumapit siya sa dalaga. Binulong nito sa kanya na ang pinakamababang halaga nang sapatos sa tindahan na iyon ay 10000. Dahil sa gulat at hindi makapaniwala sa narinig napabulalas si Elleri, dahilan para lihim na napangiti ang sales lady. “Ganoon ka mahal?” takang wika nang dalaga kay Chloe. “Ano bang iniisip nang kuya mo?” ganting bulong nang dalaga kay Chloe. Napakibig balika lang ang huli. Wala naman kasi siyang alam sa pagpapatakboo nang business nang kapatid niya. Ang alam niya kahit ganoon ka mahal ang mga sapatod nito. Binibili pa rin nang mga consumers. Siguro dahil na rin sa star factor ni Adrian. “Kung hindi niyo kaya ang presyo nang sapatos dito may ibang tindahan naman sa labas nang mall.” Wika nang babae. “Besides, I don’t think you can afford kahit ang pinakamurang sapatos dito.” Sakristong wika nang babae kay Elleri. “Look miss. Hindi mo yata kilala kung sino ang nasa harap mo.” Di makatiis na wika n Chloe. Ngunit natigilan siya nang hawakan ni Elleri ang kamay niya. Taka siyang napatingin sa dalaga. Bakit naman siya nito pinipigilan? Kapag nalaman nang mga sales lady kung sino siya baka hindi na siya tratuhin nang mga ito na para bang wala siyang pambili. “Bakit? Isang sikat na actress? Or model ba siya gaya ni Aster?” wika nito at muling pinasadahan nang tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa. “I doubt it, hindi ganito manamit ang isang model.” Wika pa nito. Ano namang problema sa pananamit ko? Tanong nang dalaga sa sarili niya. She is wearing, a Tshirt and a jean. Isang komportable na damit. Bukod doon, nagpunta siya sa shop ni Adrian dahil gusto niyang makita ang mga sapatos nito. Pero hindi niya akalaing ganitong klaseng pagbungad ang tatanggapin niya mula sa mga nagtatrabaho doon. “Wait, is that----” putol na wika ni Elleri nang mapatingin sa mga sketches nang sapatos na nasa frame at nakasabit sa paligid nang store. Naalala niya ang mga sketches na iyon. “Bakit ate?” tanong ni Chloe nang mapansin na nakatuon ang atensyon ni Elleri sa mga sketches. “Those are the designs na ibinigay ni Ms. Aster kay LA nang nasa loob pa siya nang Military and his inspiration sa brand niya. A little trivia for both of you, SELAS is from their initials.” Proud na wika nang babae. “Galing kay Aster?” gulat na wika ni Elleri saka tumingin sa sales lady. Panong naging kay Aster ang mga sketches na iyon? She was the one who made them. It was her designs. “How romantic, si LA na siguro ang pinaka Romantic na lalaking nakilala ko. Kaya hindi nakakapagtakang napakamahal nang mga creation niya dahil sa kwento nila ni Miss Aster. They’ve been separated dahil sa mga career nila. But they never stopped loving each other. At ngayon, nagbalik na si Miss Aster, for sure ang sunod niyan ikakasal sila.” Wika nito na tila ba nangangarap. Napatingin naman si Elleri sa babae. Hindi siya makapaniwala. Bakit inisip ni Adrian na mula kay Aster ang mga sketches na iyon? She was the one who made them for him. And making his own brand out of their initials? Para talagang sinasabi ni Adrian sa kanya na kahit kailan hindi siya magkakaroon nang puwang sa puso nito. They are mere classmates and childhood friedns, kung pwede niyang ituring na magkaibigan sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD