Chapter 2

1349 Words
Dahil sa pangyayari kahapon, sigaw ng Mama ko ang bumungad sa 'kin pagsagot ko sa telepono. Kung hindi lang kasi nakialam ang lalaking 'yon, malamang goods pa rin 'tong Mama ko sa 'kin. Pakielamero kasi masyado. Paki rin sa kaniya kung student council president kineme kineme siya, e. Masusustentuhan niya ba 'ko? "When will you learn, Ysabelle? Ang usapan natin magtitino ka na! Wala pang isang buwan ng pasukan tinawagan na agad ako ng school niyo!" sinasabayan ko na lang ang sinabi ni Mama dahil kabisado ko na 'yon. Every reklamo ata sakaniya, ganiyan ang sinasabi niya. "Ma, wala 'yon. Maliit na bagay lang 'yon. Sadyang masyado lang pakielamero 'yung lalaking nagsumbong sa 'kin sa guidance," napapairap kong sabi dahil sa sobrang inis ko para sa lalaking 'yon. Nakisabay pa nga 'yung teacher namin sa Science na nagsabing ibabagsak niya raw ako. Lol. First time? "Anong maliit na bagay? Ako ang napapahiya! Ayus-ayusin mo, Tatiana Ysabella ha! Ayus-ayusin mo. Sinasabi ko sayo. Uuwi ka rito sa Cavite." Nailayo ko ang cellphone ko sa sobrang lakas ng boses ni Mama. Panigurado akong kung nasa bahay namin ako pingot at kurot ang matatanggap ko. "Sige na, Ma! Babyeee! Mwaaa!" "Ysabelle, 'yung mga bilin ko sayo haaa! Sinasabi ko tala---" Binaba ko na ang telepono at humiga sa kama. Hindi ako papasok ngayon dahil wala lang. Gusto ko lang. Inis pa 'ko nang sobra, e. Wala na naman akong magagawang mabuti 'pag pinilit ko pa na pumasok ngayon. Baka mas lalo lang silang mainis sa 'kin. Nakakahiya naman. "Ano? Sarap mag-almusal ng sermon, 'no? HAHAHA! Cutting pa, girl! 'Kala mo maaakit mo si Mr. President, 'no? HAHAHA! Sakit ba? Tiisin mo 'yan, tanga! Deserve!" Agad akong dumampot ng unan at binato iyon kay Angela. Masyado na siyang maraming sinasabi. Dapat na siyang itumba. "Aray ko naman, 'te! You're so pikon talaga! Papasok na 'ko! Ikaw na bahala dito sa bahay, ah? Baka sunugin mo na naman. Tanda-tanda mo na tatanga-tanga ka pa rin," natatawang pang-aasar ni Angela. I raised my middle finger and waved her goodbye. "f**k you, Angela. Lamunin mo 'yang medals mo! Baka sakaling matawa na 'ko sa mga jokes mo. Pwe. Mais!" Tumawa lang siya and she also raised her middle finger bago tuluyang umalis. Whatever. Dati kasi nung iniwan niya ako dito sa bahay, muntik ko nang abuhin 'tong buong bahay. Naiwan ko kasi yung piniprito kong ham. Nakatulog kasi ako. Buti na lang at may fire alarm. Lol. Atleast buhay pa rin. Atleast nakakakain nang tatlong beses sa isang araw. Kinuha ko ang laptop ko at nag-online sa f******k. Nagpunta ako sa page ng school namin at nagbakasakaling may post sila dun about kay Mr. Oh-so-perfect-goodguy tsh. Scroll lang ako nang scroll pero wala akong makita. Akala ko ba SOBRANG galing niya? Akala ko nga perfect na siya, kingina niya. Bakit wala siya dito sa page? Dapat bida siya. Magaling siya, e. Wala akong nakita kaya naman lumipat ako sa **. Nagbabakasakaling meron siyang IG. Pero naalala ko, ni surname niya ay hindi ko man lang nalaman. Nonsense. I'll just take a nap. Antok na antok ako. But I still can't help but wonder, ano kayang deal nung lalaking 'yon? Though, the idea of him lecturing me yesterday still annoys the f**k out of me. *** Agad akong dumiretso sa CR pagkagising ko. I took a quick shower and got myself dressed. Ginamit ko ang kotse ko papunta sa mall. 3 months na kami ni Angela dito sa lugar namin pero hindi parin kami nakakapag-mall. Paano kami lalabas? Centralized ang bahay namin, malakas ang wifi, at madaming pagkain. Sinong gugustuhing lumabas at magbilad sa araw tapos puro pangit lang makikita mo? Just kiddin'. I parked my car and went directly to the mall entrance. Hindi kalakihan ang mall na 'to. Sakto lang. Hanggang second floor. Pero malawak naman. Puro estudyante ang nakikita ko dahil mag aalas singko na. Uwian na. Naglalakad-lakad lang ako at tingin-tingin sa mga shops. Wala talaga akong plano para ngayong araw. Gusto ko lang gumala dahil puro ako bahay-school-inuman repeat. I need new surroundings naman, 'no. Sawa na 'ko sa mukha ni Angela Louisse. Umay na. Napagdesisyunan kong pumasok sa store ng H&M dahil napagisipan kong bibili na lang ako ng mga hoodies. Tag-lamig ngayon, duh? Need nito. Hindi naman masamang ilibre ko ang sarili ko paminsan-minsan. Nauuwi pera ko sa ambag sa nomo, e. Pagpasok ko pa lang sa store, dumiretso na agad ako sa section ng mga hoodies. Ang gaganda. Ubos pera. Sakit sa bulsa! Pero worth it naman. Nagsukat lang ako nang nagsukat. Anim na hoodies ang nakuha ko. It'll cost me 6,000+ but that's fine. Minsan ko lang naman gastusan ang sarili ko. Pag nagka-boyfriend ako hindi na 'ko bibili ng hoodies, hihingi nalang ako. Be practical b***h. Tapos kapag nag-break kayo at pinabalik sa 'yo 'yung mga hoodies, gupit-gupitin mo muna bago mo ibalik para ayos. I am already halfway to the counter when someone accidentally bumped into me. Damn it. Napaupo ako sa sahig sa lakas ng pagkakabungguan naming dalawa. And ang sakit ng pwet ko at napunta sa sahig ang mga laman ng basket ko. Plakda, una pwet. Hindi ako nakatayo agad at nakayuko lamang ako dahil ang sakit ng pagkakaplakda ko. Nanghihina ako. Una pwet sa tiles men, if you know what I'm sayinnn'? Magmumura na sana ako nang biglang bumungad sa 'kin ang nakalahad na kamay. Kamay ng lalaki, and all those sexy veins, damn it. And that scent too. Tangina. Siya na naman? Nag-angat ako nang tingin at hindi ako nagkakamali. Si Mr. President nga. Standing infront of me wearing his plain black shirt and a cargo short with his checkered sneakers on. Bakit siya ganiyan? I think, that is illegal. Tinulak ko ang kamay niya at tumayo mag-isa. Hanggang dito ba naman iinisin niya 'ko? Hanggang dito ba naman guguluhin niya ang masayang araw 'ko? "Sorry Ms. Vergara. I didn't mean t---" "Wala akong paki sayo. I don't need an apology. Tsaka next time, tumingin ka sa dinadaanan mo. Maganda na nga 'yung nasa harap mo, hindi mo pa makita," pagtataray ko at nabigla ang mukha niya sa sinabi ko. Nilagpasan ko na siya at dumiretso na ako sa counter para magbayad. Para naman makauwi na rin ako dahil sira na naman agad ang araw ko dahil lang sa presensiya niya. Tinawag niya pa 'ko ng isang beses pero hindi ko na siya muling nilingon pa. Bakit, close ba kami? Hanggang makauwi ako ng bahay, ang pangyayari pa rin kahapon at kanina ang nasa isipan ko. How dare he? Talagang hindi siya pumapalyang sirain ang araw ko, 'no. I hate him. I hate him talaga. I hate him! "Oh, bakit nakakunot 'yang noo mo diyan? Panget mo bruha ka. Sinisira mo araw ko, e." "Not now, Angela Louisse. Baka mabato kita diyan." she just made faces and started doing her assignments. Or should I say 'our assignments'? Whatever, madali lang naman kumopya kay Angela. No need to worry. I continued eating my take outs from Mcdo and started scrolling through my Netflix. Finding a good series to watch para naman malihis ang attention ko. "By the way, Tati hehe. Alam ko na pangalan ni Mr. President hihi. Mainggit ka please." ??? "Nah. Bakit naman ako maiinggit? Sayong-sayo na, girl. Isaksak mo pa sa baga mo kahit 'wag mo na ibuga. He's not a snack naman for me. More like a frog para sa 'kin. " "Okay. Sabi mo, e." Mabilis lumipas ang oras. Nakatulog na si Angela dito sa sala. I finished 5 episodes din pala nang hindi namamalayan ang oras. While I am cleaning dito sa sala namin, I saw Angela's phone na nakapatong sa die table. It's vibrating. It's an alarm. Agad kong binuksan ang cellphone niya at nagpunta sa recent searches ng f******k niya. Wala run. Nagpunta ako sa twitter, at wala rin dun. My last card is **. Recent searches... and then, boom. Chase Maiko Razon. I can't help but stare at his face. How can he be so freakin' handsome and f*****g annoying at the same time?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD