KUWATRO

2785 Words
Kuwatro NAGISING ako sa liwanag na tumatama sa mata ko at sa alarm ko sa labas ng bintana ng kwarto ko. Hindi ko na kailangan ng relo ditto dahil oras na umingay na sa labas ibig sabihin naglabasan na ang mga tsismosa kaya gumising na ako. Kasi paniguradong hindi na ako makakatulog sa ingay ng kwentohan at tawanan nila. Masakit ang katawan kong bumangon ako sa kama ko. Halos sobrang abala ko kahapon sa trabaho. Meron pang lalaking pabida sa elevator napilitan tuloy akong ilabas ang pagka amasona ko. “Sino ‘yan?” sigaw ko sa kumatok sa pintoan ko. “Ako ito, Ara. Si Kanor,” wala sa sariling napa-ikot ang mata ko ng malaman kong sino ito. Ang aga-aga palang ay nandito na s’ya. Wala ba itong ginagawa sa bahay nila? Sabagay dakila nga rin palang tambay ito. “Kanor, ano ba ‘yon? Ang aga-aga ay nandito ka na,” naiinis kong bungad sa kanya. “Ihahatid ko lang itong almusal mo. Baka kasi maubosan ka kaya pinagtabi na kita. Binayaran ko na rin ‘yan kay Nanay,” saad niya na kakamot-kamot pa sa ulo. Napabuntong hininga na lang ako dahil ayoko ng patulan ang kakulitan nito. Napapangiwi pa ako dahil amoy na amoy ko ang masangsang na pabangong gamit n’ya. Pag tumagal pa ako sa harap n’ya ay siguradong babaliktad ang sikmura ko. “Sige na Kanor. May pasok pa ako. Salamat sa almusal,” paalam ko sa kanya bago isara ang pinto. Marami akong kailangang gawin ngayon kaya kahit gusto kong magpahinga ay hindi ko naman magawa. Hinanda ko lang ang pantalon ko at isang itim na tshirt ang susuotin ko bago ako naligo. Pagkatapos kung maligo ay nagbihis ako at inayos lang ng kaunti ang buhok ko at kinulot sa dulo. Kapag wala ako sa trabaho ay hindi ako masyadong nag-aayos nakakapagod din kung laging nakamake-up ang mukha mo. Pakiramdam ko ay lagi akong may buhat na isang kilo sa mukha ko. “Oh, Ara may pasok kana?” “Opo Aling Saling. Sige po mauna na ako baka malate pa ako,” magalang kung paalam sa kasera ko. Paglabas sa kanto ay pumara lang ako ng jeep bago nagbyahe papunta ng V.Mapa. Doon kasi ako sa PUP nag-aaral ng four year course na kinuha ko sa culinary at ito ang pangalawang taon. Ilang taon ding napurnada ang balak kung dito dahil sa maraming problema na dumarating sa akin. Bukod sa hindi naman agad ako nakakahanap ng maayos na trabaho ay mahirap magworking student. Pagbaba ko palang ng dyip ay dagsa na ang mga istudyante sa labas ng campus. Mabuti nalang at hindi trapik kaya maaga pa ako para sa klase ko. Tumambay lamang muna ako sa quadrangle at kinuha ang mga notes ko. Pero hindi pa ako nag-uumpisa ay ginambala na ang tahimik kung buhay ng dalawang taong naupo sa tabi ko. “Baka naman gusto mo kaming idamay sa pag-aaral mo?” parinig ni Alanis habang hawak ang libro niya na akala mo ay nag-aaral talaga. “Ara, doon kaya tayo sa bandang unahan maraming Fafa doon,” ani ni Donna kaya natampal ko nalang ang noo ko sa makulit na dalawang ito. “May exam tayo hindi ba? Mag-aral kayo ng hindi pati pangalan ko kinokopya n’yo,” irap ko sa kanila. Silang dalawa ang matiyagang sumasama sa akin kahit alam nila ang buhay. Syempre hindi lahat kung ano lang ang buhay na pinapakita ko sa kanila ay tanggap nila kahit sa totoo ay anak mayaman ang dalawang ito. Noong unang nag-aral ako ay halos sila ang nagpapakain dito sa campus dahil kinakapos ako noon sa pera. Ilang units lang ang pinasukan ko ngayon dahil iyon lang naman ang kinukuha ko kapag restday ko. Hindi ko pinupuno ang units ko para sa isang araw dahil baka mamatay na ako sa kakaaral ay hindi pa rin ako gumagradweyt. Tapos may mga kaibigan ka pang pala kopya mas mahirap lalo ‘yon. “Ara, sama ka samin. Kakain lang tayo,” pilit na yaya sa akin ni Alanis. Wala akong nagawa ng paandaran nila ako sa sumbat nilang lagi ko silang iniiwasan. Na totoo naman dahil wala akong panahon para maglakwatsa noong mga nakaraang buwan. Sa dami ng kailangan kung asikasohin ay wala na ata akong oras na magliwaliw. “Saan ba tayo pupunta?” Diko mapigilang itanong dahil kanina pa kami nasa byahe. Nakarating na yata kami ng Manila ay wala pa akong alam kung saan nila ako dadalhin. “Kakain tapos bonding tayo. Ang tagal na kaya nating hindi lumalabas,” sabat ni Alanis habang nagdadrive ito. Napapailing nalang akong napatingin sa bintana. Nakalimotan ko may praktis pa pala ako ngayon at may private lesson. Mukhang kailangan ko muna itong ipostponed kahit isang araw lang. Dahil mukhang aabutan ako ng kinabukasan dito kasama ang dalawang pasaway na ito. Napangiwi ako ng pagdating sa restaurant ay pandisente ang mga suot ng tao. Ang layo sa suot ko ngayon bigla ay napaurong ako pero mabilis akong hinarangan ni Alanis. “Saan ka pupunta?” “Hindi ako bagay dito,” napapanguso kung sagot sa kanila. “Sinong may sabi sayo? Tara na pinsan ko may-ari nito kaya wag kang mag-alala. Kahit basahan ang suot mo ay tatanggapin ka dito.” Wala na akong nagawa ng hilahin na ako papasok ni Donna at Alanis. Pagpasok namin ay bumungad ang maraming tao at ang nagkakagulong staff dito. Bigla ay nanliit ako sa mga taong nakapaligid sa akin. Hindi ako sana’y at siguro ay hindi na talaga ako masasanay gaya ng dati. “Welcome to La Promisse,” bati ng waiter sa amin. “Hi I have a reservation under Alanis Del Carmen—“ “Ah, kayo po ang pinsan ni Sir Dustin,” agad na tumango si Alanis. “Dito po tayo kanina pa po nakahanda ang lamesa niyo.” Sumunod nalang kami habang ginigiya niya papunta sa likod ng restaurant. At nagulat pa ako sa ganda ng labas nito. Walang tao doon bukod sa dalawang lalaki na nakaupo at nakatalikod sa amin. Ang buong lugar ay hindi gaya ng nasa loob na sobrang dami ng tao. “Ito po ang nireserba para sa inyo ni Sir Dustin. Maupo na po kayo ipapahatid ko nalang ang mga pagkaing nakalaan sa inyo,” saad ng waiter bago umalis. “Aniz, gaano ba karami ang pagkaing inorder mo?” baling ko kay Alanis nang makita ang ilang waiter papasok sa lamesa namin. Napaawang nalang ang labi ko habang nakatingin sa mga pagkaing nilalapag nila. Ilang platera ang nasa harap ko at puno lahat iyon ng pagkain. May balak ba silang magpakamatay para kumain kami ng ganito karami? “Yong totoo huling kain na ba natin ‘to?” “Bagong putahe ni Kuya ‘yan. Free taste sa atin,” halakhak ni Aniz. Napapailing nalang akong naupo at sinabayan ng kain ang dalawang kasama ko na parang akala mo ay hindi mga anak mayaman kung umasta. Tawa kami nang tawa dahil si Donna ay halos hindi na makapagsalita sa dami ng pagkaing nasa bibig niya. “Yong totoo Donna, pinapagutoman ka na ba nila Tita?” tukso ni Aniz sa kanya. “Teka kukuha lang ako ng tubig,” imporma ko bago tumayo. Paglabas ko ay sumalubong sa akin ang maingay na paligid. Maraming tao ang nagkakagulo sa buong paligid ng restaurant at mukhang mamaya pa ito matatapos. Lumapit ako sa parang isang counter na parang bar. Ilang minuto pa akong nag-antay doon bago may lumapit sa aking staff ng La Promisse. Mukhang ang abala ng mga tao dito. Siguro ang laki nan g kinikita nito sa dami lagi nang kumakain dito. Nag-order din ako ng smoothies para sa aming tatlo. Pagkagaling ko ng banyo ay dinaanan ko lang ang smoothies na inorder ko bago bumalik sa lamesa naming. Sobrang ingat ko pa dahil baka matapon ang dala ko at sobrang dami ng tao. “s**t! Huwag kang matutumba.Oh, God please—“ at hindi na niya ako narinig pa. At halos malaglag ang panga ko nang lingonin ko ang lalaking nabuhosan ng smoothies sa ulo niya. Napangiwi nalang ako sa itsura niya ngayong hindi malaman kung anong pandidiri ang gagawin nito. “What the f**k?” napaigik ako nang biglang umigkas ang kamay ng lalaki dahilan para matapon pa sa akin ang ibang smoothies pati na rin ang baso. “I—I’m sorry.” “Sorry? Do you know how much is my shirt? The f**k I’m so sticky now.” Halos umalingawngaw ang tinig ng lalaking nasa harap ko. Sa itsura niya ngayon ay parang kakainin niya ako ng buhay sa sobrang galit nito sa akin. Sa sobrang gulay wala na akong ibang masabi kung hindi ang humingi ng paumanhin. “Sorry, hindi ko talaga sinasadya,” bulong ko habang nakayuko at sinusubokang punasan ang nabuhos na smoothies sa kanya. Pero dahil nga galit ito ay winaksi niya lang ang kamay ko. Muntik pa akong matumba sa sobrang lakas ng pagkakatulak nito sa akin. Mabuti nalang at may sumalo sa akin mula sa likod ko. “Humingi na siya ng sorry. Hindi pa ba sapat ‘yon?” tanong mula sa likod ko. Nagulat pa ako ng makita kung lumabas mula sa likod ko ang pinsan ni Aniz na nakaapron pa. Inalalayan ako nitong makatayo pati ni Benjamin na nasa tabi ko na pala. Pero agad din akong lumayo dahil basang-basa ako at nanlalagkit pa. “Ayos ka lang, Ara?” tanong sa akin ni Chef Dustin ang pinsan ni Alaniz. “Opo. Salamat. Pasensya na—“ Hindi ko na natapos pa ang kung anong sasabihin ko dahil pinutol na ng lalaking nataponan ko ng smoothies ang mga sasabihin ko pa. “Hindi na mababawi ng pasensya moa ng ginawa mong problema. Look at what you’ve done to me? Ganyan ba ang tinuturo sa inyong—“ “Why? How much does your shirt worth? Does it pay the whole rent of this place? I bet it’s not. She said sorry, and you keep on shaming her. Besides she’s also a customer here, and it’s not her fault that accident happens.” Hindi ko alam kung ilang beses akong napakurap-kurap habang nakatingin sa lalaking nasa harap ko. Para itong kamag-anak ko kung makipagtalo sa lalaking nataponan ko ng inumin. Aminado ako na kasalanan ko ang nangyari lalo na at atribida akong nagpresinta na magdala ng juice. Pero ganito lang ang mangyayari nakakahiya naman sa pinsan ni Alaniz. Magsasalita pa sana ako ng bumaling sa akin ang lalaki at tiningnan ako ng masama ay napaatras nalang ako. Akala ko ay tapos na ang nangyari pero nahintakotan nalang ako ng bigla itong naglakad papunta sa gawi ko na animoy susugod ito ng away. Pero bago pa ito nakalapit sa akin ay bumagsak na ito sa semento sa sobrang gulat ko pa ay bigla akong sininok. “Ayos ka lang, Ara?” lapit sa akin ni Sir Fin kasunod si Chef Dustin. “Opo. Pasensya na sa nangyari—“ “Sa susunod kung hindi mo trabaho huwag mong gawin. Huwag kang maghanap ng gulo kung hindi mo kayang lusotan mag-isa,” naikuyom ko ang mga kamao ko ng marinig ang sinabi ng lalaking nasa di kalayoan. “Hindi ko naman sinasing tulongan mo ako. Pero salamat na rin at pasensya na sa nangyari,” saad ko bago nagmamadaling umalis doon. Dumaan lang ako sa table naming at kinuha ang bag ko bago walang lingon likod na umalis. Narinig ko pang tinawag ako ng mga kaibigan ko pero sobrang sama lang ng loob ko. Tang’na! Bakit ba ako naaapektohan sa simpleng mga salita niya lang? Sa dami ng masasamang salitang naririnig ko sa trabaho ngayon pakiramdam ko ay natunaw ang batong nakapalibot sa puso ko. Pagkapasok ko palang ng taxi ay para akong batang iyak ng iyak. Basta umiyak nang umiyak lang ako doon sa hindi ko malamang dahilan. Para bang ang bigat-bigat ng dibdib ko ngayon at gagaan lang ‘yon kapag umiyak ako. “Mam, nandito na po tayo,” agad akong nagbayad sa taxi at bumaba. Habang naglalakad ay agad kung tinuyo ang pisngi ko habang papasok ng gate. Hindi ako pwedeng makita ng kapatid ko na ganito ang itsura dahil sigurado akong magtatanong ito. Kapag nag-umpisa itong magtanong ay mahihirapan na akong pagtagni-taniin ang mga kasinungalingang sasabihin ko. Bago ako magpakita sa kanila ay dumaan muna ako sa kwarto namin at nagpalit ng damit dahil ang lagkit-lagkit