Treinta y dos NAGISING ako sa ingay na nagmumula sa labas ng kwarto ko. Nang tingnan ko ang oras ay alas siyete palang ng umaga. Hindi ko alam kung nakaalis na si Yanit pero si Savo ay wala na sa tabi ko. Naghilamos lang ako at sinuri ang labi ko na mukhang nawala na ang pamamaga. “Good mor—Yanit!” Ang aga-aga pa ay halos lumawa ang ngala-ngala ko nang sigawan ko si Yanit na parang isang bibe na kumikibot-kibot sa harap ko. Katabi niya ngayon si Savo na sinabasayan ang bawat galaw niya. Nakasuot ito ng isang one piece na may tights sa loob habang sabay silang kumikembot-kembot at gumigiling ni Savo sa harap ko. Napapailing nalang akong iniwan silang dalawa dahil masakit pa ang ulo ko dahil sa nangyari kahapon at mamaya na ang grand finals namin kaya kailangan kong magpraktis. Pagpas