Treinta y tres PINAGMASDAN ko ang sarili ko sa salamin. Isang oras na yata ako dito at iba’t ibang anyo na ng sarili ko ang aking nakita. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa yata tapos ang mga bakla at babaeng ito sa pagbusisi ng mukha ko. Hindi ko alam kung sadyang madaming mali sa mukha ko o hindi lang talaga sila makuntento sa nakikita nila. “Hindi pa ba tayo tapos?” hindi ko na mapigilang tanong sa kanila. “Malapit na po, Miss,” sagot ni Cana sa akin. Wala akong magawa kung hindi ang hayaan nalang siya sa gusto niyang gawin. Ito ang trabaho niya at responsibilidad ko na sumunod doon. Kaya kahit masakit na ang ulo at makati na ang mukha ko ay hinayaan ko nalang sila sa gusto nilang gawin sa akin. At matapos ang mahabang oras na pagkakaupo ko ay natapos na din sila. At nang tumi