Siete
BENJAMIN
Pang ilang beses ko nang pinagmasdan ang hawak kong papel ngayon at ang telepono ko. Pero halos ilang oras ko na itong ginagawa ay hindi pa rin tumutunog ang linya sa opisina ko para man lang mabago ang balitang sinabi sa akin ni Castor kanina. Ilang oras na lang at mag-uumpisa na ang event na ako mismo ang nag-ayos. Pero ngayon ay mukhang mabubulilyaso pa yata ang ilang buwan kong pinaghirapan.
Hinilot ko at sentido ko bago nakapikit na isinandal ang ulo ko sa upoang nasa likod ko. Ang dami kung kailangang unahin pero heto at dumagdag pa ang event na ito. Hindi ko alam kung saan kukuha ng mananayaw para sa mga bisitang darating mamaya. f**k!
“Nakahanap na daw ng papalit si Miss Minchin sa mananayaw.” Nilingon ko si Castor na kakapasok lang sa opisina ko. “Wag ka na masyadong mag-alala,” dagdag niya bago kinuha ng scotch na hawak ko.
“Tsk! How can I do that if it hasn’t started yet, but more problems were rising one by one?”
“Magagawan naman natin ng paraan ang lahat ng bagay. Wag masyadong mainit ang ulo mo. Nakakatuyo ng semilya ‘yan!” tukso niya sa akin ng maupo siya sa receiving area ko.
“f**k you!”
Buong maghapon ay naging abala ako. Kahit tawag ng mga kaibigan ko ay hindi ko na masagot dahil sa mga kailangan naming gawin para mamaya. I won’t do this again. That was the word that keeps on popping on my mind. This whole preparation exhausts the entire out of me.
Pagod akong nahiga sa sofa matapos kung mag-akyat baba kakacheck ng mga dapat kung ayusin. Pinagmasdan ko ang binigay na program ni Mamang Tess walang nabago doon gaya ng plano naming. Siguro ay nagawan ng paraan ng grupong kinuntrata namin ang tungkol sa papalit sa kanila.
Bigla na naman tuloy sumagi sa isip ko ang tungkol sa babaeng ‘yun. Ilang taon na simula ng huli ko siyang makita at hindi ko akalain na hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin siya. Hindi ko alam kung may kailangan lang ako sa kanya kaya ganito ang pakiramdam ko o sadyang hinahanap lang siya ng lintik na pusong ito na sobrang lakas ng t***k sa tuwing sasagi siya sa isip ko. Wala namang espesyal sa kanya base sa pagkakaalala ko pero heto ako at ilang taon na pero hindi pa rin makamove on sa magagandang mata na ‘yun. Tsk!
“Benjamin, malapit ng mag-umpisa bakit wala ka pa rito?” bungad ni Dad ng sagotin ko ang tawag niya.
“Pababa na ako Dad,” tipid kung sagot sa kanya.
Kinuha ko ang suit ko na sinabit ni Castor kanina at mabilis na nagbihis. Ayoko na sanang isuot ang tie ko kaso baka pagalitan na naman ako ni Castor at sabihing hindi ako mukhang disente. Lalo na at may bisita kaming haharapin kung hindi nga lang mangingialam si Dad ay hindi ko na itutuloy ito at hahayaan ko nalang sila. Pero hindi ko pwedeng iisantabi ang lahat ng pinaghirapan ko para sa kasiyahan nila.
I straightened my messy hair before putting on my glasses. I don't want to admit it, but a part of my heart hopes to see Rama again tonight. But my brain tells me not to expect to see Rama tonight. It’s been years, but that little hope inside me still grows every day.
Pagbaba ko palang sa theater hall ay marami ng bodyguard na nagkalat sa paligid. Pati ang mga hindi ko kilalang tao ay nandoon din na mukhang inimbitahan na naman ng mabait kung Ama. Kung magimbita ito ng bisita akala mo ay hindi tungkol sa negosyo ang gagawing kasiyahan. Tsk!
“Minchin, ayos na ba ang lahat?” tanong ko ng salubongin ako ni Minchin.
“Yes sir. Nag-umpisa nap o ang ibang mga magtatanghal—“
“Mabuti naman. I’ll go ahead. Update on Castor from time to time,” I said before walking inside the hall.
Pagbukas palang ng pinto ay sumalubong na sa akin ang malakas na tugtogin sa paligid at ang maingay na palakpakan at sigawan ng mga tao. Sinalubong ako ni Castor at dinala sa upoan ko kung saan kasama ko ang mga deligates na bisita ng hotel. Mukhang kakaumpisa palang kaya hindi pa ako napag-iiwanan sa kwentoha ng mga kastilang ito.
For these people, I was so bothered that I still had to scare Minchin and Mamang Tess. Tsk! At least they seem to be enjoying this show. I hope it ends quickly because I don't want to get pissed the whole night by these people.
“I hope you’re enjoying the night, gentlemen,” umpisa ko ng maupo sa tabi nila.
Tumayo sila at hinarap ako bago inabot ang mga kamay para makipagkamay sa akin. Sa likurang hilera ng upoan ko nakaupo si Castor. Kahilera ko naman sila Dad at ang asawa niya na kung umasta ngayon ay akala mo siya ang may-ari ng buong hotel. Tsk!
Lumipas ang mga oras na nakikinig at nakikiayon lang ako sa mga pinag-uusapan ng mga kastilang ito. At unti-unti na rin akong nakakaramdama ng antok dahil sa mga tugtog na naririnig ko. Ayaw naman akong bigyan ng alak ni Castor dahil baka maging iba daw ang tingin sa akin ng mga kastila at kung ano-anong kalokohan ang sabihin ko. Bastos din itong assistant ko na ito eh! Kung pagsalitaan ako akala mo ay hindi ako ang amo niya.
“Will it last longer, Castor?” baling ko kay Castor na mabilis na yumuko sa likod ko.
“After that song, she will be next.”
Mabilis akong tumango at binalik ang tingin sa harap ng stage at wala ng tigil ang paghikab ko. “Have you seen her? Is it her?” Hindi ko mapigilang itanong sa kanya habang nakatutok pa rin sa harap ng stage ang mata ko.
I don't want to rely on that small opportunity. But who isn’t desperate to hope even after knowing it’s impossible whether it’s her or not. All I want right now is to see her again, even just for a minute. This small hope that I was still holding to for more than a year now.
Nang bumaba ang malaking kurtina at tinakpang muli ang buong stage ay pati paghinga ko ay pinipigilan ko na pala ng hindi ko namamalayan. Hindi ko alam kung sa excitement ba ito o dala ng kabang nararamdaman ko. Kaba na makikita ko na siyang muli baka gaya ng ibang mga pagkakataon ay mabibigo lang din ako. f**k! I feel like a f*****g lovesick on how desperate I am right now.
Hindi ko alam kung sa sobrang pagkainip o kaba ay tinatap ko na pala ang daliri ko sa upoan ng hindi ko namamalayan. Habang tumatagal ay mas lalo akong hindi mapakali ng hindi ko pa siya nakikita kulang nalang ay hilahin ko ang oras para lang mabilis itong gumalaw. Kaya nang umalingawngaw ang tunog ng gitara sa buong paligid ay parang biglang nabuhay ang buong katawan ko. Hindi ko namalayang napatayo na pala ako sa kinauupoan ko at ang paghinga ko ay pinigilan ko na sa sobrang kaba at excitement na nararamdaman ko.
Isang babae ang nakita kong nakatalikod sa lahat at dahan-dahang umikot at humarap sa manonood. Kasabay noon ay ang pagpadyak ng paa niya at ang pag-ikot ng kamay niya na para bang sumasayaw din gaya ng pagkembot ng bewang niya. Ilang dipa lang ang layo naming dalawa pero parang hindi ako kuntento sa nakikita ko ngayon.
Sigurado akong siya si Rama.
Ang bawat galaw ng bewang niya, padyak ng paa at kumpas ng kamay ay tinatangay ako at nilulunod ako sa isang ala-alang hanggang ngayon ay sariwa pa sa isip ko kahit ilang taon na ang nakakalipas. Akmang tatayo na ako para puntahan siya sa likod at hindi ako matakasan ngunit biglang tumunog ang telepono ko at pangalan ni Gunner ang nakasulat doon. Nang silipin ko ang mensaheng pinadala niya ay pabagsak nalang akong naupong muli at binalik ang mata ko sa babaeng patuloy na sumasayaw sa entablado. Saglit na nagtama ang tingin naming dalawa pero mabilis siyang nagbaba ng tingin at pumikit habang sumayaw pa rin ng flamenco.
I found her.
Iyon lang ang mensaheng pinadala ni Gunner pero alam ko na kong ano ang ibig sabihin noon. Ibig sabihin hindi siya ang babaeng nasa harap ko ngayon. Hindi siya ang babaeng hinahanap ko ng ilang taon na. Masaya ako sa binalitang ‘yun ni Gunner pero may kung ano sa puso ko na parang nanghihiyang na hindi siya ang matagal ko ng hinahanap. Ngunit kung sino man ang babaeng itong nasa harap ko ay nagpapasalamat ako dahil kahit papano ay binigyan niya ako ng kakaibang saya dahil sa pag-aakalang siya si Rama.
Pabagsak akong sumadal sa kinauupoan ko matapos muling magsara ang entablado. Tapos na siyang magsayaw pero ang pakiramdam ko simula ng mag-umpisa siya hanggang sa matapos ay pareho pa rin. Wala pa ring tigil ang malakas na pagtibok ng puso ko.
"Are you okay, Benjamin?" Dad asked me. We were walking side by side following the guest to the room where we prepared their food and some drinks. "You look bothered," he continues.
"I'm fine, Dad. Are you going to stay? I'm leaving I still need to attend some errands."
I lied. I don't have anything on my plate tonight. I just wanted to escape this place coz it's choking me right now. Aside from I want to check what Gunner send to me.
Kinuha ko ang sasakyan at nagmaneho papunta sa Club Zero. Iniwanan ko na si Castor bago niya pa akko muling pigilan dahil siguradong pagagalitan na naman niya ako. Pagdating ko ay mukha kakabukas lang nila at halos wala pang tao wala pa din si Fin kaya nag ikot-ikot nalang muna ako. Nahagip ng mata ko Ara na abala sa pakikipagkwentohan sa ibang mga kasamahan niya. Lagi siyang nagtatago sa akin kapag nasa hotel hindi niya alam na matagal ko naman ng alam na sumasideline siya dito kay Fin. Mabilis ang mata ni Castor at hindi ito mabilis makalimot sa mukha ng tao gaya ko.
"Nandito ka na pala. Parating palang si Boss Fin, papaayos ko nalang ang lamesa niyo," imporma ni Art sa akin.
Siya ang bodyguard at assistant ni Fin kaso mas madalas malayo talaga ang nagiging trabaho nila sa kung ano ang inaplayan nila. Gaya ni Castor na puro reklamo dahil ayaw nito ng trabaho na pang opisina hanggang sa nasanay nalang siya na gawin na ang mga trabaho ko kapag wala ako o tinatamad. Hinayaan ko nalang si Art at muling umikot sa paligid ngunit kalahating oras na ay hindi pa rin ito bumabalik kaya nag-umpisa na akong hanapin siya. Nahanap ko siyang kausap si Ara na pinaupo niya pa sa isang malapit na lamesa. Saglit akong natigilan ng bumalik ito at yumukod sa harap ni Ara napahawak ako sa dibdib ko ng bigla itong kumirot. Parang kinukulam na yata ako ganito daw 'yun sabi ni Fin eh.
Mabilis akong naglakad palapit sa isang tauhan ni Fin para tawagin si Art dahil merong delivery na kailangan siyang pirmahan. Meron naman talaga at hindi ako nagsisinungaling para lang makalapit kay Ara... hindi talaga.
Naglakad ako palapit sa kanya at yumukod ng makita kung hirap na hirap siya sa paggamot ng sugat niya. Kailangan kong matapos na gamutin ang sugat na ito dahil parang napapaso ako sa balat niyang hawak ko ngayon. Iyon ang nasa isip ko habang ginagamot ang namamaga niyang paa at nilalagnat na rin yata ako kaya ganito ang pakiramdam ko.
"Oh, saan ka galing? Nambabae ka na naman ano?" napaingos ako kay Dustin na kararating lang din.
"Ikaw ang may lipstick sa labi, ako pa ang nambabae? Tsk!" ingos ko sa kanya, bago naglakad papunta sa lamesang madalas naming pwesto.
Nang lingunin ko si Ara ay wala na ito sa kinauupoan niya. Ilang beses ko pa siyang paika-ikang palakad-lakad sa dagat ng mga tao. Gusto ko sanang sabihan si Fin na pagpahingahin na ito pero ayoko namang mangialam sa kanya lalo na at tauhan niya ngayon si Ara.
Bakit kasi iniisip mo pa siya?
Tsk! Hindi ko siya iniisip. Nagkataon lang na nakikita ko siyang nahihirapan iyon lang 'yun.