ko. “Ate Sam.” Napangiti ako sa batang kumakaway sa akin simula sa ikalawang palapag. Mabilis itong umalis sa bintana at nagtatatakbo papunta sa akin. Narinig ko pa ang mga pagsita nila Sister sa kanya dahil sa ingay nito. Paglabas nito sa malaking pinto ng amponan ay inilahad ko ang dalawang kamay ko para sa yakap nito na hindi rin naman ako binigo. “Namiss din kita, Savo,” bulong ko habang yakap ang kapatid kung anim na taon. “I miss you too, Ate. Kumain ka na ba? Nagluto kami nila Ate Magda at Sister Vina ng turon.” Pagmamalaki nito na parang isang malaking achievement talaga ang ginawa niya. Isang lingo na rin pala akong hindi nakadalaw dito. Madami kasi akong ginawa sa trabaho kaya halos hindi ko na madalaw ang kapatid ko. Yumakap ako kay Sister Vina ng salubongin ako nito. Ang madreng halos itinuring ko ng Nanay ko sa loob ng ilang taon. Mabuti nalang din at nandito siya para tulongan ako kay Savo kung hindi naku hindi ko na alam kung saan ako pupulotin ngayon. “Naku, itong batang ito. Ang laki-laki na nakikigaya pa sa mga bagets,” tukso sa akin ni Sister Vina. She’s a sixty-year old nun working here on Loving Angels Orphanage. I meet her six years ago and until now I’m still thankful of that day. “Namiss kita sister. Hindi mo ba ako namiss?” “Susko, Samara. Sapat na ang sakit ng ulo ko dito sa mga batang ito kaya huwag mo ng dagdagan pa.” “Mamaya lalabas kami ni Savo, gusto mo bang sumama? Tsaka ikaw Ate Magda. Para naman makabawi ako sa pag-aalaga mo sa kapatid ko,” baling ko sa kanilang dalawa pero parang wala lang itong narinig sa sinabi ko. Ibig sabihin ayaw nilang sumama. May pera naman akong naiipon kahit papaano. Kaya nga todo kayod ako para may pang suporta ako sa pag-aaral ko, sa amponan at para kay Savo. Malaki ang ginagastos ko sa kanya buwan-buwan kaya gustohin ko mang umalis sa maingay kung apartment ay pinagtitiyagaan ko nalang dahil kailangan ko talagang magtipid. “Kayo nalang dalawa. Minsan na nga lang kayo magkita ng kapatid mo isasama mo pa kami. Dalhan niyo nalang kami ng pasalubong ni Sister Vina,” saad ni Ate Magda habang inaayos ang lamesa. Kaya pagkatapos magmeryenda ay lumabas na kaming dalawa. Tuwang-tuwa pa ito dahil sa mamamasyal daw kami at kakain sa Jollibee. Gusto ko din sana siyang bilhan ng toys para naman hindi siya nakiki-agaw sa mga bata. Pero mas gusto niya ang drawing book at kasama na rin sa pamimili naming ang pagkain sa amponan at pati na rin ang pasalubong sa lahat. “Anong gusto mo sa birthday mo, Savo?” tanong ko habang namimili siya ng mga drawing book. Magseseven years old na siya sa susunod na buwan. At matagal ko na iyong pinag-iiponan para sa masayahan naman ang kapatid ko. Gusto ko ay maghanda ng maliit na salo-salo para sa pamilya naming sa amponan. Para may kaunti ring kasayahan ang mga bata doon dahil wala na masyadong nagdodonate sa Angels Haven kaya minsan ay nagigipit din sila Sister sa dami ng bata doon. “Ate, hindi ko naman kailangan ng party. Basta magkasama tayo at sila Sister Vina ay masaya na ako.” “Oo naman. Ate loves you, ‘di ba?” nakangiti siyang tumango at yumakap sa akin. Kapag tinatanong ako noon kung bakit ako walang boyfriend, at mag-isa tapos kung kumayod ako ay parang kalabaw, isa lang lagi ang sinasagot ko. Malaki ang pamilya ko. Mas malaki sa akala niyo at mas madami pa sa inaasahan niyo. Iniwan man kami ng Nanay namin at hindi pinanindigan ng Tatay namin ay alam kung mahal pa rin kami ng Diyos at hindi pinapabayaan. Dahil sa dami yata ng pinagdaanan ko sa buhay ay mas nagiging matatag ako pati na rin ang paniniwala ko sa Diyos ay mas lalong tumatatag din. Gaya ng bawat pangarap ko na dahan-dahan ay matutuwad ko din. Dahan-dahan pero alam kung matagalan pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD