OTSO

2652 Words
Otso   Ang tao daw kumikilos base sa kung ano ang tumatakbo sa isip nila. Minsan nagdidesesisyon base kong ano ang nararamdaman nila. Ganoon daw kahina ang isang tao pero para sa akin malakas ang mga taong nararamdaman ang lahat ng emosyong ‘yun. Dahil mahirap maging masaya o ngumiti lalo na kung talagang nasasaktan.   Holding your emotions, we’re never easy. And showing it to the world is a big risk because, in reality, nobody cares the s**t about you.   Pagod akong nahiga at tiningala ang langit na napaliligiran ng mga bituin. Sobrang payapa nito hindi gaya ng mga tao sa ibaba ng bar na itong walang tigil sa pagiging wild. Para bang hindi sila nauubosan ng enerhiya sa maghapong aktibidades nila. Kapag pinapanood ko sila napapaisip ako kung ganoon ba talaga nakakapagod ang araw nila para maging ganito sila kalaya sa gabi?   “Hindi ko alam na nandito lang pala ang empleyado ko at nagpapahinga.”   Gulat kong nilingon ang taong nagsalita mula sa likod ko. “S-Sir Fin?” At halos mahulog ako sa kinauupoan ko sa biglaan kung pagtayo ko.   “Woah! Are you okay?” tanong niya matapos akong alalayang tumayo.   “Yup. Salamat. Tapos na ang duty ko kaya ako nandito hindi talaga ako—“ naputol ang sinasabi ko ng bigla nalang siyang tumawa ng malakas.   “I’m just teasing you. Alam kung tapos na ang duty mo. Akala ko umuwi ka na?” patuloy niya bago naupo sa tabi ko.   Hindi ko maiwasang titigan siya saglit. Bakit kaya wala pa itong girlfriend? Gwapo naman siya at mukha rin namang successful. Mas palangiti pa nga siya kay Sir Benj eh. Lahat ng kaibigan niya ay mas mukhang approachable at friendly unlike him.   “Hinihintay ko pa po si Yanit. Bawal na po ba akong mag stay, Sir?” bigla naman akong kinabahan dahil ayokong maghintay kay Yanit sa baba dahil baka magtagpo ang landas namin ni Mister Sungit.   “Nah! Marami ka palang sideline jobs?” gulat ko siyang nilingon dahil wala namang nakakaalam noon bukod kay Sister at Yanit. “Sorry, I was just curious, so that’s why I ask Yanit and I saw you on Benj hotel. Hindi nalang kita nilapita dahil mukhang pinagtataguan mo ang kaibigan ko.”   Para.ng bigla akong nahulog sa kinauupoan ko sa sinabi niya. So alam niyang nagtatrabaho ako kay Sir Benj? Nasabi na kaya niya dito ang tungkol sa akin? Baka naman magulat nalang ako bukas ay wala na akong trabaho dahil dito sa kasinungalingan ko. Ang dami ko ng problema sumasabay pa talaga itong si Benjamin Lebrado na ito.   “Hey, is it a secret? Sorry, don’t worry, I didn’t tell Benj about it.”   Bigla naman akong nakahinga ng maluwag sa sinabi niya. “Hindi naman po sa sekreto. Natatakot lang po ako na baka hindi pumayag si Sir Benj na pumasok ako dito. Syempre po nirerespeto ang kompanya niya tapos ang isang empleyado—“ natigilan ako ng biglang yumuko si Sir Fin. “Naku baka naman po ma misinterpret niyo ang sinasabi ko. Hindi naman po sa—“ muli akong natigil sa pagpapaliwanag ng bigla siyang tumawa.   “Don’t worry I understand.  And I guess Benj too. Mukha lang demanding ang kaibigan kong iyon pero marunong naman ‘yung magbasa between the lines. Anyway, nice talking to you, Ara. Baka hinahanap na nila ako. So, I need to go now.” Paalam niya bago tumayo na paalis. “Oh, I forgot! Just call me Fin that would be fine in exchange of not telling Benj about you,” nakangisi niyang pahabol bago nagmamadaling bumaba.   Mabilis na siyang nawala sa paningin ko ng hindi man lang naririnig ang sagot ko sa sinabi niya. Napapailing nalang akong nilugay ang nakatali kung buhok at tinaggal ang apron na suot ko bago binuksan ang cellphone ko. Wala namang tao at mukhang abala ang lahat kaya walang masama kung sasayaw ako dito. Ang kanta ni Ed Sheeran na Perfect ang napili kung ipatugtog bago ako pumuwesto sa gitna. Ginilid ko pa ang ilang mga masasagi ko dahil baka pagalitan ako ng amo ko pag nakabasag ako dito.   Pumikit ako at pinuwesto ang mga paa ko kasabay ng pag-iimagine ko na meron akong kaparehang makakatagpo sa gitna. Bawat galaw ng mga kamay ko at ikot ng paa ay pakiramdam ko merong lalaking may hawak sa akin at siyang gumagabay sa bawat pag-ikot ko. Pag-ikot ko ay kumapit ako sa barandilyang nasa likod ko bago doon tinukod ang mga kamay ko at gumiling pababa na mistolang isang lalaki ang nasa likod ko. Bawat galaw ko ay mas lalo akong kinakain ng musika na nakakalimotan ko na kung nasaan ako. Ngunit ng sunod na pag-ikot ko ay hindi nakisama ang paa ko at nawalan ako ng balance kaya bumagsak ako sa semento.   Natatawa nalang akong humiga sa semento habang pinagmamasdan ang langit. Noon ito ang pangarap ko ang maging sikat na mananayaw. Ngunit sadyang hindi lahat ng gusto natin ay ibibigay ng Diyos…   Binigyan niya lang ako ng kakayahan pero hindi ng pagkakataon.   “Hoy, anong ginagawa mo diyan? Ang dumi-dumi ng semento kung makahilata ka parang nasa kama lang ah!” asik ni Yanit na nakadungaw mula sa hagdanan.   “Uuwi na tayo?” tanong ko ng humarap ako ng maayos sa kanya at maupo.   “Oo. Late na may pasok ka pa bukas. Nasa baba si Sir Benj nagkita na kayo?”   “Hindi. Bakit kailangan ba naming magkumustahan?”   “Gaga! Bilisan mo na ngang bumaba. Magbihis ka baka mapagkamalan kang hostes,” napanguso akong sumunod sa kanya.   Magbibihis naman talaga ako dahil madaling araw na at bastosin pa naman kaming dalawa kaya mas mabuti ng maging mag-ingat. Pagbaba ko ay nasa locker room niya na si Yanit nakasalubong pa ako ng ilang customer na kung ano-anong hinihingi sa akin kaya hindi ako agad nakapasok ng locker room. Mabuti nalang at dumaan si Art at sumalo sa akin kaya nakaalis agad ako.   Pagdating ko sa loob ay mabilis kung hinubad ang tshirt kung suot dahil locker room lang naman ‘to ng mga babae. Habang kinukuha ang damit na pamalit ko ay biglang may tumunog sa bandang pintoan. Ang alam ko ay nilock ko ‘yun kaya kampante ako dito sa loob.   “Yanit... Yanit…” tawag ko sa kaibigan ko dahil baka hindi ko lang narinig na tinawag niya ako.   Ngunit imbes na s**o tang marinig ko ay sunod-sunod na pagtunog ng seradura ang naririnig ko. Malayo ang locker room namin sa pinaka pasukan ng pasilyo at dahil sa ingay ng paligid ay hindi basta-basta maririnig kung may mag-iingay man dito. Napahawak ako sa hugpongan ng tuwalya ko dahil baka sa gulat ko ay bigla itong kumalas.   “Sino ‘yan?” muli kung tanong sa taong nasa labas ng pinto.   Nang hindi ito sumagot ay hinayaan ko nalang dahil baka mga naghahanap lang ito ng banyo. Pero bago pa ako makahakbang palayo sa pinto ay bigla itong bumukas at sa sobrang gulat ko at umigkas ang paa ko at dire-diretsong tumama sa mukha ng lalaking pumasok sa locker room namin. Malakas itong lumagapak sa sahig dahilan para mabilis akong mapaatras. Wala pang isang segundo ay nagsidatingan na ang mga tauhan ni Sir Fin.   “Ara, ayos ka lang?” bungad sa akin ni Art na mabilis kung sinagot ng tango.   “What the f**k happens here?” dinig kung umalingawngaw sa buong pasilyo ang tinig ng mga bagong dating.   “Ah merong nagtangkang pumasok sa locker room ng mga babae. Good thing Ara is past,” sagot ni Art kay Sir Fin.   “Ara? She’s inside?” mabilis na nahawi ang mga tao sa harap ko. “A-Ara are you okay?” tanong ni Sir Fin bago nagbaba ng tingin.   Kasunod niya ang mga kaibigan na bigla ring napatalikod ng makita ako. Saka ko lang narealize na nakabalot lang pala ako ng tuwalya ngayon kaya mabilis akong bumalik sa pinakaloob ng locker room. Pakiramdam ko ay sobrang pula nan g mukha ko sa sobrang kahihiyan. Ang dami pa naman nila na nakatayo doon sa pinto. Para naman akong panindang pinapaubos nalang. Nakakaloka!   Paglabas ko ay wala na doon ang mga tauhan ni Sir Benj. Si Art nalang ang nandoon at mag-aayos daw ng seradura. Paglabas ko ay sinabayan niya nalang ako hanggang sa makasalubong namin si Sir Fin na nakatayo at mukhang naghihintay din sa akin kasama ang mga kaibigan.   “Ayos ka lang ba Samara? Sorry kung bigla kaming pumasok nagulat lang ako sa niradyo ni Art kanina.”   Pinaalala niya pa gusto ko nan gang kalimotan. “Pasensya na din po. Nagulat lang po talaga ako sa lalaking pumasok nakalimotan ko na ang itsura ko,” napapayukong kung sagot sa kanya.   “Pero Ara ang galing mo ah! You kick that man?” tanong ni Ashton na parang manghang-mangha sa ginawa ko.   Napapakamot sa ulo nalang akong tumango sa kanya. “Pinanood namin ang CCTV, Ara and you kick like a pro,” dagdag ni Sir Fin.   Itatanggi ko pa sana na nagkataon lang ‘yun. Pero imposibleng hindi nila alam ang sipa ng nagkataon lang. Kaya inamin ko nalang sa kanila na nag-aral ako ng taekwondo. Noong una ay hindi pa sila makapaniwala dahil wala daw sa itsura ko. But I need to do that iyon sports at kung ano-anong activity lang ang way ko para makapag-aral.   Nang matapos na silang magtanong ng kung ano-ano ay nagpaalam na ako dahil maaga pa ang pasok ko kinabukasan. Nagtext na pala sa akin si Yanit na mauuna na itong umalis dahil dadaanan niya pa daw ang isang sideline niya. Hindi na ako nagtanong pa dahil pakiramdam ko ngayon ay naubos ang lahat ng lakas ko para sa araw na ito sa dami ng nangyari. Isang malalim na buntong hininga nalang ang pinakawalan ko bago naupo sa tabi ng hagdanan. Gusto ko munang magpahinga bago ako umuwi dahil parang hindi na ako makalakad sa sakit ng katawan ko. Pero papikit palang ako ay isang hindi pamilyar na sasakyan na ang huminto sa harap ko. Nagulat pa ako ng makita ang taong sakay nito matapos niyang ibaba ang bintana sa tabi niya.   “Hop in!” aniya na para bang close kami. Lumingon pa ako sa paligid at tinuro ang sarili ko kung ako ba talaga ang kausap niya. “Who would it be then?” pagsusungit niya pa.   Tsk! Napakasungit talaga! Tatayo n asana ako pero ng marinig ko siyang bumubulong kahit hindi ko maintindihan ay nilagpasan ko nalang ang kotse niya at naglakad papunta sa sakayan ng jeep.   “I told you to get in. Where the hell are you going?” dinig kong galit niyang tanong habang dire-diretsong naglalakad.   Hindi ko siya pinansin kahit naririnig ko ang pagtawag niya sa akin. Nagulat nalang ako ng ibuwelta niya ang kotse niya at pinaikot papunta sa way ko. Sunod ko nalang narinig ay huminto na ito at ang tunog nang pagbukas at sara ng pintoan ng kotse niya.   “I told you to get in, right?” pigil niya sa kamay ko ng akmang lalagpasan ko na naman siya.   “Sir, bakit naman po ako sasakay sa kotse niyo? Close ba tayo?” angil ko sa kanya ng balingan ko siya.   “Delikado ang maglakad ka sa ganitong oras. Masyadong malayo pa ang sakayan ng jeep if you are going to commute and—“   Ano bang pakialam niya kung delikado na ngayon? Ano bang pakialam niya kung mag-isa akong uuwi at malayo pa ang lalakarin? Why does he care so much? We’re not even close enough to treat each other like this.   “Sir, alam ko pong madaling araw na. Bukod doon ay hindi po ito ang unang beses na uuwi ako ng ganitong oras at kung mababastos din po ako ay hindi rin po iyon ang unang beses. Pero kaya ko naman pong ipagtanggol ang sarili ko, nakita niyo naman po ang ginawa ko kanina ‘diba?” tuloy-tuloy kung paliwanag sa kanya.   Ginulo nito ang buhok niya bago saglit na hinilot ang sentido na para bang punong-puno na siya sa akin. Akala ko ay hahayaan niya na ako pero bago ko pa maihakbang ang paa ko ay mabilis na siyang humarang sa harap ko. “Alam kung kaya mong protektahan ang sarili mo and that’s a good thing. But you can’t do that all the time. Why you’re so hard headed?” gulo niya ulit sa buhok niya.   Tsk! Nakakainis ah! Mas lalo siyang gumagwapo dahil sa ginagawa niyang paggulo sa buhok niya kahit sa wala namang kakwenta-kwentang bagay. Napapikit nalang ako dahil gusto ko nang batokan ang sarili ko sa kalandian nito! Ang landi mo self!   “Hindi po matigas ang ulo ko. Sadyang wala lang rason para—“ at napakurap-kurap nalang ang mata ko habang nakatingin sa lalaking hapit ang bewang ko at ngayon ay marahas na inaangkin ang labi ko. Pakiramdam ko ay ilang minutong tumigil ang paghinga ko pati ang paggalaw ng buong paligid ko. Ilang minuto din bago ko narealize kung anong kailangan kung gawin. Malakas ko siyang tinulak palayo sa akin kasabay ng pagsampal na hindi niya man lang inilagan. “f**k you!” hingal na hingal kung sigaw habang nag-uumpisa ng magtubig ang gilid ng mata ko.   “I’m sorry I just can’t—“ napapikit nalang siya ng muli ko siyang sinampal.   Mabilis akong napaatras palayo sa kanya at umiling dahil sa takot na baka may kung ano na naman siyang gawin sa akin. Tama siya sa point na hindi lahat ng oras ay kaya kung ipagtanggol ang sarili ko. Kagaya ngayon na nag-uumpisa na akong mawala ng kumpyansa dahil sa kanya.   “Don’t come near me! Just don’t come near me!” histerikal kung sigaw.   Bago naglakad palayo sa kanya dahil para akong napapasa sa hindi ko malamang dahilan.  Ilang beses ko pang sinuntok ang dibdib ko at huminga ng malalim dahil baka sakaling kumalma. Simula kanina ay wala ng tigil ang malakas nitong pagtibok pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa lakas at bilis ng t***k nito.   Naihilamos ko nalang ang dalawang kamay sa mukha ko at nanghihinang naupo. Hindi ko na alam kung anong gagawin sa dami ng tumatakbo sa isip ko. Kasabay ng patuloy na pagdaloy ng mga luha sa pisngi ko ay ang biglang buhos ng malakas na ulan. Mabilis akong tumayo at tumakbo para maghanap ng masisilongan pero napasigaw nalang ako ng bigla akong mawalan ng balance at bumagsak sa semento. Nang tingnan ko ang paa ko ay nasira na pala ang suot kung sapatos. Sa sobrang prustrasyong nararamdaman ko ay wala akong nagawa kung hindi ang maupo nalang doon at damhin ang malakas na ulan dahil sa kamalasan ko.   “Baka nakukulangan ka pa, Lord? Lubosin mo na ayos lang sa akin,” bulong ko habang yakap ang sarili na basing-basa sa ulan.   Pero kasabay ng pagkatalo ko ay tumila ang ulan na bumabagsak sa akin. Nang tingalain ko ito ay hindi pala tumila bagkus ay isang payong ang humaharang dito kaya hindi na ito bumabagsak sa akin. “I’m sorry for what I did. But you need to get in the car the weather is not good for you to walk and commute,” he uttered and help me to get on my feet.     “I-I can go home a-alone,” bulong ko pagkatayo ko.   “Are you okay?” dinig kung tanong niya. Hindi ko man nakikita ng maayos ang mukha niya ngunit bakas sa boses niya ang pag-aalala.   But before I could take another step my sight gets blurry and my knees lost their strength to stand. A pair of arms encircle around me before darkness eats my consciousness.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD