SAIS

2682 Words
Sais   MARAMING bagay sa buhay natin ang ginagawa natin kasi kailangan o dili naman kaya ay ito ang nararapat. At marami na akong ganoong desisyon sa buhay na minsan hindi ko na alam kung tama pa ba kasi madalas ko na silang gawin. Kaya mula ng mangyari iyon ay pinangako kung hindi ko na gagawin iyon. Hind na ako magdedesisyon base sa sitwasyon ko… pero ngayon ay wala akong magawa dahil ito lang ang pagpipilian na meron ako ngayon.   “Totoo ba ang sinabi mo sa akin kanina sa telepono, Ara?” hila sa akin ni Mamang papunta sa isang sulok.   Isang ngiti ang sinagot ko sa kanya. Hindi man ito abot sa aking mga mata pero pilit kung pinakita na bukal sa loob koi to at walang ibang taong pumilit sa akin dito. Ginagawa koi to dahil gusto ko silang tulongan hindi dahil sa amo ko. Ginagawa ko ito para sa dalawang babaeng naging Nanay-nanayan ko na rin sa lugar na ito.   Isang halakhak ang kumalawa sa akin ng bigla niya akong yakapin at walang tigil na pasalamat ang inuusal niya. Ito nalang ang magagawa ko para sa kanila—para ibalik ang pasasalamat ko sa kanilang dalawa. Maya-maya ay dumating na rin si Miss Minchin at agad akong niyakap nataranta pa ako ng bigla nalang itong umiyak sa harap ko.   Tipid akong ngumiti habang nakatingin sa sarili ko na nasa harap ng salamin at ilang ulit na umusal ng mga salitang magpapalakas ng loob ko. ‘Mahimo nimo kana Samara. Hunahuna nga gibuhat mo kini tanan alang kang Mamang.’   “Ara, ayos ka lang?” binalingan ko si Yanit na agad sumugod dito ng malaman ang desisyon ko.   Hindi ko pwedeng pabayaan si Mamang dahil noong walang taong tumanggap sa akin noong unang beses na pumasok ako dito ay siya ang karamay ko. At si Miss Minchin na kahit lagi itong masungit sa akin ay laging iniintindi ang sitwasyon ko lalo na kung tungkol ito sa kapatid ko. Kaya hindi ko sila pwedeng hayaan na mawala na lang dito sa kompanyang ilang taon na nilang pinaghirapan at dahil lang sa mga lintik na Espanyol na ito ay kailangan nilang umalis sapagkat hindi nila nabigay ang mga kapretso nila.   “Huwag ka nalang kayang tumuloy?” pangungulit ulit ni Yanit sa akin.   Nandito kami sa isang silid kung saan pinagamit sa akin nila Mamang para dito ako magbihis at mag-ayos. Kanina pa ako nag-iiensayo at pilit pinapakalma ang sarili ko. Ngunit isang oras na yata ako sa loob ng silid na ito pero walang para man lang pagbabago ang kabang nararamdaman ko. Pati mga kamay ko ay nanginginig na rin sa kabang kumakain sa buong pagkatao ko.   Kung pwede lang na hindi ako tumuloy ay kanina ko pa ginawa. Lalo na at hindi na ako sanay na makita ang sarili ko sa ganitong kasuotan. Nakakapanibago pa rin pala. “Nakapangako na ako sa kanilang lahat, Yanit.”   Suot ko ngayon ang isang black mermaid dress na may pulang frills sa bawat laylayan at pati na rin sa dulo ng sleeves nito. Ang buhok ko ay nakapusod pataas sa kanang bahagi ng ulo ko. Nilagyan ito ni Yanit ng tatlong rosas para magsilbing disenyo sa buhok ko. Hanggang ngayon wala pa rin kupas ang babaeng ito kahit noong lumalaban ako ay siya din ang laging nag-aayos sa akin.   Sabay naming nilingon ang pintoan ng silid ng sumungaw mula doon si Mamang na mukha ninerbyos na rin. “Ready ka na, Ara?” naikuyom ko ang mga kamao ko bago sumagot sa kanya.   Ilang taon ko ng hindi ito ginagawa. At doon ako kinakabahan dahil baka bigla akong magkamali ay nakakahiya sa mga bisita. Pero sabi nga ni Yanit ang mananayaw habang buhay na mananayaw.   “Kahit kailan hindi nakakalimot ang mga paa. Tandaan mo ‘yan, Samara.”   Ilang beses kung inuulit iyon sa isip ko habang naglalakad palabas ng silid na tinutuloyan ko. Hindi lang naman ako ang magpeperform, ngunit ang parteng ito ang pinaka highlight ng gabing ito. Kaya mas lalong nakakadagdag sa pressure na nararamdaman ko dahil siguradong maraming tao ang nag-aabang sa part kung ito.   Gusto ko sanang magsuot ng maskara para hindi ako makilala ng mga kasamahan ko dito sa trabaho. Ngunit hindi maaari dahil siguradong ipapatanggal din naman daw ito ng mga bisita sabi ni Mamang.   Hindi alam ni Sir Benj at ng matandang Lebrado na ako ang papalit sa dapat ay sasayaw ngayong gabi. Gustong sabihin nila Mamang pero sabi ko ay hayaan nalang dahil hindi naman importante at baka hindi rin naman nila ako makilala sa mga ayos ko ngayon.   “Ayos ka lang, iha? May kailangan ka ba?”   Hindi ko mapigilang mapangiti ng bakas sa mukha at tinig niya ang pag-aalala. Hindi ko alam kung dahil sa akin o dahil baka magkamali ako at mas lalong nakakahiya ang event na ito. “Ayos lang ako, Mamang. Kaya kumalma ka, ipagdasal mo ako na sana ay matapos ko ito ng walang magiging aberya,” nakangiti kung paninigurado sa kanya.   Kailangan naming pakalmahin ang isa’t isa kahit pa sa totoo lang ay nasusuka na ako sa sorbang nerbyos. Sinilip ko ang stage kung saan puno ng mga tao na hindi ko alam kung saan nanggaling. Nakaupo sa pinaka unahan ng theater ng hotel ay ang mag-amang Lebrado at sa tabi nila ay ilang mga taong seryosong nakatutok ang mata sa stage. Ang mga mukha nila ay hindi mo kakitaan ng kahit anong rekasyon kaya hindi mo alam kung natutuwa sila o hindi sa pinapanood nila.   Isa-isang nagset-up ang mga kasama ko sa likod ng malaking kurtina na siyang naghihiwalay sa amin ng mga manonood. Pumikit ako at ilang beses na huminga bago pinorma ang sarili ko sa umpisa ng tugtog. Ang back up ko ay ang grupo pa rin na kinuntrata nila Miss Minchin ako lang ang papalit sa sasayaw dahil hindi rin naman sila makakahanap ng bagong grupo na tutugtog.   “And for tonight’s highlight of the event and everyone’s waiting for. Let’s give a round of applause to the Baile and Singing group!” sigaw ng Emcee bago tumaas ang malaking kurtina at lumiwanag ang buong paligid ko.   Nakaekis ang dalawang kamay ko habang nakataas at nakatalikod sa lahat ng manonood. Kasabay ng pagkalabit ng mga guitaristang nasa harap ko ay mabilis akong pumadyak at inikot ang mga kamay at daliri ko sa hangin. Bawat padyak at galaw ng kamay ko ay sumasabay ang bawat kalabit sa guitara ng mga musikerong nasa likod ko habang sinasayaw ko ang flamenco sa saliw ng ‘pata negra’. Hindi ko namalayang kusa nalang gumagalaw ang mga kamay at paa ko, nakakalimotan ko na ang mga taong ngayon ay manghang nakatitig sa akin. Bawat kembot ng balakang ko ay sumusunod ang mga mata nila at sa bawat padyak ng mga paa ko ay napapaawang ang mga labi nila. Ang bawat kalabit nila ng gitara ay sumasabay sa palakpak ko ng kamay na mas lalong nakakapagbigay buhay sa mga paa ko.   Totoo nga ang sabi ni Yanit. Kapag nasa stage na ako at tumugtog na ang musika ay kusa ng gagalaw ang mga kamay at paa ko.   Nang iikot ko ang mga mata ko sa paligid ay tumigil ito sa lalaking manghang nakatingin sa akin. Actually, hindi ko nga masabi kung totoo itong namamangha habang nakatingin sa akin dahil hindi ko maipaliwanag ang mga tinging ginagawad niya sa bawat galaw ko. Nang magtama ang mata naming dalawa ay ako na mismo ang kusang nagbawi ng tingin dahil para akong napapaso sa mga titig nito.   Ilang ikot, kembot at pitik pa ng mga kamay ko bago huminto ang pagtugtog ng gitara. Kasabay noon ay ang malakas na sigaw at palakpakan ng mga tao sa buong theater hall.   “Nahuman nimo dai! Proud ko nimo!” bulong ko sa sarili ko habang habol hiningang nakatingin sa lahat.   Eksaktong pagkababa ng kurtina ay mabilis akong umalis palayo doon sa stage. Sinalubong ako ni Yanit na nakatayo sa exit at naghihintay lang sa akin. Kinuha niya ang mga gamit ko at dumiretso na kami sa pinakamalapit na powder room at nagbihis. Alas syete na nang gabi at kailangan pa naming pumunta sa club zero. Alas otso pa naman ang bukas nito kaya aabot pa kaming dalawa.   “Mauna ka na, Yanit. Kukunin ko lang ang mga gamit ko sa locker room,” utos ko sa kanya.   Sa labas nalang ako hihintayin ni Yanit kaya mabilis na akong bumalik sa locker room para kunin ang naiwan ko pang mga gamit. Hindi ko alam kung anon a ang nangyari sa loob ng theater pero hindi ko naman na siguro kailangang magtagal doon dahil tapos na ang tulong na ginawa ko. Ngayon ay kailangan ko naman pasukan ang isa pang trabaho ko.       Palabas na ako ng locker room ng agad akong matigilan dahil biglang dumami ang mga tinig na nagmumula sa labas ng pinto. Siguradong naglalabasan na ang mga taong nasa loob ng theater kanina dahil hindi na matapos ang mga tawanan at kwentohang naririnig ko. Pagbukas ko ay hindi nga ako nagkamali at habang naglalakad kasabay ng dagat na mga taong ito ay naririnig ko ang bawat papuri nila sa mananayaw na nasa itaas ng entablado kanina.   Mga papuring nakalimotan ko na at matagal ng hindi naririnig.   “Ang tagal mo naman. Baka mahirapan na tayong sumakay ng taxi kasi naglalabasan na ang mga tao,” saad ni Yanit ng makalapit ako.   “Hayaan mo na. Maaga pa naman aabot pa siguro tayo. Mag dyip nalang tayo para mabilis tayong makasakay,” saad ko sa kanya bago siya hinila palayo doon.   Yanit is my best friend. She knows every part of me.   The one I let people see and the one I let her see.   Pagdating namin ng Club Zero ay eksaktong ilang minute nalang ay magbubukas na ito mabuti nalang at nakapagbihis na kami bago umalis ng hotel. Patok din ang sinakyan naming dyip kaya halos lumipad na rin kami palabas dahil sa sobrang bilis nito.   Friday ngayon kaya siguradong maraming tao ang dadagsa sa Club. Dapat ay hindi ko na papasukan ang sideline na ito pero kailangan ko ng pera pandagdag pa para sa kaarawan ni Savo. Idagdag pang hindi pa dumadating ang budget nila Sister kaya halos wala na silang panggastos sa mga susunod na araw. Ayos lang ako at matitiis ko pa ang lahat pero hindi ang mga bata. Masyado na silang maraming dinanas para pati pagkain ay pagkaitan pa silang lahat.   "Oh, Ara. Masaya akong makita ka pa rin dito,” saad ni Art ng makasalubong niya ako sa hallway.   Siya ang alalay at secretary ni Sir Fin ang may-ari ng bar. Siya din ang pinagkakatiwalaan niya ng lahat dahil sabi niya tamad daw ang boss niya kaya bihira itong makikita ng lahat. Madaldal ito at makulit hindi gaya ni Castor na secretary naman ni Sir Benj na nuknokan din ng sungit gaya ng amo niya.   "Gusto mo ba umuwi nalang ako, Art?" nakangisi kong tukso sa kanya.   “Oi, Ara kailangan namin ng magandang waitress dito. Hindi ‘yong si Yanit nalang ang lagi naming nakikita dito,” sabat ni Kuya Mong na nagmamop sa paligid.   “Oi, Kuya Mong grabi ka ah! Hindi ko na kayo ipagluluto nananawa na pala kayo sa akin eh!” sabat agad ni Yanit na inaayos ang bawat lamesa.   Nag-uumpisa ng magdatingan ang mga tao kaya nagiging abala na rin kami. Merong banda na magpiperform ngayon kaya marami ang gusting manood. Kapag weekend lang kasi may ganitong paandar si Sir Fin pang relax daw sa mga taong buong lingo na nagtrabaho. Kahit ako ay gusto ko rin ng ganoong environment lalo na kung ang boss mo ay si Sir Benj na nunokan ng sungit.   "Ara, pabigay sa table 2.”   Mabilis akong lumapit dito para kunin ang tray ngunit agad din akong natigilan dahil biglang kumirot ang paa ko. Nagpaltos pala ito dahil sa suot kung sapatos kanina mukhang nanibago ito ng husto. Hindi ko na namalayan kanina dahil masyado akong nasarapan sa ginagawa ko. Malungkot akong napangiti ng maalala ang pakiramdam habang sumasayaw sa gitna ng entablado kanina.   Pakiramdam na minsan ko ng naramdaman noon at matagal ko ng nakalimotan.   Nakakamiss din pala ano? Pero makasalanan ang mga paang ito at hindi na muling hahayaan pa na mawala sa sarili ko dahil dito.   “Ayos ka lang, Ara? Oh, dumudugo ang paa mo,” turo ni Art sa paa kung bakas na ang dugo sa puting sapatos na suot ko.   “Ayos lang ako.”   “Teka maupo ka lang diyan. Huwag kang gagalaw kung hindi bukas wala ka ng trabaho,” kunot noong bilin niya bago tumalikod at pumasok sa employees entrance.   Wala akong nagawa kung hindi ang maupo at hintayin siya dahil kailangan ko ng pera. Kaya hindi ako pwedeng mawalan ngayon ng trabaho. Maya-maya ay bumalik ito at may bitbit ng medicine kit sa kanang kamay niya.   “Napano ka ba? Sobrang namamaga na ‘yang sugat mo oh!”   Nang tanggalin niya ang rubber shoes at medyas ko ay mas lalong nadepina ang sugat ko. Malaki pala ito hindi ko man lang napansin. Akala ko ay gasgas lang at baka mawala din ito kapag hinayaan ko lang pero hindi pala.   “Ayos lang naman ako, Art. Kaunting gasgas lang naman ito.”   “Naku, Ara hindi ‘yan gasgas. Ang laki na kaya ng sugat mo tapos maga na rin ang paa mo.”   Napangiwi ako nang hawakan niya ang paa ko. Nadepota! Sobrang sakit pala talaga. Bakit ba hindi ko man lang ‘to nararamdaman kanina? Hindi ko alam kung babatokan ko ang sarili ko o sadyang lutang lang din ako.   Pero bago pa magalaw ni Art ang paa ko ay mabilis na siyang tinawag ni Kuya Mong dahil may delivery na biglaang dumating. Ayaw niya pa sana akong iwan pero ako na mismo ang nagtulak sa kanya paalis dahil magiging abala na ang lahat kaya kailangan na din gumaling ang paa ko.   T-shirt at short ang uniform namin dito sa Club zero kaya mas madaling kumilos. Dahan-dahan kung tinaas ang paa ko sa upoang malapit sa akin at inabot ang paa ko para gamutin. Pero kada galaw ko ay hindi ko maiwasang mapangiwi dahil sa kirot na nararamdaman ko. Sinubokan ko pang muling abotin ito pero mas lalo lang akong nanghihina bago ko pa ito maabot.   “Huh?” Awang ang mga labi kong nakatingin sa lalaking yumukod sa harap ko ngayon. Kinuha niya ang hawak kung bulak at inayos ang paa ko sa upoang pinagpapatungan nito. “A-anong g-ginagawa mo?” halos masamid pa ako sa sarili kong laway dahil sa sobrang gulat ko ng makita siya.   “What do you think?” he smirked at me.   “B-but why?”   “Do I have to explain myself for helping you? As far as I concerned I don’t have to do that or it’s not necessary actually,” seryoso niyang saad bago binuhosan ang paa ko ng alcohol.   Nadepongal ka, Benjamin! Hindi ko mapigilang mapasigaw sa hadping naramdaman ko sa ginawa niya. Gusto ko nalang umiyak sa sobrang hapdi ng sugat ko dahil sa bwesit na lalaking ito. Kinagat ko ang isang daliri ko at hindi mapigilang ngat-ngatin ang kuko ko para pigilan ang sarili kung mapaiyak sa sakit ng ginagawa niya.   “H-hindi niyo naman po kailangang gawin ito—“   Hindi ko na natapos pa ang mga sasabihin ko dahil bigla na siyang tumayo at tinalikoran ako bago walang lingon likod na iniwan ako. Gusto ko pang magtanong kung bakit niya ginawa iyon pero sa tuwing ibubuka ko ang bibig ko ay lagi niya naman akong binabara o di naman kaya ay hindi na siya iimik kapag kinausap ko. Ang lalaking kung hindi masungit ay iilan lang ang mga salitang bibitawan niya. Ganoon ko siya nakilala at habang buhay na yatang magiging ganon ang tingin ko sa kanya.   Napaka misteryoso talaga ng lalaking ito sa paningin ko simula noong una ko siyang makita hanggang ngayon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD