"Hey, Tati. Tapos ka na ba sa Homeworks natin?"
Nandito kami ngayon sa library ni Angela at kumukuha ng reference para sa homeworks namin.
"Hindi pa 'ko umaalis dito kaya malamang hindi pa 'ko tapos," pabalang na sagot ko.
"Alam mo, gago mo kahit kailan," inis na sambit niya habang tumataray.
Umirap lang ako sa kawalan at pinagpatuloy ang pagbabasa ko. Matalino naman ako. Konti. Medyo. Basta kaya ko naman. Tamad lang talaga. Wala, e. Saltik, e. Tsaka kaya ko naman sila patumbahin lahat sa acads, nahihiya lang ako hehe. Besides, ayaw ko pa i-pressure 'yung sarili ko. Okay na muna ako sa napapasama-sama lang sa with honors. Kuntento na 'ko roon.
"Oh, bestfriend mo andiyan," turo ni Angela sa kung saan.
Agad akong lumingon sa nginunguso ni Angela at nakita ko ang napakagaling at napakaperpektong tao na si Chase Maiko Razon. Hindi ko alam pero, makita ko pa lang siya kumukulo na ang dugo ko. Normal ba 'tong level ng inis ko?
Napakurap ako nang bigla siyang lumingon sa 'kin. SA 'KIN MISMO. Anong tinitingin-tingin niya diyan? Dukutin ko mata niyang hazel brown, e.
"Ano, girl? Staring contest? Titigan na ba ang bagong landian ngayon?"
"Shut up Angela. Kanina ka pa. Hindi na nakakatawa 'yang pang-aasar mo sa 'kin diyan sa Razon na 'yan."
Umalis ako sa table namin at nagpunta sa chemistry section ng lib para kunin ang mga kailangan kong libro.
Agad kong hinanap ang mga kailangan ko para matapos na rin agad ang mga homeworks ko about sa chem. At dahil sobrang swerte ako, nasa mataas na bahagi ng shelf yung mga librong kailangan ko. Great.
Nasaan ang hagdan? Nakakalipad ba mga tao dito? Ba't walang mini ladder? Wow ladder. Pero seryoso, ang taas. Paano namin kukunin 'yan? Lilipad ba 'ko? Lumilipad ba mga estudyante rito?
"What book?" I heard a deep and husky voice beside me na nagpatayo sa mga balahibo ko. His voice sent shivers down to my spine.
"None of your business," pagtataray ko habang pilit pa rin na inaabot ang pisting yawa na librong kailangan ko.
Nakatingkayad na 'ko at lahat-lahat pero pakiramdam ko wala pa rin akong naabot kahit kalahati. Hell, kulang na kulang pa pala ang 5'5 na height ko.
Dahil sa pagpupumilit ko na maabot ang librong kailangan ko, aksidenteng nahulog ang mga libro sa 'ki---
"Shit."
Ramdam ko ang braso niyang sinakop halos pati ang loob ng pagkatao ko. His arms are hugging me from my back right now, protecting me from those books na muntik nang bumagsak sa 'kin.
I can feel my heartbeat. Masyadong mabilis. Pero baka dahil lang sa gulat.
"Girl! Anong eksena niyo?" of course it is Angela. Sino pa ba?
Nawala ako sa balance at muntik na 'kong mapaupo nang bigla akong bitawan nitong lalaki na 'to, dahilan para bumagsak ako sa sahig. Ayos. Wala talagang kwenta. Walang manners.
"I asked you kanina; what book do you need? But of course, as I expected, you're just a plain hard headed spoiled brat girl na mas inuna pa ang pride kaysa manghingi ng konting tulong. Look what happened. Tsk," pagsusungit niyang sabi sa 'kin na animo'y sinesermonan ako. Akala niya naman napakalaking tulong ng pagsalag niya ng mga libro para sa 'kin.
Sa pagkakasabi pa niya, bakas na bakas mo dun ang disappointment sa inasal ko. He looked so stressed about this thing na para bang ang laki kong sakit sa ulo. At anong sabi niya? Ako? Hard-headed spoiled brat girl? Ano 'ko bata?
"Woah. Excuse me? Hard-headed spoiled brat girl? Uh, me? And who do you think you are ba? Wala pa ngang isang buwan, sinira mo na buong taon ko. Ano bang pinoproblema mo? 'Yang mga nahulog na libro? Don't worry kaya ko ayusin mag-isa 'yan. 'Di kita kailangan dito. You can go now," taas noong sambit ko.
Nagsimula na akong dumampot ng mga libro at pinagpatong-patong muna ang mga 'yon sa isang tabi.
"Oh, kayo? Anong tinitingin-tingin niyo diyan? Tapos na eksena, layas na!" I saw Angela winked at me before leaving. Uh, what was that supposed to mean?
Napatigil ako sa ginagawa ko nang makita ko ang isang kamay na dumadampot din ng mga libro sa may tabi ko. Now what?
"Leave," pagmamatigas ko dahil sinabi nang hindi ko kailangan ng tulong ng kahit na sino lalo na kung manggagaling sakaniya. Pride muna bago ang lahat.
"Stop being so stubborn and let me help you, Ms. Vergara."
Nakakainis talaga 'yung pananalita niya! Alam mo 'yun? 'Yung sa sobrang kalmado, magmumukha kang tatanga-tanga sa harap niya? The nerve of this guy.
Sa sobrang inis ko binagsak ko ulit lahat ng libro na naipon ko kaya naman lumikha iyon ng malakas na tunog ng pagbagsak. Great. Now I can hear our librarian's old-school 2 inches heels walking towards us. Award na naman yata, pucha. Nakakasama ng loob.
"Mr. Razon! Ms. Vergara! What happened in here?"
Isa siyang babaeng mukhang nasa mid 40's na medyo mataba na kulot at maiksi ang buhok na drawing ang kilay at glossy ang lipstick. Tsh. Typical school librarian.
"Just some sort of accident Ms. Albeza," mahinahong sambit niya. Takot amp. School's pet. Sipain ko na lang kaya 'to para matapos na problema ko?
"Hindi 'to aksidente, Ma'am. Sinadya niya po talagang ihulog 'yung mga libro," nag-aalalang tugon ko. Sana tumalab. Makabawi man lang sa inis na binibigay niya sa 'kin sa araw-araw na ginawa ng Diyos.
Oh, his eyes are now glaring at me na para bang ready na siyang pumatay, oh well. Perks.
"That's not true, Ms. Albeza. She is the one who---"
"Both of you! Clean this whole library after your classes! Both of you are disturbing other students! Mga walang modo!" Nice.
Ako sanay na 'ko masabihan ng walang modo, siya kaya? Sanay na rin ba? Lol.
Pero pinanganak ba 'ko para maglinis nitong library nilang walang mini ladder? Dugyot, ha. Suya.
"s**t!" ay napa s**t Kuya mo. Busy yata. Busy magpakabait para sa mga admins. Napahawi siya sa buhok niya at nagpakawala ng mga dalawang buntong hininga ng dahil sa sinabi ng Librarian.
"HAHAHAHAHAHA, you should clean this wholeee library, Mr. Razon. 'Coz I'm about to go home na, sad I guess," I teased him even more kasi wala lang ang sarap niya lang asarin. Mukha siyang kawawa. Panalo ako. Panalo ako today.
Patalon-talon akong naglalakad papalayo nang biglang may humatak sa 'kin dahilan para masubsob ako sa isang matipunong dibdib. What the hell?
"You're not going anywhere but here with me lady. You pulled this stupid stunt so we will definitely suffer together. There's no way that you're escaping without me."
Tangina. Morning voice? Bakit ang husky ng boses niya? Gago ambango niya. Sobrang manly at the same time ang soft ng smell tangina. Nakakaadik.
"Enjoying my body Ms. Vergara?" he smirked.
"Ulul, gago!" tinulak ko siya nang malakas at agad na lumayo sakaniya. "Kadiri ka! Ambaho mo! Amoy ka utot!" self defense girl. Masyado na siyang hambog, e.
"You're using too much foul words today, lady. Kababae mong tao." wow naman, lady. Kadiri.
"Putangina? Isa pa ba?"
"Tsk. You're so annoying talagang babae ka! Diyan ka na nga!"
I made faces para mas lalo siyang mainis. Ang yabang yabang yabang yabang niya! Napaka hambog!
"Hoy saan ka pupunta? Akala ko ba maglilinis tayo nitong library?" tanong ko nang balakin niyang maglakad palayo, aba ako nga pinigil niya, e. Swerte niya naman kung siya makakaalis, 'no.
"Just about to attend my remaining classes Ms. Vergara. Wait for me kung wala ka ng classes. 'Wag mo agad ako ma-miss. You're too clingy. I'll be back soon."
Ako? Clingy? Akooo? Ma-mimiss siya? Naririnig niya ba sinasabi niya? Ba't ba napakahambog niya? Yawa man dzai. Siya na yata yung taong may pinaka makapal na mukha. Sobra, e.
"f**k you, Mr. Razon. f**k you."
He just chuckled at my curses. Tanginang tawa 'yan nakakalaglag panty. Pero syempre it's a joke. Masama 'yon. Hate ko siya 'di ba. Oo hate ko siya. Panty kasi ng iba ibig kong sabihin. Weird.
Wala man lang akong marinig na bad side about sakaniya. Ang mga babae sa school ay patay na patay sakaniya, kadiri. Hindi ko mawari kung anong dahilan ng mga pantasiya nilang wala namang laman.
"Ano na, girl? Na-estatwa ka na diyan? Ano? Tinamaan ka na ba kay Mr. President? Yieeee," taas baba pa ang kilay ni Angela habang inaasar ako.
"Are you a f*****g dolphin Angela Louisse? Bigla-bigla ka na lang sumusulpot at mawawala. And no! I'm not tinatamaan by that guy, 'no!" kadiri, mamamatay ma-iinlove dun. Mamamatay talaga. Mamatay na magmamahal.
"Girl 'wag ako, pupusta ako, kakainin mo 'yang mga sinasabi mo someday." mama mo kakainin. I thought.
"Gago, we will both clean this whole lib later. Nakakainis talaga 'yang librarian na 'yan palibhasa walang yatang dilig sa buong tana ng buhay niya." tandang dalaga ka ba naman, e.
"You're so mean talaga! Ano pa yung teacher natin sa Sci? Hihi. Tanginang kilay 'yon. Parang niruler." baliw amp HAHAHAHAHAHA. Pentel na may konting kilay, ganun.
"Gago, same thoughts."
Nag-apir kaming dalawa sa panglalait namin. Lagi naman kami ganito. Lahat na lang napapansin namin. Wala, e. Alam naming masama 'tong ginagawa namin pero hayaan mo na.
"Girl, punta na 'ko sa class ko. Mamaya na lang. Goodluck! Hihi."
"Kahit 'wag ka na bumalik ayos lang sa 'kin."
She raised her middle finger as she waved me goodbye. Hindi kami magkaklase sa isang subject. Isang subject lang ang magkahiwalay kami at 'yun ay ang subject na Math. Lol. Math pa talaga kung saan ako mahina.
Tumambay na lang ako dito makalipas ang ilang oras sa lib matapos kong bumili ng chilled coffee sa cafeteria. It's already 5pm at nakauwi na raw si Angela.
I waited for him until I fall asleep.
***
"Hey lady wake up. Are you asleep?"
Naramdaman ko ang pagpatong ng isang jacket siguro sa 'kin kaya naman naalimpungatan ako.
"Sorry you waited for this long," mahinanong pagpapaumanhin niya.
"Hmm. What time is it?" I asked half awaked and still yawning.
"It's already 8pm. You sleeped that long? In here? I'm sorry you waited for 3 hours I guess?" what?
I took my phone out and checked the time. It's effin' 8:24 pm!
"Gago ka! Tangina ka! Anong oras na! Bahala ka sa buhay mo! Aalis na 'ko! Linisin mo 'to mag-isa!" sigaw ko sakaniya dahil wala naman nang tao dito sa lib at sa buong school yata maliban sa 'min at sa mga janitor or whatsoever. I don't care.
I packed my things and fixed myself, ready to go home na kasi malapit na mag-nine yari ako kay Angela. Charot. Umuuwi nga pala ako ng madaling araw hehe.
"Done."
I looked around at malinis na nga ang lib. Maayos na nga ang mga libro. Pati mga upuan at mesa ay nakaayos na. I eyed him and I saw how hot he is with his sweat streaming down his body. I didn't know na varsity pala siya ng basketball. Hindi halata, e.
"Done checking me lady? Kung tapos ka na, ihahatid na kita."
"Hatid mo ulo mo! Uuwi ako mag-isa," pagtataray ko at tinalikuran na siya.
"Just so you know, I have two heads. Alin ang ihahatid ko?"
Ampotek? Ano raw? Two heads? Siraulo, bata pa 'ko. I'm baby. Soon to be his baby. Charot, taena siya. Kadiri, yuck! No! Pass.
"Done fantasizing me in your mind? Let's go, it's getting late. Tsaka mo na 'ko isipin."
Bago pa 'ko makapalag, hinatak niya na 'ko palayo.
"f**k,"
"f**k you ka rin. Problema mo na naman?" I asked him nang nagmura siya at inis ang itsura.
"We're stuck. The doors are locked. Akala nila wala ng tao dito. s**t, I'm sorry."
"Huh? Stuck? Dito? With you? Tangina. Legit? Wewz? 'Di nga?"
I tried opening the door once again but ofcourse ayaw mabuksan gaya ng sabi niya. I kicked it, punched it, and licked it, charot.
"Sige, bye. Tulog na lang ako dito."
Tumakbo ako at pumunta sa dulong section ng f*****g library na 'to. Peste malas. Yawa, sumpa. Kinuha ko ang earphones ko at pinasak 'yon sa tenga ko, malamang. Ginawa ko namang unan ang bag ko at nahiga na.
I texted Angela na hindi ako makakauwi at sinabing nastuck ako dito sa school. She said good luck. Lmao. As if naman, 'no.
Pumikit lang ako para makatulog na rin agad.
"Hindi ba magagalit ang parents mo na you will spend the night here in the school?"
"Nope. Hindi naman nila malalaman."
"Okay, then. Sleeptight lady. I'm just here if you need something."
Nagulat ako pero hindi na ako kumibo. He covered me with his jacket and he moved the strands of my hair off of my face dahil humaharang 'yon sa mukha ko.
And then I spend the night with this asshole that I hated the most beside me.
***