Singko
ANG PERA mahalaga para sa lahat at ganoon din sa akin. Ito ang pinakaimportante sa akin lalo na at kailangan ito sa paggagamot nang kapatid ko. Sa tuwing nakakaipon nga ako kahit kaunti lang ay biglaan na naman akong may paggagamitan. Kaya hangga’t kaya ko pa ay ibibigay ko pa kay Savo ang lahat para lang maging masaya siya.
Inayos ko ang suot kung palda bago lumabas ng quarters namin. Maaga ang duty ko ngayon dahil biglang hindi makakapasok ang kapalitan ko. Kahit antok pa ako dahil galing pa akong kumbento ay dumiretso na ako dito. Hindi kasi ako aabot kapag umuwi pa ako sa bahay. Mabuti nalang at lagi akong may iniiwang uniform dito bilang reserba.
Kinuha ko ang tinapay na pinabaon sa akin ni Sister Anna at habang naglalakad ako papunta sa elevator ay kinakain ko na ito. Muntik pa akong masamid nang biglang lumabas sa harap ko si Buknoy. May dala itong baso ng kape na mabilis kong kinuha. Hindi na nga ako nakapagsalita dahil puno ang bibig ko at nabubulonan na talaga ako.
“Babayaran ko nalang ito mamaya. Salamat,” sigaw ko bago mabilis na pumasok sa fire exit papunta sa ground floor.
Eksaktong pagpasok ko nang elevator ay biglang pumasok si Mr. Lebrado. Mabuti nalang at naayos ko na kung hindi ay nakakahiya naman sa matandang Lebrado. Baka sabihin ay masyadongn Mabuti nalang at naayos ko na kung hindi ay nakakahiya naman sa matandang Lebrado. Baka sabihin ay masyado naman akong nakakampanti porket hindi sila mahigpit sa amin. Sabagay mahigpit din pala si Miss Minchin kaya mas maraming takot sa kanya kesa sa mag-amang Lebrado.
“How’s your day Miss Guzman?”
Bigla akong nanigas na sobrang nerbyos ko ng biglang nagsalita ang matandang Lebrado. “I-I’m good Mr. Lebrado. Thank you for asking,” magalang kong tugon.
Kahit nag-uumapaw ang kaba ko ay hindi ako pwedeng tatanga-tanga sa harap niya. Ayaw pa naman nila ng empleyadong parang hinugot lang kung saan. Gusto nila ay efficient na trabahador para kayang harapin kahit sinong panauhin ay masasagot nila.
“You’re not the bubbly girl, who apply on me today. Did my son giving you a hard time?”
“Hindi naman po kami nagkikita nang anak niyo. Madalas pong abala si Sir Benj.”
Akala ko ay titigil na ito pero hindi pa pala ay dahil nakipagkwentohan pa ito sa akin habang inaalala ang mga panahong madalas siyang pumapasok dito sa building. Hindi pa naman kasi ganoon katanda ang matandang Lebrado. Gusto niya lang na ang anak niya na ang mamahala dito para naman daw may pagkaabalahan ito at hindi lang ang mall at ibang negosyo ang pagtuonan ng pansin.
At hindi rin kasi sila magkasundo kaya siguro ito na rin ang way niya para mapalambot ang anak lalo na at may pagkamasungit ito. Mabait naman ang ama niya at sabi nila Mamang ay mabait din daw ang Nanay ni Sir Benj. Kaya nagtataka talaga ako kung saan ito nagmana ng kasungitan niya.
“Oh, Ara. Do you want to apply as Benj secretary? I will recommend you.”
Wala na akong naisagot pa dahil palabas na siya ng sabihin iyon at sinalubong na siya ng ilang mga tao. Saglit akong napaisip sa sinabi ng matandang Don. Pero isipin pala na pagiging sekretarya ang aaplayan ko ay siguradong lalaki na ang sahod ko at hindi na ako magdodouble job pa. Kaso ang problema ay papasa ba ako sa taste ni Sir Benj?
Nawala sa isip ko na ibig sabihin ay araw-araw ko din pala siyang makikita at makakasama? Parang masaya na yata ako sa pagiging elevator girl nalang talaga. Di bale nalang na maliit ang sahod ko at magtrabaho ako ilang sideline kesa tiisin ko ang kasungitan ni Benjamin. Ilang taon ko dito ay sa harap lang yata ito ng mga kaibigan ngumingiti pero kapag iba ang kaharap nito ay swerte mo na kung makita moa ng maliit na ngiting sisilay sa labi niya.
“Ate Sam…” nilingon ko ang batang pasahero ko at siyang tumawag sa akin.
“Yes, Preston?”
“Can I start courting you tomorrow?”
Hindi ko mapigilang mapangiti sa batang ito. Pati ang mga taong kasabay naming paakyat at hindi mapigilan ang matawa sa kakulitan nito. Halos araw-araw niya akong tinatanong nito kapag nagkikita kaming dalawa kaya parang natural nalang sa amin ito.
“Tomorrow? What is your height now? What size did I told you?” nakangisi kung tanong sa kanya.
Saglit siyang nag-isip bago parang naalala ang sinabi ko at biglang nalungkot. Pinaalala ko nalang na kaunti nalang ang pagitan niya sa akin kaya muli na itong tumawa. Dahil hindi na naman ito titigil sa pangungulit sa akin hanggang sa wlaa akong magagawa kung hindi ayain siyang bumili ng ice cream as our date daw.
Ganito ang araw-araw ko dito sa loob ng elevator. Minsan pa ay si Daddy Ron na isa sa Tatay ng isa sa tenant na maghapon akong susundan at yayayain din akong kumain sa labas. Mabuti nalang at nasa bakasyon siya ngayon kaya itong si Preston lang ang kukulit sa akin.
“Ano kaya pa?” napanguso ako kay Mamang at mabilis na kumapit sa braso niya.
“Mang, namiss kita maghapon,” paglalambing ko sa kanya.
Maghapon kasi kaming busy dahil maraming taong labas pasok ngayon. Nangangalay na nga ako kakatayo dahil wala naman si Fina na kapalitan ko ngayon. Tapos idagdag pang iniiwasan ko din naman si Sir Benj kaya siguro mas lalo akong naistress. Ewan ko nga ba bakit nahihiya akong makita siya ngayon. After kasi ng incident sa restaurant ay nahiya ako sa mga kagagahan ko sa buhay. Huli na ng marealize ko na amo ko pa rin pala siya kahit anong sungit at nakakainis siya.
“Naku problemado nga ang lahat dahil sa even na mangyayari mamaya. Hindi kasi makakarating ang performer na inupahan nila Minchin at hindi na sila makahanap ng agarang papalit,” reklamo niya bago sundan ng ilang mga buntong hininga.
“Ay ganon! Hayaan mo na si Miss Minchin, Mang. Problema niya naman ‘yun kaya dapat siya ang lumutas doon.”
Napangiwi ako ng batukan niya ako. “Gaga ka talagang bat aka! Kasali din tayo sa problemang ‘yon dahil Ambassadors daw nang Spain ang bisita at nakita mong nandito ang matandang Lebrado hindi ba? Siguradong yayanig ang buong building kapag nagkaproblema si Benj dahil sa palabas na hinanda nila para sa bisita. Dahil balak daw bumisita ng Hari dito at ang Hotel natin ang unang sa rekomendasyon.”
Bigla naman akong nasamid sa sinabi ni Mamang. Magkakaproblema nga kami dahil siguradong lahat kami ay sasalo ng problemang galing sa puso papunta sa pinaka dulo ng ugat. Ang tahimik kung mundo ay bigla namang nagulo ng wala sa oras.
“Oo nga pala. Hindi ba’t sumasayaw ka? Bakit hindi nalang ikaw?” baling ni Mamang na kahit ako ay kinagulat ang suhestiyon niya.
“Naku, Mamang matagal na po iyon. Wala na rin akong insayo ilang taon na mula ng huli akong sumayaw sa school namin noon.”
Sunod-sunod akong napailing kay Mamang at mabilis na lumayo dahil para akong biglang napaso. Matagal na ng huling beses akong sumayaw. At kahit kailan ay hindi ko na inaasahan ang sarili ko na gagawin ko pa iyon. Matagal ko ng iniwan ang pagsasayaw at ayoko ng magkaroon ng kahit anong koneksyon sa stage na ‘yun.
Matagal nang nakaalis si Mamang sa tabi ko pero hanggang ngayon ay parang naririnig ko pa rin ang sinabi niya sa akin na dapat akong sumayaw. Pagsayaw na matagal ko ng sinumpa at pinangakong hindi na muling aapak sa stage na ‘yun.
“Ayos ka lang. Ara?” nilingon ko si Buknoy at mabilis na tumango bilang tugon. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya sa sobrang lalim ng iniisip ko.
“Oo. Masakit lang ang ulo—“
Naputol ang mga sasabihin ko pa dahil biglang pumasok si Castor ang alalay at assistant ni Sir Benj. At kasunod niya si Sir Benj na abala sa telepono niya kaya agad akong napatakip ng mukha ko. Si Buknoy naman ay mabilis na napaurong palayo sa kanila. Hindi ko maiwasang mapalunok sa sobrang kaba na biglang bumalot sa akin.
“Good day, Mr. Lebrado!” sabay naming bati ni Buknoy na biglang ninerbyos dahil nasa harap niya ang big boss niya.
“Magandang araw din, Ara at Buknoy!” bati nito sa amin ng maibaba ang telepono. s**t! Nakilala niya ba ako? Nakita niya ba ang mukha ko? Pota talaga! Hindi pa ako handa na malaman niyang nagtatrabaho din ako dito. Matapos ng nangyari sa restaurant ay siguradong mawawalan ako ng trabaho. “Are you sick, Ara?” nagulat pa ako ng maramdaman kung sobrang lapit na nito sa akin.
“Hindi po, Sir.” Pikit mata kung sagot sa kanya.
“Then, why you’re not looking at me?”
Pota naman talaga ang lalaking ito. Pilit pinapaliit ang mundo ko. Hindi nalang manahimik at lumabas kailangan pa akong usisain na hindi naman na dapat. Pwede naman kasi si Buknoy ba’t kaya ako pa ang kinukulit niya?
“Sorry, sir. Meron po kasi akong pimples,” pagdadahilan ko nalang. Bwesit na buhay to!
Akala ko ay may sasabihin pa siya mabuti nalang at nasa floor na kami ng opisina niya kaya nanahimik na ito at mabilis na lumabas nan g elevator. “Ah, Sir. Did Miss Minchin told you that the performer later backout?” dinig kung tanong ni Castor dahilan para matigilan siya sa paghakbang.
“What did you say again, Castor?” tiim bagang nitong tanong na halos pigil na pigil ang bawat pagbuka ng bibig niya.
“That’s what she said a while ago when I was talking to her.”
Nasa labas lang sila ng elevator at halos hindi ko maisara ang pintoan dahil gusto kung marinig ang kung anong sasabihin niya at kung ano ang magiging reaksyon niya. Kitang-kita ko ang paglukot ng mukha niya at pagdilim ng anyo nito. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba at takot habang nakatingin sa mukha niyang nakalihis sa akin.
“Call them now!” napapitlag ako ng bigla itong sumigaw at umalingawngaw sa buong floor na iyon ang boses niya.
Ganoon ba kaimportante ang event na ‘yun para sa kanila? Marami namang malalaking tao ang pumunta na rito noon at hindi naman sila ganito kung magreact. Tsk!
“Hayaan mo sila Samara, huwag mo ng isipin kung ano pa ang gagawin nila. Hindi na kasali iyon sa kwenta ng pay check mo,” bulong ko.
Pero kahit ilang beses na akong nag-akyat baba ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mukhang nakita ko kay Benjamin kanina. Tsk! Bwesit na utak ‘to! Hindi man lang makisama sa may-ari niya at nakikigulo pa.
“May nangyari ba?” nagtataka kung tanong.
Dahil nang makapasok ako sa loob ng quarters naming ay halos lahat sila bagsak ang mga balikat. At hindi maipinta ang mga mukha nilang lahat. Ano bang nangyayari sa paligid ko? Kanina si Mamang lang, tapos dumagdag si Benjamin ngayon pati ang mga ito ay nakikidagdag pa sa problema ko. Tsk!
“Anong nangyayari?” tanong ko kay Buknoy ng maupo ako sa tabi niya.
“Hindi mo ba narinig ang balita? Kapag hindi natuloy ang event ngayon maaaring ikatanggal ni Mamang at Miss Minchin.”
Halos mabitawan ko ang hawak kung inumin ng marinig ang sinabi niya. Matatanggal sila para sa ganoong bagay lang? Parang sobrang babaw naman nito na maging dahilan ng pagkakatanggal nila. Dahil hindi ako naniniwala sa sinabi ni Buknoy ay tinanong ko pa ang mga kasama namin ngunit iisa lang ang sinasagot nila sa akin.
“Bakit aalisin sila Mamang?” tanong ko sa isang sales lady na tinabihan ko pagkaalis ni Buknoy.
“Dahil nga daw iyong pinapagawa ni Sir Benj ay hindi nila nagawa,” bulong niya sa akin.
Mabilis nalang akong lumabas at hinanap si Mamang. Nahanap ko ito sa harap ng opisina ni Sir Benj at walang tigil na pabalik-balik na naglalakad. Saglit ko siyang pinagmasdan habang ilang beses na napapahilamos ang kamay at pinipisil ang mga daliri dala ng sobrang nerbyos. Nanghihina akong napaupo sa isang tabi at sumandal sa pader na nasa likod ko.
I shouldn’t feel guilty right co I’m not the one who made that decision but it keep on bugging me the whole time I learn about Benj planned.
“Oh, Ara. May problema ba?” tanong sa akin agad ni Yanit pagkasagot ng tawag ko.
“I need help.’
“Why? May nangyari ba? Teka nasaan ka? Pupuntahan kita huwag kang aalis diyan,” tuloy-tuloy niyang saad na bakas ang pagkabalisa dahil sa akin.
“No need to come here. I just need another insight.” Isang buntong hininga ang pinakawalan nito. Hindi ko rin mapigilang mapapikit habang hinihilot ang ulo ko. “May event sila dito sa hotel at ang magpeperform ay biglang nagback out dahil naaksidente ang participant.”
“Then…”
“Mamang is one of organizer and Miss Minchin at kapag hindi sila nakahanap ng kapalit ay matatanggal sila.”
“s**t! Badtrip talaga ‘yang amo niyong masungit. Anong balak mo?”
“Hindi ko alam kung tutulongan ko sila o hindi. Pinangako ko na hindi na ako muling tatapak ng stage after that day.”
“Wala sa akin ang sagot diyan. Dahil ang dapat mong itanong sa sarili mo ay kung saan ka makakampante. Sa parte ban a hindi mo sila tutulongan at maaaring ikatanggal nila sa trabaho ‘yon? O ang baliin ang pangako mo sa sarili mo at muling gagawin ito for the sake of others? It’s both reasonable, Ara. At hindi kita huhusgahan sa kung ano man ang pipiliin mo.”
Imbes na tulongan niya ako ay parang mas lalong sumakit ang ulo ko sa sinabi ni Yanit. Hindi ako makapa-isip ng maayos kaya lumabas nalang ako at naghanap ng makakainan. Nakarating ako sa paborito kung café malapit dito sa building nasa likod ito kaya hindi masyadong kita ng mga tao.
“Problemado sa buhay te, Ara?” nilingon ko si Jhing na may-ari ng café na ito.
“Hindi naman. Salamat, Jhing.”
Hindi ko na kailangang umorder dahil madalas nga akong nandito kaya alam na agad nila ang order ko. Habang nag-iisip ay nagulat ako at halos masamid ng makilala ang taong naupo sa harap ko. Bigla akong kinilabotan ng nakangiti itong nakatingin sa akin bago isa-isang inaalis ang mga order niyang nasa tray.
“A-anong ginawa mo dito?” bigla akong nataranta sa pagsulpot niya. Ilang beses ko pang sinuntok ang dibdib ko dahil parang biglang may bumara doon dahil sa biglaan niyang pagsulpot.
“This is a public place. So, I assumed this place is not yours to ask me like that,” masungit niyang sagot kasabay ng pagkawala ng ngiti niya.
Bwesit na lalaking ito. Wala man lang masabing maganda kaya hinayaan ko nalang siya. Gustohin ko man siyang paalisin pero gaya ng sabi niya ay hindi ko pag-aari ang lugar na ito kaya nanahimik nalang ako.
“May problema ba?” hindi ko mapigilang itanong dahil wala siyang tigil kakatingin sa relong nasa pulsohan niya at sa teleponong nasa lamesa. “Sorry, hindi pala ako dapat mangialam,” saad ko nalang ng pinagmasdan niya lang ako gamit ang mukha niyang iilan lang ang alam na emosyon.
“It’s about my job. It doesn’t concern you so, it’s okay.”
“Di, wag. Ano nga bang alam ko sa mga ganyang trabaho? Tsk!”
“It’s not that. I mean—“
“Ayo slang. Wala din naman ako sa posisyon na makialam—“
“The company is at stake because of that event and one problem ruined all of it,” pagtatapos niya sa sinasabi niya.
Ilang ulit pa akong napakurap-kurap dahil baka mali lang ang dinig ko. Pero talagang sinabi niya ang rason niya sa akin na hindi niya naman kilala at isang balahura lang sa buhay niya.
“Why are you telling that to me?”
“You’re asking maybe that’ll help me lessen my worries,” saad niya bago akmang tatayo ngunit agad na tumigil ng magtanong akong muli.
“Ganoon ‘yon kaimportante?”
Huminga siya ng malalim at bumaling sa akin. “Yeah, my employee’s job is at stake,” he said before leaving.
Naikuyom ko nalang ang mga kamao ko habang pinagmamasdan siyang mawala sa paningin ko. Tang’nang buhay ito! Kaya ayokong nangingialam ng buhay ng iba eh! Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan si Mamang.
“Mang, payag na po akong sumayaw para mamaya. Ititext ko po ang mga kakailanganin ko,” pikit mata kung saad bago ibaba ang tawag ko.
After three years I’ll be dancing again.